His Bride

By Nayakhicoshi

37.3K 1.9K 429

Thieves in Law Series ††† Everiss desperately crashed her ex-boyfriend's wed... More

Disclaimer
Prologue 1
Prologue 2
1| Version 2.0
2| Toothpaste Model
3| A day in a Vet
4| Bride candidate
5| Mufasa
6| Night Visit
7| Orchids
8| Numb
9| Missing Person
10| Make it Worse
11| Jorville Mansion
13| Whine
14| Desparate Criminal
15| Desperate Criminal II
16| Katarina
17| Hood
18| Silence
19| Meatballs
20| Engagement
21|Cuffs
22| Bodyguards

12| Russians

832 63 6
By Nayakhicoshi

CHAPTER TWELVE

  
Natakpan ko kaagad ang bibig bago pa nila marinig ang sigaw ko. Dinala ni Officer Kaluwag ang baril sa level ng bibig at hinipan ang dulo nito na umuusok pa.

"Parating na ang Mafioso, hanapin na natin ang babae bago pa dumating ang mga Russians," anunsyo ng isang lalaki. His head was shiny as a light bulb, as the other man had a long beard that he seemed to regularly trim. Both of them look like wrestlers.

"Bilisan niyo bago pa makahalata iyon," sabi ni Officer Kaluwag.

Umismid ang dalawang lalaki. "Tss."

My heart leaped out of my chest, a dread weighing in my stomach, trapping me in a paralyzed state for a brief moment. Narinig ko ang marahas na pagbukas ng pintuan at ang mga yabag nila palabas. Nangingilid ang mga luha na tinulak ko ang sarili patayo. With one painful look at Candice and the dead police officer, I push myself up and hide.

I held my sobs, pressing my back against a wall. Papalapit nang papalapit ang mga yabag, mariin kong pinikit ang mga mata at pigil ang hininga nang lumagpas sila sa kinaroonan ko.

Nang masigurado na tahimik na ang labas at wala na ang mga lalaki, maingat akong lumabas, bitbit ang taser na mahigpit na nakakulong sa mga nanginginig kong mga kamay. Bumalik ako sa kwarto na kinaroonan ng pinsan ko at muling sumilip sa butas. I could see Officer Kaluwag, his back to me as he tapped on his phone. Ilang sandali lang ay dinikit niya ito sa kanang tainga.

"Tapos na ang unang plano, Sir. Exterminated na ang isang witness. Papunta na ang Capo — sigurado kayo?" He paced, now his side was on me as he eyed the dead body on the floor. "Dadalhin nalang ang babae sakanya kung ganoon. Mukhang nakatunog na ang mga Bratva, kailangan naming maka-alis bago kami abutan ng asawa niya," He paused, listening to the other line. "Yes, Sir. H'wag kayong mag-alala, sisiguraduhin ko na walang magsu-suspetsa sa inyo. Ililigpit ko kaagad ang babae pagkatapos makuha ng Capo ang gusto niya."

Isa lang ang malinaw sa mga narinig ko, papatayin niya ako.

I lowered my head when he turned to face my direction. "Copy, Sir. Parating na ang Capo."

Pagkababa niya ng cellphone ay siya namang pagbukas ng pintuan. Nilunok ko ang takot bago muling sumilip sa butas. True, I saw a man dressed in an Armani suit meandering inside the room with his gloved hands tucked behind his back. He regarded the dead body on the floor for one second, as if it was normal for him to see a corpse, before his eyes shifted to Candice. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakatagilid siya sa akin pero sapat na ang mapanganib na presensiya na dala nito para malaman ko na siya ang Capo. The Mafioso who wanted me for whatever reason.

"Where is she?" His rough and dead-sounding tone sends a shiver down my spine.

Si Officer Kaluwag na mukhang estatwa na ngayon sa gilid ay hindi makatingin sakanya. He kept his head low as if meeting his eyes would turn him into a permanent stone.

I hear the fear in his voice as he answers. "Kinukuha na siya, Sir. Mayamaya lang ay nandito na rin siya."

The Mafioso scowled, facing the trembling officer. Sa ginawa niyang pag-ikot ay nakita ko ang mukha nito.

Young. Rugged. Devilishly handsome.

His conspicuous features were prominent, giving him this heroic vibe, but I knew he was not here to save me but to kill me.

"You fucking want me to wait? The Bratva is in their way — "

Bumukas ang pintuan at muling pumasok ang dalawang malalaking lalaki. Tila sila binuhusan nang malamig na tubig nang makita ang bagong dating, nanigas at hindi makapagsalita.

"B-boss..."

"I can see you failed to get her again."

Officer Kaluwag stepped forward after what seemed like gulping down a bag of courage.

"Sir, pangako dadalhin ko siya mismo sa'yo pero sa ngayon kailangan niyong umalis bago pa kayo makita ng mga Bratva — "

"DON'T FUCKING TEACH ME WHAT TO DO! THIS IS YOUR GODDAMN FAULT, YOU IMBECILE! I FUCKING MADE IT CLEAR I WANT HER WHEN I ARRIVE!"

Mariin kong tinakip ang mga kamay sa bibig nang humugot siya ng baril sa likod ng pants at walang pag-aatubiling binaril sa binti si Officer Kaluwag. The officer cried out, staggering to clutch his bloody thigh.

"AND NOW YOU'RE LECTURING ME
LIKE I'M A FUCKING CHILD! DOCILE!"

He was about to shoot him again when gunshots reverberated from the outside of the house. The man muttered something in Italian and tucked his gun back behind his pants.

"Nonsense. The husband is here. I don't fucking want evidence, so get everything cleaned out before they learn of me."

"Paano ang babae, Boss?" tanong ng lalaking kalbo.

"Leave her for now. We have another chance to lure her to us as long as you keep that woman. Make sure they don't find her." He then left, as the gunshots became endless outside.

Tinakasan ako ng dugo sa mukha nang lapitan ng dalawang lalaki si Candice. Tinanggal nila ang tali nito sa upuan bago binuhat ng may balbas ang pinsan ko.

No, no, no, no! Candice!

Tumakbo ako. Just as the door swooshed open, I held out my trembling hands, clutching the taser. My eyes narrowed at them.

"Bitawan mo ang pinsan ko," I ordered, my voice trembling in fear.

Mabilis napalitan ng gulat ang mukha nila nang galit. Ang lalaking may buhat kay Candice ay tumabi para ipakita ang nanlilisik na mga mata ni Officer Kaluwag sa likuran nito.

"Nandito ka lang palang babae ka."

Tinutok ko sakanya ang taser. "Ikaw, demonyo ka! Pakawalan niyo si Candice!"

The demon officer smirked, yanking the taser in my hand and slapping me hard in the face. Tumabingi ang mukha ko sa gilid. My vision spun as hot tears formed in my eyes. Hindi pa ako nakakabawi sa sakit ay hinablot niya ang buhok ko dahilan para mapatili ako sa sakit.

"Nakakagigil ka. Dapat pinatay na kita una ko palang malaman na p*ta ka ng Bratva."

My throat burns from my screaming. Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa buhok ko. It seemed like his hand was made of steel. The more I fought, the more he tightened his grip until I felt my scalp burn and my hair uprooted from its roots.

"Anong ginagawa mo? Kailangan na nating umalis! Sinabi ni Boss na pabayaan na siya!" sabi ng isang lalaki.

"Aalis tayo pero kasama na ang babaeng ito. Wala na tayong pagkakataon kapag nagsumbong siya sa asawa niya."

"Sigurado ka?"

Officer Kaluwag hummed, dragging me in a direction. Sumadsad ang mga binti ko sa sahig at halos maglambitin ako sa kapit niya sa buhok ko. I steadied my feet on the floor and followed his movements to lessen the pain in my scalp. Sunod-sunod ang pag-agos ng mga luha ko. Nanatili silang bingi sa pagmamakaawa ko. 

"Pakawalan niyo ako!"

Humigpit ang kapit ni Officer Kaluwag sa buhok ko kaya napahiyaw ako. Suddenly, he pushed me against the wall, pressing his body against mine. Pinakawalan niya ang buhok ko para gamitin ang kamay na ipulupot sa leeg ko.

"Anong ginagawa mo? Umalis na tayo!"

Hindi niya pinakinggan ang kasama. I could feel all of him as I clammed his hand to free myself. Another wave of tears streamed down my cheeks, panic, and fear paralyzing me once again. I squirmed beneath him, but he seemed to enjoy it, making me feel disgusted and dirty.

He leaned forward, buried his nose in my hair, breathing in heavily as if my scent was his drug.

"Tangina, nakaka-addict ka kaya siguro pinili ka ng Vor. Hindi ko siya masisisi."

I remained wide-eyed, unblinking, as he satisfied himself with my scent. Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko, mga kuko na bumabaon sa balat ko, ang paghila niya muli sa akin.

"Pasalamatan mo si Drake, siya ang nagdala sa'yo sa amin. Hindi mo dapat siya makikita kagabi pero pinili ka niya kesa sa Capo. Mabuti nalang patay na siya."

My brain was not functioning well after he said those. It was like something was wrapped inside me, trapping me away from the world, and all I see was white. Numbness and blankness.

"Nandito na ang asawa mo, malas at hindi ka niya dadatnan. Lulubog siya sa sariling putikan kapag hindi ka niya naipakita sa mga Hood."

Asawa ko.

Did I miss something? Did the time skip and I wasn't aware I had married along with those times I don't have a memory of? O kaya nakidnap ako ng mga Alien at dinala sa ibang planeta kung saan ang isang ako ay kasal sa isang Russian gangster alien. And these people mistake me for that woman.

Paano ako babalik sa planeta ko? May napapara kayang spaceship sa kanto?

"Maghiwalay tayo, mauna kayo sa sasakyan, ililigaw ko ang iba."

Para akong sinuntok sa sikmura nang umiba ng direksyon ang kalbo na may buhat kay Candice. Officer Kaluwag and the other bearded man stayed with me.

"S-saan niyo siya dadalhin?!" Panic once again wrapped around me like a cold blanket.

Hinigpitan ni Officer Kaluwag ang hawak sa akin at hinila sa ibang direksyon. Winaksi ko ang kamay niya pero nanatiling bakal ang lakas niya.

"No! Candice!"

My cries were silenced by the loud ratatat from the outside.

Napaigik ako nang tumagos ang mga bala sa mga kahoy na pader. Sinipa ng may balbas na lalaki ang pintuan. Napapikit ako nang bumungad sa akin ang liwanag sa labas. I totally forgot it's still daytime from the darkness cloaked inside the house. H'wag din nating kalimutan na wala pang 24 oras ay dalawang murder na ang nasaksihan ko, nakilala ang isang Mafioso at umeeksena ang mystery husband ko na napag-alaman kong isang Russian.

Wow. That sounds like I'm in a movie trailer. Reality trailer of my life. 

Tinakasan ako ng dugo sa mukha nang makita ang mga taong nakahandusay sa labas ng bahay, katabi ang mga mahahaba nilang baril na tila bumagsak sila nang lumalaban. Tears pricked my eyes as I averted my gaze from them, my chest tightening as I realized life was being taken because of me. Hindi ko sila nakita kanina pero tiyak na nasa paligid lang sila, nagmamanman habang kinakain ko ang pinaing nila.

Lumubog ang kanang paa ko sa butas sa kahoy na sahig. Hinila ako ni Officer Kaluwag nang hindi ko ito natatanggal. I screamed in pain when my ankle twisted at a painful angle. Naramdaman ko ang pwersa ng mga buto ko na tila nabali. Sa palahaw ko ay lumingon sa akin ang dalawa, parehong nakakunot ang noo sa pagka-irita.

"Letche. Kung hindi lang kailangan ang babaeng ito nagilitan ko na ng leeg," sabi ng may balbas. Annoyance dripped from his voice as he shot me a glare.

"Tara na!" Muli akong hinila ng may hawak sa akin pero mas lalo akong nagpakawala nang sigaw nang muling magalaw ang paa ko. Pain shot through my ankle like a lightning strike that stretched into my flesh and bones. Intense. Nanlabo ang mga mata ko habang habol ko ang hininga.

"P-please..."

Nagmura ito bago huminga ng malalim at sinabit ako sa isang balikat niya at binuhat na tila isang sako ng bigas. Hindi ako nagprotesta sa pag-iisip na lalala ang sakit na nararamdaman ko. He groaned in pain, and I remembered that he was wounded too, by the rage of the Mafioso.

Patuloy ang putukan ng baril na naririnig ko. I don't know who's fighting who. Tiniis ko ang sakit habang iniisip si Candice. If they're taking us to the same place, there's a high chance I'd see her again. Kapag nagkita kami saka kami mag-iisip kung papaano tatakas, iyon ay kung magpapasya ang mga Mafioso na ipagpabukas ang pagpatay sa akin.

The man holding me suddenly tensed. I felt the muscles in his back clench, and I was certain he held his breath too. Bumilis ang lakad niya kahit paika-ika. My vision danced, the bile in my stomach forcing itself to come out. Mariin kong pinikit ang mga mata at sinara ang bibig, mapait na ngumiti nang maalala na wala pa pala akong kinakain simula kagabi. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana nag-buffet muna ako — with pure vegetables and fruits only.

A vegetarian would die a vegetarian. Hindi ko isasama ang mga kawawang hayop sa pagpanaw ko.

Though Candice said the fried chicken was good. Siguro sa langit may ganoon. I shivered when I realized the chickens in heaven were probably spirits like me, too.

I heard a car door opening.

Soon I am forced to stand on my feet, crying, as my broken ankle didn't expect the weight. Tinulak ako ni Officer Kaluwag sa loob ng sasakyan.

"Sumakay ka — "

"Tsk."

