25

21.9K 434 12
                                    


Some of life's best lessons are learned at the worst times.

* * * * * *

Cassie

KITA KO ang tambak na papeles sa ibabaw ng lamesa ko. Mag a-alas kuwatro na ng hapon pero feeling ko hindi pa rin nababawasan ang taas ng mga papel na iyan. Pagod na isinandal ko ang katawan ko sa upuan.

Damn it, it's been two months since ng magkaayos kami ni Jed, alam na niya ang tungkol sa anak namin and we were doing great. Kaso hindi ba masyadong mabilis ang mga pang yayari? Too good to be true? Walang sumbatan, walang sigawan, wala kahit na ano. Basta na lang niya tinanggap ang anak ko. Ni hindi niya inisip na ipa-DNA man lang si Jazsmine to know if she was really his.

Okay naman ako sa set-up na ganito, nagagampanan naming dalawa ang pagiging magulang kay Jazsmine. My daughter seems very fond of her father na wala na siyang bukam-bibig kundi ito. Happy naman ako, at least there's a bond between them. Mahirap lang kapag hinihiling ni Jazsmine na dun kami mag-spend ng night sa bahay ng daddy niya.

Yes, okay kami ni Jed, pero para sa akin hindi okay ang makita siya parati, madikit sa balat niya at ang makita ang napaka-guwapo niyang mukha. Ilang beses na rin ba niya akong hinalikan na mumuntikang tumuloy sa SPG. Nandoon pa rin kasi ang kaunting agam-agam sa sarili ko.

Ilang mahihinang katok ang nag paangat sa ulo.

"Come in," anas ko. Saka binalingan ulit ang mga papeles na dapat kong tapusin.

"Di ko alam na workaholic ka na pala ngayon?" tinaas ko ang tingin sa pamilyar na boses na iyon at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.

"Lindon?!" sumilay ang magandang ngiti sa mukha niya saka pinaglaro ang kilay nito sa pagtaas-baba, "Oh, my God! Ikaw nga!" I squeeled in excitement saka ako nagmamadaling yumakap sa kanya.

"I thought I would never see you again." masaya kong sabi sa kanya, habang mahigpit pa rin ang kapit ko sa leeg niya. Lindon was my long time friend. He helped me in so many ways, even if he was a friend of Jed.

"Yeah. I thought also. Hindi mo naman nasabi na nagkabalikan na kayo ng demonyo kong kaibigan." sarkastiko niyang sabi sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid saka umiling.

"It's not what you think it is, Don."

"What are you trying to say, pet?" nagsalubong ang mga kilay niya sa akin. Nilagyan ko ng kaunting distansya ang pagitan namin saka sumenyas na umupo kami.

"We're still not together if that's what you're trying to ask. Co-parenting lang kami para kay Jazsmine." tumaas naman ang kilay niya sa sinabi ko.

"But the way he acted the last time na magkita-kita tayo parang sa kanya ka." he played a grin in his lips.

"He told me that he still loves me, oo. He is a responsible father to Jazsmine pero hindi ko alam kung magiging perfect din kaming pamilya sa hinaharap." Lindon knows what I feel for Jed. Alam niya ang bawat pinag daanan ko sa buhay ng mawala ang lalaking mahal ko sa akin.

"Bakit hindi mo siya bigyan ng chance, Cass? Sa nakikita ko ibang-iba na siya sa dating Jed na nakilala ko. At sa ikinu-kwento mo na mahal niya ang anak mo, sa tingin ko magw-work ng maayos ang relasyon niyo." saglit ko siyang tinitigan.

Pang ilan na ba si Lindon sa mga taong nag sasabi sa akin na bigyan ng pagkakataon si Jed? Lahat sila sigurado na mahal ako ni Jed.

"Cassie," bahagyang nag lean si Lindon para abutin ang kamay ko saka masuyo iyong pinisil, "It's time for you to let go of the past. Ibang Jed na ang nasa harapan mo ngayon, hindi ka na niya paiiyakin o sasaktan."

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon