The Mistress

By PrincessHimaya

177K 3.4K 513

Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest. Akala... More

SYPNOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas

Kabanata 29

2.1K 40 10
By PrincessHimaya

Going back to the reality.  Nagpatuloy ang pag-aaral ko kasama ang dalawang kaibigan. Sometimes Mike visit me here kapag nagka passes siya.  Huling punta ko na 'yon sa Leyte noong nag island hopping kami.

Our relationship went well at hindi naman na nadagdagan pa ang maliit kong pagdududa sa loob ng ilang buwan. Our finals is just around the corner at nagsusunog na kami ng kilay para doon.

My mom is in her 5th month of her pregnany and it's a boy. Palagi ring nasa bahay si V at patuloy pa rin sa pagta-trabaho si Shelly.

Mike was assigned in Tacloban. Hiwa-hiwalay na sila ng mga kasamahan niya at bago na rin ang mga nakakasama niya sa trabaho. Sometimes, we do video calling kahit nasa trabaho siya.

He's that clingy to me those days...or he just misses me that much, huh?

Excited na 'ko para sa weekend dahil pupunta ulit si Mike dito sa Manila. I somehow got contented sa mga mangilan-ngilan naming pagkikita.

Whenever we see each other, he kept telling me how much he misses me and how much he loves me. I can see that. Ang pagpupunta pa lang niya dito ay isang malaking bagay na para sa akin. Wala na rin naman naging problema kina dad about Mike.

Feeling ko nga, tanggap na ni dad si Mike. Obviously, mom likes him.

"Finally! Tapos na rin. I'm so tired na," V spat while we're reviewing for the finals.

Hindi namin kasama si Shelly ngayon dahil nasa trabaho pa siya. At sa bahay na lang nila raw siya mag-aaral.

Nag-angat ako ng tingin kay V na nakatihaya na sa sofa sa loob ng kwarto ko.

I grinned.

"Kapag aral pagod? Kapag date hindi?" panunuya ko sa kanya. Palagi kasi siyang may oras para do'n sa kinababaliwan niya sa school kahit pa halatang pagod na galing school ay walang reklamo.

Umahon siya at nagkukumahog na hinanap ang cellphone. Nang makita ay bumagsak ang balikat niya.

"He's not texting me..." she pouted. "nag re-review din siguro 'yon," pag-aalo niya sa sarili.

"Malamang, finals na nga 'di ba?" I said like it isn't obvious.

"Kahit na! Hindi naman siguro matagal ang isang minuto na pag text. Kahit update man lang, wala!" aniya at iritado na.

Inayos ko ang mga libro na ginamit at notebooks namin.

"Then text him! Sabihin mo na tapos na tayo and tell him to text you right after his review," I suggest while cleaning our mess on the table.

"Hindi, he's just too lazy. Ba't si Mike kahit trabaho ay nakakapag video call pa kayo? Estudyante pa lang 'yan, ha. Paano pa kung may trabaho na siya?"

I sighed. "Patience, V...patience. Intindihin mo na lang 'yong tao. You know, bawal siyang bumagsak dahil scholar siya. Just support him and try to understand him more instead," payo ko pa.

Ang dami ko na talagang natutunan dahil sa long distance relationship namin ni Mike.

Before, ayokong pinaghihintay. Sino ba naman ang may gusto no'n? May patience is not that really good. But with Mike, I suddenly learned to be patient and to understand him more. Dahil mahirap din naman ang trabaho niya.

Hindi naman siya nagkulang sa updates sa akin kaya siguro naging madali na rin sa akin ang lahat. Though, iba pa rin talaga iyong nakikita ko siya at nakakausap ng personal.

But this is real life, may kanya-kanyang buhay ang mga tao at hindi lang sa iisang tao umiikot ang mundo.
I gotta accept that...or else...we'll never work this relationship out.

"Nauumay na ako sa patience na 'yan, Lana. I don't know if he really loves me or not," malungkot niyang sabi.

