Suddenly, You're not Inlove

By misspaui

8.9K 462 267

Iisang bagay ang dahilan kung bakit nainlove si Annie kay Mindy. Ang isang bagay na ito kaya ang magiging dah... More

Suddenly, You're Not Inlove
Aso't pusa
4yearsago
Crush
Not her happiness
Ikaw
Confused
Someone
Congratulations
Ballpen
her girlfriend
Girl na friend
I believe you
Annie Baby
Legal
Good news
Family Outing
Singsing
Shit
Missing Ring
Call
take care of you
Piggyback
Ulan
Okay?
Mahal
Mix emotions
Mahal 2.0
Why?
Miloves
I like her
The ring
Deja vu
Pahinga
Delusional
I hate that ring
5 years from now
Flashback

Sweet corn

115 11 10
By misspaui




"Sige pa. Punta na kami ni Mindy sa kwarto." Saad ko kay papa.





Sasagot pa lang sana si papa ng magsalita si mama. "Hep! Hep! Saan kayo pupunta?"




"Sa kwarto namin ma." Sagot ko.




"Anong kwarto namin?" Nilipat ni mama ang paningin kay papa "Pinagsama mo silang dalawa sa iisang kwarto? Tsaka pwede naman tayo lahat sa iisang kwarto ah."



"Ma, nasa outing tayo. Ibig sabihin kelangan natin magrelax at para makapagrelax tayo kelangan natin ng privacy." Inakbayan ni papa si mama. "At ganun din ang mga bata."




"Anong pinagsasabi mong privacy?" Tanong ni mama.




"Ma, kung nag-aalala kayo kung may mangyari kina ate, advice ko lang...wag na kayong mag-alala." Napatingin si Brent samin ni Mindy "Hindi naman mabubuntis silang pareho so okay lang yan." Nagwink pa nga. Aba loko tong si Brent ah. Binatokan siya tuloy ni mama.



"Ikaw kung ano-ano yang lumalabas sa bibig mo!"




Napakamot naman si Brent ng kanyang ulo "Eh tama naman kasi ako ma. Hayaan niyo na lang kasi sina ate kahit ngayon lang."




"At sasabat ka pa talagang bata ka..." akmang babatukan siya ulit ni mama ng pigilan ito ni papa.




"Tama na nga yan. Sige na mga anak...pumunta na kayo sa mga kwarto niyo."




Kumuha kasi ng tatlong kwarto si papa para samin. Share sila ni mama siyempre tapos share naman kami ng Miloves ko. Solo naman ni Brent ang isang room.




Magkahawak kamay kaming nagtungo sa kwarto namin ni Mindy.




Nang makapasok ay agad itong napahiga sa kama.




"Oh my gosh! Inaantok na ako." I chuckled when she said that.




"Inaantok ka na eh di pa nga tayo kumakain." Sabi ko sabay lapit sa kanya. I make myself comfortable sitting on top of her. Hinawakan ko ang kamay niya saka ito nilaro.




"Are you hungry?" Tanong niya sakin.



"Hmm-mm."



"Why don't you just eat me then?" Natawa ako sa kanya. "What? Di ba nangangain ka?"




Inilapit ko ang katawan ko sa kanya "Yes, Miloves." Hinalikan ko siya sa labi. After nun ay inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya "Nakalimutan mo ata na nangangain ako ng buo?" Bulong ko in a seductive way.




Bumulong din siya sa tenga ko "So?" Napangiti ako sa kanya. Nagkatitigan kami saglit.




"Gusto mo talaga na kainin kita ng buo?"



Nagkibit siya ng kanyang balikat "I mean why not?" Natawa ako kaya natawa na din siya.




"Gusto mo talaga na kainin kita ng buo ha." Hinalikan ko siya sabay kiliti sa kanya sa gilid kaya naman napatili siya ng malakas.





"Ah!! Hahaha Annie! Stop! Waaa!" Sigaw niya. Kung kanina ako yung kumikiliti sa kanya ngayon siya na. We even switched our position. Kung kanina ako yung nasa ibabaw niya ngayon siya naman.





She grabbed my hand and put it over my head ng sa ganun di ko na siya makiliti.





"Ang ganda mo mahal ko." Sabi niya.




Napangiti ako "Mahal ko? I love that one." Napangiti na din siya sabay halik sakin. Nasa kalagitnaan kami ng paghahalikan ng biglang bumukas ang pintoan.



"Ate- oh my gosh!" Agad napatalikod si Brent. "Wala po akong nakita."



Umalis na sa ibabaw ko si Mindy saka naupo sa gilid ko. I propped up my elbow "Brent alam mo naman ang purpose ng pinto diba?"


"Y-yes Ate. Sorry talaga. Kakatok na ako sa susunod." Sabi ni Brent habang nakatalikod pa rin samin.






Napabuntong ako ng aking hininga "Anong ginagawa mo dito?"




"Magdidinner na tayo sa labas." Sabi ni Brent.




"Okay. Sunod kami." At agad din naman umalis si Brent.




Pabagsak akong humiga ulit.




"C'mon! Get up. I'm hungry na." Sabi ni Mindy.




Naalala ko naman ang tinawag niya sakin kanina na Mahal ko. Ayeee.



"I will get up pero in one condition."



"Okay. What's that condition miloves." She playfully asked kaya naman natawa ako ng bahagya.




"Can you please say that to me again? Mahal ko?"




She smiled saka niya nilapit ang bibig niya sa bibig ko sabay bigay sakin ng isang matamis na halik. "I love you, Mahal ko." Mas lalong lumawak ang ngiti ko "Now, get up na kasi nagugutom na talaga ako." Tinulungan niya akong bumangon and lumabas na agad kami ng kwarto kasi nagugutom na talaga siya at ayokong magutom siya kasi mahirap na baka mabeast mode hahaha.




Nasa isang resto kami dito sa batangas. Ang sarap ng pagkain nila actually. Napadami nga kami ng kain lalo na si Mindy haha. Antakaw talaga.



Umorder pa si papa ng beer para sa aming tatlo ni Mindy.



"Asan yung akin pa?" Tanong ni Brent.


"Gusto mo makatikim sa mama mo?" Wala kasi si mama nag-CR saglit.



"Eh, nasa tamang edad naman na ako eh." Sabay kamot ni Brent sa ulo niya.


"Wag na. Saka ka na uminom pag wala ang mama mo." Sabi ni papa.



"Wala naman si mama ah." Napanguso na lang si papa sa paparating na si mama.



Natawa na lang kami sa kanila.


Pagkatapos namin kumain at uminom ng konti ay nagpaalam kami kina papa na maglalakad-lakad kami ni Mindy. Pinayagan naman nila kami. Wag lang daw kami masyadong lumayo.



Malapit lang naman yung Inn na stinestayan namin sa resto kaya kahit wag na kaming hintayin nila Papa ay okay lang. Alam naman namin pabalik sa Inn. For now, miloves time muna hehe.




Nakaakbay ako sa kanya habang naglalakad tapos nakapamulsa pa ang isang kamay ko sa hoodie na suot ko. Matchy kami actually. Nakahawak naman ang isa niyang kamay sa kamay ko na nakaakbay sa kanya.




"Mahal, look oh." Napaturo siya sa nagbebenta ng sweet corn. Napangiti ako sa kanya kasi naalala ko yung time na hindi pa kami. Palagi niya akong dinadala nun sa nagbebenta ng sweet corn para kumain kasi daw favorite ko yun haha.



Dinala niya ako malapit sa nagbebenta ng sweet corn saka bumili. Naghintay kami ng ilang segundo bago ibinigay samin ang binili namin. Isa lang ang binili niya kasi ganun siya pag kumakain kami ng sweet corn. Gusto niya share lang kami.




Ako yung una niyang pinakain saka siya sumubo ng para sa kanya.




"Miloves, naalala mo yung binibilhan natin ng sweet corn dati?" Tanong ko sa kanya.




"Oo naman. Bakit?"



"Wala naman. Matagal na pala simula nung last nating kain ng sweet corn." Napangiti siya.



Nagpatuloy naman kami sa paglalakad hanggang sa nakahanap kami ng mauupuan.



"Remember that day, yung nagkaLBM ako dahil sa kakakain ko ng sweet corn?" Natawa ako ng maalala yung sinasabi niya.



"Oh my gosh! Miloves..." tawa pa din ako "Paano ko makakalimutan yun? Ang funny kaya ng mukha mo nun."



"Ah ganun..."




"Oo. Remember pumunta ako nun sa bahay niyo tapos naabutan kita sa CR ng kwarto mo." Nakakatawa talaga yung araw na yun. "Yun din kaya yung first na nakita ko yang pekpek mo hahaha."



"Anong pekpek..." natatawa niyang sambit.



Saglit kong hinagod ang pagitan ng jeans niya "Eto...pekpek!" Tinakpan naman niya ang pagitan ng hita niya habang natatawa.


"Alam ko pekpek to. Kung makaano ka naman sa pekpek ko parang wala lang tayo sa public ah." Saad niya. Natawa na lang ako sa kanya. "Kasalanan mo kasi yun kung bakit ako nagkaLBM."




