5 MORE DAYS BEFORE SANDRO LEAVE..
September 15, 2021
At early in the morning, i was staring at my wallpaper in my phone which is the picture of Sandro smiling.
"Bwiseeet!! Itong ngiting 'to? Mawawala saken?! UGHH! Lintek naman na buhay 'to oh!" Sigaw ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang litrato nyang naka ngiti.
Nagising ako sa reyalidad nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Sandro. Naalala ko, nandito nga pala ko sa bahay nila pero maya maya ay uuwi na rin ako sa condo.
"Huy! Sinong kausap mo jan ha!" Pang gugulat sakin ni Sandro at bigla ko namang inoff ang phone ko.
"Ay petrang kabayo!" Hingal kong sinabi nang ginulat nya ko.
"Ikaw talaga Sandro, magkakasakit ako sa puso nang dahil sayo eh" Panunuro ko sakanya na binigyan nya lang ng ngiti.
Tumuloy na syang pumasok sa kwarto at naupo katabi ko sa kama. "Muka kana naman kasing baliw jan e, kinakausap mo na naman 'yang sarili mo." Tugon sakin ni Sandro.
"Eh wala.. Narealized ko lang na.. Ano.." Naka yuko kong sabi.
Sandro cupped my face. "Dahil ba sa pag alis ko?"
I sigh and nodded.
"Nako naman, Janna. How many times do i have to tell you na babalik rin naman ako? At saka wala naman akong amnesia para makalimutan ka." Pagbibiro pa nya.
I looked at him intently. "Weh?? Sigurado ka? Eh kulang na nga lang pati sarili mo makalimutan mo sa sobrang makakalimutin mo eh." We both laughs.
"Jusko, Janna. Makalimutan ko na pati brief ko, wag lang ikaw." Sagot nya sakin ng naging dahilan ng pagiging kamatis ng muka ko sa sobrang pamumula.
Hindi rin nag tagal ang usapan namin ni Sandro non, bumaba na rin kami ng sabay para mag almusal kasama sila tita Liza.
Tito Bongbong: Oh Sandro.. Janna.. Anjan na pala kayo, tara sumabay kayo samin.
Saad ni tito Bong nang makita kami ni Sandrong bumaba ng hagdanan.
"Uhh.. Tito.. Tita.. Salamat nga po pala sa pag papatuloy nyo sakin dito ng isang gabi." Pagpapasalamat ko sa mga magulang ni Sandro habang kumakain kami.
Tita Liza: Bakit, iha? Uuwi kana ba?
"Yes po, tita." I smiled.
Btw, wala ngayon sina Simon at Vinny since may event sila na pinuntahan so yeah basically kaming apat lang nila Sandro, tito Bong, tita Liza, at ako ang nandito. Sadly, Vinny and Simon wouldn't be able to say goodbye to me later on when i leave.
Tita Liza: Dibale, mamaya ipapahatid naman kita dito kay Sandro. Diba anak?
Tita Liza looks at Sandro.
Sandro: Of course.
Sandro answered as he continued eating.
-TIME SKIP-
Tito Bongbong: Mag-iingat ka dun, Janna ah? Welcome ka lagi bumisita dito saamin pag may oras ka.
Tugon ni tito Bong nang yakapin nya ko bago umalis.
Tita Liza: Will miss you again, Janna anak.
Tita Liza replied while we're doing beso beso.
I smiled, "Maraming salamat ho ulit sa pag ampon sakin ng isang gabi." *giggles* "Mauuna na po ako at mag-iingat rin po kayo!" I replied as i wave to them walking to get inside of the car.
Sandro: Una na kami, mom.. dad..
Sandro answered as he also waved to his parents.
Moment of silence ang bumungad samin ni Sandro nang parehas kaming makasakay sa loob ng kotse.
Sandro broke the silence as he looks at me, "See you tomorrow? I guess?"
