The Heiress (PUBLISHED UNDER...

By AleexJin

4.7M 107K 7.6K

Two kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafe... More

Prologue
The Heiress - Introduction
Chapter 1: The Seizure
Chapter 2: Zeira, The Heiress
Chapter 3: Ms. President and The New Kids. (Part 1)
Chapter 3: Ms. President and The New Kids (Part 2)
Chapter 4: Mysterious
Chapter 5: Viex Zaffre
Chapter 6: Weird things
Chapter 7: Mind Magic
Chapter 8: A Warning or A Threat?
Chapter 9: Vampire
Chapter 10: Out of Finelry High
Chapter 11: Illusions
Chapter 12: Forbidden place in Finelry High
Chapter 13: The Other World
Chapter 14: Magical House
Chapter 15: Marks of Power
Chapter 16: Different Races
Chapter 17: Leaders
Chapter 18: Fine Line
Chapter 19: The Main Portal
Chapter 20: Unexpected Guest
Chapter 21: Werewolf Thing (Part I)
Chapter 21: Werewolf Thing (Part 2)
Chapter 22: Heiress Zeira
Chapter 23: An Alistair
Chapter 24: Vampire's Bite
Chapter 25: Compulsion
Chapter 26: Beating Heart
Chapter 27: Misery In Every Mystery
Chapter 28: Odd Dream
A special day for special readers! <3
Chapter 29: The King is back!
Chapter 30: Sem-Ender Party (Part 1)
Chapter 31: Sem-Ender Party (Part 2)
Chapter 32: The Start of Change
Chapter 34: Love and Lies
Chapter 35: Confession
Chapter 36: Signs
Chapter 37: Awaited Answers
Chapter 38: Letting Go
Chapter 39: Mystic Palace
Chapter 40: She Rules
Chapter 41: Slayer
Chapter 42: Sorcery Class
Chapter 43: Royal Dance
Chapter 44: Total Destruction
Chapter 45: Lost Invitation
Chapter 46: Wren Wolf's Blood
Chapter 47: Grand Blood Feast Celebration
Chapter 48: Book of Death
Chapter 49: Allies
Chapter 50: Fall of the Vampires
Epilogue
FAQs and Announcement

Chapter 33: Vampress

54.9K 1.3K 69
By AleexJin

Chapter 33: Vampress


"Bakit nakasimangot ka?"



There was a sigh. "I'm just worried."



"Why?"



"Paano kapag nakita nila tayo? They'll surely get mad!"



"They won't. Wala naman tayong ginagawang masama."



"But--"



"No buts, my princess. We're just doing what is right. I love you and you love me, right?"



Again, the girl sighed. "So much."

Napabalikwas ako bigla ng bangon at saka napahawak sa ulo ko. "Ouch!" My head hurts! Nakadagdag pa yung naririnig kong mga boses sa utak ko. Kaninong mga boses 'yun? Hindi ko maintindihan kung bakit naririnig ko sila.

Kahit masakit ang ulo ko ay pinilit kong tumingin sa paligid. All I can see is white. White walls, ceiling, curtains, beds and floor. Nasa clinic ako. What exactly am I doing here?

Nakasapo pa rin ang dalawa kong kamay sa ulo ko habang nakayuko. Napatingin ako bigla sa tyan ko then everything that's happened last night came back to me. Napahawak ako sa tyan ko but I can't feel anything. Na parang hindi ko naman sinaksak ang sarili ko dun. Hindi na ako nagtaka. I'm a sorceress-vampire hybrid. My body will surely heal itself.

"Aahh!" Napasigaw ako sa sakit ng mag-umpisa na namang kumirot ang ulo ko. Ano'ng nangyayari sakin?

"I love you and you love me, right?"



"So much."



"My princess."



"Hmm?"



"I love you."

"Aahhh!" Mas lalo lang tumindi ang sigaw ko dahil mas sumakit ang ulo ko.

Then there's a familiar chuckle, "I love you even more."

"Stop! Please! Stop it!" Patuloy pa rin ako sa pagsigaw. Hindi nalang basta sa utak ko nanggagaling ang mga boses nila. Parang binubulong na nila sa mismong tenga ko ang bawat salita. Sino ba ang mga 'yon? Sino ang babae at lalaking naririnig ko? Pakiramdam ko, importante silang dalawa. Pero pakiramdam ko ring masama at makakagulo lang sila sa lahat.

"Zeira?" Nagulat nalang ako nang biglang sumulpot sa harap ko sila Syn at Mishie. Ni hindi ko sila naramdaman na pumasok dito.

"Oh my Ghad Zy. W-what's happening to you?" Mishie asked.

Naririnig ko ang mga sinasabi nila pero hindi ito magsink in sa utak ko. So I just ignored them. I can't really take the pain. It feels like the veins in my head are all exploding. It hurts.

"Stop it, please." I pleaded. Naramdaman ko nalang na basa na pala ng luha ang pisngi ko. I don't know what to do. Pakiramdam ko kusang gumagalaw ang buong katawan ko. Wala na akong kontrol dito.

"Stop what, Zy?" Syn asked.

Marahas akong umiling. "Stop!" I can already hear my sobs. There're still voices in my head. Paulit ulit lang na ganun ang sinasabi. I love you. Paulit-ulit lang.

"Please tell us, Zy! How are we going to help you if you're not even talking to us?" Mishie demanded. No, it was almost a plead.

I tried to endure the pain for a while and took all the courage to speak up. "M-my h--ead. V-voi-ces." Hirap na hirap na sabi ko habang nakayuko pa rin at nakahawak sa ulo ko.

"A-ano'ng gagawin natin, Syn?" Narinig kong tanong ni Mishie kay Syn.

"I-I don't know. I'll call the others. Try mo siyang pakalmahin." Then I heard the door shuts.

Bakit ganito ang nararamdam ko? "M-mishie. Please! Make it stop, please. It hurts a lot!" Umiiyak na sabi ko sa kanya. Sobra sobrang sakit na ang nararamdaman ko. Tama na please?

Naramdaman ko ang yakap niya sa'kin. "I'm sorry, Zy but I don't know how to make the pain go away. But I'm just here okay? I'm here." She's trying to calm me down and I know that she's crying too.

Nakarinig ulit ako ng pagbukas at pagsara ng pinto kasabay ng pagpasok ng ibang welshes dito.

"What happened to her?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ni Master Hans pati na rin ang mahinang pagtawag sa'kin ng ibang Welshes.

"H-hindi po namin alam, Master. Nakahawak lang siya sa ulo niya. She keeps on saying to make it stop. And-- voices! Kanina, sinabi niya 'yun." Mishie answered.

"Voices?" That's Jae Kyline, I guess.

"Yes." Syn answered.

"Magsitabi muna kayo." Master Hans said. Naramdaman kong pumunta sa may bandang likod ko si Mishie dahil siya ang katabi ko.

Hinawakan ni Master Hans ang ulo ko at pakiramdam ko, may dumaloy na kuryente mula sa kamay niya papasok sa ulo at utak ko.

Ilang segundo lang ay bumitaw rin siya. Pero hindi pa rin nawala ang sakit at saka ako nakaramdam ng panghihina hanggang sa naramdaman ko nalang na nakatulog na ako.

--

Naalimpungatan ako ng dahil sa mahihinang kaluskos na naririnig ko sa loob ng kwarto pero hindi ko binuksan ang mata ko dahil nanghihina pa ako.

"Nakainom siya ng dugo ng tao." That's Master Hans. Magkakausap sila. Kanina pa ba sila nandito? Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Si Alexis. Okay lang kaya siya? I heard them gasped pero yung iba, tahimik lang like Mish and Syn. Alam na yata nila. "Was it her first time?"

"Yes, Master. Pinapainom namin siya ng dugo ng hayop dahil ayaw niyang pumatay ng tao." Narinig kong sabi ni Exl.

"But how? Paanong hindi niya napigilan ang sarili niya kagabi? Kilala natin si Heiress, malakas siya at kaya nyang pigilan ang sarili niya sa urges na nararamdaman niya." Jae Kyline asked.

"I know. But that's not just the problem." Master Hans said.

"What do you mean, Master?" Sabay-sabay na tanong ng iba.

"There's a block in her head that's been hiding her past life memories. And that's normal for she undergone a ritual that turned her into a baby. But the human blood's creating a tiny hole on that block. Hindi ko alam kung paano ito nangyari pero ito ang unang beses." He explained. Pati ako nagtaka sa sinabi niya. So hindi pala exactly nabura ang alaala ka? Nakatago lang ito sa pinakasuluksulukan ng utak ko? But Hole? Ano'ng ibig sabihin nun? "So she's not just hearing voices. It's possibly her memory coming back." So those voices are part of my past?

"Then perhaps that's a good thing! Maaalala niya na ang lahat." Singit ni Mishie.

"We don't know that yet." Jae Kyline said to her. "It's actually impossible na maalala niya pa lahat ng nasa past niya. That's a part of the consequences ng ginawang ritwal para bumalik siya sa pagiging baby niya." Dagdag niya pa.

Bigla kong napansing hindi na ganoon katindi ang sakit ng ulo ko pero masakit pa rin. Nakapikit pa rin ako habang nakikinig sa kanila.

"Jae Kyline's right. Isa pa, konting dugo lang ang nainom niya kaya Napakakonting portion lang ng memory niya ang bumabalik sa kanya ngayon which she also considered as voices. We can't let her drink more human blood because we all know what will happen." Master Hans stated.

And what exactly will happen?

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Master Hans except for Mish.

"What? What will happen to her?" She asked out of curiosity. Parang lahat sila natameme at ayaw sabihin sa kanya kung ano'ng mangyayari. But I also want to know so I continued to listen.

"Her vampire blood will dominate her sorceress blood. She'll be one of them." Narinig ko ang sagot ni Jae Kyline. So that's it. Para lang bumalik sa'kin ang memories ko, kailangan kong maging isa sa mga kalaban? My case is really hopeless. Great. Did Roanna plan all this? Para mas lalo akong maging miserable?

"What? That's not going to happen! I'm also a vampire but I'm not one of them and you all know that!" Pagtanggi ni Mishie.

"Yes. But Zy's case is different, Mish. She's the lost heiress. She's a sorceress. She can't rule the Lairhart if she's a vampire. She has an important role in the otherworld. And she might die kung hindi kayanin ng katawan niya ang dugong sasakop sa kanya. 'Yun ang kinatatakutan namin simula palang ng gawin ito ni Roanna." Syn explained. Natahimik naman silang lahat habang ako, nakikinig lang. Gusto kong maiyak dahil sa mga sinasabi nila. Ang dami-dami nang nangyari sakin. Ano pa bang dapat kong antaying mangyari?

"So that means, dominant pa rin ang dugong sorceress niya?" She asked.

"Yes." They all said in unison.

"What if, magbalance yung dugo niya at dugo ni Roanna?" Tanong ulit ni Mishie.

"That's impossible, Mishiena. Hindi pwedeng mabalanse sa katawan ng isang pure-blooded sorceress ang dugo ng kalaban nito. May mananaig sa dalawa sa ayaw at sa gusto natin." Narinig ko ang boses ni Yana. Ngayon ko lang siya narinig na nagsalita simula kanina.

"What if it is? What will she become?"

"How can you say so?" Yana asked.

"Just answer the damn question!" Nagulat ako nang sumigaw na si Mishie. That's the first time na narinig ko siyang sumigaw na sobrang galit.

"She will be a vampress. A vampire-sorceress hybrid. But that's impossible. Walang ganoong race. Kung meron man, mamamatay rin sila agad dahil hindi nila kakayanin ang contrasting power na meron ang isang vampire at sorceress. Sa ngayon kasi, ang pwede lang gamiting kapangyarihan ni Heiress, ay isa bawat isa. Hindi pwedeng sabay. When you're a vampress, you can use both powers. Light being a sorceress and Fire being a vampire. And I'm telling you, that will be disastrous." Yana explained.

Pakiramdam ko, nanuyo ang lalamunan ko dahil sa nalaman ko. Pinilit kong alalahanin kung nagagamit ko ba ng sabay ang kapangyarihan ng isang vampire at sorceress. At parang kusang pinakita sakin ng utak ko yung ginawa ko kagabi. I've used Light(tawag sa powers ng sorceress) para ma-i-angat yung natumbang backdraft and even casted a spell para makuha yung kahoy na sinaksak ko sa tyan ko. Saka ko naalalang ginamitan ko rin ng compulsion si Alexis. I did that all in my vampire state. Which means...?

"Then from now on, she's not just a sorceress or even a vampire. Zy's now a vampress." Confident na sabi ni Mishie.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa 'yon o hindi.

"Are you crazy?!" Yana shrieked. Hindi siya naniniwala. Miski naman ako. Hindi. Ayokong maniwala. Hindi ko na alam.

"I have a proof." What proof Mishie? What proof?

"At ano naman 'yun?" Inis na tanong ni Yana. Tahimik lang ang paligid. Parang lahat sila ay nag-iisip.

"Her mark." She said. Halos gusto ko nang idilat ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. My mark. Right. Hindi niya nasabi sa'kin kung ano'ng nakita niya sa batok ko kahapon but she seems to be terrified when she saw it. "I saw it changed. Hindi na 'yun basta mark na katulad ng inyo. May nadagdag dun. It has a V in the middle with a rose like mine. Kasing laki lang rin nung L na may crown. Now, can you explain that to me?"

Walang nakasagot. Lahat kami nagulat sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Pero kung totoo nga 'yon then I'm now a... vampress. Will I be able to survive it? O mamamatay lang rin ako sa huli?

Ang gulo gulo na.

--

"Okay ka na ba talaga?" tanong ni Wren sa'kin habang inaalalayan ako papasok sa kotse niya. Yes. He has a car. Bigay daw sa kanya ng Mom niya dito sa Mortal World. Ayoko na sanang magpahatid sa kanya kaso mapilit siya. Nauna na rin kasing umalis sila Syn at Mishie. Ayoko na munang makaabala pa ulit sa kanila kaya pumayag na rin akong sumabay kay Wren. Tutal magka-subdivision rin naman kami.

"Ilang beses ko bang kailangang sagutin 'yang tanong mo?" Tanong ko rin sa kanya pagka-upo ko sa passenger seat. Nginitian naman niya ako. Ngiting-aso nga lang.

"Masama na bang magtanong?" Sabi niya pagkapasok niya rin sa kotse.

"Yes. Lalo na kung paulit-ulit. Nakakasawa." I rolled my eyes at him as he started the engine.

"Pwes, magsawa ka dahil ako lang naman makakasama mo sa two weeks na wala ka sa Finelry." Pang-asar na sabi niya. Hindi nalang ako sumagot dahil naiinis lang ako. Mukha ba akong bata at kailangan ko pa ng bodyguard?

Ayaw kasi akong payagan nila Dad na umuwi ngayon pero dahil matigas ang ulo ko, hindi nila ako napigilan. Hindi ko alam kung ano'ng problema nila at ayaw nila akong pauwiin. It's not like I'm going to eat my Mimi and Didi. Hindi naman ako ganun katanga para hayaang madala na naman ako ng pagiging vampire ko. Isa pa, kaya ko ang sarili ko. Wala na rin ang mga sugat ko dahil gaya nga ng sabi ko, my body automatically heals itself.

Napahawak ako sa batok ko bigla. I was a mere mortal. Then I became a heiress--a sorceress. I died and became a vampire. And now, I am a vampress. Hindi nila alam na narinig ko lahat ng pinag-usapan nila tungkol sa'kin. At hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Naguguluhan ako. Siguro naman, mapapahinga ako sa 2 weeks na bakasyon. Sana.

"Wren." Tawag ko sa kanya. Sumulyap naman siya sa'kin habang nagda-drive. "Nakita mo ba si Viex? I haven't seen him since... since last night." I asked.

Parang nag-iba naman ang aura niya. Mula sa pagiging light, parang bumigat yung aura niya. "Hindi." Cold na sabi niya. Tumahimik nalang ako at tumingin sa bintana dahil parang wala naman siya sa mood makipag-usap.

Nasaan na kaya si Viex? Hindi niya ako dinalaw kanina. Hindi ko pa rin siya nakikita. Nag-aalala ako para sa kanya.

"He visited you earlier. Habang tulog ka." Napatingin ako bigla kay Wren at bumalik na sa pagiging light ang aura niya. Ang bilis rin palang magbago ng mood ng isang 'to.

"Oh." Napatango nalang ako. Sayang naman. Hindi ko tuloy siya nakausap. Hindi ko pa nasasabi ang feelings ko sa kanya. Nakatulog kasi ako ulit nung matapos yung pagtatalo nila. Di bale, sa pasukan nalang. Saka nandun pala si Wren? Hindi ko siya narinig na nagsalita e. Ganito ba siya lagi? Walang pakialam sa mundo?

"Tungkol nga pala sa nangyari kanina, ano bang mga naririnig mo?" Nagulat ako ng nagtanong siya. Sa tuwing maaalala ko yung bagay na 'yun, natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit but I feel like it will crash me. Natahimik lang ako. Contemplating if I'm going to tell him or not.

"Kung ayaw mong sabihin, ayos lang." Marahang sabi niya.

"Voices of-- of a guy and a girl." I said absentmindedly. Pakiramdam ko nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Lalaki at babae?" Tanong niya. Tumango naman ako.

"It's probably my mom and dad." Sabi ko nalang kaya natahimik na siya at hindi na nagtanong. Hindi na rin naman ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.

Dumiretso nalang ako agad sa kwarto ko pagkarating. Sinabi ko kasi kay Mimi at Didi na pagod ako at matutulog na lang dahil busog pa rin naman ako kahit hindi pa ako kumakain mula kaninang umaga. Kinausap rin nila si Wren pero hindi ko naman alam kung ano'ng pinag-uusapan nila dahil hindi ako interesado.

Inilapag ko lang sa couch dito sa kwarto ko lahat ng gamit na dala ko. Bukas ko nalang aayusin. Hihiga na sana ako sa kama ko nang mapatingin ako sa bintana. Naalala ko si Viex. Diyan siya pumasok noong una siyang pumunta dito sa bahay. Natawa ako bigla nang dahil sa naisip ko. May lahi atang akyat-bahay ang isang 'yun e.

Napabuntong hininga ako. Nasaan na naman kaya ang isang 'yun? I miss him.

"Malala ka na." Muntik na akong mapatalon sa gulat ng dahil sa nagsalita. Napatingin ako bigla kay Wren na nakasandal sa frame ng pintuan ng kwarto ko habang nakacrossed arms. Isinara ko yun ah? Paano niya nabuksan ng hindi ko manlang nararamdaman.

"Siraulo ka ba? Bigla-bigla ka nalang sumusulpot dyan." Iritableng sabi ko sa kanya.

"Alam mo para sa isang bampira, slow ka. Malayo palang ako, dapat alam mo nang parating ako." Napapailing na sabi niya. Mas lalo kasing lumakas ang pakiramdam ko dahil sa pagiging vampire ko.

Inirapan ko siya. "I'm pre-occupied." Pag ito talaga ang kasama ko, lumalabas ang kamalditahan ko. Nakakainis.

"Dahil sa bintana na 'yan? Wow. Buti pa yung bintana." Nang-aasar na sabi niya.

I made face. "Whatever. Bakit ka ba nandito?" Inis na tanong ko.

"I'm hired." Then he gave me a lopsided grin.

"Hired? As what?" Nagtataka kong sabi sa kanya.

"As your oh-so-hot-bodyguard." He answered boastfully.

Literal na napanganga ako. Geez. Ano'ng sabi niya? Bodyguard? Pinandigan niya talaga?!

Continue Reading

You'll Also Like

2M 38.7K 55
Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama a...
25.4K 1.6K 34
[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tat...
6.8K 1.1K 35
Maurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters h...
4M 154K 46
Kingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangara...