"Good morning." Bati ko sa kanila.
Alas nuebe ng umaga, gising na ang lahat.
Pumunta ko ang mata ko kay Iñigo. "Iñigo, anong sabi ko kahapon?"
Napatingin siya sa akin. "I was feeding Kyu."
"Ibaba mo 'yan."
Ngumuso siya at napipilitang ibigay kay Shanea ang pusa niya.
"Laki naman ng pussy mo." Nakatulalang sabi ni Langston kay Iñigo.
Napaiwas ako ng tingin, sunog ang mukha nilang tatlo, mga tanga kasi, ang init init kahapon pero 'di nagpatinag, nagsitalon sa dagat ng hindi naglalagay ng sunblock.
Habang ang iba naman, hindi gaanong nagka sunburn dahil nagsilagay ng sunblock.
Si Sierra kahapon pa nagyayabang dahil na achieve niya ang tan skin niya.
"Tangina mo talaga, pinturahan ka namin ng harina." Sabi ni Danica. Tumawa lang si Sierra sabay kunwaring hawi ng buhok.
"Taga sayaw ka ba sa ati-atihan?" Pangaasar ni Kenji kay Langston.
"Aray! Wag mong hawakan!" Awat ni Langston kay Kenji ng tinuro nito ang pisnge niya
"Oa nito, tinuturo lang eh."
"Masakit, 'wag mo 'kong kausapin kasi!" Salubong na ang kilay ni Langston.
"Edi don't, 'wag kang hihingi sa'kin ng cream." Dumila si Kenji
"Edi bibili ako, tanga mo naman." Inirapan siya ni Langston.
"Sungit mo uling."
Tumawa ang lahat. "Uling." Sabay nilang sabi at napatawa na lamang lalo.
I finally feel relief since nakikipag usap na sakanila si Rocco.
"Shanea, kumain ka na." Pag-aya ko, bini-baby niya kasi si Kyu.
"Kumain na 'ko kanina eh, mamaya na lang."
"Kaya ka mukhang skeleton." Pagpaparinig ni Iñigo.
"Alam mo, walang ginawang pangit si Lord pero 'yung magulang mo meron." Inirapan ni Shanea si Iñigo.
Napaismid kaming lahat.
"You still annoy, Shan--"
"That's not what you think it is, motherfucker."
Ngumisi ngisi si In-Kyu. "Di mo sure."
Tuluyan na akong napatawa, astig rin ng mga nagtuturo sakanya ah.
In the middle of breakfast, i received a message.
Captain Aexl:
Psst.
Ako:
Bakit?
Captain Aexl:
Ano meaning nito?
ngl
Ako:
not going to
langit
Captain Aexl:
👍
Ako:
HAHAHHA joke lng.
Nakita ko sa twitter yan.
Not gonna lie, raw.
Captain Aexl:
fr?
Ako:
Friend request
Captain Aexl:
ge na lang
Ako:
HAHAHAHA tama naman ah. Ikaw nga dati sabi, fr ako.
Captain Aexl:
🙄
istg
Ako:
I wanna be an army and save Pakistan and destroy India, strong army woooow grapeeeee!!!
Captain Aexl:
😶😶😶
Tawang tawa ako sa pinaggagawa ko. Aba malay ko ba kung ano 'yung istg na 'yan, ang alam ko lang e ily, edi sana 'yon tinanong niya nakalibre pa siya ng 'I love you' sa'kin.
Ako:
Hindi ko alam kaseee, tanong ka pa iba😂
Captain Aexl:
tbh
Ako:
To be honest!
Captain Aexl:
btw
Ako pa ba?
Ako:
Ha?
Captain Aexl:
*attached a photo*
Napatawa ako, picture namin ni In-Kyu na naghihintay kay Iñigo sa pet store.
Agad akong nag-excuse at pumunta sa sala. Tinawagan ko si Aexl para makipag-face time.
"Nagseselos ka 'no?"
"Hindi, masaya nga ako eh."
Napatawa ako. "Nasa pet store kami naghihintay kay Iñigo. Bagong member ng Luctor et Emergo 'yan. Magkasama kami ng buong team."
Ngumiwi siya.
"Ayaw mo bang maniwala? Alam mo, bakit pa ako magtwo-two time kung wala akong oras sa'yo." Napatawa ako ng mas lalo siyang napangiwi.
"Tsk. I'm just, you know, uh... Di ko ma explain. Basta ganon."
I talked to Aexl for a little to make him feel better. Masyado nang stress ang Kapitan ng Principium kaya ayoko nang dagdagan pa so I explained but I never leaked about my new members.
"Ang aga aga ha, landi niyo." Sabi ni Loki ng yumakap ako kay Eustace.
"Tigilan mo 'ko bakla, ako 'di ko kasama 'yon kayo araw araw."
After we eat, kaniya kaniya nang ligo. Pagpasok ko sa game room, ako pa lang ang nandito kaya pinagtitignan ko ang mga profile nila sa DSO.
I was busy and waiting when someone called me. Napangiti ako ng makita ang caller.
"[Hello, Captain!]"
"Sup, Zilch?"
"[I was good naman a little. I'm going sa bahay niyo later night. I already told my parents and they agreed since kinuha nila ako sa former group ko.]" Tumawa siya. "[You're going to have a best fighter slash tank!]"
"Inom ka maraming tikitiki, tignan ko laro mo mamaya."
"[Sus, parang 'di ako nakalaban sa Town Survival ah.]"
Napatawa ako sa nagyayabang niyang boses.
"See you when I see you later. Last member ka na."
"[You're not going to regret it. Sila, magsisisi silang tinulak nila ako palabas. See you mamaya, my new Captain.]"
Napangisi na lamang ako at ibinaba ang tawag.
Humiyod ako.
I claim it, it will be Luctor et Emergo's Season.
"Kamusta? Uuwi na ba dito si Zilch?"
Napatingin ako kay Lucius na umupo sa tabi ko. Napatango naman ako.
"Yeah, he called me just a minute ago."
"Sana naman 'wag magpasaway ang batang 'yon, sa amin pa naman ibinilin ni Kenji."
I chuckled. "Practice niyo na 'yan."
"Gago."
"Landi niyo ah."
Napatingin kami kay Kenji. Nang asar si Lucius at niyakap pa 'ko.
"Lalandiin ko din si Aexl next month, tatawagin ko tas sabihin ko 'psst 150'!"
"Ayaw ng 150 nun, bitin." Tumawa kami ni Lucius.
"15 million sige, meron na 'ko nun."
"Bayaran mo muna limang piso mo na utang sa'kin. Tangina mo, 2 years na 'yon." Hinampas ni Lucius si Kenji sa pwet.
"Pwede bang limang kiss na lang?" Ngumiti si Kenji. Hanggang sa bigla siyang humagikgik at hinampas pa 'ko.
"Tangina, kung kikiligin kayo 'wag niyo 'kong idamay, 'yung balikat ko matatanggal na." Sabi ko. Napatawa naman sila.
"Oh? Sobra pa nga minsan ng five kiss binibigay ko sa'yo tapos pababayarin mo pa 'ko."
"Hoy, isang token pa 'yon sa arcade, bobo."
"Bilhan kita 100 tokens, 100 kiss."
"Tigilan mo 'ko at may naiinggit."
Sabay nila akong tinignan, napasimangot ako.
"Sasampalin ko na kayo lahat, araw araw kayo naglalandian sa harap ko."
"Kasalanan mo naman kung bakit kami naglalandian eh." Si Brazil na kakapasok lang, nakasakay pa siya sa likod ni Kuya Lucian.
"At bakit ako?"
"Sa tingin mo kung may Luctor et Emergo, magkikita kita kami?"
"Tulay 'yarn?" Tumawa si Langston na kakapasok lang, nakabuntot naman sina Haruto at Dylan.
"Tulay siya papunta sa impyerno." Pag-epal ni Danica, pinakyuhan ko naman siya kaya tumawa ang gaga.
"Nasaan 'yung iba?"
"Naliligo pa, si Iñigo inaaway si Shanea dahil hindi binilhan 'yung pusa niya nang damit." Sabi ni Lenox.
"Tangina ng batang 'yon."
"Ipasok mo na sa sako, isama mo na 'yang tatlong 'yan." Pagtuturo ni Rocco sa tatlong teletubbies. Sabay sila ni Helix na pumasok.
"Sa pogi kong 'to isasako lang?" Sabay na sabi ng tatlo. Nagkatinginan sila sabay nag pogi pose.
"Pag kayo 'yung tambay sa kanto na nag-gaganyan, baka ipahabol ko pa kayo sa tanod."
"Bat 'di na lang ikaw 'yung humabol?" Ngumisi ngisi si Langston kay Kuya Link.
"At bakit nanaman bubwit?"
"Kasi mukha ka namang tanod! Nasa 7/11 lang eh, daig mo pa si Lola na nakapamewang habang naghihintay!"
"Utak mo nga katulad ng etits mo."
"At bakit nanaman ha?"
"Kasi maliit!" Kuya Link affirmed. Nagsitawanan kami ng namakyu si Langston.
"Ipapasok talaga kita sa google chrome!"
"Ipasok mo, ang liit mo naman, dalawang tupi ka lang naman."
Finally, after waiting, kumpleto na kami.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa harap. Ang mga nakaupo sa PC napaharap rin sa akin.
"15 minutes before the Coach arrive and 30 minutes before the new and last member arrive." I announced.
"May last member pa?!" Everyone uttered maliban kina Kuya Link, Kenji, at Lucius.
"Yeah. And Kuya Link will announce something."
Tumayo si Kuya at pumunta sa tabi ko, akala ko 15 minutes bago makarating si Papa pero nandito na siya.
"Good morning, Tito!" Bati ng mga kasama ko, maliban sa mga bago na napatulala kay Papa.
"Good morning, mga anak."
Isa isang tinignan ni Papa ang bagong mukha. Napatawa siya ng makita sila bago tumabi sa amin ni Kuya Link.
"'Nak, kalmahan mo. Hindi ko akalain na umabot ka ng international kakahanap ng kasama."
Napatawa ako. "We just bump that easy." I winked. Napailing si Papa.
"Link, sigurado ka na ba?"
Ngumiti si Kuya. "Yes Tito, matagal ko nang napagisipan 'yon, bago pa ang Summer Cup. Kagabi ko lang nasabi kay Euphrasia."
"Ayos lang ba sa'yo?" Baling ni Papa.
Ngumuso ako. "Honestly, ayaw ko. But what can I do? Desisyon 'yon ni Kuya, ayos lang naman kasi 'di niya iiwan ang Luctor et Emergo."
"Hindi ko iiwan mga sisiw ko."
"Then, better tell them. It's better be good, baka magtampo."
Napatango si Kuya.
"Alright." He cleared his throat.
Sina Dylan himala at nananahimik, kanina pa sila nakatitig kay Papa.
"I want to tell everyone that, I no longer be part of Luctor et Emergo." Kuya Link smiled.
"Ano?!"
Napatayo na sina Lenox.
Si Maddison naman chill lang, alam niya naman kasi since kasama siya ni Kuya kahapon ng kausapin ako. Yes, ako lang.
"Gago ka ba?" Namewang si Kuya Lucian.
"Hindi magandang biro 'yan." Napailing si Lucius.
"Tangina naman pre." Lenox hissed.
"District Survival na oh! Last season na, tangina mo naman." Pagmumura ni Kenji. Napatingin siya sa'kin. "Pumayag ka?"
Napatango ako. "Yeah, I did."
"Ano?!" They hissed.
"Ang OA niyo." Napailing si Kuya.
"Paano hindi magiging OA kung sa kasagsagan ng tournament aalis ka. Eh, tanga ka pala eh." Nagsalubong ang kilay ni Kuya Lucian.
Halatang patawa na si Kuya Link pero pinipigilan niya. Si Langston kasi lumuha na.
"Why? You don't need me anymore. May bago nang member."
"So? Ano?" Danica raised a brow. "Dahil may bagong member aalis ka? Bakit pa tayo naging Luctor et Emergo kung mawawalan ng isa."
"Are you crazy? We started this group together! Mananalo tayo ng sabay." Brazil spoke. Itinuro niya ako. "Then ikaw Yesenia, pumayag ka rin. I can't believe the two of you."
"You're all insane."
"Hindi ka man lang nag-consult sa'kin na Co-Captain mo." Pangongonsensya ni Kenji, halata pa ang pagtatampo.
"Kuya, walang hiya ka. Nadadamay nanaman ako." Bulong ko sabay tunggo sakanya.
Napatawa si Kuya Link. "Ang over acting niyo."
"Hindi, magkalimutan na tayo, aalis ka pala eh!"
Kahit kailan itong si Langston at Kenji ang OA talaga.
