Suddenly, You're not Inlove

Door misspaui

8.6K 426 267

Iisang bagay ang dahilan kung bakit nainlove si Annie kay Mindy. Ang isang bagay na ito kaya ang magiging dah... Meer

Suddenly, You're Not Inlove
Aso't pusa
4yearsago
Crush
Not her happiness
Ikaw
Confused
Someone
Congratulations
Ballpen
her girlfriend
Girl na friend
I believe you
Annie Baby
Legal
Good news
Family Outing
Sweet corn
Shit
Missing Ring
Call
take care of you
Piggyback
Ulan
Okay?
Mahal
Mix emotions
Mahal 2.0
Why?
Miloves
I like her
The ring
Deja vu
Pahinga
Delusional
I hate that ring
5 years from now
Flashback

Singsing

156 6 12
Door misspaui



Nag-enjoy kami buong weekend dun sa Batangas. Sinulit namin ang dalawang araw na yun. Mas masaya ako kasi hindi lang pamilya ko ang kasama ko pati na rin ang miloves ko.



Kasalukuyan akong nakaupo sa swivel chair dito sa trabaho ko habang tinitingnan ang mga pictures ni Mindy sa cellphone ko na ako mismo kumuha. Natatawa nga ako sa pagmumukha niya kasi kahit di na siya nakaawra todo picture pa din ako sa kanya haha. Yung iba blurred pa haha.





"Parang baliw naman tong isang to..." rinig kong komento ni Christy sa katabing desk. Napatingin ako sa kanya.




"Sinong di mababaliw kakatawa sa mukhang to?" Natatawa kong sabi sabay pakita sa kanya ang litrato ni Mindy na stolen shot at timing na nakawacky yung face haha. Natawa naman si Christy sa pinakita ko "See? Langyang mukha to." Komento ko na nakatitig sa mukha ni Mindy sa screen ng cellphone ko.





"Langyang mukha nga yan pero yan din naman ang mukha na kinahumalingan mo." Saad ni Christy na pailing iling pa ang ulo habang nakangiti.




"Oo naman. Kahit gaano pa kapangit abutin nitong miloves ko, lahams na lahams ko pa rin to no." Sabi ko kay Christy.




"Ang tagal niyo na din sis no?"




"Oo nga eh. Sa tingin ko oras na para maghanap ako ng iba." Biro ko.




"Hoy! Grabe naman to." Reaksyon niya.




Natawa na lang ako "Nagbibiro lang naman ako. Siyempre di ko gagawin yun no? As I've said, lahams ko yun sobra."




"Alam mo ang swerte ni Mindy sayo kasi may mapagmahal siyang jowa like you." Well, swerte nga talaga siya sakin pero I beg to disagree char haha.



"Mas maswerte ako sa kanya, Christy. She's one of a kind. Wala na akong mahihiling pa dun." Nangalumbaba naman ako habang nakangiting tinititigan pa rin ang litrato ni Mindy sa phone ko. Habang tinititigan ang litrato niya ay naalala ko naman na malapit na pala ang 4 years anniversary namin. "Shit! I have to prepare something nga pala for our anniversary. Muntik ko na makalimutan."



Malaking bagay sakin ang anniversary namin ni Mindy. Kahit kailan hindi ko yun nakakalimutan o pinapalagpas. Palagi akong may binibigay sa kanya even the smallest or simplest of things eh naaappreciate niya pa din yun. That's what one of the things I love about her.

She's my first ever girlfriend. Siya yung unang taong minahal ko ng ganito kalalim.


I know it's not necessary to give her such things pero ganun kasi ang isa sa mga love language ko.


Napapaisip ako kung ano ba pwedeng ibigay sa kanya. Last year kasi ginawan ko siya ng fave niyang sushi with gifts then a letter. Siyempre di mawawala yung letter, makaluma ako eh hehe.




"Sis, ano kaya pwedeng iregalo kay Mindy?" Tanong ko kay Christy na kasalukuyang nakatingin sa PC niya.



"Hmm...bakit di mo siya bigyan ng kahit ano." Suggest niya. Eh kung may kahit ano lang sana na bagay eh kanina ko pa yun nabili kaso wala namang ganun. Napalingon siya sakin ng di ako naimik. Napabuntong siya ng kanyang hininga "Okay, what I'm saying is kahit ano ibigay mo kay Mindy for sure maaappreciate niya yun."



May point siya. Lahat naman ng binibigay ko dun eh naaappreciate niya talaga. Kung dati akala ko sosyal at materialistic na babae si Mindy well, nagkamali ako. Kabaligtaran siya ng mga nasabi ko. Simpleng babae lang siya na may taglay na kaartehan haha.



"Bigyan ko kaya siya ng singsing?" Napaisip ako. Hindi ko pa siya nabibigyan ng mga jewelry if ever eto yung first na bibigyan ko siya. "Tama. Singsing na lang ibigay ko sa kanya."



"Bakit singsing?"


Napatingin ako kay Christy. Napakibit ako ng aking balikat "Bakit hindi? A promise ring. I'll give her a promise ring." Nakangiting sambit ko.



Napatingin si Christy sa daliri ko "Kanino galing yang singsing na suot mo? Kay Mindy?"



Napatingin din ako sa daliri ko. Ang totoo niyan di ko alam kung pano napunta sa daliri ko tong singsing basta nagising na lang ako nun meron na ako nito sa daliri ko at kahit anong gawin ko di ko siya matanggal-tanggal.




"I know it's weird pero hindi ko alam kung pano napunta to sa daliri ko eh."




"What do you mean?"



"May afterparty kasi kami nun sa Prom dati and halos lahat kami nakainom na. Naalala ko nawalan na ako ng malay nun then kinabukasan nagulat nalang ako na meron na akong singsing sa daliri ko." Explain ko sa kanya.



"Weird nga." saad niya.


"Alam mo kung ano ang pinakaweird? Hindi siya matanggal sa daliri ko." share ko pa sa kanya.



"Imposible."



"Posible kamo. Try mo." Pinatry ko sa kanyang tanggalin ang singsing at gaya nga ng sinabi ko hindi nga siya matanggal.




"Bakit ayaw matanggal?" Kunot noong tanong sakin ni Christy.




"I don't know."


"Alam ba yan ni Mindy?"



"Oo. Hindi niya rin matanggal eh." Nakwento ko kasi kay Mindy about dito sa singsing. Nagtataka din nga siya kung bakit ayaw matanggal at kung paano napunta sa daliri ko ang singsing.




"So, ano? Forever nalang yan sa daliri mo?"



"Di ko talaga alam eh."



"Pacut mo nalang kaya yang daliri mo?" Suggest niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin "Haha eto naman biro lang." natawa naman siya "Well, balik tayo dun sa regalo na ibibigay mo. Wala ba siyang mga nakahiligan lately?"


"Hmm? Bukod sa pagmemake-up ng mga patay? Wala eh." Bahagya naman natawa si Christy.



"Loko ka talaga. Sige kung singsing na talaga ang gusto mo ibigay...Go." Pagkumbinse pa ni Christy sakin.



Nginitian ko nalang siya.





After ng trabaho ko ay sakto naman na tumawag si Mindy. Napasmile naman ako nang makita ko ang litrato niya na ginamit ko for her contact. Kahit ilang taon na ang nakalipas ay ganun pa din ang nararamdaman ko para kay Mindy. Hindi nawawala ang excitement at kilig ko sa kanya. Siyempre yung love ko for her ay mas lalo lang lumalim. I think I can't unlove her if ever man na merong ganun hehe. Imposible na mangyari yun.



"Milooooves!" Energetic kong bati sa kanya mula sa kabilang linya. "Kamusta kana?"



Narinig ko naman na medyo natawa siya "Ang saya ata ng mahal ko ah."



"Siyempre tumawag ang happiness ko eh." Sabi ko habang nakangiti.




"Ayee. Anyways, andito na ako sa labas ng building niyo. I'll wait for you na lang here."




"Okay Miloves. Pababa na." After nun ay ibinaba ko na ang phone at dali-daling nagtungo sa labas ng building.



Nang makalabas ay naabutan ko si Mindy na kausap si Gelo. Napairap nalang ako ng aking mata.



"Miloves!" Tawag ko sa kanya sa seryosong tono ng boses.



Sabay naman silang napalingon ni Gelo na nakangiti. Aba!



"Mahal." Tawag niya sabay lapit sakin at saka ako binigyan ng halik sa pisngi. Nakatingin ako kay Gelo. Napaiwas naman siya ng tingin sakin. "Kanina ka pa ba andito?"



Nabaling ang paningin ko kay Mindy saka siya binigyan ng malambing na ngiti "Kararating ko lang Miloves. Uwi na tayo?"



"Sure. Let's go." Napatingin siya sa gawi ni Gelo. "Gelo mauna na kami." Aba! At nagpaalam pa. Yung totoo? Close ba sila?




Nang nasa biyahe kami ay di ko naman maiwasan na tanungin si Mindy about kay Gelo "Close kayo?"



Napatingin siya sa side ko "Nino?"



"Gelo." Tipid kong sagot.



"Hindi ah. Kanina lang nga kami nag-usap."



"Ano pinag-usapan niyo?"



"Wala naman. May naikwento lang siya about sayo." Sagot niya. Napatingin ako sa kanya.




"Ano yun?" Curious kong tanong.





"Kung gaano ka kasipag sa trabaho at kung paano mo daw ako ipagmalaki sa kanila. Bukambibig mo daw ako eh." Napapangiti siya habang nagkukwento.



Napangiti naman ako sa kanya "Well, ganun talaga siguro pagmahal mo talaga ang isang tao."



"Love mo talaga ako no?" Nakangiti pa rin siya.




"Oo naman. Sobra." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya na nakarest sa manibela ng kotse. Napatingin siya sakin ng saglit. Hinalikan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya.




"Sana hindi mawala yang Love mo sakin..." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.




"Miloves, kahit kelan di mawawala ang Love ko para sayo. Imposible yun." Sabi ko pa.




Nginitian lang niya ako. I don't know why pero there's something in her smile. Yung para bang hindi buo yung ngiti na ibinigay niya. Ikinibit ko na lamang yun ng aking balikat. Baka pagod lang siguro siya sa trabaho kaya ganun.








🖤

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

523K 19.1K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
95.8K 4.1K 2
a one-shot story from your favorite band in pursuing our freedom- anagapesism. alluringli ©2022
7.8K 381 13
A 𝗴𝗲𝗻𝘂𝗶𝗻𝗲 yet 𝗱𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲. - 𝑹𝒆𝒂𝒈𝒂𝒏 𝑺𝒘𝒆𝒆𝒕𝒛𝒆𝒍 𝑨𝒍𝒃𝒂𝒏𝒐 & 𝑨𝒍𝒍𝒐𝒓𝒂 𝑽𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕𝒊𝒏𝒂 𝑴𝒐𝒏𝒓𝒐𝒆 ❣
Gapang Door vhfc_13

Kort verhaal

11.2K 35 23
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)