Medical Batchelor Series 3: A...

By KimberlyTorio

1.1M 21.2K 479

I'm a selfish brat! I do whatever I want to do. I say whatever I want to say. But when I met him, malinaw na... More

A Love to Last
Author's Note
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
Author's Note

21

24K 514 6
By KimberlyTorio


Most of the shadows of this life are caused by our standing in our own sunshine.

* * * * * *

Cassie

HINDI ko inaasahan na magiging ganito ang mangyayari ngayong araw. Si Jazs at ang aksidente, si Jed at ang maluwag na pagtanggap niya sa anak namin. Akala ko magiging mahirap ang part na makikita niya ang bata at sasabihin kong anak niya ito. Ihinanda ko na ang sarili ko sa lahat ng posible kong marinig na masasamang salita galing sa kanya pero nagkamali ako. Na sa lahat ng masasamang bagay na alam ko kay Jed, may mahaba din pala siyang pangunawa sa katawan nito.

"N-nung araw na umalis ako at iniwan ka, h-hindi ko alam na magbabago pala ng tuluyan ang takbo ng buhay ko." panimula kong kuwento.

"Cassie," Nakaupo lamang siya sa couch nakapatong ang mga siko sa hita at parang mabigat ang kalooban. Ako naman ay nasa gilid niya at nakatanaw kay Jaz na natutulog.

"I want to say this for once Jed, gusto kong malaman mo ang nangyari sa akin sa nakalipas na tatlong taon ng magdesisyon akong burahin ka sa buhay ko." nakita ko ang kirot na bumalatay sa mga mata niya pero pinilit kong lakasan ang loob ko, "Being with you that night was the most magical feeling I felt for my entire life...na kahit anong pilit kong isaksak sa isip ko na hindi na kita mahal hindi magawang makinig ng puso ko. I want to take that chance again pero kinabukasan nagising na lang ako na hindi pala para sa akin ang happy ending..." mapakla kong turan sa kanya.

"What happened that morning, Cassie?" Nakita ko siyang humarap sa akin, seryoso ang mukha na naghihintay ng sagot ko kaya hindi ko maiwasang mapapalatak ng mahina.

"Don't play games with me, Jed. Alam nating pareho ang dahilan." pilit kong iniisang tabi ang nagsisimulang hapdi sa dibdib ko habang binabalikan ang tagpong iyon.

Rinig ko ang malakas niyang pag buntong-hininga at ang marahas na pagpunas ng mukha niya. "Damn it Cassiedy, hindi ako magtatanong ng ganito kung alam ko ang tinutukoy mo." matigas niyang anas sa akin. Alam ko ang pagpipigil na galit sa boses nito.

"Your mother was right there at the front door, waiting for you for your engagement..with..with Coleen." narinig ko ang malakas na pag singhap niya sa tabi ko. Para din siyang nababaliw na sinabunutan ang sarili at doon pa lang sa pag akto niyang iyon alam ko ng tama ako, tama ang naging desisyon ko. Huminga ako ng ilang beses para maibsan ang sakit na meron ako ngayon kaso hindi nagawang pigilan niyon ang pagtakas ng luha mula sa mga mata ko.

"I know it was the best decision I've ever made that day pero hindi ko alam na magbubunga ang nangyari sa atin. Hindi ko alam ang gagawin ko noon Jed, hindi ko alam kung papaano magsisimulang muli, hindi ko alam kung kaya ko bang sirain ang magandang pagsasama ninyo ni Coleen at for once sabihin sa iyo ang kalagayan ko pero naduwag ako. Ayokong maging katulad din ng magiging anak ko ang mga pinagdaanan ko, na palagi na lang humihingi ng kakarampot na pagmamahal mula sa ibang tao kaya mas pinili ko ang manahimik." alam kong nakatunghay siya sa akin, natutunaw ako sa mga titig na itinatapon niya sa akin habang punas ako ng punas ng mata.

"I quit modelling bago pa man nila mahalata ang tiyan ko, bumalik ako ng Canada pero mas lalo lang nananariwa ang mga masasakit na alaala natin doon Jed, kahit anong pilit akong tulungan nila mommy at daddy hindi ako pumayag. Gusto kong maging matatag, na ang lahat ng hirap na madadanasan ko tatak sa puso ko para kung magpakita ka man sa harap ko, masasabi ko sa iyong hindi ka namin kailangan ng anak ko, dahil nakaya ko, dahil nagawa kong mag isa."

Pilit niya akong pinaharap sa kanya, gamit ang dalawa niyang mga kamay, ikinulong niya ang mukha ko para magtagpo ang mga mata namin siya na rin ang nagpatuloy sa pagpupunas ng mga luha ko. Puno ng pagsisisi ang nasa mukha niya.

"Hindi ko alam na sobra ang pagkatanga ko noong mga panahon na iyon. Hindi ko ililihim sa iyo, totoong engaged ako kay Coleen noon pero dahil sa sinabi niya sa aking may anak kaming dalawa. I wanted to give that child a family pero dumating ka ulit sa buhay ko at nagdalawang isip ako. Na kung kaya ko bang mabuhay ng wala ka sa piling ko. Pinagdudahan ko ang sarili ko, kung ikakasal man ba ako kay Coleen hindi ko siguradong siya pa rin ang iisipin ko sa araw-araw. Nalaman kong hindi ako ang tatay ng bata. That day, sasabihin ko na dapat sa iyo same time na sasabihin kong wala ng engagement na magaganap but you left me there, alone.." puno ng hinanakit niyang sabi.

"Nagalit ako sa iyo. Inisip kong walang naging halaga ang gabing iyon sa atin dahil para sa akin, iyon ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Hindi kita hinanap. Sinabi ko sa sarili kong ikaw ang umalis kaya ikaw din ang babalik sa akin. Pero walang minuto na hindi ka pumasok sa isipan ko Cassie. You took my life with you when you left me." nangingilid ang mga luha ni Jed ng sabihin niya iyon sa akin na nagpakirot ng puso ko.

"S-sorry..." nanginginig kong sabi. Lahat ng nangyari ay pawang misunderstanding. Na kung sana ay nakinig ako sa kanya or hinayaan man lang siyang magpaliwanag di sana walang ganito.

Marahan siyang umiling saka sinakop ang mga labi ko, hinayaan ko lamang siya dahil alam ko sa sarili ko na marami ng nasayang na panahon sa amin.

"Don't say sorry, baby. Ako dapat ang mag sorry. Patawarin mo ako dahil hindi kita hinanap, patawarin mo ako kung wala ako sa tabi mo ng naghihirap ka sa anak natin, patawarin mo ako kung wala ako sa tabi ninyo ni Jazs..." niyakap niya ako at isiniksik lang niya ang mukha niya sa balikat ko. Ramdam ko ang pag alog ng balikat niya kasabay ng higpit ng yakap niya sa akin.

"J-jed si Jazsmine—"

"Alam kong akin siya, Cassie, alam kong sa akin si Jazsmine. Una ko pa lang kita sa kanya sa E.K."

"A-nong sabi mo?" bahagya ko siyang naitulak. Napangiwi naman ako ng makita ko ang isang uhuging Jed na basang-basa ang mukha sa pag iyak.

"Totoo ang sinabi sa iyo ni Jazsmine, ako ang nakakita sa kanya ng mawala siya. My daughter is pretty smart, when she told me and kept on insisting that I am his father natuwa na ako, pero mas ang naging kaligayahan ko ng makita kita kasama siya." May kislap ang mga mata nito ng ikuwento iyo .

Saglit akong natigilan, "Y-you mean to say...all this time, alam mo? Alam mo ng..." nakumpirma ko ang iniisip ko ng makita ko siyang marahang tumango. Napanguso na lamang ako. Akala ko pa naman mahihirapan akong magpaliwanag. Handa na ang speech ko diba? Marami na rin akong tissue na dala kasi alam kong timba-timba na naman ang i-iiyak ko sa lalaking ito. But it turned out the opposite.

"Hindi mo lang alam kung gaano kahirap sa akin baby na tignan lang kayo sa malayo. I'm sorry, alam kong mali ang ginawa naming pagtatago ni Jazs pero masisisi mo ba ako? Baka kung kailan maayos na tayo saka ka na naman magalit at lumayo kasama ng anak natin. I don't want to take that risk dahil kung kailangan kong maghintay ng matagal para maging handa ka na gagawin ko." kinabig niyang muli ako papalapit sa katawan niya saka pinag patong ang aming mga noo.

"God baby, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon puwede na akong mamatay right here right now." pabiro niyang wika.

"Baliw," Hinampas ko siya sa dibdib na ikinatawa lang niya.

"Pero siyempre hindi ko gagawin. Akala mo ba makakatakas ka pa sa akin? You will still spend your eternity with me baby." he grin at me na ikinangiti ko na rin. Masyado man mabilis ang lahat pero nagawa kong isantabi ang lahat ng takot ko.

"Mahal kita Cassie," titig na titig muli si Jed sa akin saka sa labi ko at bago pa man ako makatugon sa sinabi niya, inilapat na niya ang mga labi niya sa labi ko na tinugon ko ng buo kong puso.

"Mommy, Daddy," agad kong itinulak si Jed at sa hinihingal na paraan ay tumingin kami kay Jazsmine. Nagkukusot pa ito ng mata na wari mo'y namamalik-mata. "Bati na kayo daddy? Hindi na po tayo magsi-secret?!" namimilog sa laki ang mga mata ni Jazsmine na sabi.

Napanganga ako sa sinabi ni Jazs sa amin. Narinig ko ang malutong na tawa ni Jed sa tabi ko saka tumayo at lumapit papunta sa bata.

"Hindi na tayo mag si-secret kay mommy baby doll, di ba nag promise ako sa'yo na kukuhanin ko kayo ni mommy, dahil love ko kayong dalawa." Mas naging maluwag ang pagkaka-nganga ko ng marinig ko ang paguusap nilang mag-ama. Tawa ng tawa si Jed habang matinis na tili ang maririnig ko kay Jazs dahil sa ginagawang pagkiliti ng ama.

"Jazsmine, mali pa rin ang ginawa mong pagtawid. Paano na lang kung napano ka? Paano na lang kung wala si Jed doon?" naiiling kong sabi. Pero hindi lang niya ako pinansin bagkus, nakatitig lang siya sa ama niya habang hinahaplos ang mukha nito. "Ja-Jazsmine! Hindi mo pinakikinggan ang sinasabi ko." pakiramdam ko namumula na ako sa inis.

"Mommy, you see? Nothing happened, because daddy's there. He is a superhero. He save me from that car and he will also save you also from crying..." Napamulagat ako bigla sa di inaasahang sinabi ni Jazs.

Napatingin ako kay Jed na nakatitig na din ngayon sa akin pero hindi man lang niya ako tinulungang pangaralan ang anak niya, pinanlakihan ko ito ng mata pero dedma lang niya ako.

"Daddy, please save mommy. She cried a lot, make her now smile."

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

A/N

O diba? Sabi senyo eh, madaldal si Jazsmine. Mabibigo si Cassie na magtago ng sikreto jan. Hahahaha.. Salamat sa pag aabang ng updates. More power to us!

Ms.Therapeutic*

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 54 32
How many times does Everleigh have to accept that she has no right to be angry and jealous because they have no relationship with Lorenzo but only fr...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.1M 13.7K 17
[COMPLETED] Reid Alvedo × Aliyah Venice Monterde