The Mistress

By PrincessHimaya

191K 3.6K 518

Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest. Akala... More

SYPNOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas

Kabanata 27

2.2K 43 5
By PrincessHimaya

Naghahanda para sa bonfire ang mga kasamahan ni Mike and we were invited. We ate dinner at kasama namin si Mike pero nauna na siya sa lugar nila para e check ang lahat.

I wore a sweat pants and crop top sweat shirt na gray. I tied my hair into a bun at kumuha nang ilang hibla ng buhok para maging messy bun. Mahangin kasi sa gabing iyon at sagabal sa mukha ang aking buhok.

"You won't get cold in that?" taas kilay kong tanong kay V. She was wearing a maong shorts and backless top.

She rolled her eyes habang naglalagay ng lipstick. "I was born and raised in north pole, Lana." Sarkasmo niyang sinabi.

Nasa tent ko siya kasi nanghihiram siya ng red lipstick sa akin. Puro nude kasi ang nabitbit niya.

"Let's go na.  Shelly's waiting," saad ko dahil medyo kanina pa kami dito sa loob.

Tiningnan pa niya ng isang beses ang mukha niya sa compact mirror bago pa kami lumabas sa tent namin.

I went to Shelly's tent dahil wala pa siya sa labas.

"Shelly? Are you finish? Let's go na," tawag ko sa kanya.

She didn't answer. Nagpalinga-linga ako. Baka nag banyo? I called her once again pero wala pa rin.

"Where is she?" tanong ni V nang lumapit siya sa akin.

I shrugged. "Wala siya."

"Text her na lang. O, mauna na lang tayo?" Suhestiyon niya.

Kinuha ko ang cellphone ko just to see a text from her. Nalaglag ang panga ko sa nabasa at agad binuksan ang tent niya.

Her things wasn't there anymore. Tanging ang tent na lang ang naroon.
Bakit siya umuwi?

Napatingin din si V sa loob ng tent at nagtataka rin.

"She left? Bakit?"

"May emergency daw. She's not picking up my call," I said worriedly while trying to call her.

What happened? Bakit siya umuwi nang hindi man lang nagpaalam? At hindi ko man lang namalayan. Isa pa, gabi na. It's risky to travel using small boats at this hour.

Hanggang sa makarating kami sa lugar nila Mike ay hindi pa rin ako mapakali. Text ako nang text sa kanya at nakailang tawag na rin. But then again, I didn't get anything.

"Mike!" narinig kong tawag ni V sa kanya kaya napaangat ako ng tingin.

Mike immediately found my eyes and his forehead formed a crease. Kitang-kita siguro sa itsura ko ngayon ang pag-aalala para sa kaibigan.

"Did you know why Shelly left?" tanong agad ni V kay Mike.

Kumunot ang noo ni Mike. "Bakit daw?" nagtataka  tanong niya. Hindi niya rin alam.

"She texted me. May emergency daw sa kanila," giit ko at nakakunot pa rin ang noo ni Mike. Para siyang nag-iisip.

"Don't worry. I will call her, later." Mataman niyang sabi sa akin at tumango ako.

Niyakap niya ako nang bahagya at hinalikan sa noo bago pa kami naupo sa isang towel na nilagay niya sa buhanginan. V was beside me, busy on her phone.

Nakaupo na ang iba niyang mga kasamahan at nilapag na nila sa gilid ng bonfire ang dalawang malalaking cooler. Siguro mga inumin ang laman no'n.

"Shoot! We forgot to bring the wine!" Tumayo si V. "I'll just get it."

"Uy, ma'am! Saan ka pupunta? Magsisimula na tayo," sabi ng lalaking nanghiram sa akin ng walis noon.

Bumaling si V sa kanya. "I forgot something."

Tumayo naman ang lalaki at nagsisikuhan na ang ibang mga police. Halatang nanunukso ang mga titig at ngiti nila.

"Puwede sumama?" pagbabakasaling tanong ng lalaki at pumayag naman si V.

Everybody was busy talking while drinking. Hindi naman nila kami pinansin ni Mike at hinayaan lang. Medyo nahihiya nga ako dahil kami lang ni V ang hindi police.

May tatlong babae naman na police pero malayo sila sa amin.

I glanced at Mike who was already looking at me. My eyes narrowed.

"Stop staring. You'll get drown. Wala nang ahunan 'yan," pabiro kong sabi.

He chuckled and pinched my nose. "I just miss you." Nag-iwas agad ng tingin sa sinabi niya.

Alam kong nakatitig pa rin siya sa akin kaya bumaling ulit ako sa kanya with the same intensity of his eyes. Looking at me like I'm gonna disappear any moment.

"Shelly...and 'yong Mama mo," panimula ko at nanatili ang titig niya sa akin. Inaantay ang susunod kong sasabihin. "They're very close. I'm...kinda jealous," I honestly said and chuckled.

He heaved a sigh and took my hand and intertwined them. "You don't have to. Ipapakilala kita kay Mama pagkagaling natin dito," aniya at nagulat ako roon.

Hindi ko alam na mangyayari na nga 'yon! I was excited and worried at the same time.

"She will like me kaya?" alinlangan kong tanong at kinakabahan na rin pero tawa ang nakuha ko. I pouted.

"Bakit naman hindi?" aniya at tinaas ang isang kilay. Nilagay niya rin ang takas na buhok ko sa teynga ko. "You're a great woman. Walang hindi magkakagusto sa 'yo."

"Paano kong ayaw ng Mama mo sa 'kin?" parang bata kong tanong at ngumuso pa.

"So? Hindi naman siya ang magiging asawa mo," he answered na parang wala lang sa kanya ang huling sinabi.

Asawa?! Is he for real? He's thinking of that this early? Na puwede niya ako maging asawa?

My heart pounded against my chest cuz of the thought being his wife. I don't know if I'm ready in that stage of relationship. I haven't thought of it yet.

I wanted to finish my studies and surely, ako ang mamamalakad sa negosyo namin sa ngayon dahil nasa tiyan pa naman ang kapatid ko.

My parents aren't getting any younger, gustuhin ko man 'yon o hindi. Kaya ang isiping gusto akong maging asawa ni Mike ay bago sa akin. Wala pa 'yon sa isip ko...pero parang...gusto ko.

I know I like him. No, that's an understatement. I love him.

I love his thoughtfulness, softness in his eyes at the same time, the intensity sometimes that makes me shiver. Being a family-oriented man, too.

They say, love a man who loves his mom, for he will treat and love you the way he do to his mom.

"Hello! I have wine here!" naputol ako sa iniisip nang dumating si V dala ang wine.

Ibinigay niya iyon sa lalaking kasama niya at binuksan. Nagsalin siya sa plastic cup at ibinigay kay V. She smiled flirtatiously.

Hindi na kami nakapag-usap ni Mike dahil nagsimula nang mag-ingay ang mga kasamahan niya. Magsisimula na ang laro na napag-usapan nila.

May maliit na bola silang ihahagis sa kung sino man at kung sino man ang makasalo nito ay kailangang sagutin ang tanong. Kung hindi niya sasagutin, iinumin niya ang isang malaking baso na puno ng beer.

The game started at mga pang-asar kadalasan ang mga tanong nila. Hanggang sa mapunta kay V ang bola.

"Sino ang pinaka guwapo sa aming lahat dito, ma'am?" tanong noong nag hagis ng bola.

Tumingin si V sa lahat at nahihiya pa ang iba.

"Honestly, aside from Mike...you," sabi niya sabay tingin sa lalaking sumama sa kanya kanina.

Namula agad ang pisngi ng lalaki at nagsigawan ang mga police. Niyoyogyog pa ang lalaki no'ng katabi niya.

Nagpatuloy iyon at kay Mike naman napunta ang bola.

"Buddy, siya na ba ang babaeng pakakasalan mo?"

It earned a "yieee" galing sa mga police. My face heated at napatingin ako kay Mike sa tabi ko.

He's staring at the ball and nodded.

"Of course," sagot niya na mas lalong nagpahiyaw sa lahat.

"Akala talaga namin si Shelly na," sabi nang kung sino sa gitna ng hiyawan.

Mike was chuckling at parang hindi niya iyon narinig. Tiningnan ko rin si V pero kausap niya ang lalaking katabi.

Looks like I was the only one who heard it. Did I heard it right? O, baka lasing na ako kahit hindi ko pa nauubos ang beer na hawak.

I couldn't point who said it, dahil ang dami nila. Pero alam kong...iyon ang narinig ko.

Paano niya nasabi 'yon? I shrugged. Siguro dahil sa close sila ni Shelly at Mike. They misunderstood their closeness as friends.

Hindi na lang 'yon inisip at nagpatuloy na lang sa pakikinig sa laro.

It was past 11 nang matapos ang laro. Some are already drunk dahil ayaw sagutin ang mga tanong. As the night went on, the colder it gets. Kahit makapal ang suot ko ay nararamdaman ko pa rin ang lamig ng hangin galing sa dagat.

"Ihahatid na kita sa tent mo," saad ni Mike sa akin at tumayo na siya. Hindi man lang hinintay ang sagot ko.

He offered his hand at tinanggap ko naman iyon.

"Uy, mauna na kayo. Susunod na lang ako and don't worry about me," sabi ni V sa tabi ko at kumindat pa sa akin na may makahulugang ngiti sa labi.

Nagdududa ako sa ngiting iyon pero hindi ko na lang pinansin.

Nagpaalam si Mike sa mga kasamahan niya at ayaw pa ng iba na umalis kami pero hindi nagpa-awat si Mike.

Naka-akbay siya sa akin habang naglalakad kami at ipinulupot niya sa beywang niya ang isang braso ko habang naglalakad na kami pabalik sa tent ko.

"Where's your tent?" tanong ko sa kanya at binigyan niya ako ng isang masamang tingin. Para namang ang sama ng tanong ko.

"Hindi ka do'n matutulog, Lana," aniya at umirap pa.

I gasped. "May sinabi ba 'ko? Tinatanong ko lang naman," depensa ko.

"You sound like you want us to sleep together."

"Hindi, ah! Pero bawal ba?"

Napatigil siya sa paglalakad at nag-iwas ng tingin. Madilim ang paligid at hindi ko makita masyado ang mukha niya. Nang bumaling siya sa akin huminga muna siya ng malalim.

"Puwede naman, pero hindi puwede," he said and I didn't get his point. Naguguluhan ako.

Puwede pero hindi puwede?

"Why nga? I'm your girlfriend. Bakit puwede pero hindi puwede?" naguguluhan kong tanong.

Inalis niya ang kamay na naka-akbay sa akin at hinilot ang tulay ng ilong niya na para bang na-i-stress na siya sa akin.

"I want us to cuddle lang naman, e. We're not gonna sex naman," dugtong ko pa.

"Cuddle..." he chuckled and curse softly. "I don't want us to cuddle only, Lana. Kaya hindi puwede. Saka na."

Nauna siyang maglakad at naiwan ako na laglag ang panga. He doesn't want us to cuddle...only? Ibig sabihin, he want us to do that...thing?

Oh my...

Tinakbo ko ang pagitan namin at humawak ako sa braso niya. Hindi niya ako tinitingnan at malapit na kami sa tent. Hindi siya nagsalita hanggang sa dumating na nga kami sa tent namin.

Imbis na isipin ang huli naming usapan ay napatanga ako nang makita ang tent kong bukas at basang-basa ito. May ilaw naman sa malapit na poste kaya kitang-kita iyon.

My things...wala na sila sa loob!

I panicked at pumasok sa loob. Naamoy ko kaagad ang amoy ng wine at saka ko pa napansin ang mga bobog  ng bote sa sahig.

Great! This is Veronica's fault. Dito nakalagay ang wines kanina baka nabasag ang isa! It looks like it, since naroon pa ang mga parte ng bote.

"What happened here?" si Mike.

"Lana, wait!" sigaw ni V at palapit na sa amin kasama ang lalaki kanina.

"Sorry, I was clumsy. I tripped kaya nabitawan ko ang bote at nabasag sa loob. We can...uh share my tent...pero uh..." napatingin siya sa tent niya. "Your things are in there kasi kaya hindi na tayo kakasya."

Ewan ko ba, imbis na mairita sa nangyari ay natuwa pa ako. Ang sama ng iniisip ko. Shit!

"Buddy, sa tent mo na lang. Malaki 'yong sa 'yo 'di ba?" sabi ng lalaki na kasama ni V.

Napatingin kaming lahat kay Mike na hindi na mapakali. Kung saan-saan siya tumitingin. Parang walang narinig sa suggestion ng kasamahan niya.

"Okay! Sa tent ko na lang ma'a-"

"You what?" putol niya dito at napangiti ang lalaki. "Tara na. Get your things," utos niya at tumalikod.

Pinanliitan ko si V nang mata at nag thumbs up pa siya. The guy has this naughty smile, too. Parang duda talaga ako sa dalawang 'to.

Dinala ko ang bag na may lamang mga importanteng gamit ko. Iniwan ko na lang ang bag na may lamang mga damit.

Dala ni Mike ang bag ko at nasa tapat na kami ng tent niya na malayo sa lahat ng tents na naroon. Pinakagilid ito at hindi yata maririnig kahit mag-usap kami ng malakas dito.

"Pasok na, dito na muna ako saglit," sabi niya at humarap sa dagat.

I wanted to smile but I stopped myself. Ang sarap niya sanang asarin dahil alam ko kung ano na ang takbo ng utak niya...at ako rin.

Asus, para naman siyang teenager.

Pagkapasok ko sa loob ay maayos ang gamit niya na nasa gilid. May makapal na parang comforter sa sahig kaya malambot iyon. It was color green at medyo malaki nga ang tent niya kaysa akin.

I placed my things beside his. I looked for a pillow pero wala. Bakit hindi ko naisip 'yon? Ano pala ang gagamitin namin?

"Come inside please," sabi ko dahil alam kong nasa tapat lang naman siya ng tent.

"Why?"

"Ano unan natin?" tanong ko at hindi siya sumagot.

Lalabas na sana ako pero bigla siyang pumasok sa loob. May kinuha siya sa bag niya na isang maliit na unan. Kasyang-kasya lang talaga ang isang ulo do'n at inabot niya ito sa akin.

"Sa 'yo 'yan. Binili ko dati noong inanyaya kita sumama dito," giit niya.

Kumalabog ang dibdib ko. Ang thoughtful niya talaga.

"Bakit mo dala? Hindi ba sabi ko hindi ako pupunta?" I asked.

He looked at me in the eyes and I shiver when I saw something in his eyes.

"Gagamitin ko," normal niyang sagot and I was disappointed. Akala ko pa naman may sasabihin siyang something romantic!

I pouted at i-pin-westo ko na ang unan ko. Masama ang loob at dismayado.

He chuckled at kinuha niya ang braso ko para maiharap ako sa kanya. He's now smiling, halatang inaasar ako. Pero hindi ko magawang magalit dahil na-cu-cute-tan ako sa mata niyang nawawala na naman.

"Fine, fine. Dinala ko kasi umaasa ako na baka sumulpot ka dito. And I was right," proud niya pang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Baka may babae ka sana dito 'no? Baka hindi talaga 'to para sa akin," pang-aakusa ko.

"Babae? Sige, nasaan?" nanghahamon niyang tanong.

I rolled my eyes. "Malay ko ba. Baka you texted her, na abort mission because I'm here na!"

He chuckled at malakas na ngayon. Napatingala pa siya kaya nakita ko ang adams apple niya.

"Ang conyo mo talaga," sabay pisil niya sa ilong ko. "Come here."

He opened his arm waiting for me to hug him. Umusog ako sa kanya at niyakap niya ako. I smelled his manly scent na humahalo sa pabango niya.

Ang liit ko tingnan sa loob ng bisig niya. I felt safe in his arms and it feels like...nothing can go wrong.

Continue Reading

You'll Also Like

143K 3K 41
[U N E D I T E D | C O M P L E T E D] "I will use every wicked ways I can just to have him wrapped around my fingers." -Sariya Quervas Started: Augus...
1.1K 96 43
Yours Series 1: Simply Yours Krista Fortner, is the most bubbly yet bitter grandchild of Don Enrico Fortner-and also a pastry chef and owner. She bel...
511K 18.3K 40
Tereesa is in trouble. Dahil sa kaniyang pagtakas mula sa sariling engagement party, siya ngayon ay pinaghahanap ng kaniyang buong angkan. In order...
80.3K 2.9K 41
Hacienda Alegre Series 4 -Lessandro Vincent Verdejo||Matured Contents Si Levi Verdejo ay ang tagapagmana at nagma-may-ari ng isa sa napakagandang hac...