His Bride

By Nayakhicoshi

37.4K 1.9K 429

Thieves in Law Series ††† Everiss desperately crashed her ex-boyfriend's wed... More

Disclaimer
Prologue 1
Prologue 2
1| Version 2.0
2| Toothpaste Model
3| A day in a Vet
4| Bride candidate
5| Mufasa
6| Night Visit
7| Orchids
8| Numb
10| Make it Worse
11| Jorville Mansion
12| Russians
13| Whine
14| Desparate Criminal
15| Desperate Criminal II
16| Katarina
17| Hood
18| Silence
19| Meatballs
20| Engagement
21|Cuffs
22| Bodyguards

9| Missing Person

1.1K 75 13
By Nayakhicoshi

CHAPTER NINE
 

My heart pounded inside my chest painfully. It felt tight, suffocating. Clawing my throat, I dig my fingers to my skin as I desperately gasped for air, for support.

There was a buzz in my head, my vision blurred and become unfocused as I sprinted down the dark alley, a deep grave laugh following behind me. It sounded inhuman, the hair on the back of my neck stood despite my furious sweating. Then it stopped. I halted, panting, gasping. Everything was spinning around me.

"Everiss!"

Marahas akong lumingon nang marinig ang pangalan ko. Drake was running towards me, he was desperate and scared and...there was a big hole in his chest. His mouth was leaking with blood as they open and close like a fish out of the water. He wanted to say something but more blood gushed out like a broken faucet.

I screamed as he knelt on the ground and behind him was a dark and faceless man holding a gun, its muzzle was breathing smoke. Sa kabila ng dilim, nakita ko ang pag-galaw ng mga labi niya kasabay ng nakakakilabot na ngisi.

"Run."

Screaming, I jerked from the bed gasping for breath. Dito bukas ang pintuan at niluwa si Sally, bakas ng pag-aalala ang mukha.

"Evy!" Nilapag niya ang baso ng tubig sa bedside table at naupo sa tabi ko. Tinabi niya ang mga buhok na humarang sa mukha ko. "Ayos ka lang? Just breathe girl. In and out, slowly," she instructed.

Sinundan ko ang ginagawa niya. In and out, slowly. Nang mabawasan ang bigat sa dibdib ay saka ko lang napagtanto na nasa kwarto ako. I looked around confused.

"A-anong ginagawa mo dito?" Hindi ko nakilala ang sariling boses dahil sa pamamalat nito. My throat burns, clawing it I remembered my dream. Panic surged through me like a lightning bolt. Napansin ito ni Sally kaya pinatong niya ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko para pakalmahin.

"You texted me last night, remember?"

"What?"

"Sabi mo gusto mong pag-usapan ang tungkol sa adjustment ng mating ng mga Lion dahil ang alaga ng kaibigan mo ay kakagaling lang ng surgery niya sa paa. You said he needed more time to recover."

Pakiramdam ko Chinese ang kausap ko at may language barrier sa pagitan namin. Hindi ko ma-proseso ang mga sinabi niya.

"Look," Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at binuksan sa message. Pinakita niya sa akin ang message daw na galing sa akin. It was indeed my number, my composition, but I didn't do it. I don't remember texting her when I was on the bridge of dying. "You must be really tired. Mabuti nalang nakita kita sa labas ng bahay niyo, or else the bloodsucking leeches will feast on you."

"Labas ng bahay?" Ulit ko sa narinig habang hinahalukay ang memorya ko ang ganoong tagpo.

"Yes. Nakabulagta ka sa labas ng bahay niyo, Everiss. Anong nangyari sa'yo? Are you okay? Do we need to go to the Hospital?" sunod-sunod ang tanong niya, nag-aalala ito.

Umiling ako at sinapo ang noo na tila sasabog na sa mga nalaman. Anong ginagawa ko sa labas ng bahay?

"W-where's Drake? Nahanap ba nila ang Killer?" Hinakawan ko ang mga kamay ni Sally at siguradong naramdaman niya ang lamig dito at pagnginginig.

Her face marred with confusion as she stared at me like I was speaking Chinese.

"Killer?"

"Yes. He was killed last night in front of the Clinic, Sally! Someone shoot him last night!"

Hinawakan ako ni Sally sa braso nang magsimula ulit akong magpanic. "Uhm, are you sure?"

Tumango ako, sunod-sunod halos manakit ang leeg ko. I remember the gunshots, the blood, the pain in Drake's eyes, and the armed men. Hinabol nila ako, marami sila. Gusto nila akong kunin. Sinabi ko ang mga ito kay Sally.

"Nagtago ako sa likod ng basurahan at...at..." Minasahe ko ang noo nang kumirot iyon. Mariin kong pinikit ang mga mata at inalala ang mga sunod na nangyari pero blanko, hindi malinaw. Para akong nasa ilalim ng dagat na walang flashlight, nangangapa at hindi makahinga. "H-hindi ko matandaan ang sumunod na nangyari."

Minulat ko ang mga mata at tumingin kay Sally na hindi sigurado ang mukha. Alanganin siyang tumingin sa bintana at sa akin ulit hanggang sa hawiin niya ang takas na hibla ng buhok ko at maingat na nilagay sa likod ng tainga ko. The gesture was comforting like a motherly touch, it reminded me of Nana.

"Evy, alam mong maliit lang ang bayan natin hindi ba?" Hindi ko alam kung bakit niya ito tinanong pero tumango pa rin ako. "At mabilis kumalat ang mga maliliit na balita sa lahat."

That's true. Hindi mo kailangang manood ng TV para malamang may aksidente sa amin o nakakagat na naman ng bata ang aso nila Aling Marya. Wala pang isang oras ay alam na ng buong Arrow City kung kaninong anak, saang street at kulay ng damit ng bata nang kagatin siya ng aso. Kahit sa loob pa ng bahay nangyari ang kagatan. 

"Pero wala akong nasasagap pang tsismis na namatay si Drake."

I shook my head. "Imposible iyon Sally. Malakas ang mga putok kagabi. It was enough to alarm everyone.

She was unsure. Hindi ko siya masisisi kung hindi niya kaagad kayang maniwala. Kahit ako nahihirapan akong maniwala. Sana nga bangungot lang lahat ng mga nangyari.

"Listen, pwede natin ito patunayan. Kung totoo ang sinabi mo na sa tapat ng Clinic ang crime scene, tiyak na nandoon ang mga Pulis ngayon at napapalibutan ng tsismosa ang lugar. Are you able to come with me to look?"

Drake's lifeless eyes flashed in my head like a lighting, sharp and blinding. It was all too much to take. Going back to the place that would feature my nightmare for the following days gave me a chill. Hindi ako siguradong kung makakabangon ako sa trauma pero kailangan ko rin magsalita. Drake was dead and I witnessed it.

Tumango ako kay Sally. Hinayaan niya akong magbihis at ayusin ang sarili. I still wore the same clothes from last night, I quickly discarded them and threw them into the hamper, changing to a jeans and long-sleeve white shirt. Nang matapos akong magbihis ay dumiretso ako kay Meatballs at hinulugan siya ng pagkain. I watch my pet swim eagerly to catch every crumb, unaware of the turmoil outside her little paradise.

Naghihintay sa akin si Sally sa sala, sinabi niyang sinilip niya sa Caroline at binigyan ng pagkain. Same with Benjamin. Nakalimutan ko na sila sa dami kong iniisip. Pinasalamatan ko ito bago kami sumakay sa sasakyan niya at pumunta a Pet Clinic. Halos mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko, pinagsalikop ko ang mga kamay na pinagpapawisan sa kandungan at sumulyap kay Sally na panay ang lingon sa akin, may bahid ng pag-aalala ang mukha.

Huminto ang sasakyan malapit sa Pet Clinic. Pagkababa namin ay kusang gumalaw ang mga binti ko at pumunta sa harapan nito.

Mariin kong pinikit ang mga mata, umaasa na baka namamalikmata lang ako pero nang magmulat ay wala pa ring nagbago. The front of the Pet Clinic was free from any damages. No traces of blood, and there was no Drake.

I shook my head furiously as I turned to Sally who has a slight concern on her face.

"I swear, nandito siya, Sally! Drake was lying on this spot! Marami siyang tama ng baril!" Nanginig ang boses ko habang tinuturo ang lugar na alam kong dapat pwesto ni Drake. "Nakadapa siya dito— "

"Evy."

"Hindi ko alam kung paano nangyari na nawala nalang siya bigla at ang mga ebidensiya pero totoo ang sinasabi ko."

"Naniniwala ako sa'yo, okay?"

I blinked the tears in my eyes. "Talaga?"

Tumango siya at tipid na ngumiti. "Yes. But who would remove his body and clean the evidence?" tanong niya.

"Hindi ko alam, Sally," I looked at her. "Hindi kaya ang mga Mafia?"

Pinanlakihan siya ng mga mata. She looked around panicky as if afraid someone might hear us and pulled me closer to her.

"You don't speak that in public, Everiss!" she whispered-yell. "Hindi mo ba alam ang number one rule?"

Of course, I do know. Bawal pag-usapan ang mga Mafia sa public, sa kahit na anong lugar at kung maaari ay h'wag na itong banggitin. Tila sumpa ito. The last time someone openly talked about them, the news said they were gone. Untraceable. Like they just pop like a bubble. Hanggang ngayon ay wala pa rin sila at limang taon na ang nakalipas. Maraming nag-iisip na pinatay na sila ng mga Mafia o hindi kaya ay binenta bilang prostitute sa ibang bansa.

"Sabi nila kaya nilang maglipit ng mga ebidensiya— "

Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang mga kamay. "Shut up! Baka marinig ka ng Mafia whisperer!"

Pinandilatan niya ako ng mga mata at sinenyasan akong manahimik gamit ang isang daliri na nilapat niya sa labi. Tumingin ulit sa paligid at namutla nang may dumaan na matanda na hirap maglakad kahit may tungkod na. Sally looked at me with evident fear in her eyes.

"Good morning, Mrs. Fe," bati ko pero hindi siya lumingon sa direksyon ko. Hindi niya ako narinig. Inulit ko ulit ng mas malakas. Napatalon si Sally sa gulat.

Napansin niya ang tingin ko kaya lumingon siya sa akin. Mabagal iyon na nakatatlong kurap pa ako bago niya ako makita. Naningkit ang mga mata niya at kinilatis ako mula ulo hanggang paa. A look of recognition plastered on her face and smiled at me, showing her gums free from any teeth.

"Everiss!" Kumaway siya sa akin. Hiningal matapos ibaba ang kamay.

Nagkatinginan kami ni Sally. Umiling ako. "No. She's definitely not a Mafia whisperer."

Sally rolled her eyes. Pinanood namin si Mrs. Fe na inaabot ng sampung segundo ang bawat hakbang ng mga paa.

"Hindi natin alam, baka nagpapanggap lang siyang uugod-ugod na. I swear, Everiss, if something bad happens to you I will hunt that woman to take her down!"

Napangiwi ako. "Jesus, kumalma ka nga! She's like— hundred years old!"

"Don't judge a book by its cover. We don't know her truly. Baka nga ngayon nagre-report na na siya sa mga Mafia."

Tumingin ako kay Mrs. Fe na hinihika sa pangatlong hakbang.

"O hindi muna. Baka pagdating niya sa bahay tatawag na iyan."

"I know her, Sally. Hindi siya member ng Mafia."

She tsked. Sally was inches taller than me, her hair was wild and naturally curled as she pinned them behind her head in a lazy bun. While I was girly in choices of clothing, Sally prefers jeans and a dark shirt to pair with her brown tattered boots. The sole was thick with mud and animals' dirt. Hindi ako nagtataka ko kung may tranquilizer sa bulsa niya, lagi siya nitong may dala ano man ang okasyon. No one could tell when she can encounter a dangerous animal.

"If not her, then who?"

Hinilot ko ang noo nang bumalik ang problema. Mababaliw na ako sa sitwasyon, hindi ko na alam kung pinaglalaruan ba ako ng utak ko o may eksplenasyon dito. Was it all just a dream?

"Imposibleng panaginip lang ang lahat. They were too vivid, too real." Hindi ko alam kung kanino ko ito sinasabi. Muli kong sinuyod ang tingin sa paligid, walang nabago, walang nagalaw. Could the Police clean it? Pero dapat pinuntahan na nila ako at tinanong.

"Hey, let me ask you something and be honest with me, okay?"

