6

24.4K 534 7
                                    


Falling in love is the single most expressive feeling a person can have. Losing that love suddenly, can be the most painful feeling a person can have.

* * * * * *

Cassie

"IT'S NICE to see you again, Cassiedy."

Ilang beses pa akong napakurap ng masiguro kong hindi isang imahinasyon nga lang ang kaharap ko ngayon. Lalo lang akong nakaramdam ng pagkatuliro. Being near him still makes my heart beats two times faster than normal. His deep male voice oozing with sex appeal at kung papaano niya bigkasin ang pangalan ko sa bibig niya makes me shiver.

And Holy Crap! He was still dashing and gorgeous as hell! Mas lalong gumanda ang katawan niya and how hot and sexy he was wearing his hospital coat. He has still this sinful eyes na hindi mo pagsasawaang titigan.

"J-Jed. Wow. Hi." parang tanga ko lang na sabi sa kanya which is true naman na para itong nalito at nangunot ang noo. Usually kasi hindi ko siya papansinin, or tatarayan ko siya at ibibigay ko sa kanya ang 360 degrees kong irap sabay walk out.

Pero heto ako ngayon, nagpapaka santa-santita dahil may kailangan ako sa kanya. Damn! I hate the words coming out from my mouth pero, kailangan ko siya para makuha ang tiwala ng pinakamasugid naming kliyente.

"K-kamusta?" pilit akong ngumiti sa kanya at talagang nahulog na ito sa malalim na pagkakunot ng noo. Alienated siguro sa akin.

"Do you want to know the truth, huh? Kamusta na nga ba talaga ako after you left me that morning, three years ago? Gusto mo talagang malaman?" nang uusig ang mga mata niya pati na ang way ng pag sasalita niya sa akin. Agad akong pinamulahan ng mukha at kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para hindi sumagot. Baka kasi magkamali na naman ako ng masabi sa kanya, kailangan kong magpaka-behave or else! Walang front cover ang magazine namin.

"Ahhm...J-Jed, I'm not here to fight. I know what you meant—"

"Whoah! Really? Tell me Cassiedy, do you really know what I meant? Well, let me refresh the memories back. Exactly three years ago I thought we were fine. I thought you've finally given me a chance to explain my side kung bakit nagawa kong lokohin ka six damn years ago. Akala ko mababago ko na sa wakas ang isip mo tungkol sa akin. I made some mistakes back then and God knows what I did to make that right. Hinanap kita ng matagal, yun pala nasa malapit ka lang but you keep pushing me away, you even gave yourself to me..." agad kong tinakpan ang bibig niya sa sasabihin pa nito kasabay ng pangangamatis ng mukha ko sa pagkapahiya.

"Puwede ba, itikom mo iyang bibig mo?! Hindi mo lang alam kung paano ang pag pipigil ko para maging mabait sa iyo at para hindi ko matahi iyang bibig mo?!" tikom ang bibig kong sabi sa inis sa kanya.

The hell! Ipaalala ba ang katangahan ko dahil sa kanya?

Bigla kong tinanggal ang kamay kong tumakip sa bibig niya lalo na ng medyo nakakakuha na kami ng atensyon sa madla. Ang madikit ang pangalan ko sa kanya ang pinakahuli kong gustong mangyari.

Twice was enough. Hindi na ako magpapakatanga sa ikatlong beses.

"Still fiesty as before, baby—"

"Don't baby me!" I hissed at him, "Hindi mo ko anak at lalong hindi kita tatay no!" lumabas na ang katarayan ko sa kanya. Pinilit ko naman maging civil eh, kaso pag dating talaga sa lalaking ito lahat ng kademonyohan ko sa katawan lumalabas.

"But I still remember how you cried out in pleasure when I—"

"Please! Just stop, Okay?" nauubos na talaga ang pasensya ko sa bruhong ito at ang laki pa ng ngiti niya ngayon sa akin. Nakapamaywang pa ito habang hindi mabura ang ngiti sa mukha niya. Nakakainis.

"Ikaw talaga ang sadya ko." hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, "I scheduled an appointment, for the second time, I need you to cover for our magazine." hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"So, sa iyo pala yung publishing?" he smirked.

"No. Just a share from it. Pero active ako sa pag ma-manage don." paliwanag ko sa kanya. Teka, bakit ba ako nagpapaliwanag sa lalaking ito? Its clearly none of his business! At bakit kami feeling close na nagkukuwentuhan sa gitna ng hospital? Duh!

"Sorry to say, baby pero marami akong ginagawa." nalukot agad ang mukha ko pagkasabi niya non.

"B-but you will reconsider it, tama ba?" feeling hopeful pa ako pero nakita ko siyang umiling pero nakakaloko naman ang mga ngiti na pinupukol niya sa akin.

Great! He will never makes this things easy for me. Anu nga bang aasahan ko sa isang Jed Marco Lopez?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at ipinakita sa kanya na hindi ako naapektuhan.

"Well. Thanks for your honesty then, sasabihin ko na lang sa client namin that you are a very busy person. I have still the appointment maybe magbago ang isip mo. I got to go. Thanks for your time, Dr. Lopez." I gave her a nod saka ko siya tinalikuran. Nakailang buntong-hininga pa ako para lang mawala ang inis ko sa kanya.

I need Jazs now more than ever. Kailangan ko siyang makita. Siya lang ang makakapawi ng galit ko. Tama. I will go home and see her.

"Lunch!" narinig ko itong sumigaw kaya napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"A-ano?" naguguluhan kong tanong.

"I will reconsider, if—you will go out and have a lunch with me." nakakaloko ang ngiti niyang sabi as I look around marami rin ang nakarinig ng sinabi niyang iyon kaya para akong lumiliit sa hiya.

"I..I thought you're busy?" Tanga ka talaga Cassiedy! Pagkakataon na ito para ma-grab ang cover magazine! Agad akong nagpakahinahon, I don't want to give such falls hope magaling si Jed sa ganoon.

"I always have time for you, Cassie. We have a lot of things to talk about. Things that are three or six damn years late now." seryoso niyang wika sa akin. At talagang nag sisigawan kami sa hospital dahil malayo ang pagitan ng mga puwesto namin kaya naman ang dami na naming audience, plus kilala siya dito-SUPER! At may mangilan-ilan din ang nakakakilala sa akin.

Napapikit ako at hindi na nag-dalawang isip pa.

"Fine. Lunch. Inform me then kung saan at kailan."

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

A/N

Boohoo! Napanuod ko ang fifty shades of grey!

Teka, bakit ba siya tinawag na fifty shades of grey? Samantalang base sa napanuod ko, blured ang mga scenes na-alam niyo na! Hindi emphasized ang pagka-dominant ni Christian. At bakit parang nagdedeliryo si Anastasia sa pag titig kay Christian. Di kaya possessed tong si Anastasia? Or baka dapat ang title ng film ay Fifty Shades of Blur?

Hahahaha. Thinking Out Loud lang ✌️

Ms.Therapeutic*

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon