The Antagonist

By KCaela_

130K 4K 289

Is it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Part 1
Chapter 14: Part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17: Part 1
Chapter 17: Part 2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Author's Note
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Part 1
Chapter 26: Part 2
Chapter 27
SURVEY
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31: Part 1
Chapter 31: Part 2
Chapter 32: Part 1
Chapter 32: Part 2
Chapter 32: Part 3
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
A N N O U N C E M E N T
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
So, is this how the end looks like?
It's your turn
A Sweet Ending After All

Chapter 48

208 9 0
By KCaela_

JANA

It's finally the day. The wedding.

Actually, Kuya's wedding. Grabe, sobrang emotional today pero it's all because of too much joy, celebration. Pure happiness.

Alam kong sooner or later, kasal ko naman ang gaganapin. Kasal namin ni Ada. Confident yern? Eme.

Siyempre, kung hindi lang din naman pala si Ada makakatuluyan ko, pwede na siya kuhanin Ni Lord-- este, wag na lang magpakasal kung ganoon.

Kuya was hesitant na ituloy yung wedding nila at first. Not because he wasn't sure kay ate Lj, but because he was afraid that another criminal would attack in this kind of situation.

Since hindi pa nga alam kung sino ang nag utos doon sa gunman na ngayon ay hawak na ng police, hindi pa rin kami nakakasigurado na safe na ulit kami.

Pero I pushed Kuya na ituloy na. Ilang beses ko na rin sinabi, ayaw ko namang ako ang maging cause of delay ng pinaka importanteng araw niya.

Hindi naman kami naging pabaya sa preparation at isinama talaga ang security ng lahat. Bali napapalibutan ng body guards at mga police na hindi naka uniform ang lugar ng kasal at reception.

Less ang tao ngayon compared sa anniversary event, pero hindi imposibleng kuhain nung criminal ang pagkakataon na to para umatake. Kaya naman sinabihan din kami ng mga police na maging alerto na lamang.

Minabuti ni Papa na sapat ang bilang nila para walang makalusot na hindi imbitado at 'di na maulit ang insidente. Lalo pa't nandito ako, ang pamilya ko, si Ada, at ang pamilya niya.

Medyo nahihiya tuloy ako kina kuya Josh at ate Lj. Araw nila to pero ang daming na-consider na para sa akin o ako ang root. Kaya naman para makabawi, ako ang bibili ng bed nila sa bago nilang bahay at nag book ako ng one week staycation sa Amsterdam para doon sila mag spend ng honeymoon.

Back to the wedding, halos napupuno na ang mga upuan dahil nagdatingan na rin ang mga bisita. Iniipon na rin sa likod yung part ng procession.

Nakakatuwa na nagsama-sama ngayon ang mga pinaka importanteng tao sa buhay nina kuya Josh at ate Lj. At kitang-kita sa mukha nila ang saya, tuwa, at galak.

Ipinatawag na nga rin kami nina Papa at Mama para tumungo na sa likuran dahil malapit na magsimula ang event.

Binali ni kuya ang tradisyon, instead na mamili ng best man, ako ang napili niyang best woman. At ipinilit niya na sasama lang ako sa procession kapag nag partner kami ni Ada. Napasapo nga ako sa noo dahil sa mga request niya. Pero hayaan mo na, kasal niya naman 'to.

Nang dumating si kuya ay doon ko lamang napatunayan na kapatid ko siya. Ang gwapo niya kasi ngayon. HAHAHAHA. Ganiyan ba talaga kapag ikakasal? Parang lahat ng positive aura mo sa katawan ay lalabas.

"Masayang masaya ako para sa'yo, kuya. Sa wakas ay magiging solong anak na ako sa bahay.." Saad ko nang mayakap ko siya noong makalapit ito sa akin. Sinapok pa ang ulo ko doon sa huling sinabi ko.

"..Charot lang. Malungkot man na aalis ka na sa bahay, at least dahil 'yon sa may sarili ka ng bahay at pamilya. Ingatan mo si ate Lj ha. At bigyan mo ko agad ng pamangkin. I love you, kuya." Maluha-luha kong pagtutuloy.

Wala pa man ay nangingilid na ang mga luha ni kuya. I wonder kung ganito rin ako kapag ako na ang ikakasal.

Pagkita naman namin kay Mama ay humahagulgol na. Nakayakap na nga si Papa sa kaniya at pinapatahan siya. At 'yan ang sigurado, ganiyan din si Mama pag ako na yung ikakasal.

"Ma naman. Ikakasal lang ako, hindi pa ako patay." Pabirong sabi ni kuya.

"Josh Leion, magtigil ka nga sa mga sinasabi mo, ha! Hindi ba pwedeng sobrang saya ko lang para sa panganay ko." Hindi na halos maintindihan ang sinasabi ni Mama dala ng pag iyak niya.

Kami naman ay natatawa lang sa kanya pero hindi na namin pinahalata.

"Ma, 'wag ka mag alala, pagbalik ko ng bahay may apo ka na." Sabi ni kuya na siya namang nagpatigil kay Mama sa pag iyak.

Jusko Ma, ano? Apong-apo ka na ba?

"Talaga? Sige, sabi mo yan anak, ha. Masayang masaya kami para sa'yo, sa inyo ni Lj. Wag kayong mahihiya na manghingi ng mga payo sa amin ni Papa niyo. Nandito lang kami para sa inyo. I love you, anak." Pagtatapos ni Mama at hinagkan na si kuya.

Tuluyan na ngang naiyak si kuya. Si Papa naman ay nangingilid na rin ang luha pero pinipigilan pa ang pag iyak.

"Anak.." Pagsisimula ni Papa.

"Sinabi naman na sa'yo ng kapatid mo at Mama mo na masayang masaya kami para sa'yo, at totoo 'yon. Proud ako sa'yo kaya naniniwala akong kaya mo na maging asawa kay Lj at sa susunod ay ama sa mga magiging anak ninyo. Congratulations on your wedding, kuya namin. I love you, anak." Pagtutuloy niya.

Si kuya ay umiyak na nga ng tuluyan. Si Mama ay nabalik sa paghagulgol niya. Pati ako ay nahawa na sa pag iyak.

Isang malaking family hug ang ginawa namin pagtapos.

"Thank you Ma, Pa, at bunso." Banggit ni kuya at isa-isa kaming hinalikan sa pisngi at tutungo na sa pwesto niya para sa procession, pero bago pa man ay sakto naman ang pagdating ng mga Garcia.

"Congratulations on your wedding, Josh." Bati ni tito Adrian.

Nag congratulate lang din sa kaniya sina kuya Adrien at ate Adeline.

"Congratulations po, kuya." Bati ni Ada sa kaniya.

"Thank you, bunso. Kayo ni Sherry ang susunod, ha?" Sagot ni kuya bago siya tuluyang magpunta sa pwesto niya.

Namula naman si Ada sa sinabi nito. Lumapit na ako kay Ada para makapunta na rin kami sa pwesto namin.

"Aww, did you cry?" Sabi nito sa akin.

"Of course, mahabagin ang puso ko sa mga ganitong pagkakataon. 'Di tulad mo, maldita ka kasi." Pang-aasar ko.

Inirapan niya lang ako sabay kapit sa braso ko dahil anytime soon ay magsisimula na ang procession.

"I'm not maldita ah, I cried rin nung wedding ni ate Adeline, nung pagka panganak kay Charlotte, and probably sa wedding ni kuya Adrien." Pagdadaldal nito sa gilid ko.

Hindi ko na lang siya iniimik. Alam ko naman kasing kahit maldita siya ay ginintuan pa rin ang puso niya.

Nagsimula na nga ang kasal.

Lahat ay tumayo nang papasok na ang bride. Kitang-kita sa mga mata ng bawat isa ang excitement na makita si ate Lj.

Bumukas na ang pinto at naglakad na nga si ate. Nagsimulang mag cheer ang mga tao sa galak. Sobrang ganda nga naman kasi ni ate. Hindi nagmukhang vintage ang gown niya kahit ang totoo ay ito rin daw ang gown ng Mommy niya nung kinasal ito. Dalang-dala niya ang damit at napaka graceful ng paglakad niya.

Naka-jackpot ang kuya ko. Daig pa nanalo sa Lotto. Speaking of kuya, nang tignan ko ito sa kabilang dulo ay nakakailang punas na ng luha.

"Iiyak ka rin kaya on our wedding?" Tanong ni Ada sa akin na ikinagulat ko.

"Hindi." Sagot ko rito, may tono ng pang-aasar.

"Edi don't." Pagmamaldita niya. May kasama pang pag roll eyes.

Vebs kung araw-araw mo ko iirapan, iiyak talaga ako niyan. Chariz. Sa susunod, ibang roll eyes na gagaw--- HOY BAD.

The wedding was so intimate. Mukha lang madami ang guests, pero pinaka malalapit na pamilya lang 'yan ng bride at groom. Galing rin kasi sa malaking pamilya si ate Lj.

~*~

Ilang oras pa ang lumipas at natapos na rin ang ceremony. Tumuloy na rin sa reception ang lahat.

Hindi na naghanda ng bonggang program ang mga coordinator ayon na rin sa request ng newly weds. As much as possible, gusto talaga nila ay intimate lang. Pero syempre yung mga traditionals ay parte pa rin ng munting program.

Mula sa pag aabot ng mga regalo, unang sayaw bilang bagong kasal, pagbati mula sa mga ninong at ninang, magulang, pamilya, paghihiwa ng cake, at kung ano-ano pa.

Syempre hindi mawawala ang pagbato ng bride sa kaniyang bouquet. Pero nabigla kaming lahat sa ginawa ni ate Lj.

"Uhm, alam ko maraming naghihintay na ibato ko ang bouquet para malaman kung sino ang susunod na ikakasal. Sa mga pinsan ko riyan, alam kong sabik kayong mag tulakan para masalo yung bulaklak..." Panimula ni ate Lj sa litanya niya.

"..pero Josh and I decided to break some of the wedding traditions. At first, he chose his sister as his best woman. Now, I'm breaking the tradition of tossing the bouquet. Instead, I'm going to pass it to bless the couple who will get married next.." sabi nito at saka tumingin naman sa gawi namin.

".. I'm passing to bouquet to our next lovely bride. Ada, this one is for you! Congratulations on your wedding in advance!" Masayang bati ni ate Lj at sabay na inabot ang bulaklak kay Ada.

Halos maluha ako. Hindi ko alam kung dahil sa tuwa at excitement na binebless ng bagong kasal ang babaeng gusto kong pakasalan. Sana itong mga luha ng kaligayahan na ito ay di mapapalitan ng kung ano man.

Continue Reading

You'll Also Like

17.8K 719 30
Sani Tuazon, an outcast average student who fell in love with the multi-talented, smart and popular girl in their campus-totally her opposite. After...
39.5K 1.1K 62
COMPLETED STORY Star Amirez, a 23 years old girl who's life was very simple. She came from a wealthy family but her family despise her. Zeke Velasque...
157K 6.8K 53
To say that fate has a strange way of bringing two different lone souls together is an understatement. Ang paraan niya ay nakakapagtaka, napapatanong...
8.2K 200 28
Sabi nga nila makalimot man ang isipan ng isang tao at mawala ang lahat ng alaala nito. Magkagayon pa man hinding hindi naman makakalimot ang puso ni...