I rolled my eyes. "Clingy mo lang masyado," panunuya ko.

"Ikaw din kaya!" she scoffed.

Well, yeah. Pero may magagawa ba 'ko kung sobrang layo ng boyfriend ko sa akin?

Finals came and I was confident that I'd ace the exams again. Kagaya ng palaging nangyayari. Lumabas na kaming tatlo dahil huling araw na ngayon ng exam namin and it's still early, so, we decided to celebrate in the near coffee shop.

Pinag-usapan namin ang mga nangyari sa exam at kung saan kami nahirapan. V's voice was all over the place kaya napapatingin sa amin ang ibang customer.

Hindi na rin naman na masyadong binabantayan ni V ang mga galaw ni Shelly dahil wala namang kakaibang nangyayari. All along, I was right. V was just too over-thinker na pati ako nahahawa na sa kanya.

Habang hindi natitigil si V sa mga reklamo niya, lumilipad naman ang utak ko sa susunod na mangyayari next month. Meeting Mike's parents...I mean, his mom dahil patay na ang papa niya.

I can't calm by just thinking of it na talagang mangyayari na. Ilang beses nang nakapunta sa amin si Mike and he never dissapoint my parents, especially, dad.

Nakikita ko kung paano siya magpa good shot sa parents ko. At sobrang tuwa ko pa na next year, dito na siya magpapa assign sa Manila.

"Hey! Are you with us ba?" V clapped her hands in front of my face kaya naputol ako sa pag-iisip.

Both of them were already looking at me with puzzled face.

I smiled. "I'm just excited. Ipapakilala na ako ni Mike next month sa mom niya," I said dreamily.

V gasped. "Omg, true ba? Wait...don't tell me engagement na pagkatapos?"

Ngumuso ako at napatingin kay Shelly na yumuko at nakakunot ang noo.

"Maybe? And I think, tatanggapin ko na."

Nag-angat ng tingin si Shelly.

"Don't you think...uh...it's early for that, Lana?" napatingin si V sa kanya. "Uh, maybe, pag naka graduate na tayo?"

"Why? Can't she continue her studies while being engaged?" V pointed out.

Umiling si Shelly, she looked tense or something.

"Hindi! Kasi, baka lang mabuntis ka? Mahirap 'yon baka...hindi maka graduate," aniya.

V chuckled without a humor.

"She's not stupid not to think of that. Ayaw mo ba ma engaged ang dalawa?" tonog nang-aakusang tanong ni V.

It's been a while na walang ganitong nangyayari. Pero ito na naman.

"V..." I warned.

I glanced at Shelly. "Thanks for the concerned, Shelly. Pero hindi naman ako magpapabuntis," sabi ko sabay kindat sa kanya.

Paano naman ako mabubuntis e, wala pa namang nangyayari sa amin?

"Why are you so concerned anyway?"

Shelly gulped at napatingin sa akin bago kay V. Hindi maitago sa mukha niya ang kaba. Nagtataka ako bakit ganyan ang reaksyon niya.

"Kaibigan ko si Lana. Kaibigan ko rin si Mike. Iniisip ko lang...ang...sa tingin ko'y makakabuti para sa kani-"

V laughed sarcastically.

"That's bullshit! Come again? Desisyon ka? Magulang ka ba nila?" putol ni V kay Shelly at ngayon ay pinagtitinginan na kami ng ibang tao.

"V! Enough! You two, tumigil na kayo!" my voice roared inside the coffee shop.

V was gritteng her teeth at nakakunot na ang noo ni Shelly. She looked pissed, a thing that is new to me. Kailan man ay hindi ko pa nakitang ganito kagalit ang itsura niya. She looks like she transformed from an angel to a furious...

"Why?! I'm her bestfriend! And I am Mike's bestfriend! Mali ba ang isipin ang kapakanan ng dalawa kong kaibigan?" Shelly said angrily na mas lalong nagpagalit kay V.

I was stunned for a moment. Ngayon ko lang nakitang nagalit si Shelly ng ganito.

Napapikit ako ng mariin. "I said, enough!"

Nagbubulungan na ngayon ang mga tao sa paligid.

"Kapakanan, huh? Sabihin mo, you're hiding some agenda! I knew it! You manipulative bitch!"

Tumayo na ako. "V! Tama na sabi! Let's go!" galit kong sigaw at naglagay ng pera sa mesa sabay hablot ko sa bag.

Sobrang nakakahiya na ang nakukuha naming attention sa loob. This was supposed to be a celebration!

I clicked my car keys at binuksan na agad para makapasok na. Nakita kong lumabas ang dalawa at walang lingon-lingong sumakay si V sa sasakyan niya. Pumara rin agad ng taxi si Shelly at umalis na.

I sighed heavily.  Nagdesisyon na lang din na umuwi. Matamlay akong pumasok sa bahay at sigurado akong wala pa si mom and dad dahil tahimik pa ang buong bahay.

Papaakyat na ako sa hagdan nang tumunog ang cellphone ko. I rummaged my bag and smiled.

"Hey..." he greeted in his baritone voice.

"H-Hi..." sagot ko, hindi maitago sa boses ang dismayang nararamdaman.

"How's the exam?" he inquired.

"Fine..." matamlay kong sabi at pinaglaruan ang hawakan ng hagdanan.

"Hindi gano'n ang nakikita ko."

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Sa likod mo," aniya at kumunot ang noo ko. Pagod akong lumingon sa may pinto at nalaglag ang panga nang makita siya.

Wearing a black v-neck shirt and  faded jeans with a bouquet of flowers in his hand. He's growing some stubbles but it doesn't make him less handsome. It somehow looks good on him. Medyo nag mature siyang tingnan. He's looking at me na may pag-aalala sa mukha.

Without further a do, I run towards him. Binitiwan ko ang bag ko at wala nang pakealam kung ano man ang mangyari do'n.

His arm widely opened to welcome me. These are one of those days na bigla na lang siyang susulpot dito nang walang pasabi.

"Hey..." aniya sabay halik sa buhok ko.
Yakap yakap ko siya at hawak niya ako sa beywang habang hawak niya pa rin sa kabilang kamay ang bulaklak.

Nag-angat ako ng tingin nang makabawi sa gulat at ngumuso.

"You're here..." sabi ko halos paiyak na. Damn. I missed him so much!

Hindi maitago ang saya sa loob ko. Importante sa akin ang mga ganitong bagay dahil malayo nga siya palagi sa akin. Minsan, hinihiling ko nga na bumagal ang oras para magkasama pa kami ng matagal. Kahit magkasama pa kami buong araw, pakiramdam ko, kulang na kulang pa rin.

"May problema ba?" tanong niya agad sa akin at nakatingin siya sa mga mata ko. Tila hinahanap niya ang sagot. Though, he can't find anything there. I'm well-trained to hide my feelings. We all know that eyes are the greatest story teller.

And I think this is not the right time para e kwento sa kanya ang nangyari kanina sa coffee shop. Maliit na away lang naman 'yon at sigurado akong maaayos ko lang din.

I shook my head. "Pagod lang sa exam," sagot ko, hindi man lang nautal kahit kinakabahan.

Hindi ko alam bakit ganito ang kaba sa nangyari kanina. Siguro dahil iyon pa lang ang unang pangyayari na sumobra ang dalawa? O, baka...natatakot lang ako na malaman ni Mike at magalit siya kay V.

V was being irrational. She doesn't make any sense sa mga paratang niya kay Shelly. At si Mike bilang kaibigan ni Shelly, natatakot ako na baka magalit siya kay V dahil sa ginawa niya.

Nagsalubong ang kilay niya at mas lalo akong tinitigan.

"Oh, you're here!" biglang sabat ni Mommy sa likuran kasama si Dad. Kararating lang nila. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko kay mom at kay Mike.

"Sinabi ko sa kanila na pupunta ako," si Mike na parang nakuha ang tanong sa isipan ko.

Wow, alam nila. Tapos ako hindi?

"Surprise, baby!" si mom sabay halik sa akin na hindi pa rin ma proseso ang lahat.

Bumati rin si Mike sa magulang ko at hindi na maalis ang titig ko sa kanila.

"What is this?" nagtataka kong tanong sa kanila. Napatingin din ako kay dad na parang wala namang reaction.

Well, ilang beses naman nang nagpupunta dito si Mike. That is the normal dad's poker face.

"Sa susunod na araw, we'll have a party, intimate. Just our family friends and few trusted media," paliwanang ni Mom.

"So... you invited Mike?"

Mom nodded. "Yes, it's a gender reveal party. It's actually your dad's idea."

"To inivite Mike?" ako, na hindi pa rin makuha.

"No," sagot agad ni dad. "The party... it's  my idea."

Mom chuckled. "Ako lang ang nag-invite kay Mike, hija. Pero alam naman ng dad mo," giit ni Mom sabay pa simpleng pinandilatan si Dad.

"Okay?" hindi sigurado kong sagot.

"Well, tara na sa loob at nagpahanda na ako ng dinner. Sumunod na lang kayo," ani Mommy at pumasok na sabay tingin ni dad ng mariin kay Mike.

Mike lowered his head politely nang pumasok sila sa loob. Sobrang saya ni Mommy, gano'n ba kasaya ang gender reveal party?

"Pa good shot, huh?" panunuya ko sa kanya.

He chuckled. "Siyempre, baka ayawan ako ng dad mo kapag hihingin ko na ang kamay mo," pabiro niyang sabi pero parang sumabog na ang dibdib ko sa sinabi niya.

This is how it feels to be in a mature relationship, huh? I mean, first time ko pa lang 'to. Pero base naman sa nakikita ko at naririnig na pakikipag relasyon, bihira ang ganito.

Kadalasan, boyfriend means, you got someone to accompany you to shop, to watch movies, given na ang dates or anything. Bihira lang ang magpa good shot palagi sa parents gaya ng ginagawa ni Mike.

"Hindi ba, pupunta tayo sa inyo next month? Paano kapag hindi ka bigyan ng passes?" nag-aalala kong tanong dahil pang ilang pagpunta-punta na niya 'to dito. Baka hindi na siya pagbigyan sa susunod!

He handed me the flowers at tinanggap ko 'yon bago siya sumagot.

"Ako na bahala do'n. And, let's tell your parents about it," aniya.

I nodded and lowered my head. The coffee shop scene still lingered to my mind. Para akong nagi-guilty na hindi sabihin iyon ngayon kay Mike.

Inangat niya ang mukha ko gamit ang daliri niya.

"Ano 'yon?" tanong niya, tila alam na may malalim akong iniisip.

Umiling ako. "Gutom na 'ko. Tara na," sabi ko at hinigit siya papunta sa loob.

We ate dinner at maayos naman ang pag-uusap kahit nakakabahala na ang titig ni dad kay Mike. Para bang may atraso si Mike na alam ni daddy na hindi ko alam. Tinanong ko si Mike pero sinabing gano'n lang daw talaga siya tingnan ni Daddy.

Parang hindi naman, parang lumala yata ngayon.

Sa hotel namin nag s-stay si Mike at sagot ng parents ko 'yon. But Mike refused, siyempre alam ko na iyon ang gagawin niya.

Gusto ko nga na dito na siya sa bahay matulog ang I took my chance to ask dad's permission....pero wala. Hindi talaga pumayag.

Kahit pa raw sa maid's area matulog si Mike ay hindi puwede.

Abala kami para sa party kinabukasan. Tumutulong ako kahit may organizer naman na kinuha si Mom. There were a lot of baloons that has blue confetti inside of it.

Sa may pool area gaganapin ang party. Kaya buong area ang may baloons. Each of it ay may kung ano silang nilagay para if na slice na ang cake sa gitna ay may pipindutin at sabay sabay lahat ng balloons na puputok.

