Your One-Shot

By TropangWattyFacebook

13.1K 273 155

Mini-game (Finished) Result: ENTRY NUMBER- TOTAL 9- 3.499 14- 3.333 17- 3.995 19- 4.499 20- 3.499 21- 3.999 2... More

Your One-Shot
Ang Spelling Bee by mister_author
Forget Me Not by NuhYheen
I Told You I Love You on a Piece of Paper by zheliLURVScookies
Candy Wrapper by TheUnpredictableGirl
Is It Too Late? by TheGirlYouCantDefine
Memories Under the Rain by Popcornchin
Karibal ko, Manliligaw ko by Joomanjee
Here I Stand, Take my Hand by thesoullessvampire
Bigyang Pansin by aira_irish
ABC by iemotaku
Beautiful in my Eyes by enjelshii
Starbucks Love Story by iloveyouLP
A Crush Story in Fun Run by iheartkitty20
The Story of Us by dinklebeyr
The Invitation by Unidentifiedbluestar
Pepsi by sushihead
Have You Seen This Girl? by ash_23
My Eighteenth Rose by KesoBoy
Onirus by szhan06
It Started with a Status Message by bittersweet24
Once Upon A Time by PurpleWonders
An Hour Too Late by iamjaypee
Birthday Greeting By TwoFaceDiva
Girlfriend for One Day By Ladywithbutterflies
Courting my Crush by twinkletz_eyn
P R O M I S E S ! by BataNaMAYulit
IF I COULD... by Yurimika
SILENT LOVE
Truth Hurts, Sweety.. by strawberrycookies
A Love Story by somberDoll

Mahal mo ako, Manhid ka lang by supermaria09

451 11 8
By TropangWattyFacebook

ENTRY NO. 8 (Click the external link if gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa facbook)

Mahal mo ako, manhid ka lang

All rights reserved 2012

By: supermaria

Regret?

Sabi nila nasa huli ang pagsisi.

Pero para sakin HINDI, bakit? Kasi ang pagsisi at problema iisa lang yan. Hindi ba’t sabi nila na lahat ng problema may sulusyon? Sulusyon na ang ibig sabihin ay may pag-asa kangbumalik sa dati o kaya naman mas maging masaya pa.

Sabi din ng iba ‘There’s a rainbow always after the rain’

Kung ang ulan ay sumisimbulo sa problema o pagsisi at bahaghari naman bilang magandang balita. Ibig sabihin hindi nasa huli ang pagsisi kasi pagkatapos nito may magandangpangyayari na bubungad.

Para sakin ang pagsisi ang daan para matauhan ka, para maituwid mo yung nakalisyang parte sa buhay mo o kaya daan para magbago ka. Dahil kung hindi ka pa magsisisi, yung bagay namali sayo patuloy lang na magiging mali kasi hindi mo namamalayan na mali na pala ang isang bagay.

Kung magsisisi ka malalaman mo na mali na pala ang isang bagay kaya gagawa ka ng paraan kung pano maayos ito o mababago.

Para sakin iniiwas tayo nito sa kamangmangan. Dahil kung hindi tayo magsisi, mananatili lang tayo sa mali. Dahil sa pagsisi inilalagay nito tayo sa reyalidad, sa kung saan tama.

********

Naramdaman nyo na bang maging manhid?

Yung tipong nagiging tanga ka na dahil lang sa hindi mo nararamdaman yung mga bagay o tao sa paligid mo.

Yung tipong sa bandang huli may regrets ka kasi lumalayo na yung mga bagay o tao na nagbibigay ng importansya sayo.

Kasi natutunan din ng mga tao sa paligid mo na maging manhid dahil sayo.

Kasi nga tatanga tanga ka.

Sya si Aerniel, yung taong tinuruan kong maging tanga at manhid dahil sa pagiging tanga at manhid ko.

Sobrang bait nya sakin, na yung tipong nakakatakot na sa sobrang kabaitan.

Palagi syang sang ayon sa kung ano yung gusto ko at sumusunod sa mga ayaw ko.

Sya din palagi yung sumasalo sa mga kasalanan ko.

Isang araw nga, napagalitan ako ng campus director dahil sa papel na hindi ko naitapon sa basurahan, in short kinalat ko lang sa sahig. Sa sobrang malas ko nakasulat sa scratch paper na yun yung pangalan ko pati year and section.

“SINO SI JANNA JOY ANGELES?” dahil sa hindi ko alam na may kasalanan pala ako agad kong tinaas yung kamay ko

“kababae mong tao ang kalat kalat mo! Hindi mo man lang pinahalagahan ang university” tinaas nya yung scratch paper na kinalat ko “Pano mo itatanggi na hindi sayo angpapel na to?” Omo! Pano nga ba? *I’m palpitating*

Nagulat kaming magkaklase ng tumayo si Aerniel Sorry po ma’am. I’m the one who owns that paper. It just happen na sobrang boring sa klase unconsciously nasulat ko na yung pangalan ni Ms. Angeles”

Nadoble pa yung kasalanan nya sa pagkakalat at hindi pakikinig sa klase kaya nagpasa sya ng Incident Report ng school...

Sya din ang nasasaktan imbes na ako yung napapahamak. Tulad na lang kapag may nang aaway sakin kahit babae pinapatulan nya, o kaya kapag pinapagalitan ako ng mga instructors namin sya ang nag ra-rationalize para sakin.

Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa sakin ang mga bagay na yun.

Kaya sinabi ko sa kanya..

“Aerniel, ayoko nang lagi kang nasa tabi ko. Lagi mo akong pinagtatanggol. Hindi ko alam kung pano ko susuklian lahat ng ginagawa mo sakin. Kaya sana huwag mo na muna akong nilalapit lapitan”

Pero ang sinagot nya lang..

“Hindi mo naman kelangan na palitan mo yun eh. Hanggat may rason ako, hindi ako titigil sa mga ginagawa ko”

Isang araw inaya ko sya na samahan ako na pumunta sa mall para bumili ng damit para sa year end

Paalis pa lang ako nang hinila ako ni Ralph dahil may sasabihin sya sakin. Si Ralph ang una at huli kong naging boyfriend.

Pumunta kami sa park saka nya sinabi na gusto nyang makipagbalikan sakin.

Sa sobrang saya ko, sa bahay ko na lang naalala na may usapan pala kami ni Aerniel

Pagpasok sa school, dumating yung araw na nagbago sya.

Yung araw na hindi ko inaasahan na mangyari.

Yung araw na hinihiling ko na sana hindi na lang nangyari..

Nagulat na lang ako na nagbago sya ng ayos at kilos. Nagpagupit sya at pinakulayan nya yung buhok nya. Marami na rin syang hikaw sa tenga. Lagi syang naka-headset

Pumapasok sya sa school ng tahimik. Para syang isang tao na walang kaluluwa.

Walang emosyon kang makikita sa mukha nya. Pero sa mga mata nya kitang kita ko na may galit sa mga ito.

Nagbago ang lahat. Nanibago ako sa ayos nya at lalong lalo na sa mga ikinikilos nya.

Ni hindi ko na sya nakikitang ngumingiti.

Nahahalata ko din na lagi nya akong iniiswasan.

Kaya kinausap ko sya pero parang wala lang ako sa kanya kapag nagsasalita ako.

Araw araw ko syang pinupuntahan sa bahay nila pero lagi lang syang nasa loob ng kwarto nya at laging nanay nya  yung kumakausap sakin.

Natatakot ako na ako ang dahilan kung bakit sya nagkakaganun. Kasi iniwan ko sya sa usapan namin.

Isang lingo na akong pabalik balik sa bahay nila saka nakikiusap.

Sumabay pa na nakipagbreak sakin si Ralph dahil sa ginagawa ko.

“Lagi na lang ba tayo ganito Janna? Inuuna mo na kesa sakin yang Aerniel na yan. Baka mas mahal mo na sya kesa sakin?” napahinto sa sinabi nya, parang biglang nag iba yung pintig ng puso kesa sa normal nitong pag pintig

“Magbreak na lang tayo, Janna kung sya lang din ang uunahin mo”

Katulad ng dati, nang mag uwian na dumiretso ako sa bahay nila.

“Oh Janna, alas syete na, mukhang hindi ka pa rin kakausapin ng anak ko. Hindi ko man alam dahilan kung anong meron sa inyo pero sa tingin ko kelangan mo nang huminto, ako na rin kasi nahihirapan sayo ija”

“Hanggat may rason po ako hindi po ako titigil sa ginagawa ko”

“O sya ikaw bahala. Mukhang uulan may dala ka bang payong?”

“Wala nga po eh. Pero aabot naman po siguro ako samin. Sige po tita alis na ako”

Hindi pa ako nakakalayo sa bahay nila nang biglang umulan.

Hinayaan ko nang mabasa yung sarili ko at pinagpatuloy ko yung paglalakad ko.

Masakit pala iwasan ng taong mahal mo lalo na kung ikaw yung dahilan nang pag iwas nya.

Hindi ko man maibalik yng dati, gusto ko sana na masabi ko sa kanya na tanga ako kasi hindi ko agad naramdaman na mahal ko sya.

Bakit kelangan pang umabot sa ganito para malaman ko yung tunay na nararamdaman ko?

Bakit kelangan umiwas pa sya?

Napaupo na lang ako sa gitna ng kalsada at umiiyak.

Nagulat na lang ako nang naramdman kong wala ng pumapatak na ulan sakin.

Nang tumingala ako nakita ko sya hawak ang isang payong.

“Aerniel?”

Hindi sya sumagot  nakatingin lang sya sakin na walang emosyon.

Tumulo nanaman yung luha ko “Sorry.. Sorry”

Binitawan nya yung payong saka bigla nya akong hinila at niyakap ako.

“Mahal mo na ba ako?” tanong nya

Tumango lang ako. Saka nya ako binitawan sa pagkakayakap.. “I love you JJ”

Continue Reading

You'll Also Like

27.5K 109 6
III (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
1.4M 33.6K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...