"Kasalanan ko ba na kain ka ng kain ng sweet corn kahit wala naman akong sinabi na kumain ka."




She pouted her lips "Ihhh. Paborito mo kasi to eh."




"Aww..." Binigyan ko siya ng side hug. "Ikaw kasi. Kung ano yung mga paborito ko kinakain mo kahit ayaw mo naman."



"Eh ganun ako. Gusto mo, gusto ko na din tsaka sinong nagsabi na ayaw ko ng sweet corn?"




"Wala naman kasi akong sinabing sweet corn. Yung ibang food kasi." Sabi ko sa kanya.



Hindi mahilig sa gulay si Mindy pero simula nung naging kami kumakain na siya kahit papano haha. Pano mahilig ang girlfriend niya sa mga healthy foods. Samantala siya mahilig sa mga junk foods. Kaya inaaway ko yan lagi eh kasi panay kain ng chichirya.




"Gusto ko lang naman maging fit sa lifestyle na meron ka." Ang sweet talaga nitong miloves ko.




"Miloves...sabi ko naman dati sayo diba na kahit wag mo ng sundin ang lifestyle na meron ako, fit na fit ka pa rin sa life ko lalo na dito." Turo ko sa puso ko. Napangiti siya dun sa sinabi ko "Ayeee...kilig siya. Pakiss nga." Sabi ko pa sa kanya.



Nakangiti niyang inilapit ang mukha sakin pero hindi siya sakin nakatingin kundi sa taas. Nakakagigil siya tuloy. Ganyan kasi yan nagpapabebe kapag kinikilig hahaha.


Binigyan ko siya ng smack sa lips niya saka inulit ulit siyang hinalikan. "Hmmm! Nanggigigil ako sayo." Natawa lang siya sakin.




"Mahal ko, gusto mo pa?" Tukoy niya sa sweet corn. Nakita ko naman na halos wala na itong laman.



"Kung kelan ubos na dun ka pa nagtanong no? Takaw mo talaga." Inilagay niya sa gilid niya ang lalagyan ng sweet corn saka ipinulupot ang braso niya sa balikat ko. Napayakap ako sa kanya sabay sandal sa katawan niya.




Napabuntong siya ng hininga "Hayyy...sana ganito na lang tayo lagi."



"Oo naman, Miloves. Forever and always tayong magsasama." Niyakap ko pa siya ng mahigpit saka siya hinalikan sa jawline niya.




"Talaga?"



"Hmm-mm. Ayaw mo bang maniwala?"




"Gusto kong maniwala but anything could happen kasi."



"Ilang taon na tayo miloves hanggang ngayon nahihirapan ka pa din maniwala?" Tanong ko sa kanya.



"Hindi naman. Of course, I believe you. You know that. It's just that we never know what would happen next."




"I know life is unpredictable..." napatingala ako sa kanya "pero pwede bang enjoy na lang natin ang ngayon? Let's not worry about tomorrow, next day, next week, next month, next year kahit abotin pa tayo ng forever. Tomorrow is not promised, I know and today is short. So, let's cherish na lang every moment na magkasama tayo. Love me like you gonna lose me ganern haha."



She eyed me "Kanta yan ah."




Napangisi na lang ako sa kanya saka siya niyakap ulit "Basta mahal kita ngayon, bukas at magpakailanman."



"Tita Mel is that you?" Pabiro niyang tanong.



"Makatita ka ah. Tita mo?" Natawa na lang kaming dalawa.




Nagstay pa kami ng ilang minuto dun bago bumalik sa Inn.



"Mahal kita." She said.



Simple things like this na kasama ko siya is enough already to make me smile and happy. I don't know why I love this woman so much basta ang alam ko lang mahal na mahal ko siya haha gets niyo? So ironic, right? Psh. Basta yun na yun. Mahal ko siya, sobra. Period.











🖤






I just realize na I never got to say salamuch pala to everyone who's reading and voting this story of mine. Annie and Mindy really appreciated all of you who's been here since day 1. Of course, me too. It definitely means so much to me. Wala ako sa kung saan man ako ngayon kung di dahil sa mga readers na nagtatiyagang basahin itong story ko hehe.




Anyways, Tenchu again and God bless mga babyloves 🥰🖤

Continue Reading

You'll Also Like

163K 3.8K 28
GXG
1.4M 35.1K 31
Paano kung isang araw makita mo ang perfect match mo, akala mo siya na. Akala mo siya na icing sa ibabaw ng cupcake mo. Akala mo lang pala. Dahil hin...
1.8K 163 1
Sa dami nang ating pinagkapareho, dito rin ba, magka-tugma tayo?
971K 43.5K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle