Condo Boys (A Journey to Reme...

By xxxRavenJadexxx

1.3M 30.2K 3.5K

Condo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of f... More

Prologue (Letter)
Chapter 1: Hany
Chapter 2: Da Moves
Chapter 3: Mall
Chapter 4: First Kiss
Chapter 5: The Three Idiots
Not an Update
Chapter 6: Condo Boys
Chapter 7: Cook
Chapter 8: Secret
Chapter 9: Fight
Chapter 10: Chiqui
Chapter 11: The Food
Author's Note
Chapter 12.1: The Gathering
Chapter 12.2: The Gathering
Chapter 12.3
Chapter 12.4
Chapter 13.1: Show
Chapter 13.2
Chapter 14: Broken
Chapter 15: Home
Chapter 16: It's not a Kiss!
Author's Note
Chapter 17: The Revenge
Chapter 18: The Confession
Announcement!!!
Chapter 20: Wrist Watch
Chapter 21.1: BDay
Commercial Break!
Chapter 21.2: Bday
Chapter 22: Jelly
Chapter 23: CIA
Chapter 24: Shade of a Doubt
Chapter 25: The Contract
Chapter 26: It starts..
Chapter 27: I'm at you're back!
Chapter 28: Love is Blind
Not an Update
Chapter 29: It Means Nothing
Chapter 30: Get Away
Chapter 31: Gone
Chapter 32: Dead Man Walking
Chapter 33: Let Him Go
Chapter 34: Walk Away
Chapter 35: Arken
Chapter 36: Clarity
Author's Note
Another Author's Note
Chapter 38: The End Part 1 (Learning to Breathe)
Chapter 39: The End Part 2 (Before It's too late)
Chapter 40: The End Part 3 (I Can't See You Anymore)
Author's Note: Thank You!
Chapter 41: The End Finale (Leave the Memories Alone)
Author's Note: Final Message
Final Author's Note: Trivia (Love knows no Time)
TRIVIA plus KEN'S POV (Special)

Chapter 37: White Box

18.5K 547 125
By xxxRavenJadexxx

Ken asked me not to be weary of his condition. Ayaw niya akong nalulungkot o 'yung akala mo'y nagluluksa dahil hindi pa naman daw siya patay. Gusto niya happy lang daw ako dahil ayaw niyang ma-feel na kinakaawaan siya ng mga taong mahal niya. It's very hard to be joyful at this time of crisis pero sinunod ko ang payo niya na maging masaya, happy lang tuwing magkasama kami kahit mahirap gawin. Tama naman siya, in that way, matututo akong i-cherish at bigyang halaga ang mga magdadaang araw na kapiling siya na hindi inaalala ang tunay niyang kalagayan.

One day while Loane, Arsi and I were busy watching an action movie sa Condo, sinorpresa kaming bisitahin ni Ken.


"Kamusta kayo mga Parekoy?" we were surprised as he entered the unit without knocking.


Abot hanggang tenga ang ngiti ko when he appeared out of nowhere. Mabuti na lang at naisipan niya kaming bisitahin dahil I truly missed from head to toe. 

Hindi rin mapigil ang kasiyahan ni Loane kaya't habang nasa pinto palang si Kentot e bigla ba naman niya itong ikinulong sa kanyang mga bisig, sa bandang likuran ng kaibigan niya, upang hindi makapalag. Si Arsi nama'y binuhat ang mga paa nito upang suportahan ang pilyong kaibigan papunta sa Sofa. In that scenario, the two are obviously making fun of their friend.

"Hoy teka anong ginagawa ninyo?" Ken was clueless kung anong 'trip' ng mga kaibigan niya.

"Wala Parekoy nilalambing ka lang namin," Loane said slyly. Inihiga nilang dalawa ni Arsi sa Sofa si Ken, na puno ng question mark ang mukha, sabay dagan dito upang hindi makagalaw.

"Ouch! Langya kayo maaga ata akong mamamatay sa inyo ah?" Ken said chuckling. Nakaupo sa may parteng chest si Loane while si Arsi nama'y nakaupo sa bandang lower extremities.

"Ano Kentot kaya pa ba?" pagbungisngis ni Loane. "Parusa namin sayo 'yan dahil tarantado ka!" Bumubungisngis na rin si Arsi habang nakapatong sa may bandang paanan.

"Arjay tulungan mo 'ko. Hindi ako makahinga! Tulong!" "Papatayin ako ng dalawang tarantadong 'to. Tulong!" ulit pa niya. Sige lang sa pagpapabigat 'yung dalawa kaya na-alarma ako na baka totoong hindi na siya makahinga.

"Uy umalis nga kayo diyan. Para kayong mga tanga ah?!" una kong pinaalis si Arsi hila-hila ang kamay niya, ganun din si Loane na kumportable pang nakadagan sa kaibigan.

"Ha-ha-ha," pa-chorus pang tawanan ng dalawa kahit medyo seryoso na akong nag-aalala.

"Ayos ka lang Ken?" 

 Hindi siya nagrerespond o gumagalaw man lang nung time na 'yun. I know he's just faking it na kunwari wala siyang malay. "Uy Ken, alam kong nanloloko ka lang. Tumayo ka na diyan!" and he's still not responding.

Magaling talaga 'tong Kentot ko na mameke kaya ang ginawa ko para gumising siya sa gawa-gawa niyang kalokohan e pabigla ko siyang kiniliti sa kanyang funny bones sa may bewang. Bigla namang bumalik sa katinuan ang loko.


"Ha-ha-ha. Ayoko na Arjay, tama na!" he giggled habang walang humpay ko siyang kinikiliti.

"Akala mo madadaan mo 'ko sa kalokohan mo ah?" banat ko naman. "Aarte ka na lang, masyado pang obvious? Modelo ka lang, 'di ka artista!" tawa lang siya nang tawa sa ginagawa ko. Na-miss ko yung tawa niyang nakakahawa, para siyang limang taong gulang kung makahalakhak na parang hindi na dadatnan ng kinabukasan kung makatawa. Seeing him cracking up makes my heart melt. If making him laugh everyday will cure his illness, walang tigil ko siyang patatawanin hanggang sa gumaling. 

I stopped tickling his funny bones nang bigla siyang napaubo, nasamid ata ng laway niya. Lumapit naman si Loane at ibinigay ang kanyang kamay upang alalayang tumayo ang kaibigan. When my Kentot got up, mahigpit na ikinulong ni Loane ito sa kanyang mga braso upang yakapin. Pinaghahalik-halikan pa nito ang Kentot ko sa magkabilang pisngi nang paulit-ulit which I found awkward. Inisip ko na lang na it's just a manly kiss of a bestfriend.

"Miss you Parekoy!" Loane sweetly said.

"Sira! Kakakita lang natin nung isang araw." 

 Lumapit rin si Arsi upang bigyan siya ng manly hug.

"Miss na miss ka na namin dito Kentot."- Arsi

"Miss na rin kita Parekoy. Uy nasaan na pala 'yung baby mo atsaka si Aleli? Langya ka 'di ka man lang nagsasalita na meron ka na palang anak at asawa ah?" si Ken na ang mga mata'y kakakitaan mo ng sparks.

"'Lam mo na, ganun talaga. Nasa biyenan ko 'yung mag-ina ko ngayon. Atsaka pareho lang naman tayong magaling magtago. Tinago niyo nga ang relasyon niyo ni Arjay e? Deputa ka talaga!" We laughed on Arsi's remark.

Matapos si Arsi, ako naman ang yumakap sa Kentot ko. I whispered him "I love you" though napagkasunduan namin na we're not going to treat each other as lovers for the meantime. I'm here to support him as a friend like Loane and Arsi are doing. 'Dun muna ako ngayon hanggat hindi pa okay ang lahat kaso I can't control expressing and saying my affection to him. I can't resist the temptation of loving him, I really can't.

"Same to you," he gently replied, na nagpalambot naman ng puso ko. This feeling is very sweet and unusual. Para akong bumalik sa time nung officially ay naging kami, without the barriers that reality had temporarily disconnected us. 

"Siya nga pala ba't napadalaw ka rito Kentot?" tanong ni Loane while tapping his friend's shoulder.

"Nandito ako dahil alam kong may nagbabalak sa inyo. 'Wag niyo nang ituloy kung pwede," he mysteriously smiled.

Before his operation, he will first celebrate his 20th birthday, 5 days from now. Wala pa akong concrete plans on his birthday pero naisip-isip ko ring bigyan siya ng bonggang party.

"Yung Birthday mo ba 'yun?" tanong ni Loane. "Wala akong alam diyan. Bakit, ayaw mo bang bigyan ka namin ng bonggang party? Game ako diyan." he suggested.

"Ayoko talaga promise. Kung tutuusin ayokong mag birthday, pero I've decided  to be with you guys. Tayo-tayo lang kung okay lang sa inyo?"

Nagkatinginan kaming tatlo nina Loane at Arsi. I'm thinking na magiging bongga ang nalalapit na birthday niya, but I'm a bit surprised na baka meron siyang personal plan on his day.

"Siyempre naman!" sagot ni Arsi. "Tayong apat. Mukhang mas masaya 'yun kesa sa mga birthday surprises."

"Sinabi ko na rin kay Mama na bawal ang birthday surprises for me. Atsaka Arjay, inform Chiqui na ayoko ng surprises for my coming birthday, okay?"

"Ha?! Oo ba?!" I responded hesitantly. Last year, we initiated a birthday surprise for him na hindi niya makakalimutan kahit dini-dispute niya na hindi na namin dapat ginawa 'yun since hindi naman niya ginagawa 'yun sa 'kin, sa 'min ng kakambal ko. Alam ko rin na Ate is already preparing for Ken's Birthday kaya I need to inform her immediately what my Kentot would want on his special day.

"Tayo-tayo lang ba Kentot? Paano si Chiqui?"- Loane

"Of course, Condo Boys and Chiqui. Gusto ko kaseng masolo 'yung apat sa pinakamalalapit na tao sa buhay ko on possibly my last birthday."

Bigla kaming natahimik na tatlo habang ang Kentot ko'y nakangiti lang. I know it's not his intention to make us sad pero iba ang naging atake nito sa 'min. Fear and sadness suddenly overwhelms my consciousness.

"Hey?! What's wrong?" he asked when he noticed our confused faces.

I reacted. "Don't say stupid words Kentot. Akala ko ba happy lang tayo?!"

Napahawak siya sa noo nang ma-realize ang nasabi niya. "Oh?! Sorry. Hindi naman yun dapat ang sasabihin ko, pero... anyways? Erase-erase! We should all be happy!"

"Ikaw talaga Parekoy. Hahaba pa ang buhay mo sigurado ako diyan! Mamatay man si Arsi," Loane shifted to being comical.

"Hala? Siraulo ka rin no? Mauna ka!" angal nung isa. Sabay naman ang tawa naming tatlo sa reaksyon niya.

Loane added. "On a serious note Parekoy, naniniwala akong hahaba pa ang buhay mo. You still have a lot of years to live. Believe me. Mahaba-haba pa ang mga panahong pagsasamahan natin."

"Tama, kase mas mauuna kang madededo sa ating apat, ulol!" Arsi strikes again.

"Naku-naku!" "Ayoko nang pag-usapan 'yang tigukan na 'yan. Gusto ko lang maging happy, bawal muna ang sad. Basta guys, ako ang mag-oorganize ng sarili kong Birthday ha? Alam kong mga epal kayo pero bawal ang epal ha? Hindi na invited ang umepal sa inyo tandaan niyo 'yan! Uulitin ko.... WALANG EPAL!"


"Yes Boss!"- Loane


"Yes Kentot!"- Arsi


"Okay po Sir!"- Ako


"Magaling magaling!"- Ken.


Ken had a plan. Deep inside I'm sad yet excited on what's ahead, but hopefully his birthday will become memorable not only for him, but also for all of us. I'm touched na napili niya kaming mga kaibigan niya to be with on his special day. He really loved us, and I always feel that when he smiles. 


**


It's an hour before his birthday. Hindi na kami nagpakalayo-layo dahil he decided to celebrate his mini-birthday celebration sa Resthouse nila sa Antipolo. Our secret place. Wala kaming kaalam alam kung ano kaya ang magiging set up ng kaarawan ni Kentot. He mentioned he didn't want to have a bonggang birthday party so I'm expecting na hindi ganun ka-grande ang celebration.

Magkasama kami ni Ateng pumunta ng Resthouse using our Car while she's the one driving. Siya pa ang unang nagkaroon ng driver's license than me. Okay lang dahil after graduation, I'll be having my own Car as promised by Mom.

Nakarating kami ng location mga bandang 10:5 0pm and everybody was there. As expected, dun na naman sa view kung saan palagi kami ng Kentot ko naka set-up ang Birthday paraphernalia niya. Hindi magarbo dahil dalawang puting lamesa lang ang nakalagay na may iilang potaheng nakapatong.

Simple lang ang get up namin na halos pambahay outfit lang sa kahilingan na rin ng mahal ko. Kulang na lang e maging pajama party dahil very casual lang ang suot-suot namin, shorts above the knee and white shirt.

"Happy Birthday Kentot!!" salubong ni Ate sa Birthday celebrant sabay yakap dito at halik sa pisngi.

"Thank you Chiqui," ani Ken giving her a sincere smile.

"Grabe na 'to. Tuwing Birthday mo mas lalo kang guma-gwapo!"

"Ganun talaga. Normal na!" Sabay tawanan silang dalawa. They had a small chitchat pa before akong makabati sa Kentot ko. Talaga 'tong Ate ko, pang-agaw ng moment. Bakit, siya lang ba ang may karapatan kay Ken? Talagang it took more than 5 minutes ang pag-uusap nilang 'yun kaya medyo na-out of place ako in an instant.

Nilapitan ko muna 'yung dalawang ungas na kumakaing nakatayo since wala namang upuan doon. Dalawang lamesa lang na may ilang pagkain at beverages.

"Arjay tikman mo 'to," alok ni Loane sabay tutok sa 'kin ng kutsara upang ipatikim sa 'kin ang food. Nag-alangan ako nung una kaya napalayo ako nang bahagya sa kutsara ngunit tinikman ko rin naman ito.

"Hmmm... sarap!" I said dahil masarap naman talaga.

"Luto 'yan ni Ken. Marunong na siyang magluto. Ang galing!" 

"Eto Arjay tikman mo mas masarap," alok naman sa 'kin ni Arsi. Tinikman ko na rin naman agad-agad ang potaheng itinutok niya sa bibig ko.

"Grabe lang! Gumagaling nang magluto si Ken ah?"- ako

"You must be proud Arjay!"- Arsi.

"Hello boys!" masigabong bati ni Ate na parang pokpok lang kung maka boys naman habang papalapit sa 'min. "Kainan na pala?!"

"Oo Chiqui. Kumain ka na. Ang sarap lang. Galing mong magturo ah parang expert Chef na si Ken dahil sayo," ani Loane habang kinakain ang pasta.

"Of course! He learned from the expert! 'Coz I'm an EXPERT! " payabang ng Ate ko.

Ken is going to where I stood. Hindi pa ako nakabati sa kanya. Ewan ko pero nakaramdam ako ng konting hiya sa kanya, siguro nagiging awkward para sa 'kin na i-trato muna siyang maging kaibigan. I can only perfect my actions if I'm portraying myself as a lover to him.

"Kumain ka na Arjay. Salamat pala sa pagpunta mo rito," he sweetly smiled. Napakasimple ng ayos niya pero napakagwapo niyang tingnan. 'Yung tipong kahit mga kuliglig na nagtatago sa sulok-sulok ng mga  puno e kikiligin dahil sa kakisigan niya.

"Ano ka ba? Syempre naman, I'll never miss this day. Happy Birthdaiy mah—-" sasabihin ko sanang mahal ko ngunit bigla akong napakambyo.

"Okay lang Arjay ko.... mahal ko." He continued giving me a very sweet smile.

"Sorry," I shyly grinned. "Okay... I love you... tanga ko no?  Pasensya na hindi ako marunong tumupad sa sarili kong kundisyon. Sorry talaga...."

"Haha okay lang. Ako rin naman e. O siya kumain ka na. Pakabusog ka ha kase  one of the ingredients ng mga luto ko is you. Not literally you but.... MY LOVE FOR YOU...."

"Ha-ha, buti alam mo! Salamat, maraming salamat!"

Namiss ko 'to nang sobra. Yung simpleng pakilig niya. Kung mahilig akong magpakilig using quotes, siya naman pinapakilig ako sa mga simpleng hirit niya. Nakaka-inlove talaga. Siguro kaya effective ang relationship namin e dahil patuloy naming kinikilig ang isa't isa. Pero ito 'yung time na medyo awkward lang 'yung feeling dahil hindi ko mabonggahan 'yung way ng love ko sa kanya dahil my role is still a friend to him, not a lover, kahit obvious na pumapalya ako.

"Sige kumain ka na. Then after, we'll be having an intimate scene. So watch out!" Sambit niya sabay talikod sa 'kin upang pumunta ng Resthouse.

Pinagsaluhan naman naming apat duon ang mga potaheng inihanda ni Kentot while watching the great landscape that's in front of us. This is better dahil siya talaga ang nagluto ng mga iyon kaya it serves as a special treat for us. Talagang gawa at tatak Kentot. Halos maubos namin ang niluto niya dahil sobrang sarap talaga, nabulungan ko si Ate na mag-ingat na siya dahil ipinanganak na ang  Master Chef na babangga sa kanya. She concedes daw basta para kay Ken. Loka-loka talaga minsan 'tong kakambal ko.


After kaming kumain at magpahinga nang saglit, 3 minutes before Ken's Birthday e gumawa kami ng circle sa may kalupaan ng location namin since karamihan ng natatapakan namin e grass. Kentot planned to create a bonfire for us dahil meron daw kaming gagawing intimate and special scene na magkakaibigan. Nakatunog naman ako na parang isa itong aminan portion, truth or consequence or venting out of emotions kung anong gusto at ayaw mo sa isang tao, something like that.

We formed a circle at pinasindihan namin ang mini bonfire na ginawa namin. On my left side is Loane at nasa right ko naman si Ate. Kaharap ko si Kentot habang katabi niya sa left si Arsi at sa right side naman niya si Loane.


"Okay in 5....." Ate screamed at the top of her lungs para sa countdown ng Birthday ng Kentot ko. Sinabayan namin siya sa pagbilang. "4..... 3.... 2...... 1.... HAPPY BIRTHDAY KENTOT!"


We sang in unison habang pumapalakpak to cheer up the Birthday celebrant.

"HAPPY BIRTHDAY KENTOT..... HAPPY BIRTHDAY KENTOT... HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY KENTOT..."


"Kentot, first things first, what's your birthday wish?" Ate initiated. Kentot scratched his head as if hindi alam ang wish niya.


"Uhmmm.... Wait..." Loane interrupted dahil kukunin niya ang Cake sa may lamesa, which we forgot to bring talaga, para i-pablow sa birthday celebrant ang candle.


"Birthday wish Kentot?" si Loane while holding the cake in front of the birthday celebrant. 


"Birthday wish? Ano.... siguro.... maging masaya kayong lahat. 'Yun..." he sweetly smiled sabay blow ng candle. And we clapped again na para bang mga bata na umattend lang sa isang kiddie party. Seeing Ken blowing the candle energizes my hope na his life will be extended. He deserved it more than anyone else. 

I'm a bit surprised sa wish niya. I'm expecting kase na ang wish niya is to have a longer life or gumaling siya pero napaka selfless naman niya para sabihing maging masaya kaming lahat na mga kaibigan niya.


"That's a very sweet Birthday wish Kentot," Ate heart-warmingly said. "Kami ang Birthday wish namin sayo, hindi na namin iisa-isahin dahil all of us wanted you na sana'y gumaling na. We're positive na makakaya mo 'yan and God will give you a longer life." 

We clapped again nang masabi ni Ate ang madamdaming kahilingan para sa Kentot namin. Hindi ko na kailangang mag-add ng iba pang wish dahil natumbok na ng kakambal ko. 'Yun at yun lang ang wish namin, ang fast recovery at ang tuluyang paggaling ng pinakamamahal naming kaibigan.


"Thank you guys. Appreciate it!" Ken thanked us sweetly. "Kahit alam kong ayun talaga ang wish niyo para sa 'kin. Kaya nga ang wish ko ay sumaya kayong lahat, ang redundant kase 'pag winish ko pa yung wish niyo para sa 'kin. Baka instead na gumaling ako e ma-overdose pa 'ko sa wishes niyo he-he," Ken is trying to pull out a joke pero wala namang tumawa sa 'min dahil hindi naman kaagad namin na-gets na nagjojoke pala siya. 'Yan ang gusto ko sa kanya, he tries to be comical at some point of is life kahit nobenta porsyento ng mga banat niya ay epic fail. Matatawa ka na lang minsan after you realize na medyo corny ang banat niya.

"Okay lang 'yan parekoy," Loane tapped Ken's back. "Pero, last mo na 'yan ha?"

'Dun kami natawa, sa banat ni Loane. May sense of humor naman 'din itong Kentot ko pero minsan kailangan mo lang halukayin dahil masyadong malalim, hahaha!

"Gago ka talaga Loane! May araw ka rin tandaan mo 'yan!"- Ken

"Any day Parekoy,"- Loane.

And we laughed in unison.


Tapos na ang mini-commercial and Ken initiated to start his program, or intimate scene?


"Okay, let's start! I'll get the magic box first," tumayo siya upang kunin ang medium-sized white box na may lamang mystery items ata. Kinuha niya ito sa likod ng puno ng Narra, that location is one of our favorites 'pag pumupunta kami rito, ginagawa naming sandalan ang puno everytime we are watching the view of the city.

"Kaya sinabi ko sa inyong 'wag niyo akong bigyan ng regalo because ako ang magreregalo sa inyo."

"Wow naman," Arsi tapped Ken's back. "Grabe Birthday mo tapos ikaw ang magbibigay ng regalo? Astig!"

"Grabe ka Ken. Anong pakulo 'yan?"- Loane.


"Siguro para maiba," Ate commented. "Anong ibibigay mo naman sa 'min Kentot ha? Susi ba 'yan ng kotse? House and Lot?"

"Sira ka talaga Chiqui!," Ken giggled. "Sorry hindi ko na binalot. Pero isa-isahin ko kayo......"


Tahimik lang ako  habang seryosong tinitingnan si Ken. Una niyang kinuha sa white box, na hindi nakatingin, ang pulang thong na pambabae.

 "O para sayo," abot nya kay Arsi. Napakunot naman ang nuo ng isa sa wirdong bagay na ibinigay sa kanya.

"Ano 'to?"

"Thong 'yan, obvious ba? Binilhan na kita para may pandagdag ka sa koleksyon mo ng panty ni Aleli. Nahuli kita dating singhut singhut ang panty nya kaya ayan... regalo ko sayo."

"Wahahahahahaha" chorus naming tawanan. Malibog pala itong Parekoy namin pero ngayon ko lang nalaman nang husto sa pagbuko ni Ken. 

"Libog mo kase! Manyakol!" sumbat ni Loane na tila pinagtitripan ang kaibigan.

"Aba? Nagsalita ang hindi malibog?" dipensa ni Arsi. "Atleast asawa ko na 'yung inaamuyan ko ng panty!"


Medyo sumakit ang gilid ng tiyan ko sa kakatawa. Epic din minsan 'tong si Arsi, kaya madalas i-bully nitong si Loane. Bagay na bagay talaga silang magkasama. 

"Okay next," bumunot muli si Ken sa box. "Ooopppsss Relo.... alam na! Tumayo diyan ang hindi nagsusuot ng relo!"

Awtomatiko akong tumayo dahil ako lang naman sa tropa ang ayaw magsuot ng relo. Guilty rin ako dahil hindi ko suot-suot ngayon ang relong ibinigay niya sa 'kin.


"Wow naman, bakit Relo para kay Arjay ha Ken?" tanong ni Ate.


"Secret..... amin na lang 'yun Chiqui."


"Umeechos ka na Ken ha?"- Ate.


Relo nanaman? Sa isip-isip ko, di talaga ako tatantanan ng Kentot na 'to na paulit-ulit bigyan ng relo hangga't hindi ko ito consistently nasusuot. Watch is really not my thing. Pampabigat lang siya sa wrist, at hindi ako masyadong palatingin ng oras.


"Next......" Inilabas ni Ken ang isang bala ng DVD na ang title ay "The Notebook". Nakatunog naman ako na ibibigay niya ito kay Loane dahil hate niyang manuod ng mga romantic movies. Mahilig siya sa mga action films.


"Para kay Loane," sabay abot niya rito. "Romantic movies are not bad. Try mong manuod."

"Duh?! Hahaha pero try ko. Thanks Parekoy,"- Loane

"And last but not the least....."

"Yes!" Ate exclaimed dahil siya na lang ang walang item.


Kinuha ni Ken ang natitirang item sa loob. Isa siyang laruang itlog na kung pipindutin mo ang likuran e may lalabas na manok. Tumayo si Ate upang kunin kay Ken ang gift nito para sa kanya.

"Talaga? Itlog na manok? Bakit?" Ate looked Ken in confusion.

"Kase.... nung time na una kitang nakilala, akala ko ang tunay mong pangalan ay Chicken. So ayun, sorry naman, kaya ayan ang regalo ko sayo. Manok sa loob ng itlog."

"Wow friendship ha, thank you naman at pinag-isipan mo 'tong regalo mo for me," Ate said sarcastically

We laughed again in unison.

"Yun lang.... ang korni no?" ani Ken nang matapos ang gift giving ceremony.

"Okay lang. Mas gusto ko 'tong ginawa mo Ken. Salamat sa gift. Apprecite it super." Ate noted.

"Thank you sa Panty,"- Arsi. Di namin mapigilang tumawa ulit dahil parang napipilitan lang siyang magpasalamat.

"I'll try to watch this movie bro,"-Loane.

Seems like everyone appreciated the gift that Ken gave to them. 

I said. "Ako..... I'll make sure na magsusuot na 'ko ng relo. Thank you for the gift Kentot. You made us happy kahit ikaw ang dapat naming pasayahin."

Ken wears again his pang toothpaste commercial smile. Kahit nangayayat na siya e pag ngumiti naman e saksakan pa rin ng gwapo. Napakaliit na bagay ang ginawa niyang gift giving kung tutuusin pero napakahalaga nito para sa aming lahat na mga  kaibigan niya, ang kakaibang way of celebration na ito. 

From smiling, he shifted to a serious look. He took a deep breath, na alam kong merong gustong sabihin.

"Salamat mga kaibigan! Salamat at nandito kayong lahat to celebrate with me. I chose to be with you guys because, aside from my family, alam kong hindi niyo ako iiwanan. Hindi niyo ako susukuan," We've noticed na Ken is starting to get emotional na halatang pinipigilan lang niya. 

"Aminan na tayo. My days are already numbered. And I don't know kung hanggang kailan na lang ako, pero tinatanggap ko na rin na.... it could be sooner."


Biglang nagbago ang atmosphere, kaming apat na kinakausap ni Ken bilang mga kaibigan ay nanahimik. We let him say what he feels.


"If God will extend my life, I'd be happier. If not, gusto kong makasama ko kayo for my last birthday... kaya siguro I decided na makasama kayo. So thank you guys... I don't wanna cry. I don't want you to be sad but it's the reality that I'm on. Thank you so much."


Ate started to cry. Tinago pa niya ang mukha niya sa likod ko para doon tumangis, maybe she doesn't want Ken to see her like a crybaby. Ken's message burrows deep within our hearts.

 His message is beyond emotional but Ken tried to compose himself not to shed a tear. I also tried to conceal what I truly feel dahil ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako kahit siya pa ang nag-initiate ng convo about his state.

"O siya," he shifted to a cheerful voice. "Isa na lang, to end my mini celebration. Gusto kong pagkasunduan niyong apat kung sino ang magbibigay  ng message about me and this friendship. I promise, this will be the last time I get emotional." he said smiling.


Medyo malungkot na 'yung pigura nung mukha nung tatlo habang Ate is still shedding a tear.


"Go Kambal," Ate said while sumisinghot dahil sa pagluha and went back to her proper position.


"Arjay..." Loane tapped me in my lap. Nangingilid na ang luha niya but he's trying not to cry pero hirap siyang pigilan ito.


"Parekoy... ikaw na," si Arsi na kinukumbinsi ako. Di na niya napigilang maluha at tinatakpan na lang niya ang mga mata ng kanyang kanang kamay.


I was not ready and not in the mood to share the message. I don't know where to start dahil ayokong maging emotional at that point. Hindi ko nga alam kung paano ko uumpisahan 'yun in a way na maipapasa ko ang tunay na mensahe lalo na sa Kentot ko. My focus is to make his birthday happier than ever, but in this situation, I think I can't promise.


"Okay...." I took a deep breath to relax my mind. "I don't know how to start sa totoo lang. But let me tell you what I feel. And this is the most honest part of me that I can show to you guys."


I paused for a moment and continued....


"Sabi nila.... Highschool is the best part of being a student. Pero parang hindi kase, College is the best part of me being a student. Obviously dahil, nakasama ko kayong mga tunay kong kaibigan. Through thick and thin. Marami kayong kalokohan pero, it doesn't matter to me because napakabubuti niyong kaibigan sa 'kin. You have lapses in your personalities, and so am I, pero.... lahat kayo brought out the best in me."

"And I should say, this is the weirdest part of my life 'coz I'm trapped within the loving arms of a man like me," Ken looked at me and I smiled back at him. "And I loved it."

"Salamat sa Ate ko dahil tinanggap niya 'yung relasyon namin ni Ken na hindi kami hinuhusgahan. I love you Ate. Kahit hindi ko 'yun sabihin, alam mo 'yan. Papatay ako ng tao para lang sayo," Ate tapped my back. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. "I love you so much Ate."

"Salamat kay Arsi dahil, tinanggap rin niya kami kahit akala ko galit na galit siya sa 'min. Salamat tol dahil napakabuti mong kaibigan sa 'kin and nagpapasalamat ako sa pang-unawa mo," He looked and smiled at me.

"Kay Loane naman, ang masasabi ko lang..... PUTANG INA MO!" bigla tuloy napatawa 'yung tatlo sa malutong na mura kong iyon. "Pinahirapan mo ako tapos sinaktan mo pa ang mahal ko. Pero 'yun lang naman ang complain ko sayo but I cannot judge you by that kase naging mabuti ka ring kaibigan sa 'kin. I'm thanking you for that Bro 'cause I'm safe na you will always be there for me no matter what. Kahit minsan nagseselos na ako sa inyo ni Ken," hirit ko na ikinatawa naman nila.

"I'm so sorry. I should not be emotional... hindi ko 'to birthday," pagpapaumanhin ko nang mapansing medyo nagiging emosyonal na ako. I found it awkward dahil hindi naman talaga dapat ganito ang nangyayari. 


"Continue!" Ken persuaded.


I took another deep breathe because the message that I'll be telling right now is for my one and only Kentot. "Kay Ken naman.... mas gusto ko siyang tawaging Kentot ko....terms of endearment kumbaga."

"I'm not comfortable with him nung una. I found him mayabang, there's no way na may uusbong na friendship between us. Nagkamali ako kase, hindi naman pala siya ganun gaya ng iniisip ko. Mukha lang talaga siyang mayabang kase siya ang pinakagwapo sa buong Campus. Medyo siguro insecure lang ako sa kanya kaya ganun."

"Ken extended his hand to me to be his friend at hindi ko pinagsisihan 'yung point na tanggapin ang friendship niya. Ayun, the rest is history hanggang sa..... pinana kaming dalawa ni kupido," I smiled nang magflashback ang memory ko during the time Ken and I became officially an item. Napansin ko ring napangiti ang Kentot ko sa statement kong iyon.

"We loved each other na parang hindi na kami dadatnan ng bukas. We do what some people might disapprove since we are both man. Ang amin lang, wala kaming tinatapakan 'coz what matters most, we keep on inspiring each other. Our love is not perfect but this love that I'm feeling for him is the best feeling that I've ever had."

"Hanggang sa.... ayun, dinapuan siya ng Putang Inang Cancer na 'yan."

I paused for a moment again dahil parang hindi ko na makayanan ang namumuong bigat sa dibdib ko. Napaiyak akong muli. Tinapik-tapik naman ako ni Ate sa likod to make me feel at ease kahit nahihirapan na ako na tipong gusto ko nang tumigil sa pagsasalita. 

"My Father died from Colon Cancer and it was Stage 3 when I was 4 years old. Na-extend ang life niya but binawian pa rin siya ng buhay. Hindi ko naramdaman 'yung sakit nung mawala siya, syempre bata pa lang ako nun. Kaya, masakit sa'kin ngayon na ito si Ken... dinapuan ng traydor at the middle of our lovestory."

"It's painful. It's very painful dahil mahal na mahal ko si Ken. Mahal na mahal kita Kentot at ayaw kitang mawala. Sana ako na lang 'yung nagkaroon ng sakit na 'yan kase I believe that you don't deserve this misery. Sana ako na lang or kung pwede lang na ako ang magbear ng sakit mo gagawin ko. Ganun kita kamahal."


Parang gripo na 'yung mata ko sa pagtangis and I'm seeing Ken shedding a tear as well. "I love you Ken. I really do. I'll always fight and pray for you, nandito lang ako, at kaming mga kaibigan mo. 'Wag kang susuko dahil maraming taong nagmamahal sayo."


Lahat kami nung point na 'yun e nag-iiyakan na. Seems no one can control the situation. Naging kabaligtaran ang nangyari. Instead na masaya lang, heto kami, pare-parehong nag-iiyakan. 


"Arjay.... mahal ko.... thank you so much," he said. "Just remember that you are the reason why I keep on fighting. Thank you for being a gift to me and I could not ask for more to the Lord how grateful I am being the one that you love. Maputol man ang buhay ko, ikaw, kayong mga kaibigan at family ko, sapat na para ikeep ko saan man ako mapadpad. But don't get me wrong, I'm going to keep fighting because I don't want to disappoint you guys. Mahal na mahal ko kayong lahat from the bottom of my heart!"

Continue Reading

You'll Also Like

104K 3.3K 74
"You're a Part of me, and I'm a Part of You. We're Best Friends... like Brothers. But I Love You More than that." ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~...
2.8M 176K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
316K 17K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...