Tinukod ko ang dalawang palad sa hamba ng pintuan ng Van at nilagay ang buong bigat ko sa kaliwang paa habang naka-angat ng unti ang injured na kanan. Sinuportahan ko ang sarili para umikot, upang lingunin ang nagpatigil sa mga kasama ko.

Blinking the tears in my eyes, I zeroed in on the man leaning against the pillar, wearing sunglasses, and with his hands inside his pockets.

"Hindi gusto ng mga babae ang marahas. Dahan-dahan lang para hindi mabigla." Inangat niya ng kaonti ang salamin at kumindat sa akin.

The men beside me were visibly tense, their eyes glancing at each other as they shifted uncomfortably.

Ngayon lang ako natuwa na makita si Dashiel.

Inangat ni Dashiel ang isang daliri sa ere. "Nga pala, akala ko malinaw na sa inyo ang balita," Gamit ang daliring naka-taas, tinuro niya iyon sa akin. "That woman is off-limits."

"Wala kaming pakialam!" sigaw ni Officer Kaluwag. Even his voice was contradicting the bravery he was trying to portray.

"Oh? Sabihin mo 'yan sakanya." Tinuro ni Dashiel ang likuran nito.

Hindi pa man ako nakakalingon para tignan ito nang biglang tumalsik si Officer Kaluwag sa lupa at ang kasama nito ay tumalsik sa Van, dikit ang likod sa sasakyan, nanlalaki ang mga mata at may butas na kasing laki ng piso sa noo niya.

I screamed, horrified as he slipped down, blood gushing out of his forehead like lava. Napaatras ako nang bumagsak siya sa paanan ko pero sa ginawa, bumangga ako sa matigas na bagay sa likuran. I turned, blinking the tears in my eyes as I came face to face with Kazmus.

His face was hard as stone as he eyed the dead man. Umiwas siya ng tingin nang nagtatagis ang bagang bago sinalubong ang akin.

"You never take good advice, do you?" He said it with his teeth clenched. Nangangaral ang tono at medyo dismayado. Sumulyap siya sa pwesto ni Dashiel. There was a silent conversation between their serious eyes before Kazmus grabbed my arm and pulled me along with him.

"Ah!" I cried out when another wave of pain shot through my ankle.

Huminto si Kazmus at tumingin sa paa ko nang magkasalubong ang mga kilay na parang kaaway niya ito at gusto niyang suntukin din. He pressed his lips together as he looked back at me. Hindi ko alam kung hallucination ko lang ang nakitang pag-aalala doon dahil kaagad din itong nawala at napalitan ng talim.

"And now you're clumsy. I should have thought twice before choosing you."

"I'm not clumsy! Hinila niya ako!" Tinuro ko si Officer Kaluwag na sinapak niya na wala nang malay ngayon na nakahiga sa sahig.

Tinignan niya ng masama ang tinuro ko. "He'd regret ever touching you."

"What do you—" I yelped when he scooped me up in his arms and carried me, bridal style. Napayakap ako sa leeg niya dala ng takot na mahulog.

"Let's go."

"Wait! Si Candice!"

"Who?"

"Pinsan ko! They took her!"

Kazmus tilted his head like he was recalling something in his mind. "No one mentioned it to me about the other girl."

"No, no! Kasama ko siya kanina. Kinuha siya ng malaking kalbo para daw linlangin ang kung sino man!" Kinapit ko ang isang kamay sa kwelyo ng jacket niya. He looked down at me as I desperately begged. "Please, iligtas mo si Candice."

Tumitig siya sa akin, matagal, hanggang sa sundan niya ng tingin ang mga luha ko sa pisngi na parang may equation doon na sinusubukan niyang kompyutin. 

"Please, Kazmus..."

His eyes went back to mine. Large as if he were frozen in the place.

And I was shocked to see him shocked. Make sense?

Maingat siyang tumango. "Alright."

Lumuwag ang kapit ko sa kwelyo niya, hindi ko nga namalayan na sinasakal ko na ito. Relief washed through me as I smiled at him gratefully. Something about him made me want to trust him, and his simple confirmation of my request shot something familiar in my stomach.

I should have not trust a Russian but Kazmus —

Sandali.

"IKAW ANG ASAWA KO?!"

  
.

Hi, I need to hear your thoughts!

Continue Reading

You'll Also Like

707K 25.8K 70
EDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how much im in pain and almost damn broken."...
396K 31.3K 82
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's tric...
17.4K 1.7K 200
"Basta mag-level up pa ako ng 10 beses, maa-activate ko na ang Gene Lock. Sa oras na iyon, magagawa kong sirain ang makalangit na katawan na ito!" ...
2.3M 85.4K 84
Highest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang magtransfer sa isang magic school sa isa...