Falling for the Billionairess...

By elisestrella

3.1M 82.2K 16.1K

C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice pre... More

Prologue
Day 1
Day 2
Day 3
Day 4
Day 5
Day 5 - Night
Day 6
Day 6 - Noon
Day 6 - Afternoon Date
Day 7
Day 7 - Later that Night
Day 7 - Later that Night con't.
Day 8
Day 9
Day 12
Day 13
Day 13 - Afternoon/Night
Day 14
Day 15
Day 19
Day 20
Day 20 - Night
Day 21
Day 24
Day 25
Day 25 - Night
Day 26
Day 26 - Night
Day 26 - Later that Night
Day 27
Day 28
Day 28 - Later that Night
Day 29
Day 29 - Later that Day
Day 29 - Later that Night
Day 1 of 4
Day 1 of 4 - Later
Day 2 of 4
Day 3 of 4
Day 3 of 4 - Later
Day 4 of 4
Day 4 of 4 - Night
Day 34
Day 35
Day 35 - Later that Night
Day 36
Day 37
Day 38
Day 38 - Later that Night
Day 39
Day 39 - Later that Morning
Day 39 - Later that Day
Day 39 - At Twilight
Night 1
Author's Note
FFTB Book 2

Day 22

50K 1.2K 175
By elisestrella

 KINABUKASAN, maaga akong dumating sa opisina na may dalang javachip frapuccino para kay Meredith. Hindi pa rin ako ang sumusundo sa kanya sa umaga. Hinahatid pa rin siya ni Tito Eman. Okay lang naman sa 'kin. Basta ako na ang maghahatid sa kanya pauwi. 

Kakacheck ko lang ng calendar nang dumating siya.

"Hi!" bati niya na nakayakap na sa mga balikat ko. Hinalikan niya ako sa pisngi at nilingon ko siya. "Good morning!"

"Ganda ng gising ah," biro ko. As if naman hindi gan'un ang feeling ko.

"Ewan ko nga ba. I used to hate Mondays."

"Ako rin." I cupped her cheek and kissed her on the lips. "Good morning, Miss Balajadia," bati ko na nakadikit sa noo niya ang noo.

"Good morning, Mr. Montesines."

Tumuwid siya at inikot ko ang upuan ko para makatayo. Naglakad kami papunta sa office niya at pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Ano'ng gagawin natin ngayon?" tanong niya bago nagpunta sa mesa.

"Well—"

Wala pa 'kong sinasabi, tumawa na siya. "Work-related, Ash!"

Ngumisi ako. "Wala akong sinasabi!"

"Manyak kasi 'yang ngiti mo eh!"

"Oy, hindi ah!" Kahit totoo naman dahil wala naman talagang kinalaman sa trabaho ang una kong naisip. "Pero sige na nga! Si Ninong Ernest. Di ko pa naitatawag sa secretary niya kung may time siya para sa 'tin ngayon."

"Tumawag ako sa kanya kagabi. Free daw siya ng 8:30."

"Ah, okay. Then you have a 9AM with the Japan team, then lunch with me at noon." Kumindat ako. She smiled. "Nag-cancel 'yung 2PM mo so libre ka hanggang 4PM for another concall. May mga kailangan kang pirmahan pero kahit mamaya na. I'll have those ready before the end of the day."

"Okay. Thanks." Napansin niya 'yung frappé sa mesa niya at bumuntong-hininga siya. "Frappucino na may cream. Tataba ako nang sobra-sobra nito sa 'yo eh."

Lumapit ako sa kanya, tumungo at binigyan siya ng isang mabagal na kiss. "Eh di more for me to love."

Bumunghalit ng tawa si Meredith. "Bolero talaga 'to."

"Eh siyempre. Sino pa ba ang magbobolahan kundi tayo?"

She made a face at me. "D'un ka na nga sa labas! Na-di-distract ako sa 'yo!"

"Kakatukin na lang kita ng 8:30." Kiniss ko siya ulit bago ako lumabas ng office niya.

Pansin mo? Wala namang nagbago mula n'ung magsimula akong maka-chansing sa kanya di ba? Ngayon lang, legal na ang pananananching ko.

NAGBASA lang ako ng ilang emails mula sa mga kliyente bago ako bumalik sa office ni Meredith. Ready na siyang umalis kaya lumabas na kami at nagtungo sa elevators. Pinanindigan ko na talaga. Hawak ko na ang kamay niya. Kaya naman ang lalaki ng mga ngisi nina Abby at ni Manong Ferdie sa 'min nang makita nila kami sa reception. Nag-blush si Meredith pero nakangiti na rin naman siya saka di naman niya binitawan 'yung kamay ko.

Bumaba kami sa 16th floor kung saan naroon ang HR department at dumerecho na sa opisina ni Ninong Ernest. Pinapasok kami ng secretary niya at sinalubong niya kami na may malaking ngiti. Pero bago pa niya 'yun  napansing magka-holding hands kami. Noon lumipad sa 'kin ang paningin niya.

"Hi, Ninong. Good morning," nag-aalangan kong bati. Baka di nga nagalit sa 'kin ang daddy ni Meredith pero si Ninong naman ang ma-stroke sa balita namin.

"Good morning," sabi niya bago niya itinuro ang mga upuan sa harapan ng mesa niya. Pero nagbago ang isip niya at doon na lang kami sa sofa giniya. Kung pwede lang baka kumuha ng whisky si Ninong at tinungga 'yun. Gan'ung katindi ang pag-aalala sa mukha niya. "How can I help you?"

Nagtinginan kami ni Meredith. Mukhang nahalata na rin niyang parang di maganda ang pagtanggap ni Ninong Ernest sa paghoholding hands namin. She nudged me at tumikhim ako.

"Ninong, Meredith and I would like to formally announce our relationship."

Whattemaisaying?

Kumurap si Ninong Ernest sa 'min. "Ibig mong sabihin, hijo, eh kayo na?"

Ayun. Eksakto. "Eh, opo, Ninong. Kami na po."

Tiningnan niya si Meredith na mukhang nag-aalala pa rin. Tumango siya kay Ninong Ernest.

"Ah, well..." sabi niya na halatang speechless. Hindi ko alam kung maiinsulto ako eh. Nang lumipas ang isang buong minuto na wala pa rin siyang na-co-construct na complete sentence, nagpasiya na akong magtanong.

"Okay lang po ba 'yun, Ninong?"

Di naman ako nanghahamon. Mahinahon naman ang boses ko.

"Ah, well..."

Natawa na si Meredith at inabot niya ang kamay ni Ninong Ernest. "It's okay, Tito," sabi ng girlfriend ko. "Okay lang po kami ni Ash."

"Ah, well..." Siguro nahalata na rin ni Tito na wala pa siyang sinasabing matino kaya tumikhim siya at sinubukang magsalita ulit. Ayun, wala pa ring lumabas na sound. Natawa kami ni Meredith at tumawa na rin si Ninong Ernest.

"Ngayon lang ako na-speechless nang ganito," amin niya. "It's not that I wasn't expecting it. Siguro n'ung nag-dinner tayo n'un sa inyo, Meredith, nakita ko na."

"Kasi malagkit na kami magtinginan ni Meredith n'un?" nakangisi kong biro.

"No, ikaw lang ang malagkit tumingin. I was hoping Meredith had more sense than that."

"Ansakit mo namang magsalita, 'Nong!"

Tumawa si Ninong Ernest pero muli niya kaming pinagmasdan. "Are you two happy?"

Nagpalitan na naman kami ng tingin ni Meredith at sabay kaming napangiti bago namin hinarap si Ninong Ernest. Bumuntong-hininga siya. "All right. Di niyo na kailangang sagutin. I can see it."

"Okay lang po ba?" tahimik na tanong ni Meredith.

Ngumiti si Ninong, kinuha ang kamay niya at tinapik iyon. "Of course, Meredith. Ang mahalaga lang naman sa 'kin ay masaya kayo. Teka, alam na ba ng parents mo?"

Tumango si Meredith.

"And they're okay with this?"

Tumango siya ulit.

"All right." Sinulyapan niya ako bago muling tiningnan ang girlfriend ko. "Alagaan mo si Ash ha. Special 'yan. Special child."

Tumawa kaming tatlo.

Pinag-usapan din namin kung kailangan ko bang lumipat ng department dahil direct report nga ako ni Meredith (sana hindi) at sinabi ni Ninong na wala naman daw kasi akong ibang responsibilidad na ma-a-apektuhan ng relasyon namin ni Mere kaya okay lang na hindi (thank You, Lord).

"Ah, Meredith, is it all right if I speak with Ash?" tanong ni Ninong nang magpaalam kaming aakyat na kasi may 9AM meeting si Mere.

"Sige po. Mauna na 'ko sa taas," sabi niya bago muling humarap sa pinto. Hinila ko siya bago siya makalabas at ngumuso ako sa kanya.

"Ash," saway niya pero itinuro ko lang ang nguso ko at tinaasan siya ng mga kilay. Sinulyapan ni Meredith si Ninong Ernest bago ako mabilis na hinalikan sa lips. Namumula na naman ang mga pisngi niya bago siya nagmamadaling lumabas ng opisina.

Bumalik ako sa sofa kung saan ako pinag-aralan ni Ninong na para bang bacteria ako sa ilalim ng microscope. Dahil hindi ko mabasa ang isip niya, tinitigan ko na rin siya. Nagtitigan lang kami. Siyempre pagdating kay Ninong, ako ang unang bumigay.

"Mahal ko siya, Ninong," tahimik kong sabi. "Hindi ko nalabanan eh."

 "Alam ba ito ng daddy mo?"

Umiling ako. "Hindi ko alam. Baka. May pictures yata kami sa Internet. Alam n'yo naman si Daddy, pagdating sa mga mayayaman, alam kaagad niya ang mga balita."

"Are you planning on telling him?"

Nagkibit-balikat ako, hindi alam ang isasagot. Hindi naman kami close ng tatay ko. Baka nga mas sabihin ko pa 'yung balita kay Pete na janitor sa floor namin kesa sa tatay ko eh.

"Ninong, tapatin mo nga ako," hiling ko na parang batang naghihintay na masabihan ng 'very good' ng paborito niyang teacher. "Okay lang ba sa inyo? Itong kami ni Meredith?"

"I can't say I'm not worried," amin ni Ninong Ernest. "I mean Meredith is Meredith."

"At ako ay ako?"

Sana naitago ko ang pagka-bitter ko. Kilala kasi niya 'yung dating ako. Kung di niya napapansin, medyo nagbago na ako.

"Don't put words into my mouth," he said in a patient voice. "Alam mong kung may isang taong naniniwalang iba ka sa mga nababasa tungkol sa 'yo, ako na 'yun. I meant she's your boss and a Balajadia. Mag-aalala rin ako kung si Lex ang naging boyfriend niya."

"Dahil ba masyado siyang mataas para sa 'min?"

Oo na. Defensive pa rin ako.

Bumuntong-hininga si Ninong. "Kalma lang, hijo. Montesines din ako. Hindi ko iniisulto ang lahi," natatawa niyang sabi.

Ah, okay. Oo nga naman. Napakamot ako ng batok. "Ehehe sorry po. Ayan, kalmado na po."

Ngumiti siya. "I'm sorry rin. Hindi ko lang siguro naipapaliwanag 'yung gusto kong sabihin." Huminga siya nang malalim. "Anyway, kalimutan na natin 'yun. Hindi naman 'yun mahalaga. Ang mahalaga masya kayong dalawa.  And I am happy for the two of you."

Ngumiti na rin ako. "Thank you po."

Nagseryoso si Ninong Ernest. "Ingatan mo si Meredith, Ash. You love her and do everything you can to make her happy."

Based on experience ba ito, 'Nong?

"Opo, Ninong. Promise."

Tumango si Ninong Ernest at tumayo na kami. Di ko alam pero parang bigla akong nangailangan ng hug. Lumapit ako kay Ninong at niyakap ko siya.

"I love you, Ninong. Alam n'yo naman 'yun di ba?"

Niyakap din niya ako. "Of course. Isa 'yun sa mga ipinapagpasalamat ko sa Diyos."

