Your One-Shot

By TropangWattyFacebook

13.1K 273 155

Mini-game (Finished) Result: ENTRY NUMBER- TOTAL 9- 3.499 14- 3.333 17- 3.995 19- 4.499 20- 3.499 21- 3.999 2... More

Your One-Shot
Ang Spelling Bee by mister_author
Forget Me Not by NuhYheen
I Told You I Love You on a Piece of Paper by zheliLURVScookies
Is It Too Late? by TheGirlYouCantDefine
Memories Under the Rain by Popcornchin
Karibal ko, Manliligaw ko by Joomanjee
Mahal mo ako, Manhid ka lang by supermaria09
Here I Stand, Take my Hand by thesoullessvampire
Bigyang Pansin by aira_irish
ABC by iemotaku
Beautiful in my Eyes by enjelshii
Starbucks Love Story by iloveyouLP
A Crush Story in Fun Run by iheartkitty20
The Story of Us by dinklebeyr
The Invitation by Unidentifiedbluestar
Pepsi by sushihead
Have You Seen This Girl? by ash_23
My Eighteenth Rose by KesoBoy
Onirus by szhan06
It Started with a Status Message by bittersweet24
Once Upon A Time by PurpleWonders
An Hour Too Late by iamjaypee
Birthday Greeting By TwoFaceDiva
Girlfriend for One Day By Ladywithbutterflies
Courting my Crush by twinkletz_eyn
P R O M I S E S ! by BataNaMAYulit
IF I COULD... by Yurimika
SILENT LOVE
Truth Hurts, Sweety.. by strawberrycookies
A Love Story by somberDoll

Candy Wrapper by TheUnpredictableGirl

473 12 5
By TropangWattyFacebook

ENTRY NO. 4 (Click on the external link if gusto niyo pong suportahan ang kwentong ito sa Facebook.)

Charlene

Papunta na akong school at ilang minuto na lang male-late na ako. Hala lagot! Away kong maglinis ng Guidance Office. Kapag nalate kasi papalinisin kami dun.First time ‘to if ever man. Hay salamat, ilang lakad na lang makakapasok na ako sa gate. Tinakbo ko na siya pero kung mamalasin nga naman…

ILANG HAKBANG NA LANG! ILANG HAKBANG NA LANG TALAGA!

*KRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGG*

Ay sheeeeeemssssss laaaaaaaaaaaaaannnnnnggg!

“Manong guard, di na ba pwedeng pumasok?” Tanong ko kay manong guard kasi sinarhan niya muna ang gate. Peste naman to oh! Kung kalian madali na akong makapasok. Strikto naman ang school na ‘to. Dapat bago pa talaga mag-time andito ka na pero ilang segundo lang naman yun ah.

“Sorry miss, pero di pwede eh. Hintayin na muna natin yung mag-aasist sainyo. Ako kasi ang mapapagalitan dito.” Ano ba naman yan? Uh! Maglilinis ng Guidance Office? Hindi ko to pinangarap sa buong buhay ko. Kasalanan ko bang tinapos ko ang lahat ng project at assignments kagabi at masarap matulog kaninang umaga kasi malamig. Ang hirap bumangon. Hay, wala naman akong magagawa. Pero try ko.

“Please lang oh. Ilang segundo lang naman yun diba?” pagpupumilit ko kay manong guard. Ayaw ko talagang maglinis eh. Bukod sa tamad ako, ayokong mamark as absent sa ibang mga subjects. Tapos ililista pa ang pangalan mo para sa listahan ng mga late comers.

“Miss, hindi ka lang naman ang late eh. Kung papasukin kita, bukod sa mapapagalitan ako, magiging unfair sakanya.” Nakita ko na may itinuro siya. Sino naman kaya yun. Bihira lang dito ang may malate kaya pag once na nalate ka, may consequence ka. Liningon ko kung sino ang tinutukoy  niya.

“CHRIS?!” Aynakupo! Siya? Siya ang late at makakasama ko sa paglinis? Sigurado ba ako sa mga nakikita ko? Bakit siya? Uwaaahhh! Ay badtrip naman oh.

“HAHAHAHAHA! Late ka rin! Himala naman! Bwahaha! XD” -_________-++++ Siya lang naman ang pinakabibwisitan kong kaklase. Bukod sa mahangin siya, palagi niya akong tinotorture. Nakaupo siya sa likod ko at hindi ko alam kung bakit niya ako parating sinasabunutan. Hindi sabunot actually. Parati niyang hinihila ang buhok ko.

“Sapa-----“

“Charlene at Chris, ba’t late kayo ngayon? Alam niyo naman na sa school na ‘to, malaking violation ang pagiging late. Dahil diyan lilinisin niyo ang Guidance Office. Siguraduhin niyong malinis na ito pagdating ng 9:30 A.M. ah. Charlene, dahil alam kong mas responsable  ka, ikaw ang mag-aassist sa paglinis. Ikaw naman Chris, huwag kang pasakit ha? Kilala na kita. Pasok na kayo.” Pinapasok na kami sa gate. Nagpasalamat na rin ako kasi pinapasok na kami sa gate pero maglilinis pa rin kami. -___-

Nasa unahan lang naming si Ma’am Grace. Nakita ko naman si Chris na tawang-tawa. Problema niya?  Lumapit siya sa akin. At may kinuha sa bulsa niya.

“Cha, para sayo.” Ano naman kayang kalokohan ‘to?

Candy. Fres Candy ang pangalan. Sige, kunin ko na lang. Mahilig rin ako sa candy eh. ^______________^

“Candy? Sige akin na.” Kinuha ko na ang candy, bakit malambot ang laman. Nang talagang makita ko na ang laman…

LOKO KA CHRIIIIISSSS!!! =_=+++++

Atat pa naman ako sa candy.

“BWAHAHAHAHA!” nakita kong tumatawa si Chris at hawak hawak niya na ang tiyan niya. Nasa unahan ko siya ngayon. Si madam nagstop muna dun sa isang section. May announcement ata.

*PAK*

“LOKO KA! ANO YUN HA! Kaya naman pala nakakagulat na binigyan mo ako ng candy, yun pala wrapper lang!”

“Ang sakit naman ng palo mo, pe—HAHAHAHAHA” Sige tawa ka pa. “Tingnan mo ang laman.”

“Eh nakita ko na eh. Papel! Anong akala mo sa akin, Kumakain ng papel?!” sabi ko sakanya. Nakakabadtrip talaga ‘tong kasama.

“Hindi, buksan mo, may laman yang papel.” Sabi niya sa akin at ako naman itong uto-uto, binuksan ko ang crumpled paper at tiningnan ko ang laman.

Uto-uto! Panget ka!! HAHA :P

=__=++++++++++++++++++

“BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!” ay bwisit na lalaki ‘tooooooooooo!!!!

*PAAAAK*

“Aray ko naman! Pinapatawa ka lang eh. HAHAHA!” Anong pinapatawa, siya lang natutuwa. Huwag niya akong isali sa kalokohan niya.

“Huwag mo ‘kong malapit lapitan ha! Panira kang mood! Psh! Oh andito na tayo sa Guidance Office. Tulungan mo ako dito, kundi papalapa kita sa leon.” Pumasok na kami ng office at nakita ko na medyo makalat nga. Ano ba naman yan. Hindi ba nila ‘to linilinisan?

Hinanap ko kung asan ang mga panglinis. Nakita ko na nasa loob ng drawer. Kumuha na ako ng dalawang walis kasi ibibigay ko kay Chris ang isa. Swerte niya naman kung tutunganga lang siya. Paglingon ko. Aba!

“Hoy Chris-tot! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?” Nakita ko lang naman siya na nakaupo sa sofa at nakataas ang mga paa sa lamesa. Ay ang sipag lang. -_- At nakita kong may ginagawa siya. Ano naman kaya yun. Pero wala akong pakialam, tulungan niya ako dito.

“Hooy! Ano?! Tutunganga ka lang diyan.Remember, ako ang mag-aassist dito. At di ako makakapayag sa mga pinagagagawa mo. Ito, kunin mo!” Itinapat ko sa kanya ang walis. Tapat na tapat talaga. Nakatutok sakanya ang walis mismo.

“Ano yan? Alisin mo nga yan sa harapan ko. Eh hindi ako marunong maglinis. Kaya mo na yan. Kaw ang babae.” Ay aba naman. May gana pa talaga siyang magsabi ng ganyan.

“Hoy! Ano ka sinisuwerte? Kunin mo sabi ‘to.” Iniabot ko sakanya ang walis at salamat kinuha niya na rin.

Pumunta na ako sa paglilinisan ko. Sinabi ko sakanya kung saang part siya maglilinis. Doon ako sa left at siya sa isang sulok. Matingnan nga kung ano nang ginagawa niya.

Ay talagang lalaking ‘to!! Linapitan ko siya.

“Hoy lalaki ka!” Piningot ko ang tenga niya ng malakas.

“Ahhhhhh—aray ko naman. Basahin mo kasi ‘to oh, ang ganda. Haha.” Nakita niya ata yung isang komiks sa sulok ng office. Ano ba naming lalaki ‘to. 4th year na kami. Isip bata pa rin. Tss.

“Anong maganda ka diyan. Ako oo, pero yang ginagawa mo, hindi.” Sabi ko sakanya pero bigla ba naman humagalpak ng tawa.

“BWAHAHAHAHAHAHAHA! Ikaw maganda, saan mo narinig yang kasinungalingan na yan. Bawal umasa. Nakamamatay. BWAHAHAHAHA!” Bruho ‘tong lalaking ‘to.

“Ganun pala ah.” Pinalo ko siya ng walis kong dala. *PAK*

“Ah-aray, grabe naman ‘to. Binibiro ka lang eh.”

“Miss Charlene, anong ng ginagawa niyo.”

O_O

“Ah, ito po, maglilinis na po.” Inayos ko ang walis at saka tiningnan ng masama si Chris.

***

“Sige, pwede na yan. You can go pero sana hindi na mauulit ‘to. Alam niyo naman ang consequence pag nalate kayo ng tatlong beses.” Nagapapasalamat akong marami. Salamat at natapos rin. Recess na rin pero may gagawin pa ako kaya dederetso muna ako sa room. Kinuha ko na ang bag ko. Nakita ko naman si Chris na tumatawa na naman. -_- Hayaan niyo na yan. Maraming problema yan sa buhay.

Tumaas na ako sa hagdan. Nasa second floor kasi ang room naming. Si Chris naman may ibang destinasyon yun at wala akong pakialam sakanya.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa room agad na akong sinalubong ng bestfriend kong si Marjorie.

“Bess, Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay. Akala ko hindi ka papasok eh. Nalate ka kanina?” intriga kaagad ako nito. Siyempre sinabi ko sakanya ang nangyari.

“Ha?! First time ata yan. Haha. Pero yeee. Kasama mo si Chris? May development ba?” ano bang pinagsasasabi ni Bess.

“Ay ewan ko sayo.” Tinalikuran ko muna siya kasi kukunin ko ang gamit ko sa bag.

Pagkabukas na pagkabukas ng bag ko. -_______________-++++++++++++++++++

CHRIIIIIIIIIIIIIIIIISSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

“Bakit Bess, anong problema, biglang naging ganyan ang mukha mo? May nangyari ba?” Tanong sa akin ni Bess pero di ko muna siya pinansin at dumiretso lang ako ng lakad papuntang baba dala-dala ang bag ko. Walangya na Chris yun!

***

Ang bilis ng paglakad ko papuntang oval. Oval ng school namin. Ito ang lugar kung saan ginaganap an assembly. Basta yun na yun. Mula dito, nasisilayan ko si Chris-tot. May iba siyang kasama. Lagot yan sakin. Mas binilisan ko pa ang paglakad ko. Eh sa naiinis ako eh. -_-

“CHRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIISSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!” Nakita ko na nagulat siya dun. Tapos nagtinginan rin pati mga kabarkada nya. Nakita ko na nagtawanan sila at nag-aapearan. Okay, ako ng OP. Pero pakialam ko sakanila. Nagsialisan na rin sila.

“Oh ano, miss mo kaagad ako. Nagkita pa lang tayo ah.” Kapal niya naman. As if naman na mamiss ko siya.

“Asa ka pa!!!! Ano ‘tong ilinagay mo sa bag ko? Candy wrapper ng Fres Candy? Na ang laman puro na naman papel? Anong akala mo sa bag ko, basurahan? Ha? Kapal mo rin!” Ilinabas ko isa-isa yung candy wrapper sa bag ko at tiningnan ang bawat papel na nasa loob.

“Anong ibig sabihin nito?” Itinapon ko sakanya ang isang wrapper pati yung papel. “Linagay mo sa papel, ‘Unggoy!’ kanina panget!!” Kinuha ko rin yung isang. “Ito rin, pandak! Eh ano naman kung pandak?” Isa pa. “Ulyanin! Gurang! Wala ka bang matinong gawin ha! At puro panlalait ang ginagawa mo at ginawa mo pang basurahan bag ko? Oh ito kunin mong lahat ng basura mo! ”

“Ay tanga ka pala eh! Haha.” Anong tanga? Sapakin ko siya.

“Ako pa talaga ang tanga. Ha?”

“Oo, tingnan mo nga ang likod nyang candy wrapper.” Eh ano naman ‘to? Siyempre Fres Candy to kaya may mga words diyan sa likod. Wala naman akong pakialam diyan eh. Basta may makain. Aanhin ko naman ang balat. Tiningnan ko ang likod.

“Oh, ‘I love you’ ano naman ‘to?”

“Ang LG mo talaga! Sa LIKOD ng lahat ng panlalait na yun. Iisang bagay lang an ibig sabihin nun.” Tumigil siya sandali pero ako’y medyo kinakabahan. “CHARLENE! MAHAL KITA MATAGAL NA! KAHIT SINASABI KONG PANGIT KA, MAHAL KITA, KAHIT SINASABI KONG UNGGOY KA, MAHAL KITA. KAHIT SINASABI KONG PANDAK KA, MAHAL KITA! KAHIT SINASABI KONG ULYANIN KA! MAHAL KITA. CHARLENE!!! MAMAHALIN PA RIN KITA KAHIT TUMANDA AT KUMULUBOT ANG IYONG MUKHA DAHIL SA AKIN, IKAW PA RIN ANG PINAKAMAGANDANG BABAE SA BALAT NG LUPA!”

>///<                                                                                                                                                                                                    

Hanu raw? Totoo ba ang sinasabi niya? Namumula na talaga ako.

“Ha-a? Pa-ki-ulit nga ng sinabi mo.”

“Ay hinde, walang ulitan sa mga bingi.” Medyo iniwas niya ang tingin niya sa akin. Nagmumukha na akong kamatis dito.

“Ah, sige, wala palang ulitan, sige alis na ako.” Tinalikuran ko na siya at medyo binibilis-bilisan ko ang lakad ko at parang nasesense ko na nakatayo lang siya sa likod ko. Namumula talaga ako habang naglalakad. Nakita ko rin na nagtitinginan ang mga tao sa amin.

“CHARLENE!!! MAHAL KITA MAHAL KITA MAHAL KITA, MAHAL NA MAHAL NA KITA!!!!!!!!!”

O_O

Hala! Sumigaw siya! Nakita ko na ang lahat ng atensyon ng tao, nasa sa amin.

“Ayeeeeee! Ang sweet naman.” Naririnig ko ang mga usap-usapan nila. Kahit si Marj, nakit ko na nakatayo dun at kinikilig din. Humarap ako kay Chris at linapitan siya?

“A-ah.” Wala, speechless talaga ako.

“Ayeeeee!!” sigawan ng mga tao.

“Alam mo bakit ako nalate kanina? Haha. Baka matawa ka kapag nalaman mo. PInuntahan ko ang mga tindahan na malapit sa amin, at nghanap ng Fres Candy na may ‘I love you’ na nakalagay sa likod. Ilan ring ganun ang kailangan ko kaya medyo natagalan ako sa paghanap. Halos palayasin na ako ng tindera sa tindahan nila kasi kinakalat ko ang mga candy nila. HAHA! Pero Charlene, maniwala ka. Sa likod ng kapintasan mo, mamahal at mamahalin pa rin kita.”

O_O Kaya siya nalate dahil bumili siya ng Fres Candy???  

“So anong ibig mong sabihin, tingin mo sa akin, pangit, ha? Unggoy? Pandak? Ulyanin? Ha? Kapal mo din eh noh.” Narinig ko lang siyang tumawa. At nakita ko ang mga tao na para bang nanonood ng telenobela.

“Haha. Ah eh wala na kasi akong maisip na ipambanat sayo eh. Kasi sa tuwing nag-iisip ako, ikaw palagi ang nasa laman nito.”

>///<

Oh sige ako na ang kinikilig.

“Ah..nanliligaw ka ba?” Nagulat ako sa sinabi ko. Pero nanliligaw nga ba siya?

“Haha. Oo, pero pwede ba?”

“Ahmm.” Hindi ako makapagsalita.

“Bess!!! Oo na! Magpaligaw ka na! Hahaha.” Sinigawan ako ni Bess. Pero papaya nga ba ako? Pero..

“Oo na! oo na! pero hmp! Papahirapan kita. Pasakit ka sa buhay ko nang nakaraan na araw eh.”

“Talaga?! Yes! Charlene!! Sisiguraduhin kong makukuha ko ang matamis mong oo!” Confident naman siya sobra. Pero sie aamini ko sainyo na crush ko siya..dati.

“Confident ka ha. Oh sige, simulan mo na ang way mo. Kunin mo ‘tong bag ko. Ibalik mo room natin.” Kinuha niya ang sling bag ko.

“Yes my highness. ^_^”

“Bess, tara! Samahan mo na ako sa taas.” Tinawag ko na si Marj para samahan ako sa taas. At kinikilig ang bruha.

***

“Cha oh, chocolate.” Alok ni Chris sa akin. Gusto niya talaga akong magkadiabetes?

“Noon, candy, ngayon chocolate. Gusto mo ba akong tumaba?” Boyfriend ko na si Chris ngayon. One month rin siya nanligaw at nakita ko ang effort niya. Pero ang hindi niya talaga nakaklimutang ibigay ay yung Fres Candy. Para nan a kon pinupurga dun eh.

“Huwag kang mag-alala, sa sunod iba na, cake naman.”

“Matamis pa rin naman yun eh.”

“Cake para sa kasal natin. HAHAHAHA XD” Tiningnan ko siya ng masama. -_- An korni lang. Pero kasal? >///<

***

Sa buhay natin, may mga bagay tayong di aakalain.

I never expected that guy would be part of my life.

Someday when the pages of my life end.

I know that he will be one of its most beautiful chapters.

A chapter that gives excitement to the readers.

A chapter that gives reason for the reader to continue reading it.

While for me, the reason, why I can’t stop loving him.

Yes, Chris is the name. And I can’t help myself from falling to him, over and over again. ^____________^

***

Continue Reading

You'll Also Like

87.5K 7.5K 37
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
11.9M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...