Tumango ako sa kabila ng pagkalito.

"Is there something happened— whatever it was that made you feel stress before this incident happened?" tanong niya. "Kahit ano na pwedeng mag-trigger ng nightmares. It could be something you feel, something you've seen or encountered that made you feel scared and restless. Our fear reflected in our nightmares making them vivid and believable but only it was just a product of our dreams. Nasa atin kung papaano natin mare-realize kung totoo ba ang nangyayari o nanaginip ka lang. You see, our brain was very tricky, Evy. Could it be just playing with you?"

Tila may bumara sa lalamunan ko, lumunok ako, tumungo nang bagsak ang mga balikat. Siguro tama siya. Paano kung panaginip lang ang lahat?

Inangat ko ang ulo kay Sally. I feel defeated and tired all suddenly.

"You're right. Nawawala si Nana at Uncle Pitt, hindi namin sila makontak ni Candice at kahapon pa ako hindi mapakali sa kakaisip sakanila at," Huminga ako ng malalim. "Nakita ko si Drake kahapon. He said he wanted to say something important to me. Just like what I saw in my nightmare. May gustong sabihin sa akin si Drake, but for some reason he couldn't tell it," I admitted, my mind going back to the event where Drake showed outside my house.

Desperado siya at tila may pinagtataguan. It was the same expression from my nightmare before he was shot many times in the chest. Hindi ko alam ang gusto niyang sabihin pero may nagtutulak sa akin na alamin ito. Something deep inside me couldn't stay still from the curiosity.

"I'm sure they're fine. Tiyak na uuwi rin sila, malay mo nag-camping na naman. Malay natin pag-uwi na nila may bitbit na silang Panda," Sally gave me a playful look.

Of course, she knew my Uncle's escapades. And yes, alam ito ng buong Arrow City. Did I say news travelled faster than social media?

"Sana nga Sally."

"Dapat magpahinga ka muna ngayon. Take a day off to clear your mind and relax your body."

With her suggestion, the muscles at my back tensed, announcing their need for relaxation. Ramdam ko rin ang tensyon sa mga binti ko na tila tumakbo ako ng marathon. Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. Why do they feel sore? Baka sa paglalakad ko kagabi pauwi.

Tumango ako tila nauubusan na ng lakas. Exhaustion takes over body as we get back inside her car. The drive back to the house was silent but I feel Sally's glances at me from time to time. Probably checking if her friend still has her sane intact.

Nadaanan namin ang eskenita sa panaginip ko. It was deserted with the garbages stack in the corner untouched, cats roving the area for foods. Sa panaginip ko, nagkalat sila dahil sa mga putukan. Nag-flash sa isip ko ang isang pangit na lalaki na may gintong ngipin sa harap. His face was vivid, very clear. I had never met the man before but his face would forever imprint in my head like a tattoo, reminding me of that dreaded nightmare.

Mariin kong pinikit ang mga mata at tinulak ang nakakangilabot nitong itsura sa isipan. Nang magmulat ay nasa tapat na kami ng bahay.

"Will you be okay, now? I wanted to stay but you need the rest and I had to check the horses. Kakapanganak lang ni V kaya medyo sensitibo pa ngayon," sabi ni Sally.

Umiling ako saka ngumiti. I was grateful to her, kung wala siya ngayon baka nabaliw na ako sa mga nangyayari sa utak ko.

"I'll be fine. Sige na, bumalik ka na sa mga alaga mo. Thank you, Sal," I said gently.

Ngumiti siya at niyakap ako. Matapos kong magpaalam ay bumaba ako ng sasakyan at pinanood siyang mag-drive palayo. Once her car was out of my sight, I sighed, allowing the tiredness to overcome me once again. Pumasok ako sa bahay, agad tumalon pababa si Benjamin mula sa armrest ng upuan at tumakbo papunta sa akin.

"Hi, Benj." Binuhat ko siya at hinalikan sa noo. He meowed in my arms as he rubbed his cheek on my chin. Tumawa ako at kinamot ang tiyan niya. He purred, relaxing as I brought him to the couch.