"Sinabi ko bang sa grupo?"
"Oo!" They all affirmed.
"Bobo, welcome me as your new coach." Kuya Link flashed a smile.
Natigilan sila.
"Ha?"
"Luctor et Emergo's Coach, Brayden Link." Dad announced.
Ang mga gago humiyaw. Binato nila kami ng takip ng soft drinks. Si Dad naman natatawang lumayo sa'ming dalawa na kinakawawa ng onse. Si Maddy naman, napailing iling na lamang.
"Tangina naman, kinabahan ako don ah." Sabi ni Langston.
"Aminin, mahal ako." Ngumisi ngisi si Kuya pangasar.
"Pag mawala ka kasi baka wala nang may manglibre sa gucci. Malaking kawalan 'yon." Lachlan stated at sa wakas naupo na rin.
"Yeah, I agree."
Nagsiupo na sila sa wakas. Si Kuya Link, napailing na lamang. Nang lilibre nga talaga 'to ng mamahaling bagay.
"U-uhm, Sir." Si Dylan. Kanina pa sila nakatitig kay Papa.
"Yes?"
"Pogi mo po, Sir. I'm a fan." Dylan uttered, kabadong kabado ang boses.
Napatawa si Papa. "Nice to meet you. Care to introduce yourselves?"
"I-i'm..." Ngayon ko lang nakitang umatras ang kapal ng mukha ni Dylan at hindi ko maiwasang matawa.
"I'm Dylan from Russia... I mean, a former Captain. My class is a fighter."
Ngumiti si Haruto. "I'm Haruto, a former Captain of Whisk of Assassin from Japan."
"I'm In-Kyu. A former Captain from Korea."
"I'm Rocco, former Assassin of Silent Peace and still Top 1 on the rank for Assassin's."
"I'm Iñigo, you know me naman Tito. But, I'm a Tank and a former member of Kyu's team."
"Helix from Spain, a Tank and a former Captain. We won 4 consecutive times in Town Survival."
"Pero natalo namin! Booooo!" Pagmamayabang ni Langston.
"Puro ka lang naman tago." Sagot ni Helix sakanya. Tinawanan naman siya ng mga nakakatanda.
"Alright, girls and boys. Sit down." Dad urged.
"You're rocking the boat."
Sabay sabay kaming napabaling sa pintuan.
"Here comes my stress." Napailing si Lucius.
"Oh, kaibigan niyong supot rin." Tumawa si Kenji.
A boy was standing with a headset straddled on his neck. May ray-ban pa na nasa ulo lang niya. He's wearing a white shirt na maluwang at naka-shorts lang, he paired it with a cute dinosaur crocs.
"Hello!"
"Hi big boy!" Bati ni Kenji.
"Sup, Tito's husband." Ngumiti si Zilch. Inasar nina Danica si Kenji na kunwaring walang pakialam pero namumula.
"Halika rito." Utos ko. Naglakad siya papunta sa akin, sinundan naman siya ng lahat ng tingin.
"Langston, ganyan ka kaliit dati." Sabi ni Eustace.
"Mas malaki ako!"
"May bagong baby na Ate mo, hindi na ikaw." Pangaasar ni Loki.
"Malaki na 'ko, 'di na ako kailangang i-baby. Duh, may girlfriend na 'ko, no."
"Hi Sir."
"Hi Kid."
"Magpakilala ka na sakanila para makapagsimula na tayo."
"I'm Zilch, I'm a Tank Fighter from my former group in America. I was contacted by my Tito after I left my group so here am I. Besides, it wasn't easy to enter this group." Panimula niya at pinagkrus ang mga braso. "I need to defeat the Co-Captain and the Captain for 1v1. Nakakainis kasi unang beses ko lang matalo. I'm 14 years old and I started to play when I was 10."
"Baka kulang pa, dagdagan mo pa." Sabi ko, he's madaldal, naalala ko tuloy sakanya si Langston nung nagsisimula pa lang.
"Well, I'm here to make this group win. That's it." Zilch boastfully shrugged.
"Sige, punta ka na sa mga Kuya mong teletubbies, kumpleto na kayong apat." I smiled at him.
"Thanks." Humalik muna siya kay Lucius bago tumabi kina Langston. "Pangit niyo naman."
"Wow, kapal ng mukha mong batang hamog ka."