STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XX

7.3K 256 80
By faithrufo

"When you find out that someone likes you, a little part of you starts to like them back. Even if you never did before."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Ano tayo, pagkatapos niyong magsulat. Parang talent show, sino ba magaling kumanta dito?"

"Si Angelo po!" sabay sabay naming sagot kay Ma'am Elaine.

"Ay si Angelo?" aniya bago tignan si Angelo na nahihiyang nakayuko. "May gitara ka ba? Tugtog ka mamaya ha."

"Ma'am freetime?"

"Oo," sagot niya. "pwede kayo lumipat ng upuanー" nagsitunugan ang mga upuan dahil sa mga tumayo "ーmamaya. Kapag tapos na lahat magsulat. Tsaka bawal guluhin 'yung upuan kaya Henry bumalik ka sa pwesto mo."

"Ma'am ayaw daw po ni Angelo," ani ng seatmate ni Angelo na si Sarah. "nahihiya."

"Hay nako, walang hiya hiya!"

"Ma'amー" panimula ni Angelo pero umiling lang si Ma'am.

"Sige na Angelo," sabi naman bigla ni Ethel. "kanta ka."

Naghiyawan ang buong klase at napatakip si Angelo sa mukha niya dahil sa hiya. Pero halata ang ngiti sa kanyang labi. Tinignan ko si Ma'am para makita ang reaction niya. Nakangiti siya ngunit medyo nakakunot ang noo, iniisip siguro kung ano ang meron kay Ethel at Angelo.

Katulad kasi ng Adviser namin na si Sir Lance, practice teacher lamang si Ma'am Elaine last year kaya bata pa din siya. Kaka twenty-four niya palang ata. Masaya siya magturo, hindi boring ang klase sakanya tsaka palagi kaming may free-time. AP (Araling Panlipunan) ang subject ni Ma'am Elaine. Palagi niyang hinahaluan ng biro ang kanyang pagtuturo kaya naman enjoy kami and at the same time, may natututunan.

"Oh Angelo, ayan na o sabi na ni Ethel. Aayaw ka pa ba?" ani Ma'am.

"Yieeeee!" sabay sabay naman naming sabi.

Ngingisi ngisi si Angelo ng para bang kinikilig pa siya bago lumingon sa direksyon namin, "Ma'am kakanta po ako kung sasabayan ako ni Jared."

"Huh? What?" gulat na wika ni Jared at pakonti-konti ay namula nanaman ang kanyang pisngi at tenga. "Ayaw ko.."

"Kumakanta ka pala?" tanong ko sakanya.

At kung posible man ay mas lalo lamang siyang namula nung tinignan niya ako. Umiling iling siya, mga mata niya pakonti konting namimilog. "I.. No.." tumingin siya kay Ma'am. "Hindi po ako marunong."

"Dali na par," ani Angelo. "sabayan mo na ako."

"O'sige, Angelo and Jared ha. Mamaya." Sinuri ni Ma'am ang classroom. "Sino pa?"

"Ma'am si Tris daw po magt-twerk!" sigaw ni Henry.

"Ano?!" sigaw naman ni Tris na dinampot na 'yung notebook niya. "Ulol ka!"

"Sssh!" suway ni Ma'am. "Beatrice, ang bunganga."

"Wag ka ngang maingay," suway ni Kei kay Henry dahil sila ang seatmates. "Tris the second ka din e."

"O'sige na, tama na daldalan. Magsulat na kayo para makapag freetime na." Natahimik ang klase dahil nagsimula na ulit kaming magsulat. "Nga pala, prelims niyo na sa 26, 27 ha. Kaya mag review na kayo ha.

"Kelan 'yun?" mahinang tanong ko kay Jared. "I mean, anong araw?"

"Uh... thursday and friday? Two weeks away pa naman." Ah, madami pang araw na pwedeng hindi mag review. Tinanguan ko si Jared at bumalik na sa pagsusulat.

Mayroon pang halos 30 minutes nung matapos kaming lahat magsulat at maipa-check kay Ma'am ang mga notebook namin. Kaya naman ayan na kami, kinukulit nanaman si Angelo na pumunta sa harap kasama si Jared.

"Bilis na, mauubos na oras natin oh. Kahit isang song lang." Sabi ko kay Jared na napahawak lamang sa batok niya.

"Dali na 'Red, 'di tatayo 'yang si Angelo hangga't 'di ka tumatayo." Sabi naman ni Kei.

"Oo nga," pag sang-ayon namin ni Henry.

"Tayo na man." Dagdag pa ni Henry.

"Ganito nalang," malakas na sabi ni Ma'am Elaine kaya naman napatingin kaming lahat sakanya. "kung sino ang mag p-perform ngayon may dagdag five points sa exam."

"MA'AM AKO NALANG!" sunod sunod na sigaw namin.

Natatawang tinulak ko 'yung balikat ni Jared, "Sige na oh. Sayang 'yung five points."

Tinignan lamang ako ni Jared bago siya lumingon sa pwesto ni Angelo. Nakita kong nagtanguan sila.

"Oh Ma'am ayan na sila!" malakas na sigaw ko kaya naman napatingin si Ma'am saamin.

"Oh ayan na pala, bilis."

Nahihiyang tumayo na si Angelo at Jared at nagsimula na kaming maghiyawan. Iniabot ni Kris 'yung gitara niya para may magamit sila tapos pinahiram ni Ma'am 'yung upuan niyang walang desk para maka upo si Jared na mag gigitara.

Nagmamadaling umupo si Tris sa tabi ko para mas malapit siya sa harap. "Marunong din pala kumanta si Jared?" aniya.

"Ngayon ko nga lang din nalaman e." sagot ko.

"Oh wala ng maingay!" ani Ma'am. "Magsisimula na."

Nakangising pinanood namin ang dalawa, hinihintay na magsimula na sila. Ibinulong ni Angelo ang kakantahin nila at mabilis namang tumango si Jared. Sumulyap siya sa pwesto namin at nagtama ang mata namin. Agad siyang napayuko pero kitang kita ko ang ngisi niya sa labi.

"Go Jared!" sabi ko kaya naman napatingin siya bago yumuko ulit. Natawa ako, "Sobrang mahiyain talaga."

"Wag mo nang anuhin mamaya mahiya na ng tuluyan e," natatawang sabi ni Kei.

"Asaan si Ethel?" tanong ni Tris bago niya hinampas sa likod si Henry. "Lumayas ka nga dyan, palit kayong pwesto ni Ethel. 'Thel! Tara dito."

"Beatrice! Bunganga mo nanaman naririnig ko." malakas na sabi ni Ma'am.

"Teka lang Ma'am!" hinampas niya ulit si Henry. "Umalis ka na dyan!"

Tumayo si Henry at inis na inambahan si Tris bago maglakad papunta kay Ethel para makipagpalit ng upuan.

"Bilis! Ang daming commercial." Ani Ma'am. "May lilipat pa ba?"

Agad na nagsitayuan ang ilan at lumipat sa harap. May ilan pang umupo na sa sahig para mas malapit.

"Okay! Wala ng lilipat. Angelo, magsimula na kayo."

"Ethel 'yung ulo mo!" pabulong na reklamo ko bago hawiin 'yung ulo ni Ethel. Sakto nakita ko ang pag tango ni Jared kay Angelo.

Nung nag-strum na si Jared, tumahimik na ng tuluyan ang klase.

"Loving can hurt.." panimula ni Angelo gamit ang malalim niyang boses at agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko. "loving can hurt sometimes. But it's the only thing that I know.."

"And when it gets hard.." mahinang pagkanta ni Tris kaya naman siniko ko siya para tumahimik.

Pinakinggan namin ang boses ni Angelo na parang hinehele pa kami hanggang sa umabot na siya sa chorus. Nakangisi niyang nilingon si Jared bago tumango.

"So you can keep me.." oh my shit "inside the pocket of your ripped jeans." Napahawak ako sa braso ni Tris at napakagat sa ibabang labi ko. "Holdin' me closer till our eyes meet," tumingin siya sakin at pumikit bago dahan dahang ngumiti. "you won't ever be alone. Wait for me to come home."

Pinalakpakan namin si Jared kaya naman mas lalong lumawak ang ngisi niya. Sinimulan na ni Angelo ang second verse pero hindi parin ako maka get over sa boses ni Jared. Sobrang maka pigil hininga siya tapos bawal liriko parang dumadaloy sa mga kalamnan ko. Naku, fan na yata ako ni Jared.

Lumingon si Ethel, "Anong title niyan?" mahina niyang tanong.

"Photograph," sagot ko naman. "Ed Sheeran."

Grabe, ang ganda pala ng boses ni Jared. Napaka mahiyain niya kasi e! Hindi ko akalain na ganyan pala kaganda 'yung boses niya. Parehas sila ni Angelo. Lalo na kapag nagsasabay sila. 'Yung mga katabi ko halos sumabog na sa kilig.

"And if you hurt me, well that's okay baby only words bleedー"

"Baby daw!" kinikilig na sabi ni Tris.

Ngumisi si Jared habang nakapikit, "ーinside these pages you just hold me. And I won't ever let you go."

Nagsabay sila ni Angelo, "Wait for me to come home."

• • • • • • • • • •

"Huy," hinawakan ko sa braso si Jared pagkaupong pagka upo niya sa tabi ko. "hindi mo sinabi ang galing mo palang kumanta!"

Umiiling iling na itinakip niya lang 'yung isang kamay niya sa mga mata niya habang nakangisi ng pagka lawak lawak.

"Pwede kayong mag ano, perform kapag may program!" tinignan ko si Kei at Henry na nakalingon samin. "Diba?"

"Oo, pwede sila mag ano.. parang.. ano bang tawag dun?" kunot noong tanong ni Henry.

"Opening act?" pag suggest ni Kei.

"Oo," pumalakpak ng isang beses si Henry at itinuro si Jared. "opening act. 'Yung magp-perform sa simula ng program. Pwede kayo dun."

"Ayoko," iling iling na sagot ni Jared. Nakatakip parin sa mata at nakangisi.

"Tanggalin mo nga 'yan," sabi ko sakanya bago hablutin 'yung kamay niya para ibaba 'to. Agad naman siyang yumuko. "parang tanga oh."

"Kapag may nagsabi sainyong teacher na gawin 'yun 'Red papayag ka?" tanong ni Kei sakanya.

"Ayoko, nakakahiya."

"Baliw!" ani ko sakanya. "Ba't ka mahihiya? Ang galing galing mo kaya." Umiling iling lang ulit siya. "Sayang 'yun oh, mamaya ma-discover pa kayo."

Tumawa si Jared at ngayon ko lang nahalata na sobrang pula na pala ng mukha niya dahil sa hiya.

"Kapag pumayag kang mag-perform ulit, makikita mo kami doon sa harap. Chini-cheer ka. Pramis 'yan."

Tinignan niya ako, "Ikaw? Papanoorin mo ako?"

"Oo naman noh!" sagot ko bago ngumisi. "Ako number one fan mo, 'tol."

"Okay."

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
19.5K 1.3K 22
Manileña Series #1 When you were feeling lonely or loved, did you enjoy watching the sunset? Have you ever felt at peace while watching it? What if y...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...