Waves of Life

By ren_esteron

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... More

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 4

992 43 2
By ren_esteron

Venus

Naging laman ng balita ang nangyari. Ang tangkang pagkidnap sa unica hija ng mga Del Valle. Idagdag pa ang pangingialam ng mga Marcoses ng walang pag-aalinlangan ay mas lalong dinumog ng reporters ang hospital. But no one was granted an interview.

"I'm sorry.." iyak ng iyak si Sam habang nasa lobby kami ng hospital.

Maliban sa mga pasa at galos sa katawan ay walang ibang nangyari sa mga magpipinsan. Si Sandro, kung hindi dahil sa akin ay hindi sana mapapahamak. Nadaplisan ng bala si Miko sa itaas na bahagi ng kanyang kaliwang balikat. Kasalukuyang nagpapagamot ang dalawa sa loob.

She was comforted by Gov. Manotoc. Nakaupo lang ako sa isang sulok habang pinapanuod ang pagsidatingan ng mga pamilya nila. Ang lahat ay tila ayaw paniwalaan ang nangyari. Sinong mag-aakala na sa higpit ng bantay ng mga Del Valle ay may mangyayari pang ganito?

Samantha's parents came together with Sir Dominic and Atty. Riza. Sinalubong kaagad ni Sam ang mga magulang at kapatid. Sa likuran ay nandoon ang parehong mga police at bodyguards ng mga Marcos. Ang iba'y tauhan din nina Samantha.

"How's Sandro?" si Atty. Riza.

I couldn't help but felt guilty about what happened to Sandro. Kung hindi ako tila tanga na nakatayo doon, malamang ay hindi siya ni nadaplisan man lang ng bala. He looks capable in defending his self. Hindi kasali doon ang pagsalo ng bala na para sana sa akin.

"He is fine, Tita." si Michael. "Maya-maya ay pwedi na natin siyang puntahan."

"I'm sorry, tita." si Gov. "If we were there, hindi sana mangyayari 'to. Muntik nang mapahamak si Sam dahil hindi namin siya nabantayan."

"Are you kidding?" ang Daddy ni Samantha. "Kung hindi kayo dumating ay baka natangay na ng mga lalaking iyon si Sam. It's a shame that it actually happened in our place. Walang kwenta ang mga tauhan ko."

"Magpasalamat na lang tayo at walang nangyaring masama kay Sam.." si Sir Dom. "At hindi malubha ang natamo ni Sandro."

Pumikit ako at isinandal ang ulo sa pader na nasa aking likuran. The blood in my arm felt sticky. Ni wala akong panahon kanina para ayusin ang sarili ko. Ang alam ko lang, nag-aalala ako kay Miko at kay.. Sandro.

I am the only one who enter's Miko's room. Ang iba ay naging abala sa kwarto ni Sandro. I can't blame them. Rinig kong kakauwi niya lang galing London at ito kaagad ang bumungad sa kanya dito.

"Kamusta si Sam?" si Miko.

Nakaupo siya ngayon sa kanyang kama at may benda sa balikat kung saan siya tinamaan. Makikita ang mga pasa sa kanyang pisngi at braso.

"She's now fine."

"Kung hindi dumating ang mga lalaking iyon, napahamak na sana si Sam." inihilamos ni Miko ang palad sa kanyang mukha. Kaagad akong nag-alala sa kanya. "Dahil hindi ko siya kayang ipagtanggol ng mag-isa."

"Don't be silly. Kahit sino walang laban sa mga lalaking armado lalo na't mag-isa ka lang at wala ni isang panlaban sa kanila. You tried to save her and she's grateful for that."

"Mik.." ang mahinang boses mula sa pintuan.

Pareho kaming napabaling kay Sam na papasok ng pintuan. Mabilis na kinain ng mga hakbang niya ang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Aware of his bruises, she just sit in the bed near him. Si Miko na ang kusang nagtaas ng kabilang kamay upang yakapin siya.

Doon lang yumakap pabalik si Sam.

"I'm glad your fine.." Miko whispered and planted a chaste kiss on her forehead.

Gusto ko silang pagtaasan ng kilay. Dumating ang mga magulang ni Miko na pareho ding nag-aalala sa kanya. Sam talk to them and even apologize. Hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng tawad. Desisyon ni Miko iyon. Gusto nitong protektahan siya.

"Kamusta si Sandro?" tanong ko kay Sam nang lumabas kami saglit upang bigyan ng pagkakataon ang mga magulang ni Miko na kausapin ito.

Sam looked at me. Sadness in her eyes. "He's now fine. Do you want to talk to him?"

Kaagad akong napatigil sa sinabi niya. I am not close with Sandro Marcos. This is even the first time that we talk. Sa isang hindi mabuting sitwasyon pa.

Pero utang ko sa kanya ang buhay ko. I need to talk to him, right?

Unti- unti akong tumango. Sam smiled and guided me inside his room. Katabi lang din naman ng kwarto ni Miko.

Napatayo si Gov. nang makita ang pagpasok namin. Si Vincent ay nasa isang sulok at nakahiga sa sofa. Si Simon na bagaman nakatingin sa amin ay walang paki-alam. He was half naked at ginawang unan ang dalawang braso. 

May isang babae na nasa tabi ng kama ni Sandro. Pareho nila kaming nilingon.

"Venus wanted to talk to Sandro." walang alinlangang wika ni Sam. Nahiya agad ako dahil sa sinabi niya.

Lalong- lalo na nang makita ko ang pagtaas ng kilay ng babae habang hinahagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. She looks foreign. Is she his girlfriend?

"Oh." si Gov na humakbang palapit sa amin. "Then, lalabas muna kami."

Nanlaki ang mga mata ko. Si Vincent at Simon ay parehong tumayo mula sa kinaroroonan nila.

"Hindi naman kailangang lumabas kayo." nahihiyang wika ko.

"No." ngisi ni Gov. "It's better if you could talk privately."

Ang babae ay hindi pa sana lalabas subalit napilitan dahil sa pagpupumilit ni Gov. Nang kami na lang ni Sandro ang naiwan ay halos tila gusto ko pagsisihan ang desisyong kausapin siya.

I'm just a stranger to him. Siguro nagtataka siya at bakit ang kapal ng mukha kong kausapin siya.

Nakasandal si Sandro sa steel headboard ng kama at may bendang nakapaikot sa buong likod at dibdib. Maririin ang kanyang mga titig sa akin habang palapit ako sa kanya.

"Uhm." wika ko na iniabot ang silyang malapit sa kanyang kama. Umupo ako doon habang tahimik pa rin siyang nakatitig. "Gusto ko lang magpasalamat."

He tilted his head a bit. Nang gumalaw siya ay mariing naipikit ang mga mata. Kaagad akong nag-alala sa kanya. Kahit hindi sabihin ay alam kong iniinda niya ang tama sa likurang bahagi ng balikat.

"You should seriously stop your heroic stunts.." aniya sa isang matigas na ingles. His voice was rich, deep, and cultured. "Kung hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, huwag mong tangkaing iligtas ang ibang tao."

Napaawang ang labi ko kakatitig sa kanya.

I can't help but noticed how he changed for the past years. He looks even more ruthless and rough than before. Dark eyes, thick eyebrows, and the light shadow of stubble on his face. His hair was on its usual clean cut and is combed sideways. His red and thin lips were currently pressed into a thin line.

I admire Sandro Marcos even before when we were young. Para sa akin, isa siyang fictional character na hinugot mula sa libro. At ang matitigan siya ng ganito kalapit ay tila isang panaginip para sa akin.

Nakita kong pinaglakbay niya ang mata sa kabuuan ng aking mukha. He then clenched his jaw.

"Are you okay?" he asked amidst the defeaning silence.

Tumango ako. "I'm fine. Salamat sa'yo."

Bumuntong hininga siya at umiwas ng tingin sa akin. Is it just me or I saw fear and sadness on his eyes?

"Next time, be careful so you won't be bothering someone else."

Ferdinand Alexander Marcos was like a feral animal for me. He was wild and primitive.. Judge the book by its cover. It's a mere fact. He is really dangerous.

Ang gwapo gwapo niya. Pero sobrang intimidating tingnan.

Lumabas ako pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap namin. Hindi naman matatawag na pag-uusap iyon dahil halos magtitigan lang kaming dalawa sa loob. Ang suplado niyang kausap at naiilang pa ako sa kanya.

"Are you two done talking?" tanong ni Governor Matthew nang makalabas ako. Mahinang isinarado ko ang pintuan at tinanguan siya. A smile is playing on his lips.

"Anong pinag-usapan niyo?" muli niyang tanong.

Kaagad na lumapit si Mike sa kanya at inakbayan siya. "Kailangan bang itanong pa iyon?"

Iyon lang at pumasok na silang tatlo sa loob. Naiwan kaming dalawa ni Sam. Huling pumasok si Simon na may malalamig na titig sa akin.

Seriously? May problema ba ang magkapatid na ito sa akin? At sobrang suplado nila!

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 116K 65
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
65.4K 3.3K 67
Junmyeon thought he knew exactly how his life would play out. At sixteen he was being groomed to take the throne from his father in the future. He wa...
99.6K 1.4K 11
*THIS IS DISCONTINUED* I'll never be working on this again and it will never be updated I had things I would have done but I do not want to do this a...
253K 6.2K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ ΰͺœβ€βž΄ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 π‹πˆπŠπ„ .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...