Nang lumayo ako, nangisian kami bago binitawan ang isa't isa. Nagtungo na ako sa pinto at hawak na ang doorknob bago ko siya nilingon. "Nga pala, Ninong. Minsan aayain ko kayo sa date namin ni Meredith. Double date tayo ni Tita Vera."

Nakita kong nag-blush naman si Ninong.

AHA!

"Ah, eh... sige, ayain natin si Vera."

Mahina akong tumawa, natutuwa dahil parang bumalik sa pagka-teenager si Ninong bago ako tuluyang lumabas ng opisina.

PAGBALIK sa floor namin, ni-unlock ko 'yung computer at nagpadala ng message kay Meredith. Alam ko kasing nasa concall siya kaya ayaw ko naman siyang istorbohin.

Amontesines (Sent at 9:11AM): Back at my desk : )

Mbalajadia is typing...

Mbalajadia (Sent at 9:11AM): Okay lang si Tito Ernest?

Amontesines (Sent at 9:11AM): Oo. Saka okay lang siya sa relasyon natin. Alagaan daw kita.

Mbalajadia (Sent at 9:12AM): Aww <3

Amontesines (Sent at 9:12AM): Inaya ko siyang makipag-double date sa 'tin. Siya saka si Tita Vera.

Mbalajadia (Sent at 9:14AM): Talaga? Ano'ng sabi?

Amontesines (Sent at 9:14AM): Oo raw. Sabi na nga ba may something sa kanila eh.

Mbalajadia (Sent at 9:15AM): Ang sweet nga eh. And speaking of Tita V, itetext ko siya. Sasabihin kong tayo na ha.

Amontesines (Sent at 9:15AM): Sure : ) Sige, I'll let you get back to the meeting. Love you.

Mbalajadia (Sent at 9:16AM): Love you back : )

"MEREDITH Balajadia's office. This is Ash."

"ASH!" Nabingi yata ako sa tili ni Tita Vera.

"Ah, hi, Tita!"

"Oh, my God! Sinabi sa 'kin ni Meredith na kayo na raw! I'm so happy for you, hijo!"

Tumawa ako, nahawa sa enthusiasm niya. "Thank you po."

"Available ba kayo for lunch? Pupunta ako ng opisina ninyo. Itong si Ernest, hindi man lang sinabi sa 'kin! Alam na niya di ba? Imposibleng hindi niya alam."

"Eh baka hinihintay pong kami ni Meredith ang magsabi."

"Eh sinabi na nga ni Meredith! Teka, puno ba ang schedule ni Meredith ngayong hapon or pwede mo akong isingit?"

"Libre po siya ng 12 to 4."

"Perfect. Mag-lunch tayo ng 12 then I have to take her somewhere for a little girl talk. Can you block off those hours for me? I'll make sure na nand'yan na siya ulit before 4."

"All right, Tita."

"Sige, malapit na ako. Akyat na lang ako pagdating ko. And Ash?"

"Yes, Tita?"

"I'm really, really happy for you. I know you and Meredith are perfect for each other."

Na-touch naman ako d'un. At hindi ko alam na kailangan ko palang marinig 'yun mula sa ibang tao. "Thank you po, Tita Vera."

"I'll see you in a few minutes."

DI KO akalaing ganito kabilis ang double date namin nila Meredith, Ninong Ernest at Tita Vera. Mas matindi pa ang blush ng ninong ko kesa sa inosenteng virgin sa honeymoon niya kasi nakakapit si Tita Vera sa braso niya habang kumakain kami sa isang restaurant at ikinukwento ni Meredith ang love story namin.

Gusto ko tuloy sabihin kay Ninong na mag-out na siya. Aminin na niyang may relasyon talaga sila ni Tita Vera dahil mahirap magtago, ba!

Kilig na kilig naman si Tita Vera sa kwento ni Meredith kahit pa nahihiyang magbigay ng detalye ang girlfriend ko. Actually, 'wag na nga siya magbigay ng detalye. 'Wag na niyang dagdagan ang pagka-asiwa ni Ninong. I'm sure ayaw nitong malaman ang tungkol sa first kiss namin ni Mere. Wala rin naman akong balak na magpakwento tungkol sa first kiss nila ni Tita Vera.

Nang matapos ang lunch, magka-holding hands kaming lumabas ng restaurant ni Meredith pero ipinaalala ni Tita Vera na may pupuntahan sila. Ayaw niyang sabihin sa 'min kung saan 'yun so naisip kong mamaya ko na lang kukulitin si Mere.

Hinatid kami ni Ninong Ernest ng driver ni Tita pabalik sa building. Hinalikan ko ang girlfriend ko para magpaalam at hinalikan din sa cheek si Tita Vera. Nakangisi ako nang tawagin niya si Ninong Ernest nang nagmamadali itong lumabas ng sasakyan.

"Hoy, Ernesto! Ang kiss ko!"

Tiningnan ako ni Ninong at nanlaki ang mga mata ko sa kanya.

"Still waiting," paalala ni Tita Vera at bumuntong-hininga si Ninong, bumalik sa sasakyan at mabilis na hinalikan sa mga labi ang tita ni Meredith. Kulay pinakuluang lobster na naman siya nang bumalik sa kinatatayuan ko sa sidewalk at sabay kaming kumaway nang magsimulang lumayo ang kotse.

"So," simula ko, nagbabalak mangchismis.

"Marami pa 'kong gagawin," suplado niyang sabi bago ako tinalikuran.

"Oh, come on!" Tumatawa akong humabol sa Ninong ko papasok sa building namin.

MGA 3:30 na nakabalik si Meredith. Tumayo ako sa upuan nang makita siya.

"Hi!" bati ko.

"Hi!" bati rin niya pero saglit lang niya ako tiningnan bago siya dumerecho sa opisina niya.

O, wala man lang kiss? Sumunod ako. "Saan kayo galing ni Tita?" tanong ko, curious lang.

Namula siya at hindi man lang ako tiningnan. May dala siyang maliit na brown paper bag pero mabilis niya 'yung ipinasok sa drawer niya.

"D'yan lang," sabi niya na hindi pa rin tumitingin sa 'kin nang derecho. "Nag-girl talk lang kami."

Tumayo lang ako d'un sa harapan ng mesa niya, nakahalukipkip. Sinulyapan lang niya ako bago siya ulit nag-iwas ng tingin.

"Mere?"

"Wala!" sabi niya kahit halata namang may itinatago siya. "Basta, saka na."

Naningkit ako.

She laughed, stood up and went to me. Yumakap siya sa baywang ko at idinikit ang mukha sa leeg ko. Ang init ng mukha niya. "Basta. Saka ko na sasabihin." Nag-angat siya ng mukha. "Just trust me on this for now."

Pinagmasdan ko siya. "Ibinili ka niya ng condom ano?"

"ASH!"

"Bakit?!" tawa ko. "It's a valid question!"

Tumatawa na rin niya akong itinulak. "Lumabas ka na nga! May meeting pa ako."

"Ano'ng flavor?" pangungulit ko habang ipinagtutulakan niya ako palabas ng opisina niya.

"Labas!"

"Love you."

"Tse!"

Pinagsarhan niya ako ng pinto at tumatawa akong bumalik sa mesa ko na masaya at magaan ang puso. So far, maganda ang unang araw namin ni Meredith sa opisina bilang mag-boyfriend. I can't help but be optimistic.

God, I really love my girlfriend. At kung condom nga 'yung laman n'ung paper bag na 'yun, aba, eh mahal ko na rin talaga si Tita Vera.

...

Ano kayang klase 'yung binili niya? Sana 'yung ultrathin...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 44.5K 50
C O M P L E T E D --- "Falling for the Billionairess" as told from the POV of Meredith Balajadia. --- My name is Meredith Balajadia, EVP ng Balajadi...
82.9K 1.9K 36
Can you live with your brother's bestfriend? con-amore-2015
739K 26.3K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.8M 7.3K 5
Duke Xyrus Dela Marcel Dela Marcel Series: Duke's Possession by Diyosangwriter Book Cover: CookieMallows (Current) Book Cover: Krunchey (old one)