9

26K 545 11
                                    


dedics to you:
@JudeGural @sandra_213500
@RegienaDianaCastle
@dhissa @thelossdreamer25
@DebbieMaeLegas
@iamleenz @XyryllZyryxBernal

_______________

The ones that you love the most are usually the ones that hurt you the most.

* * * * * *

Cassie

NAKAKAPAGTAKA ang ka busy-han ngayon sa opisina. Mukha yata silang mga bangaw na binugaw para kung saan–saan mo sila nakikita at talaga namang maitutulad mo sa palengke ang kaingayan ng paligid. Muli ko pa silang pinag masdan lahat, para kasing hindi nila napansin ang pagdating ko. Hindi ko na lang sila pinansin kaya dumeretso na lang ako sa opisina ko.

"May, anung balita habang wala ako?" pagkatapos kong inilapag yung bag ko ay diretso na akong umupo para alamin ang nag hihintay sa aking schedule. Ganon naman ako palagi, sanay na sila. Nag browse pa ako ng mga magazines na patungkol sa modeling school namin. The publicity was good for the business kaya kahit mailap na ako ngayon sa kamera, napipilitan ako para na rin sa negosyo.

This couple of days had been very rough for me. Ang daming kailangang asikasuhin sa school at ang daming bookings ang dapat kong gawin para sa bawat model na isinasabak ko sa mga fashion shows. Isali mo pa ang pagiging single mom ko to a three year old child, making myself present always to her, para hindi na niya hanapin kung sino at kung ano pa ang kulang sa amin.

Seeing Jazsmine cuddled that picture of Jed that night, hindi ko na alam kung ano pa ba ang kulang sa akin bilang isang magulang. Ayokong magtampo sa anak ko. Pero ako ang nag alaga at nag sakripisyo ng malaki para sa kanya, ako ang nandyan sa tabi niya. Pero bakit isang tingin lang niya sa litrato ng lalaking iyon parang naitsupwera na ako. Siya na ang bukam–bibig niya at ang magazine na iyon pa ang katabi nito sa pagtulog. At mas hindi nakabuti ang malamang malapit lang si Jed sa amin ng anak ko.

Kailangan kong ilipad si Jasz sa Canada sa lalong madaling panahon. Ayoko siyang makita ng kahit na sino, specially Jed.

"I can't imagine that you're a workaholic." agad akong napaangat ng mukha sa kung sinong nag salitang iyon and froze to know who he was.

"J-jed? A-anong ginagawa mo dito?" kinakabahan ko na sabi saka ako napalingon sa paligid at napansin na lahat pala sila busy.

Busy sa paninilip sa opisina ko para makita ang naligaw na bisita ko.

Agad akong napatayo at lumapit sa pintuan para isara iyon. Hindi ko man gustong makasama ang lalaking ito sa iisang kuwarto pero mas ayoko naman pag piyestahan kami ng mga empleyado ko kung sakaling marinig nila ang pag uusapan namin. Bumalik ako sa upuan ko at pilit na kinakalma ang nag sisirko kong tyan habang nakatingin siya sa bawat kilos ko.

Nakita ko na naman ang pamatay niyang half–smile na nakakapag pahina ng tuhod ko habang prente pa siyang nakaupo sa couch sa opisina ko. No, Cassiedy. You need to restraint your feelings.

"I told you, I will reconsider being featured again on your magazine, right? So that's why I'm here." he said calmly. Bigla namang natuliro ang isip ko ng balikan ko ang tagpong iyon ilang araw na rin ang nakalipas.

"P-pero sana sinabi mo na lang sa advertising agent namin para hindi ka na naabala pa sa pag punta dito. N-nakakahiya." nakita kong nag iba ang mukha nito, from being cool and calm to being amused.

"I-ikaw ba talaga iyang nag-sasalita Cassiedy?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa akin. Nag yuko naman ako ng ulo at kunwaring itinuon ang atensyon sa pag babasa.

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon