Your One-Shot

By TropangWattyFacebook

13.1K 273 155

Mini-game (Finished) Result: ENTRY NUMBER- TOTAL 9- 3.499 14- 3.333 17- 3.995 19- 4.499 20- 3.499 21- 3.999 2... More

Your One-Shot
Ang Spelling Bee by mister_author
Forget Me Not by NuhYheen
I Told You I Love You on a Piece of Paper by zheliLURVScookies
Candy Wrapper by TheUnpredictableGirl
Is It Too Late? by TheGirlYouCantDefine
Memories Under the Rain by Popcornchin
Karibal ko, Manliligaw ko by Joomanjee
Mahal mo ako, Manhid ka lang by supermaria09
Here I Stand, Take my Hand by thesoullessvampire
Bigyang Pansin by aira_irish
ABC by iemotaku
Beautiful in my Eyes by enjelshii
Starbucks Love Story by iloveyouLP
The Story of Us by dinklebeyr
The Invitation by Unidentifiedbluestar
Pepsi by sushihead
Have You Seen This Girl? by ash_23
My Eighteenth Rose by KesoBoy
Onirus by szhan06
It Started with a Status Message by bittersweet24
Once Upon A Time by PurpleWonders
An Hour Too Late by iamjaypee
Birthday Greeting By TwoFaceDiva
Girlfriend for One Day By Ladywithbutterflies
Courting my Crush by twinkletz_eyn
P R O M I S E S ! by BataNaMAYulit
IF I COULD... by Yurimika
SILENT LOVE
Truth Hurts, Sweety.. by strawberrycookies
A Love Story by somberDoll

A Crush Story in Fun Run by iheartkitty20

308 2 1
By TropangWattyFacebook

ENTRY NO. 14 (Click po ang external link if gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa Facebook.)

A Crush Story

Fun Run

by iheartkitty20

***

"Neng, gising na! Nakatelecast na yung fun run!! ano oras ba simula nun?"-Nanay

"Hmmm--asdfggh.."

-__-

Tssshh.. nanay ko tlaga ang aga aga pa eh! late naman magsisimula yung fun run parang yung last year lang... 4:55 daw yung gun shot, tas 6:30 naman nagsimula.. Kaya okay lang malate! Para saan pa yung tinatawag na 'Filipino Time' ahihihi..

"Ano ba?! Di ka na ba pupunta?!!  Para naman di na ko sigaw ng sigaw dito.."-Nanay

Napabalikwas naman ako ng bangon at tinignan yung CP ko.. 4:15AM.

Ohmeegosh! may usapan nga pala kami na magkikita sa labas ng school >.<

Hala yari na! Tss..

bukod sa ORAS.. nakita ko rin yung 20 messages sa phone ko.

'Oi bumangon ka na'

'Malapit na mag 4:30, uupakan kita pag na late ka'

'Hoi san ka na?!'

Tsss... akala mo naman may hinahabol. si Krizelda lang naman yun, yung bestfriend ko kuno sa room namin ngayong sem. tss.. kung may iba lang naman akong kaclose eh di naman ako sasama dyan! Kaso HAHA.. no choice naman ako.

Kesa tumakbo ko ngayon mag-isa.

Kumuha na ko ng towel ko para maligo...

Pagkabihis, nakita ko naman na ready na yung breakfast nakapagluto na si Nanay.. wahahaha.. kakain muna ko para naman di ako gutom mamaya.

Si Tatay naman, sya ang maghahatid sa akin, masyado pa kasing maaga kung maglalakad ako hanggang sa kanto kaya hayun.. ihahatid niya na raw ako..

Okay! Dahil tapos na ko kumain, eh binitbit ko na yung gamit ko at nagpunta na sa sasakyan para maihatid na ko ni tatay..

"Andami naman niyang dala mo? Ano ba pupuntahan mo field trip?" sabi ng tatay ko..

HAHAHA.. kasi naman full pack nga pala itong bag ko may chips, may biscuits, may brownies, may cookies, may isang litrong tubig at kung anu-ano pa..

Eh sa ayaw kong magutom eh! Masama kaya kong magutom baka gusto niyong kayo ang kainin ko.. tska isa pa ayoko kaya ng gastos.. kaya nagbaon na ko..

Kaya lang mamaya palagay ko susugurin ako ng mga classmate kong buraot! Pero okay lang kaya nga madami yung dinala ko eh..

"HEHE.. di naman tay, ayoko lang magutom mamaya! :p"

"Ahh.. sige, mag-iingat ka dun ha.. Papasundo ka ba mamaya?"-Tatay.

Ano ko baby? Ang tatay ko talaga.. mahal na mahal ako. Unica hija eh :p

"Di na tay, may kasabay naman akong umuwi, wag na lang"

***

Pagkarating ko sa labas ng school andoon nga si Krizelda kasama yung iba ko pang classmate na boys. Anlandi talaga nun :p WAHAHAHA..

Huhulaan ko. Boyfriend nya na lahat yun HAHA.xD JOKE lang..

Pagkalapit ko putak na naman siya ng putak.. wala  namang tigil ang bunganga nito eh.

Bunganga talaga eh nuh? di bibig..

Bakit daw ako late? Ano oras daw ba ko gumising? Kanina pa daw sila naghihintay.

HAHAHAHHAhayyyss..

Anyway, hayaan na lang natin siya inborn na naman yang nakalunok ng MEGAPHONE eh.. yan MEGAPHONE na, di na kasi uubra doon ang MICROPHONE sa daldal at lakas ng boses niya. ahihihi..

Nagjeep lang naman kami papunta doon sa venue kasi sa circle lang naman, mabuti nga at malapit lang eh.. Kaya sakto lang naman yung pagdating namin.

Oh effective naman yung 'Filipino Time' ko kasi, pagdating namin sa cluster 6 & 7 eh tsaka pa lang nagsimula yung run..

Take note, umaambon pa, kaya medyo madulas dulas pa..

Waaa.. naman eh, wala pa naman akong dalang payong.. >.<

Wag ka na tumuloy please.. Wag ka ng maging ulan oh....

So far, pinakinggan naman ako ng langit! Yey!

Di na tumuloy yung ulan, ang ganda ko daw kasi.. anong connect? HAHA.

Pagkating namin sa may starting line.. panay na ang picture ko, kailangan din kasi ito para may proof na pumunta kami..

Sa school kasi namin, required tong pagsali sa fun run may grade.

Kaya nga siguro nag-number one ang school namin last year kasi nirerequired ng school.. Sus, para magkaron lang ng record.

Alam niyo kasi, hindi kasi kami kasama sa UAAP.. Poor lang ang school namin. Kaya hayan sa mga ganitong extra

curricular activities na lang sumasali.

Okay na rin diba.. para di maleft behind :)

"Oi Verna! Bilisan mo nga dyan.. takbo na tayo. Mamaya ka na ulit magpicture dyan.." - MEGAPHONE.. ay este si Krizelda

Pansin nyo ambabaho ng pangalan namin no? Yung kay Krizelda bagay lang yun kasi panget naman siya.. HAHA ansamang bestfriend eh nuh.. HAHA.

Eh ako maganda naman ako kaya di bagay na maging Vernadeth ang pangalan ko.

Ewan ko ba naman kasi sa nanay ko.. ambantot bantot ng ipinangalan sa akin.>.<

Vernadeth as in 'V' di ba? Parang lolang tigok sa probinsya. HAHA.. di manlang ginandahan eh.

Maganda na para sa kanya yun para daw unique..

Nyiee.. anong unique dun?

"OO na, andyan na.. teka lang naman kasi!" sigaw ko kay Kriz atsaka inalagay sa backpack ko yung cam.

Grabe ang bigat pala ng bag ko. Paano ko makakatakbo nito, at bukod doon, pahamak din itong zipper ng bag ko eh, sumabay pa.. Sira din >.<

Habang naglalakad eh inaayos ko yung bag ko,

Yes! umayos siya.. nasara siya.. ambait talaga ni Lord oh!

Yey! Game na.. takbo takbo na..

Isinukbit ko na yung backpack ko sa likod ko kahit medyo mabigat bigat pa..

Wooohh! Keri to..

"Hoy! Bilisan mo.. tara na!" si Kriz ulit.

"OO na andyan na.."

And then, nagtatakbo na nga kami..

Run walk run walk lang.. mahirap na nuh.. baka himatayin pa ko dito..

Di kaya ko sanay ng nagjajogging sa umaga.. paano pa kaya mag-run db??

"Bilisan mo naman! Ambagal. AMP!"-Kriz

Tsss.. Eh kung mauna ka na kaya! May lakad ka teh??

Nakakayamot naman kasi kaya nga FUN RUN diba? Para ienjoy mo yung moment mo.. tas magmamadali ka.. Tsss.

"WAAAAAHHHH----"-tilian ng mga girls.

Aray! Sakit naman ng tenga ko.. Magtilian daw ba ng ganun..

"Si Xian Lim!!! Dali dali.."-girl 1

"Tara bilis bilis!" sabi naman nung kasama ni girl 1, oh sige siya na lang si girl 2 :)

"Ambagal mo naman Verna! Bilisan mo naman.. Mawawala na si Xian!!!"-Kriz

"Mauna ka na.. Wag mo na kong hintayin! Di ko kasi kaya tumakbo eh..." sabi ko kay Kriz.

At hayun nga tumakbo na ang bruha at nakisama dun sa mga babaeng tumatakbo dahil nga kay Xian..

Sus! ordinaryong tao.. lang din naman yan eh..

Bakit kaya ganun nuh? May mga taong excited makakita ng artista.. Eh parepareho lang naman tayong tao dito sa EARTH. Ang pinagkaiba lang eh sikat sila.. Right?

Naupo na muna ko sa gilid, sa may pinakagutter ng daan.. Pagod na kasi talaga ko.

Ang weak ko kaya sa mga ganito..

Kinuha ko yung baon kong water sa bag atsaka uminom..

*gulp*gulp*gulp*

"Ahhhh--"

Sarap uminom ng tubig.. para kong narelax at nagkaenergy ulit. :)

After kong makapagpahinga ng mga ilang minuto, eh tumayo na ko..

Napag-isip isip ko na, tatakbo na lang ako ulit.. para mahabol ko si Kriz.

Malamang naman eh nagwawalk na lang yun, napagod rin siguro kakahabol kay Xian.

Tumayo na ako, at nagstart ng tumakbo...

Run..

Run...

Run....

Nang biglang...

*TOINKS!* (a/n: Readers, i do not know the sound of "nangudngod" kaya ginawa ko na lang comedy. Isipin niyo na lang nangudngod si Verna ah.)

"Aray ko. :'("

Unti unti akong tumungo.. Sh*t.. ansakit :'(

Dahan dahan kong inangat ang sarili ko para naman makatayo na ko..

Kaso nakita ko na lang yung siko ko, may gasgas.. pati yung tuhod ko may sugat rin..

"HUHUHUHU--T.T"

Waaaahhhh... ansakit. NANAY ko :'(

Umiiyak lang ako ng mahina.. habang hindi pa rin tumatayo.

Iyak lang ako ng iyak.. Yung mga tao naman sa paligid ko, parang walang pakialam.. Nilalampasan lang nila ako.

Kriz, nanay.. >.< Help.. :'(

Kasi naman eh.. antanga tanga ko >.< Antanga tanga ko talaga...

Kung ang akala ko ay wala na talagang tutulong sa akin.. eh nagkakamali pala ako.

May isang taong lumapit sa akin..

"Okay ka lang?" he asked.

Yess.. HE. kasi lalaki siya..

I think isa siyang estudyante ng kilala at sikat na university.

OMG. Why so gwapo?? Mukhang magkakaroon na naman ako ng panibagong crush nito ah..

Tumigil naman ako sa pag-iyak.. at tumingin lang sa kanya, sa mukha niya.. na para bang kinakabisado ko yung bawat parte ng mukha niya.

Napatigil naman siya, at nakipagtitigan din sa akin.

Huwaw.. ano ito? titigan portion.. :p

"Ah-eh-- okay lang.. hirap lang akong tumayo." sabi ko sa kanya..

Inalalayan niya ko sa pagtayo.. pinipilit kong makatayo pero hindi ko talaga kaya...

"Aww--"

Sumasakit lang lalo.. kaya parang namamanhid na lang yung paa ko.

"Let me carry you.."-siya

“Ah-eh-eh wag na.." pero huli na ko, binuhat niya na nga ako..

Yung parang bagong kasal lang.. XD

Ehhh! Naman eh.. ano ba to? Bakit parang kinikilig ako? :p

Pinipigil ko na huwag mapangiti kasi kita ko yung gwapo at napakaamo niyang mukha.. :)

Siya naman habang buhat buhat niya ko, eh seryoso siyang naghahanap ng rescue.. HAHA rescue?

Mamamatay na ba ko? I mean yung mga ambulance na nagkalat sa gilid gilid.. para umagapay sa lahat ng hindi kinakayang tumakbo.

Kaso kasi ibang kaso kasi yung sa akin diba?? Katangahan na lang? :p

Naiilang pa rin ako, kasi naman, he's a total stranger.. but anyway, I must consider him as my prince at ako naman ang prinsesang..........

ILUSYUNADA :DD

"Ahmm--- wait, ibaba mo na lang ako kaya ko naman ehh.." sabi ko ulit sa kanya, naiilang na kasi talaga ko, kasi yung ibang tao nakatingin sa amin. Iniisip siguro nila na ang muchacha ay binuhat ng isang prinsipe. Nyee! OVER na talaga toh.. :p

He just follow my command.. at nag-thank you na rin ako sa kanya..

"Are you sure, you're okay?" he asked again. Yung itsura niya nag-aalala talaga.

"Ah-yess okay lang ako.. Salamat." I smiled.

"Sige mauuna na ko ha.."

Nauna na siya sa paglalakad, ayy sayang di ko natanong yung name niya.. HAHA interesado?

At ako naman gumilid muna ko.. kasi iika ika pa ko maglakad.

Kung nasa gitna naman kasi ako eh nakaharang ako dun sa mga tumatakbo..

*lakad..

*lakad...

Oww... ansakit. kada hakbang ko masakit. But, I have to finish this..

WAAAA.. Anlayo pa..

*lakad..

*lakad...

"I told you.. you can't make it to finish line. Bakit kasi ayaw mo pa magpabuhat.." yung lalaki ulit na tumulong sa akin kanina.

Teka muna akala ko ba nauna na siya?

"Ahmm-- nakakahiya naman kasi sayo." sabi ko sa kanya.

"That's not a problem.."

Umupo siya sa harapan ko...

"Ah, ano yan?" parang tanga kong tanong..

Tumingin siya sa akin then he smiled.. Tinap tap niya pa yung balikat niya, ang ibig sabihin PIGGY BACK ride.

Ano bang gagawin ko? Magpapakarga ba ko o wag na?

At siyempre mas pinili ko na lang yung first option ko, mahirap na nuh... baka bukas pa ko makarating sa finish line.

Kinarga niya na nga ko bale yung dalawang arm ko, eh parang niyakap ko na lang sa leeg niya.. yung tama lang na hindi naman siya masasakal. Kahit medyo nahihiya pa ko, eh no choice na naman ako kaya hayaan na lang,

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.. Ehh paano kinikilig ako..

"Salamat talaga ha.." bulong ko sa right ear niya.

"Just hold on, malapit na tayo." he's referring to the rescue ambulance.

Malapit na nga kami, natatanaw ko na nga eh.. Haysss..

Parang gusto ko pang manghinayang kasi, bababa na ko mula sa likuran niya..

Nang makarating kami doon.. ginagamot na yung sugat ko. Habang si Mr.Gentleman ay nakatayo lang sa gilid.

Ngumiti siya sa akin, ako naman nagsmile din sa kanya.. Akalain niyo yun nakakangiti pa ko kahit ang hapdi hapdi na ng sugat ko.

Ehh kasi naman, ikaw ba naman eh ngitian ng isang gwapong nilalang eh hindi ka ba naman mapangiti rin? :P

WAAAAA... Ang landi mo Verna. :p

Nang matapos ng gamutin at lagyan ng bandage yung sugat ko, eh medyo naging okay na naman ako..

Natanaw ko na rin pala sina Kriz.. kanina pa pala nila siguro ko hinihintay..

Haysss...

Maghihiwalay na kami, without even knowing his name..

Eh kung tanungin ko na kaya?

Ehhhhhhhhh.. nahihiya ako. (-^_^-)

"Ahmm-- salamat ah. ano nga pala name mo?" lakas loob kong tanong.

"Sigmon" (read as SIMON)

"Ahh.. Thank You ulit.. Verna nga pala.." wahahahaha.. ang kapal ng face ko ako pa gustong makipagkilala..

"Nice to meet you Verna.. See you soon."si Sigmon sabay kindat.

OMG OMG.. what was that?? What is the meaning of 'see you soon'? ;P

Yiieeee.. grabe na ito! Ang ganda ko na masyado. :)) teka anong konek?

"Bye.." i said to him atsaka ngumiti ng napakatamis.

Nauna na kong umalis sa kanya habang papunta na ko sa direksyon kung nasaan sina Kriz..

Ooppss ingat ingat lang.. baka madapa ulit. at buti sana kung sasalbahin ulit ako ni Sig. wahaha..

Sana no magkita ulit kami.. HAHA.. ILUSYONADA lang.. maarte eh.

Sa tingin niyo makikita ko pa kaya siya next run? I hope so.. :))

Alam niyo nasesense ko destiny kami eh.. Kasi ang name niya ay SIGmon at ako naman VERna.. So pag pinagsama pwede ring maging paSIG riVER.

Huwaaa.. san galing yun? galing ko magpauso. :p

SIGMON, SIGMON, SIGMON.. hayy.. sana makita pa ulit kita.

***END***

--iheartkitty20<3

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 479K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...