Napa tingin din ako sakanya and raised both of my eyebrows, "Tomorrow?" I confusely said.
"Yes. Ayaw mo bang sulitin yung natitirang 6 days bago ko umuwi ng Ilocos?" He said as he starts the engine of the car.
"So what do you mean?" I replied.
Sandro answered while focusing driving on the road, "Well, balak ko sanang pumasyal tayo."
I looked at him intently. "Really? Saan mo naman naisipang pumasyal?"
"Hmm.. Ikaw? Suggest ka." Tugon nya.
"Fishball Date? Ano g ka?" Sagot ko.
Alam ng lahat na mayaman ang pamilya ni Sandro. Kaya naman ay yayayain ko syang mag fishball date para maging tao naman sya kapag natikman nya na ang street foods. Btw, fishball date as a friend lang yon ha, wag kayong judgerist.
"F-fishball Date?" Sandro's eyes widen as he lost his attention on driving and quickly looked at me.
I chuckled. "Yes, you heared it right. Mr. Sandro Marcos."
Bago pa man sya umangal ay inunahan ko na sya, "Bakit? Tatanggi ka BA?"
He gulped and frowned at me, "O-of course no!"
"Hmm.. very good ka naman pala eh." Pang aasar ko sakanya.
Maya maya ay nakarating na kami sa condo ko.
"Let's call it a day, Sandro." I said as i gave him my sweetest smile.
He smiled as well, "Goodnight, Mrs. Janna."
"Misis Janna? Hoy muka ba kong may asawa ha? Sa sexy kong 'to?!" Sagot ko sakanya.
"Wala! Joke lang, eto naman masyadong patola!" Wika nya nang guluhin ang tuktok na bahagi ng buhok ko.
"Ughh epal! Hirap hirap ayusin nitong buhok ko eh. Tse! Makapasok na nga! Bye!" I said to him as i rolled my eyes.
Sandro giggled and shouted while leaning on his car and waving at me as i walk far to him. "Byeee!! Misis Janna!"
Inaasar ako ng ganun ni Sandro dahil nalaman nyang ayokong tinatawag akong misis dahil lang hindi ako mukang 17 years old. Yung inis ko naman sakanya ay biro lang. Of course, kinikilig ako dahil tinatawag nya kong misis kahit na pang bwibwiset nya sakin yon. Agad na kong umakyat sa 5th floor ng condo at excited na binuksan ang pinto dahil matagal tagal rin akong hindi nakauwi dito. Nag bihis na ko ng damit sa kagustuhang mag pahinga nalang. Bigla akong tumalon sa kama ko at nag muni muni sa kisame nang biglang tumunog ang phone ko. There's somebody who texted me. And syempre, sino pa ba yun kung hindi si Sandro lang naman.
"Goodnight, Misis Janna 😉"
Ang epal talaga nitong lalake na 'to. Matutulog nalang ako gusto pang sirain yung gabi ko. Pasalamat sya at si Sandro sya dahil kung hindi ay baka nasapak ko na sya ng tuluyan. Nag pakipot muna ko syempre pero sinuyo nya rin naman ako so infairness magaling sya mang asar pero mas magaling syang manuyo. Ano baaa, Sandro! Ayan tuloy naging marupok ako at maya maya ay nag reply na din ako.
"Goodnight, baby!"
"Sh*t!! Bat ko sinend, bat ko sinend!! Ang tanga tanga mo talaga, Jannaiah!" Sabi ko sa sarili ko nang marealize ko kung bakit ko sinend yun kay Sandro. Binawi ko naman ito agad at sinabi kong napindot ko lang sa dictionary ng keyboard yung word na baby. Hehe! Hopefully, naniwala sya pero sa talino nyang yan i don't think so. Bumangon ako at humarap sa salamin, "Ang tanga mo, Janna! Yari ka kay Sandro bukas, mahihiya ka ngayon jan sa kagagahan na ginawa mo."