Center Empire Princess

By aliferose

33.2K 2.9K 184

A princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She... More

1. Reincarnation
2. Hope
3. Queen
4. Cruelty
5. North Prince
6. Chief
7. Marks
8. Trustworthy
9. Charm
10. Fearful
11. Assassin
12. In-love
13. Prince from the East
14. Slaves
16. Doubt
17. Her slaves
18. Evening
19. Noche
20. He perceive
21. Covetous
22. Trepidation
23. Impede
24. Rage
25. Comfort
26. Dilemma
27. Carelessly
28. Gallant
29. Duo
30. Condition
31. Second Thoughts
32. Find a way
33. Summon
34. Killaro's fall
35. His wife
36. Spring scene
37. She's at fault
38. Frustration
39. Wrong Abduction
40. Honestly
41. Naive
42. The Innocent
43. Avenge
44. Illusion
45. Breakdowns
46. Possession
47. Pure
48. Palasio Rangya
49. A Pleaser
50. How do men think?
51. Bond
52. Handling it
53. Conscientious
54. His gift
55. Responsibility
56. Tame
57. Forthcoming Holocaust
58. Caution
59. Ictus
60. Peace or War
61. Solution
62. Loyalty
63. Thief's pulchritude
64. For her own good
65. Who's THEM?
66. Scar Devotion
67. Twisted Scheme
68. Retraction
69. Agreement
70. Two-Faced Prince
71. Breed
72. desire
73. Knight in Shining Amore
74. Agony
75. Attempt

15. East Kingdom

557 79 12
By aliferose

Farrah

Nang makarating kami sa kaharian ay agad akong bumaba ng kabayo upang alalayan si pinuno, "Salamat kamahalan."

Hindi pa rin ako makapaniwala na isa s'ya sa kerida ni Farrah. Malay ko ba. -,-

Nginitian ko ang pinuno bago s'ya sumunod kay Julia papasok sa kaharian at ako naman ay sumabay kay Liam, "Nakakatakot ba ang hari ng silangan?" Tanong ko.

Bumuga s'ya ng hangin, "Wag mo na tanungin."

Iritable ko s'yang tiningnan, "Ang sungit mo."

He glared at me, "Wag kang maingay."

Sungit talaga, dukutin ko kaya bituka nito. 'Pag ako talaga napikon jusko Liam. Hmp! Pasalamat ka gwapo ka.

Sumunod na lamang ako sa kanya papasok sa kanilang kaharian. Nakasalubong pa namin yung mayordomo n'ya, "Maligayang pag-babalik ulit sa kaharian ng silangan, kamahalan." Pag-bati ni Benedict.

Yumuko rin ako bilang pag-galang.

"Nasaan ang hari?" Tanong ni Liam.

"Maaari kayong sumunod sa akin, kamahalan." Sagot ni Benedict. Sumunod kami sa kanya at gayundin ang pinuno at si Julia.

Gusto ko isama si Julia kasi para may kasama naman ako na ka-close ko.

Itinulak ni Benedict ang malaking pintuan at bumungad sa'min ang malapad na conference room. Wow, big time.

"Maupo kayo." Dumadagundong na boses ng Hari na ikinatayo ng balahibo ko, "Nakakatakot nga.." Usal ko.

Sumunod lamang ako kay Liam, "Stop following, pwede ka maupo kahit saan." Bulong n'ya.

Tiningnan ko s'ya ng masama, "W-Wag ka makulit." Sabi ko at umupo sa tabi n'ya.

Ilang minutong katahimikan at biglang nag-salita ang hari na ikinagulat ko dahil pangalan ko ang sinabi n'ya, "Prinsesa ng gitnang emperyo? Kumusta?" Pag-bati n'ya.

Napalunok ako bago mag-pakilala, "Prinsesa Farrah Alastair, Ikinagagalak kong makilala kayo, kamahalan." Yumuko ako bilang pag-galang.

"Balita ko may koneksyon ka na sa bayan ni Kai? Kumusta naman ang bayan ng Pinuno?" Tanong n'ya.

"Maayos ang pamamalakay ngunit mayroon pa ring problema patungkol sa pakikisalamuha-"

Hinawakan ni Liam ang pulsuhan ko, "Hindi pa oras ng pag-pupulong, bawal kang mag-paliwanag hangga't wala pa ang iba. Isang kabastusan ang bagay na iyon." Bulong n'ya.