I tried texting my girls para imbitahin sila. Sana lang maayos na ang utak ng dalawang 'yon.

"Uh.. Mike, puwede pakibigay 'to sa kanya?" sabay turo ni Mom sa lalaki na nasa taas ng puno, nagkakabit ng balloons.

Kanina pa tumutulong si Mike at utos naman nang utos si Mom. Wala ring reklamo si Mike at malugod na sinusunod lahat.

"Mom, kanina ka pa..." medyo critical na tono kong sabi.

"Lana, pahiram lang. Sayang naman biceps niyan kung hindi mapakinabangan," pabiro niyang sabi.

"Who's biceps?" si dad na biglang sumulpot sa likod at halata ang pagkataranta ni Mommy. Umalis na ako agad bago pa ako masali.

Lumapit ako kay Mike na abala rin sa pagtulong, nasa taas din siya ng puno.
Hindi niya ako nakikita dahil nasa gawing gilid ako.

I scanned his body. Medyo pawisan na siya at nakikita na iyon sa suot niyang damit. Kumikinang ang pawis sa noo niya pati sa braso niya. Sa tuwing tinatali niya ang dulo ng baloon sa puno ay lumilitaw ang mga ugat niya.

Napaubo ako dahil nabilaokan. Napabaling tuloy siya sa akin at mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Boyfriend ko na siya, pero hindi pa rin ako masanay sanay sa mga ganyang tingin niya.

Honestly, I feel naked kapag grabe ang paninitig niya sa akin. Na para bang pati kaluluwa ko at pintig ng puso ko ay nakikita niya.

He jumped pababa sa kahoy in a swift move. Tumulo pa ang pawis sa noo at nahulog iyon sa damit niya. Para akong tanga na sinundan iyon. Sa pag angat ko ng tingin, may multo na ng ngiti sa labi niya.

"Ang init..." aniya sabay paypay sa sarili. Pinalis niya pa ang natirang pawis sa noo.

"Y-Yes...it's hot," pagsang-ayon ko pero para sa akin, double meaning na 'yon.

"Tama na 'yan. You wanted to take a bath? I...uh...you can use my...bathroom."

I offered shamelessly. Uminit ang pisngi ko do'n and he looks amused.

"Gusto mo bang hindi na ako umabot sa party? Your dad will kill me," he said while chuckling.

"Masama ba? Maliligo ka lang naman," maktol ko na parang batang hindi pinagbigyan sa gusto.

Bahagya niyang pinitik ang noo ko at masama ko siyang tiningnan. Nagtaas siya ng kilay.

"Behave missy. Stop seducing me," aniya at humalakhak pa akong iniwan dahil kumuha pa siya ng balloons na ikakabit.

I was left dumbfounded. What? Seducing? Am I seducing him? Para mag offer lang ng paliligo, seduce na agad?

Gano'n ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko? God, it's not I'm gonna peeked when his taking a bath naman, ah. Pero hindi ako sure.

Sinundan ko na lang siya at tutulungan dahil napapansin ko na ang mga bakla na nag-aayos. Malagkit na ang tingin na nila kay Mike. Kulang na lang hubaran nila ito.

Nauwi na si Mike pagkatapos at susukatin pa niya ang pinadala ni mom na damit. Gano'n din ako. Maayos na ang lahat at handa na para bukas.

Can't wait for the celebration tomorrow!

---

We're almost there... 💔💔

Continue Reading

You'll Also Like

11.7K 1.1K 35
Vanessa Alvarez, the spoiled brat and the black sheep of her clan. She loves playing and teasing her college instructor, Gian. Bunga sa maitim niyang...
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
204K 6K 37
IdΓ©e Fixe is an idea that dominates one's mind especially for a prolonged period or often called obsession.
111K 3.7K 29
Profession or love? Ano nga ba ang matimbang sa dalawang iyan? Kapag ba pinili mo ang propesyon, magiging masaya ba ang puso mo? O, kapag pinili ang...