"Silence everybody." Kuya Link told them. Nanahimik na silang lahat.
My eyes couldn't stop staring at Zilch, ang cute niya lang. Wala na siyang maupuan kaya ayon siya kay Langston, nakaupo sa kandungan.
Si Dylan naman minamasahe pa ang kanang kamay niya habang si Haruto kinuha ang ray-ban niya at siya ang nag-suot.
Si Kenji umupo na sa harap pagkatapos kong ituro sakanya ang upuan.
"You're all seasoned players. And I want all of you to confess how you play before and now. I don't want any short term, tell everyone, tell us every little details." Hawak hawak ni Papa ang marker para makapagsulat sa board.
"I always do reckless and clumsy ways pagdating sa laro, nagsunod sunod 'yon simula nung Season 2 hanggang 6. Palagi akong napapagalitan dahil don, but the time that I retired from that group. I started to pinpoint from my mistakes."
"What did you do? Binago mo ba, Iñigo? O hanggang ngayon wala kang pakialam at ganiyan parin 'yan ngayon." Dad stated. He was hitting a bell.
"I changed po, Tito. I started to change how I play but I never regret those mistakes because it leads me for where I am now. You know, kahit antagal kong naging tanga."
"Aminado, maganda 'yan." Pangaasar sakanya ni Langston.
Napatango si Papa sa sagot ni Iñigo.
"I'm a selfish support. Way back in my group, I always take a leave to heal even though my team was struggling. Yes, we always win a game but I never look for that mistake of mine. But when I entered this team, Captain pointed to me. I even reasoned out that I was adjusting. I never expected that I was wrong cause I always know that when I play, I'm always right. With that, I changed, being a support might not be destructive as everyone thinks but they still don't know about me and how I play." Ngumisi si In-Kyu. He's confident.
Everyone stated their mistakes and how did they end up to learn about it.
Everyone is done, tapos na silang maghayag ng saloobin na sa wakas naiayos na nila.
Napabuntong hininga ako.
"As a Captain, I was lacking. I lacked in encouragement to tell them that we should win. Palagi kong sinasabi kasi na ayos lang ang lahat kahit hindi na umangat but now, I don't want to go through that flow. If I can push all of you including myself just to get that trophy I will." I smiled. "The second one is that, I'm too overused, I was using all my skills without thinking straight, ginagamit ko kung saan dehado na tayo pero hindi kung saan may tsansa tayo. But now, I saw all the progress I made. Nasabi ko na lang na, nag-bago na ang paglalaro ko. It wasn't toxic anymore, it was knowledgeable and I even learned a lot from it."
Pumalakpak at ngumiti si Papa. "Ganyan ang ginagawa namin ng mga ka-grupo ko at alam kong dahil dyan, nakikilala niyo ang mga kasama niyo. With all of you saying all your mistakes and how did you overcome it was the key, 'yon ang naging susi para buksan niyo ang sarili niyo na makilala kayo ng iba."
Ang lahat ng mata nasa kay Papa, maliban kay Iñigo na nagta-translate kay In-Kyu.
"Hindi niyo napansin 'yon dahil busy kayo sa pagiisip ng kung ano ang ginawa niyo but that's a good thing dahil nalalaman niyo ang bawat isa ng hindi niyo man lang inaasahan. I want all of you to open up with each other especially to the new members. Open yourself up, it will make you a good team."
"Did you get me, Luctor et Emergo?" Dad asked everyone.
"Yes Sir!"
"Brayden have the paper of what will all of you do before the match. I want all of you to follow it. For now, rest. I'll give you till tomorrow and after that, mahigpit na training na ang hahararapin niyo."
"Yes Sir!"
"District Survival will come and you need to win. I don't need any reasons coming from all of you na ganito ganyan. Mananalo tayo, h'wag kayong pumayag na hindi." Sabi ni Papa.
Their eyes screams courage.
"Mananalo 'yan, nandito ako eh." Pagmamayabang ni Zilch.
"Manahimik ka supot at dinurog lang naman kita sa Town Survival." Ganti ni Haruto.
"You still have a day and half a day to do whatever you want. I'm going to leave and come back again. I'll stay here at your boothcamp. I'll go out now, team."
"Yes Sir!"
"Take care, Tito."
"Be safe po!"
Paglabas ni Papa nagkatinginan na lamang kami.
"So...?" I asked them.
Ang mga babae kunwaring umubo ubo sabay tungga tungga kunwari. Alam ko na ang ibig sabihin nila.
"Mamayang gabi." I said. Agad silang nagyugyugan.
"You can do whatever you want, go swim and whatever. Wag lang masyadong magpapagod may preparation pa."
"Yes Captain!"
Sa isang malaking malaking bowl, nilagyan ni Danica ng apple na hiniwa niya, Sierra then put on gummy bears and Haruto placed a lot of lollipops.
Sabay na binuksan ni Helix, Kuya Link at Lenox ang bote ng gin at ibinuhos doon ang laman.
The bar sa loob ng bahay ay sound proof kaya ang lalakas ng loob na magpatugtog ng malakas.
It's already 9, hinintay lang namin talagang makatulog si Zilch dahil hindi siya rito pwede. Hindi siya pwedeng uminom, 14 pa lang siya. He's still a baby boy.
Si Zilch ay anak ng Kapatid ni Lucius na nasa America. I recruited Zilch after he challenge me sa Auditorium of Illegality.
GAME WORLD FLASHBACK
Kakatapos ko lang sa pag monster raid kaya pumunta ako sa Auditorium of Illegality dala dala ng malaking ulo ng Dragon na pinatay ko kanina.
I was walking peacefully when someone hold my wrist.
Agad akong napatingin sakanya. Tumaas ang kilay ko.
His hair was dark silver, ang kanang mata niya ay kulay pula habang ang kaliwa may eye cover. He's not that tall, I guess 2 inches tall from me.
He's wearing a dark and glossy armor with a two tigreal blade on his back.
"Anong kailangan mo?"
"Let's have a duel. If I won, give that dragon's head."
"At bakit ko naman papatusin 'yan?" I can sell this dragon head sa black market and it cost for a hundred orbs, this dragon head is from the Aberra's Dragon.
"You don't need that."
"Why did you think hindi ko na 'to kailangan?" I arched a brow again.
"Why don't you just give that to me na lang? I'll give you money." Halata ang iritasyon sa boses niya.
"Kaya kitang pag-aralin. Tigilan mo 'ko, bata."
"Kaya kong bilhin ang buo mong pagkatao." Sagot niya.
"Aba, siraulo ka pala eh."
"I'm not. Duel tayo, pag manalo ako, bigay mo 'yan. I won't bump to a low class player like you if I don't need that."
Aba, pasmado bunganga nito ah.
"Ikaw ang low class dito dahil ulo lang ng dragon ng aberra hindi mo makuha. Ang hina mo, masyadong mahina." Ngumisi ako.
Pag-ginago ka ng kausap mo, gaguhin mo rin, h'wag kang magpatalo.
"What did you just say?"
Ang ikli naman ng pasensya nito.
"Ang sabi ko, ikaw ang mas low class dito. Mahina ka kasi ulo lang ng dragon ng aberra 'di mo pa makuha." Nangaasar ko siyang binigyan ng tingin.
He was fast like a thunder. Nagkaroon ng kulay lila ang paa niya, sa mabilisan niyang paggalaw, isinipa niya ang paa niya ngunit naharangan ko 'yon gamit ang kamay ko.
He's fast, he's goddamn fast like a poison crawling to your body in a matter of seconds.
Good thing, I was predicting.
Ang lakas ng impact. I wasn't expecting that.
Umangat ang mata ko sa UN niya.
itsnotTtZiLch
[Level: 105]
TANK/FIGHTER
"I'm not a catch to be your enemy. You're too slow." I said, pangasar lang naman.
Naglabas siya ng hook at isinabit sa leeg ko. Nag-teleport at natagpuan ko na lamang ang sarili ko kasama siya sa gitna ng ring.
"Kung hindi makuha sa maayos na usapan, pwersahan na lang." Aniya at hinugot ang blades niya.
"Nakakaistorbo ka." Sabi ko at ibinato ang ulo ng dragon sa tabi.
Pumunta ang mata niya ron. He released a hook, but before it would snatch the dragon's head, I take my leave in my place. I used a sprint and a matter of seconds, I'm choking him with my godsword pierced on his stomach.
"Kung madaya ka, mas madaya ako."
His life went down to 75. Hinugot ko ang espada ko at tumambling palayo para iwasan ang mga tinik na bigla na lamang nakuha galing sa espada niya.
I change my sword into a shield. He's from the District of Warlocks. Kaya pala kulay lila ang usok, kapareho palagi kay Loki.
itsnotTtZiLch didn't stop from attacking me with thorns. My shield covered my whole body. A butterfly shield again, hindi nila ako kita sa labas pero kita ko siya kung nasaan siya.
Sa labas kung saan kami nag-clash ng biglaan, nakita kong napapatigil sila sa pagkakaroon ng illegal clash at nagsinuod kung nasaan kami.
I saw different players from pro-league kaya kailangan kong umiwas sa pagpapalabas ng skill. Besides, he's not worth to pull out my skills.
I even saw Cerberus (Aexl) on the corner crossing his arms. Nandun rin si Churros (Chevi) at Spartan (Trevon) sa tabi niya.
My duration here in Auditorium of Illegality sa clash is 4 minutes, si Chaos ang nakalaban ko non. Now, I want to make it a little shorter.
2 minutes or even 1 and 30 minutes will do.
Hindi na ako nag-sayang ng oras dahil marami akong gagawin at kailangan kong matapos 'yon ngayong araw.
Pagbalik sa dating mukha ng espada ko. Napuno na ng lason ang kinatatayuan ko.
Inilabas ko ang pakpak ko at lumipad bago pa niya pakapitin sa akin ang ugat ng lason na hindi man lang nakikita pero mararamdaman.
"Oh, my skill was visible to you. Galing mo naman." Ngumisi siya.
"Matagal na." I stated and fly towards him.
Inilabas niya rin ang pakpak niya, hindi ko maiwasang mamangha dahil gawa 'yon sa tinik at balat ng isang puting tigre at isang pula. That wasn't a normal wings, magkabilaan ang kulay.
Who the hell is this guy? Ngayon ko lang siya nakita.
Inikot niya ang blade niya at hinawakan patalikod.
This guy gotta give me a good game or my time will be wasted. I planned na pumunta pa sa Masonry!
Hindi ako naghintay at ganon rin siya. Parang may kidlat na dumaan sa mata ng bawat isa sa bilis naming dalawa.
Nagtagpo ang espada namin at nakakamangha lang kung gaano kasabay ang pagtaas ng defense namin. Even though we reached the final level, the defense and such will still rise.
Kalansing lang ng kalansing ang espada namin. Ang mga nanunuod na players nadadagdagan lang and I even saw some of my teammates having their bets, pinapamunuan pa nina Drain at Blood (Langston and Kenji). Mga siraulo talaga.
"Sa bawat laban kailangang tanggapin na may matatalo at mananalo." Sabi ko. "Kaya tanggapin mo 'yang pagkatalo mo."
itsnotTtZiLch coughed a blood. "H-hindi mo s...sure."
He's about to cast his last spell ng malakas ko siyang ibinagsak sa lupa. Debris and dust flew in the air.
Pagtingin ko sakanya sa baba, a white light caught him.
ILLEGAL CLASH
ROAR WINS!
BET: 100,000,000 ORBS
Putangina ng mga kasamahan ko sa grupo, kaya pala anlalakas ng sigaw eh ganyan kalaki ang makukuha nila at ng ibang pumusta sa akin.
Clarification, not because we're already known and I was exposed as Blingbling sa akin lahat ng pusta, hell nah, may minsan ngang walang may pumusta sa'kin e.
Dito sa DSO kasi there are players na average but not in a pro-league, ang tataas ng mga standards nila. There's also some players dito na grabe kung pumusta sa isang player na makikipaglaban dahil pumasok lang sa standards nila.
"Oh! Putangina! Ano kayo ngayon? Yayabang niyo ah!" Narinig ko si Drain (Langston). 'Tong batang 'to talaga 'di na tumatahimik.
Pinulot ko ang ulo ng dragon at naglakad pababa, hinayaan ko na lamang ang mga dugo sa katawan ko.
"Nanalo lang naman dahil sa mga gamit." Sabi ng isang player pag daan ko.
Hindi nga naman nawala sa DSO ang mga toxic.
Napahinto ako at bumaling sakanya. "May utak lahat ng tao, ginagamit 'yon pero ikaw hindi mo ginamit, and do you think you'll win?"
I scoffed and defend his sword with my feet. Inapakan ko lang 'yon hanggang masira.
"Iba nga talaga ang mga nasa pro-league, mayayabang." Aniya at biglang nag-teleport.
Napailing na lamang ako at naglakad.
"That's a good fight." Salubong sa akin ni Cerberus na nasa may labasan.
Ngumiti ako at napailing. "Pwersahan ang laban na 'yon. Hahanapin ko pa nga 'yon eh."
"Anong gagawin mo don?" Tumaas ang kilay niya.
"Bibigay ko 'to." I raised the dragon's head. "Consolation na lang."
"Samahan kita."
"May monster raid kayo nina Trevon, doon ka na."
Ngumiwi si Cerberus at nagpaalam na lamang ng daragin na siya nina Churros.
Pumunta ako sa Chapel. Nakita ko si itsnotTtZiLch na kakalabas lang.
"Hoy!" Tawag ko habang nakasandal sa may poste.
Napalingon siya sa akin.
"Ano?" Sinamaan niya ako ng tingin kahit wala akong ginagawa sakanya.
Iniksa ko sakanya ang ulo ng dragon. He caught if and hold it on its ear.
Umangat ang sulok ng labi niya. "Hindi mo 'ko pupuntahan kung wala kang hihingin."
Napangisi ako. "You're good but irritations consumes you."
"Be specific, what do you need?" He's impatient, sa boses pa lang.
"To be in my group." I said. I've been roaming around the map and couldn't find someone who will complete Luctor et Emergo, yet the blessings just came to me.
itsnotTtZiLch arched a brow. "A low class group?" Tumawa siya. "Hell nah."
"Luctor et Emergo." I flashed my stats in front of his eyes.
LUCTOR ET EMERGO
Summer Cup Season 7 Winners
Town Survival Champion
Top 4 Player Roar
Top 5 in Philippine Rank
Top 10 in World Ranking
"I'm Captain Roar of Luctor et Emergo." I introduced myself.
"You're with Tito Lucius." He said. Napatango ako. He knows Lucius.
"I'll contact you later. I need to settle somethings. I'm down for your invitation, Cap."