"Sige lang, ipagpatuloy mo." Sabi ng hari.

Nilingon ko si Liam na inalis ang kamay n'ya mula sa pag-kakahawak sa'kin. Muli akong nag-salita, "Problema tungkol sa pakikisalamuha ng ibang mamamayan sa ibang bayan." Sabi ko.

Tumango ang hari, "Gusto ko ang iyong pananalita kaya gagawan natin ng sulosyon yan." Ikinagulat ko ang pag-sang-ayon ng hari sa'kin.

Masaya akong yumuko, "S-Salamat kamahalan."

Umupo ako sa aking upuan. Katapat ko ang Pinuno at katabi naman n'ya si Julia at katabi ko naman si Liam.

Mabuti nga't pinayagan ni Liam na sumama itong si Julia.

Isang oras ang nakalipas ay may mga dumating na, ayon sa narinig ko ay ang iba raw ay bukas pa ang dating. Nag-simula ang pag-pupulong at dahil sa kaguluhang nangyari sa bayan ni Kai ay magtitipon-tipon muna ang mga emperyo sa kaharian ng silangan.

Ang hari ng silangan ang isa sa mga matapang na hari kaya mas mapagkakatiwalaan s'ya kaysa sa iba. Lalo na sa hari ng kanluran. Greedy.

"Napag-isip-isip ko lamang na dumarito muna kayo upang makapag-ayos at makipag-salamuha." Sabi ng hari ng silangan at nakinig lamang kami.

"May balita na ba sa bayan mo Kai?" Pag-baling ng hari na nag-mula sa timog kay Kai.

Wala si ama dahil kakausapin pa ang reyna o ang ina ni Farrah.

Nilingon ko si Penelope. Tsk, pag-mumukha n'ya nanaman.

May katabi s'yang lalaki na nakatingin sa'kin. Maamo ang mukha parang anghel. Nginitian n'ya ako at dahil sa ramdam kong inis ay walang emosyon akong umiwas ng tingin.

Kung hindi lang nasunog ang bayan ni Kai dapat natuloy ko na ang plano ko na umalis muna sa pwesto bilang isang prinsesa. Nakakainis.

Nakakagutom din ang ilang oras na pag-pupulong. Nag-taas ako ng kamay upang magsalita, "Kamahalan, pumunta ako sa bayan ni Kai kaninang umaga."

Ikinagulat nila ang sinabi ko, "Diba sinabihan na kita na umiwas ka sa gulo?" Saway ni Liam. Sinaway s'ya ng kanyang ama kaya napa-upo na lamang s'ya ulit sa kanyang upuan.

"Nakakalungkot ang nangyari ngunit wala namang nasaktan maliban sa pinuno." Sabi ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang tungkol sa ginawa ni Penelope..

Nawalan ako ng pag-asa mag-salita kaya umupo ulit ako, "May nalaman ka ba, prinsesa?" Tanong ng hari ng timog.

"W-Wala, patawad." Yumuko ako. Hindi pa ito ang oras para iluntad ang kasalanan na wala pang ibidensya.

Ilang segundong katahimakan at tinapos na ng hari ang pagpupulong.

"Mahal na prinsesa, maiwan ka." Sabi ng ama ni Liam. Napatingin pa sa'kin ang lahat bago sila nag-patuloy sa paglabas ng silid.

Bumalik ako sa aking upuan upang makipag-usap sa hari ng silangan. Ramdam ko ang titig n'ya kaya iniiwasan ko ang pag-tingin sa kanya.

"May nakita ka diba?" Seryosong tanong n'ya.

Umiwas ako ng tingin at itinago ang kaba ko. Umiling ako, "Wala talaga akong nakita sa bayan kamahalan, nakakalungkot lamang." Sabi ko.

"Wala pa akong sinasabing bayan." Makahulugang saad n'ya. 'Yun kaya yung pinag-uusapan kanina, lutang ba 'yung hari na 'to?

"May pinoprotektahan ka, prinsesa?" Tanong n'ya.

Ngayon lamang ako nag-karoon ng lakas loob upang lingunin ang hari, "Marami s'yang kasalanan ngunit hindi pa ako sigurado kung s'ya nga ba talaga ang may gawa, wala rin akong ibidensya."

"Natatakot ka ba sa bunga kapag nagkaroon ng away ang mga emperyo?" Tanong ng hari. Masyado na 'tong matanong kailangan na s'ya ipatumba. Joke lang.

Tumango ako, "pwedeng bumagsak ang mga emperyo dahil lamang sa gera, mas mabuting magka-intindihan muna ang lahat."

Marahan s'yang tumawa, "matapang ka prinsesa.." Pag-hanga n'ya, "Sa tingin mo, maaari kang umibig sa anak ko?" Biglaang tanong n'ya.

Nagulantang akong tumingin ulit sa kan'ya, "K-Kamahalan.."

"Nag-bibiro lamang." Sabi n'ya, "Ngunit, bago man magkaroon ng gera ay sana makadalo ka sa ensayo ko bukas." Sabi n'ya.

Nagulantang ako, "T-Talaga kamahalan?"

Syempre, minsan lang kaya makasama ang isang mahusay na kabalyero sa isang ensayo. Lalo na ang isang hari.

Ngumiti s'ya, "Mahusay ka sa espada?" Tanong n'ya at umiling ako.

"Pana lamang, kamahalan." Sagot ko.

"Ngunit, sang-ayon ka ba sa ensayo ng espada bukas? Alam mo bihira lamang ang mga babaeng mahilig makipag-laban lalo na at nasa batas ito." Paliwanag ng hari.

"Gusto ko lang ng payapang mundo, kamahalan." Sabi ko. Parang kasinungalingan ata sinabi ko.

Pag-katapos ng usapan na iyon ay lumabas na kami. Nag-paalam ako sa hari bago lumihis ng daan upang magpahangin sa labas ng kaharian.

Ang gusto ko sa kaharian ng silangan ay yung malapad na damuhan. Ang saya siguro humiga doon.

Nahagip ng paningin ko ang Pinuno na naka-upo sa damuhan kaya agad akong tumakbo papunta roon, "Pinuno!" Pag-hiyaw ko kasabay ng pagtakbo.

Ngumiti s'ya at humarap sa'kin upang salubungin ako, "Ingat kamahalan baka madapa ka." Sabi n'ya.

Bumungisngis ako, "Patawad, nasaan si Julia?" Tanong ko.

"Nasa silid-aklatan, kamahalan. Tiyak akong natutulog s'ya roon." Sagot ni Kai.

Natawa ako, "Salamat pinuno, pupuntahan ko muna s'ya."

Tumalikod ako upang lumisan nang hawakan n'ya ang braso ko, "k-kamahalan.." Usal n'ya.

"Hmm?" Pagtataka ko habang nakangiti sa kanya.

"M-maaari mo ba muna akong samahan dito?" Tanong n'ya.

Bahagya akong tumawa, "oo naman."

Umupo s'ya sa gilid ng puno kaya umupo rin ako sa tabi n'ya. Tanging pagaspas ng puno at huni ng ibon lamang ang maririnig mo sa paligid.

Tumingin ako kay pinuno. Nakapikit s'ya habang nakatingala at nakasandal ang ulo sa puno.

"Nasaan ang salamin mo, pinuno?" Tanong ko.

"Nahulog ito nang mabagsakan ako ng kahoy na ikinasanhi ng sugat ko sa mata." Anito.

Nakaramdam ako ng lungkot. Pakiramdam ko ay parang ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyari sa bayan n'ya.

Napabuga ako ng hininga, "patawa-"

He suddenly tapped my head, "wala kang kasalanan, kamahalan. Aksidente lamang ang nangyari."

Kai...

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 118 18
Wanting to live in a fantasy world, Hiraya Magenta La Clara always writes stories in the back of her notebook. Until one day, her grandmother noticed...
34.6K 2.7K 31
Maila Oliveros is a smart and independent lady. She wanted to become an author just like her father but when Maila's father went missing, all of her...
1.2K 286 54
A journalist, Camilla Valmores, accidentally found an old notebook that contains weird letters. Itinago nya iyon dahil wala namang nag-hanap nung not...
92.5K 5.9K 47
Barbara Estera, ikalabing isang prinsesa ng Imperyo ng Madangal. Siya ang pinakamababang dugong bughaw at siya din ang nagiisang babae na kasali sa p...