Favorite Obsession

By CeCeLib

21.2M 544K 68K

"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay... More

SYNOPSIS
PROLOGUE - Virgo
CHAPTER 2 - Visit
CHAPTER 3 - DISAPPEARANCE
CHAPTER 4 - Siblings
CHAPTER 5 - Rogue
CHAPTER 6 - Lie
CHAPTER 7 - Reason
CHAPTER 8 - Bite
CHAPTER 9 - Hunter
CHAPTER 10 - Return
CHAPTER 11 - Memory
CHAPTER 12 - Dream
CHAPTER 13 - Sicily
CHAPTER 14 - Deal With Simonides
CHAPTER 15 - It Couldn't Be Her
CHAPTER 16 - Acceptance and Friendship
CHAPTER 17 - A Rogue's Kiss
CHAPTER 18 - Familiar Scent
CHAPTER 19 - Lucien's Heartache
CHAPTER 20 - Heart in the Dumpster
CHAPTER 21 - Heart in the Box
CHAPTER 22 - Unexpected Visitor
CHAPTER 23 - Vampire Tears
CHAPTER 24 - Searching
CHAPTER 25 - Markings
CHAPTER 26 - Old Script
CHAPTER 27 - My Beloved Rogue
CHAPTER 28 - Red String Bond
CHAPTER 29 - I'm Sorry
CHAPTER 30 - Waterfalls
CHAPTER 31 - Alive and Pissed Off
CHAPTER 32 - Award Winning Illusionist
CHAPTER 33 - Unborn Child
CHAPTER 34 - Little Girl
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 1 - Needs

848K 20K 1.9K
By CeCeLib

CHAPTER 1 - NEEDS

NAKAHIGA si Virgo sa mahabang sofa sa sala nang may kumatok sa pinto ng bahay. Itinirik niya ang mga mata sa isiping isa na naman iyong ahente at magbebenta ng insurance o kaya naman kung ano-ano pang maibebenta. Tinatamad siyang buksan ang pinto. At isa pa, medyo kinabahan din siya baka ibang nilalang ang nasa labas ng pinto.

"Virgo! Si Lea 'to!" Sigaw ng nasa labas nang hindi niya ito pagbuksan.

Nang marinig iyon, mabilis siyang bumangon at sinilip mula sa bintana na nasa tabi ng pinto kung totoo ngang si Lea ang nasa labas. Nang makitang si Lea nga, mabilis na binuksan niya ang pinto.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

“Kung makatanong ka naman parang hindi kita binibisita buwan-buwan.” Tiningnan siya ng pinsan mula ulo hanggang paa. "Jesus, Virgo! Bakit mo ba ginagawa 'to sa sarili mo?" Pagalit ang tono ng boses nito at pumasok sa kabahayan.

"Ano ba ang ginagawa ko sa sarili ko?" Naguguluhang tanong niya.

Iminiwestra nito ang dalawang kamay sa katawan niya. "This. Para kang manang. Mula ng mamatay sila Tito at Tita tatlong taon na ang nakakaraan, ikinulong mo ang sarili mo sa bahay na 'to. Gosh, Virgo! It’s just a car accident. It happens all the time. I don’t want to be mean but please, moved on and get over the fact that they are dead!"

Napatingin siya kay Lea. A car accident? Gusto niyang matawa. Kung simpling aksidete lang ang nangyari e di sana hindi siya ganito ngayon na paranoid sa lahat ng bagay na nangyayari sa paligid niya. Pero alam niya ang katutuhanan. Alam niya ang katutuhanan na pilit tinatago ng mga Pulis sa kanya.

"Anong kailangan mo, Lea?" Tanong niya nang makaupo sila sa sofa.

Lea looked at her. "Pinapunta ako rito ni Daddy. Pinapasabi niya na paubos na ang perang naiwan nila Tito para sa’yo. Sabi ni Daddy kailangan mo nang magtrabaho kung hindi baka mahirapan ka. Okay lang naman sa amin kung sa bahay ka titira pero nasisiguro kong hindi mo gustong tumira sa amin kasi gusto mo palagi nang privacy. You love this house so much."