Kumalam ang sikmura ko, pinaalala na hindi pa ako nagbreakfast. Hindi rin ako nag-dinner kaya ngayon pakiramdam ko makakaubos ako ng pang-apat na serving ng kanin. Iniwan ko muna sa upuan si Benjamin at nagtungo sa kusina pero may biglang kumatok sa pintuan.

May naiwan ba si Sally? O baka may nakalimutang ibilin.

Tinungo ko ang pintuan, nakahanda ang ngiti para sa kaibigan pero pagbukas ko kaagad natuyo ng dugo ang buong mukha ko. I was paralyzed, my mouth jarred as I stared wide eye to my visitor.

"Magandang umaga, Everiss. Pwede ba kitang makausap?" His rough voice snapped me from my state of shock of mind.

"P-po?" nautal ako.

Officer Serio Pajero looked at me curiously. "Okay ka lang? Namumutla ka. Para kang nakakita ng killer," he said so casually the hair behind my neck stood. Then a smile stretched on his lips. "Binibiro lang kita. Pwede bang pumasok? H'wag kang mag-alala, mabilis lang ito. May mga itatanong lang ako sa'yo."

I nodded like a robot. Pinagbuksan ko siya ng mas malaki at gumilid para makapasok siya. Wearing his uniform that could send anyone shivering from head to toe, Officer Serio Pajero entered, sweeping his calculating eyes around like it the living room was a crime scene. His gaze landed on Benjamin back to his spot on the couch's armrest.

"Hindi pa bumabalik ang Uncle mo?" tanong niya.

Lumapit ako sakanya sa kabila nang malakas na kabog ng dibdib ko. Is he here to question me of Drake's death? Ibig sabihin totoo lahat ang mga nangyari at hindi iyon bangungot lang?

"W-wala pa po."

"Tiyak na uuwi rin iyon," aniya na parang sapatos lang ang pinag-uusapan namin. His eyes landed on me and inwardly flinched at his penetrating gaze. They were accusing me of a crime I didn't even know I committed. Something about him irked me and it looked like he knew his effect on the people around him. He knew he must be feared and bowed to. Tinago niya ang ngisi.

"Maupo po kayo. Gusto niyo po ng kape?" alok ko.

"Sige iha. Samahan mo na rin ng biscuit."

He sat on the L-shaped couch, occupying the huge seat with his domineering presence. Benjamin snapped his sharp eyes to him but he ignored the cat hissing like it was just a speck of dirt.

I half-jogged to the kitchen at nang matabunan ng pader ang pagitan namin ay tinukod ko ang dalawang palad sa Island counter at humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili.

This is it, he's gonna question me. At anong isasagot ko kapag tinanong niya kung sino ang killer ni Drake?

I shook the question at nagtimpla ng kape saka kumuha ng biscuit bago bumalik sa sala at binigay ito sakanya. He muttered thanks as I sat on the couch where Benjamin is. Kaagad lumipat ang pusa sa kandungan ko at siniksik ang sarili sa tiyan ko. I hold him to keep him in place habang pinanood ko si Officer Serio na sinawsaw ang biscuit sa kape. Naalala ko tuloy si Uncle Pitt na dudurugin pa ang biscuit bago ihahalo sa kape tapos kakainin at sasabihing cerelac para sa matanda.

Hinagod ko ang balahibo ng pusa para ma-distract sa kaba na nararamdaman. "Uhm, sabi niyo may itatanong po kayo?"

Maingat niyang pinatong ang baso sa coffee table at tumingin sa akin.

"Tungkol kay Drake."

Tiningala ako ng pusa nang maramdaman ang tensyon sa katawan ko. As if sensing my distress, Benjamin purred, licking my shaking hands.

"Gusto ko lang itanong kung nakausap mo ba siya bago siya nawala?"

I was ready to answer when I realized what he said. "Nawala?"

Hinilot niya ang pagitan ng mga kilay matapos magpakawaka ng malalim na hininga. He looked suddenly stressed.

"Yes. Mag-iisang buwan na siyang nawawala at hindi ko ito makontak."

Mag-iisang buwan palang ng lokohin ako ni Drake.

"Hindi ba sila magkasama ni Claire?" I taste the bitterness in my tongue at the mention of her name. "Baka po nasa Honeymoon sila."

Honeymoon kung saan lugmok na sila sa utang kaya nagpaparamdam na ang gagong iyon sa akin. Kaagad napalitan ang nerbyos ko sa pagka-irita. The nerve of that guy! Ang lakas niyang magpakita matapos niyang sakyan ang pinsan ko!

"Honeymoon?" Drake's father tilted his head to the side like he cannot understand me. Unfortunately, he was related to that cheater. "Walang kasal ang naganap, iha. Bago pa mangyari iyon, nawawala na si Drake."

I felt like some punched me in the stomach. Natulala ako at ina-absorb ang mga sinabi niya. Drake didn't marry?

"Kaya ako nandito para itanong kung nakausap mo ba si Drake? O kung alam mo ba kung saan siya posibleng magpunta?"

I shook my head. Officer Serio took this as an answer even if it was meant to shake off the questions in my head.

Narinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hangin. "Pasensiya na iha. Akala ko lang may nabanggit siya sa'yo tungkol sa mga bastardong iyon." Tumayo siya dahilan para mapatingin ako sakanya. "Hindi na kita aabalahin pa. Kailangan ko ng umalis."

Tumango ako at tumayo rin. Hinatid ko siya sa pintuan. Bago lumabas ay bumaling siya sa akin. "Kung may balita ka tungkol sakanya, please, sabihan mo ako."

"Opo."

He gave me a nod before he left the house and went to the Police car I didn't notice park outside.

Sinara ko kaagad ang pintuan at sinandal ang likuran dito. Questions flooded my head like a tsunami. Walang malinaw sa mga nangyayari bukod sa isa.

Nawawala si Drake at pinuntahan niya ako. I should have opened my mouth and told his father about my little reunion with his son before he run away like he was being hunted by the wolves, but I couldn't. I didn't.

There was this deep feeling inside me, screaming to shut my mouth. And never trust the man who just came into my house.

Tinulak ko ang likod mula sa pintuan at nagmartiya paakyat sa kwarto ko. Sinundan ako ni Benjamin. My body was a slave to this deep feeling that screamed to take a look. Hindi malinaw kung ano ang gusto kong makita pero natagpuan ko ang sarili na nakaluhod sa harap ng basket ng mga maruruming damit ko. Dinampot ko ang suot kagabi at nilaglag ito sa harapan ko habang nakahawak ang mga kamay sa dulo ng damit.

I couldn't stop the gasp that escaped from my lips when I saw the three squirts of blood on the shirt. Isa sa bandang dibdib, isa sa kaliwang sleeve at isa sa bandang tiyan. I brought it closer to me, my thumb caressing the blood smeared on my shirt.

It was real.

My phone rang in my pocket. Hinugot ko ito sa bulsa at sinagot nang makita na si Dashiel ang tumatawag.

"Good morning, Everiss!" his voice was loud, lively and despite talking over the phone, I could feel his happiness radiating towards me and his teeth flashing like diamond.

May kung anong nag-click sa utak ko at dinala ako nito sa isang memorya.

"Dashiel...?"

He looked down at me, smiling brightly. "You're safe now. Just close your eyes and rest. Kami na ang bahala sa lahat."

For some reason, I wasn't panicking when I realized I was in his arms. For some reason, I feel...safe.

Nabitawan ko ang cellphone, natulala sa malaking suntok na tila tumama naman sa utak ko.

"Everiss? Hello! Nandiyan ka pa? Alam kong nakakatulala talaga ang boses ko at hindi na ako magtataka kung mai-inlove ka na niyan sa akin pero kailangan mong magsalita— "

Dinampot ko ang cellphone at tinapat ang speaker sa bibig ko.

"IKAW!"

.
 

Hi! How was the story so far?

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 126K 54
Allisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be...
16.1K 1.7K 200
Ang kanyang kalooban ay matigas at hindi normal katulad ng sa iba. Gayunpaman, dahil ipinanganak siya sa isang maliit na sangay ng pamilya, ang kany...
468K 20.5K 79
She's heartless person, She can kill you without blinking her eyes. Beg for your life she didn't care, and surely she make ur life living hell..... ...
13.1K 1.2K 138
Ang kanyang kalooban ay matigas at hindi normal katulad ng sa iba. Gayunpaman, dahil ipinanganak siya sa isang maliit na sangay ng pamilya, ang kany...