Bumaba ang tingin niya sa sahig. "I love this house. Dugo at pawis ang pinuhunan ng mga magulang ko rito. Pero marami na rin akong bayarin." Pag-amin niya. "Sa tubig, sa kuryente, tapos sa pagkain ko."

Lea sighed and hand her an envelope. "One hundred thousand ang laman nito. Ito na ang huling pera nila Tito sabi ni Daddy."

Tinanggap niya ang envelop. "Salamat."

Nginitian siya ni Lea. "Kung balak mong magtrabaho, kailangan mong ayusin ang sarili mo." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "You need a major make-over, Virgo."

Virgo chuckled. "Kaya nga hindi ako nagta-trabaho dahil walang tatanggap sa isang manang na katulad ko."

"Hindi ka naman manang noon e." Ani Lea. "Napakaganda mo noon, Virgo, hanghang ngayon naman e. Sa likod ng manang mong damit, makapal na kilay at malaking eye glasses, nagtatago ang isang napakagandang babae. Ayaw mo lang siyang ilabas."

Nagtataasan ang balahibo niya kapag naririnig niya ang salitang maganda. Iyong salitang iyon ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang niya. At ang hayop na yon... pinatay nito ang mga magulang niya.

"Hindi ako mag-babago ng pananamit para lang makapag-trabaho." Matigas ang boses na wika niya. "I have reason kung bakit ako ganito. Hayaan mo nalang ako, Lea."

Puno ng awa at pag-aalala ang mga mata ni Lea habang nakatingin sa kanya. "Hindi ka namin puwedeng hayaan lang, Virgo. Kami nalang ang natitirang mong kamag-anak. We care about you. Si Daddy palaging iniisip ang kalagayan mo rito sa bahay."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Ayos lang ako—"

"Hindi ka maayos, Virgo. Stop lying to me." Naiinis na tumayo ito. "Tawagan mo ako kapag may kaylangan ka, which I’m sure na hindi mo naman gagawin. Fuck this, Virgo! This is not you!" Galit na sigaw nito at lumabas ng bahay niya.

Napatitig siya sa nakasarang pinto na nilabasan ni Lea. Sanay na siya sa inakto ng kaniyang pinsan. Palaging ganito ang eksena nila kapag bumibisita ito. Palagi siyang pinangangaralan at pinapagalitan at palagi itong galit na nagwo-walk out.

Napabuga siya ng hangin at binuksan ang envelop. Napatitig siya sa tag-iisang libo na laman niyon. This won’t last long.

Naglakad siya patungo sa library na nagsisilbing opisina noon ng ama niya. Nang makapasok doon, kaagad na nakita niya ang mga nakalagay sa envelop na bayarin niya. Kailangan na din niyang mag grocery dahil wala na siyang supply nang pagkain para sa buwang ito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at binuksan ang mga envelop na may lamang bill ng ilaw at kuryente. Tatlong buwan na siyang hindi nagbabayad at nasisiguro niyang puputulan na siya. Kaya lang naman hindi pa siya nawawalan nang kuryente dahil kaibigan ng Daddy niya ang isa sa mga head ng Meralco pero baka ngayon putulan na talaga siya ng ilaw.

Inilatag niya ang pera sa ibabaw ng mesa at hinati-hati iyon para sa ilaw, kuryente at pagkain. This money will only last for a month. Tama si Tito Leo, Kailangan ko nang magtrabaho.

Huminga siya ng malalim at humarap sa salamin na naroon sa library. She's wearing baggy clothes and loss jeans. Nakalugay lang ang buhok niya at natatakpan ng malapad at makapal na salamin ang abuhin niyang mga mata. Ang kilay niya ay hindi na niya pina-ayos na tulad nang ginagawa niya noon na halos linggo-linggo ay nasa salon siya.

Virgo had changed since she woke up in the Hospital, alone. Ang huling ala-ala niya sa gabing iyon ay ang baritonong boses na nag-utos sa kaniyang matulog. Nang magtanong siya sa mga pulis, wala itong masagot sa kaniya kung paano siya napunta sa Hospital. Even the hospital won’t explain to her how.

Kahit panay ang pilit niya, ayaw talaga nang mga ito magsalita.

Naglagay siya ng bandana sa ulo at lumabas ng library. Umaga naman kaya hindi siya natatakot na lumabas. She has been afraid of the dark for three years because of that incident.

Lumabas siya ng bahay at sumakay sa kotse niya. Nagmaneho siya patungo sa pinakamalapit na grocery store at bumili nang mga kailangan niya sa bahay.

Pagkalabas niya ng grocery, inatake siya ng kaba nang maramdamang parang may nakatingin sa kaniya. Palagi niya itong nararamdaman kapag lumalabas siya kaya ayaw niyang maglalalabas ng bahay dahil natatakot siya.

Mabilis ang mga hakbang niya na lumapit na nakaparada niyang sasakyan. Inilagay niya sa back compartment ang mga pinamili at nang maisara ang compartment, napatingin siya sa gilid ng kalsada.

Napatitig siya sa taong naka-hood at nagja-jogging sa gilid ng kalsada. Hindi niya makita ang mukha nito at mas lalong hindi niya alam kung bakit siya nahahalina na pagmasdan ito.

Natigilan siya nang tumigil ang nagja-jogging at tumingin sa gawi niya.

Napalunok siya at kinabahan ng makitang naglakad ito palapit sa direksiyon niya. Mabilis siyang pumasok sa loob ng sasakyan at nanginginig ang kamay na pinaharurot iyon pabalik sa bahay niya.

"KUYA!" Anang boses mula sa likuran niya. "Don’t you dare follow her."

Napatigil siya sa paglalakad ng marinig ang boses nang nakababata niyang kapatid. Nilingon niya ang kapatid na nagja-jogging din at sumusunod sa kanya.

"What?" Tanong n’ya rito.

Tumingin ito sa humaharurot na kotse palayo. "Akala ko ba lulubayan mo na siya. We already talk about this."

Napatingin siya sa papalayong kotse. Kahit malayo na ang dalaga, nararamdaman pa rin niya ang takot na nararamdaman nito. What happened three years ago really did scarred her.

He took a deep breath. "Nakita ko lang siya. Lalapitan ko sana e." Aniya. "Kakausapin ko."

"At anong sasabihin mo, Kuya? Hi, isa ako sa mga nilalang na kinatatakutan mo, let’s be friends?" Sarkastikong wika ng kapatid. "Baka nakakalimutan mo, bawal na ibaon mo iyang mga pangil mo sa leeg ng isang tao. Kaya nga may mga blood banks tayong pagmamay-ari para hindi tayo matulad sa mga rouge na walang inisip kundi ang pumatay at pumatay."

Mahina siyang napatawa sa sinabi ng nakababatang kapatid. "Hindi ko naman siya kakagatin, kakausapin lang. At alam ko ang mga bawal. Alam na alam. Come on. Let’s go." Sabi niya at nag-umpisa na namang tumakbo.

The scent of her sweet blood still lingers in the air. Hindi niya mapigilan ang sarili na suminghot ng hangin. Nanubig ang bagang niya. Damn! That woman can still temp me so bad!

NANG makarating sa bahay si Virgo, mabilis ang kilos niya. Lahat ng puwedeng i-lock, ini-lock niya at nagkulong sa kuwarto niya na para bang may humahabol sa kanya.

Habang matiim na nakatitig sa pinto ng kuwarto, paisa-isang nalaglag ang mga luha niya. She pitied herself. Napahagulhol siya nang ma-realize ang nangyayari sa kanya.

Tama si Lea. Hindi siya ganito noon. Hindi siya matatakutin sa simpling bagay tulad nalang nang nagja-jogging at naglalakad palapit sa kanya.

Binago siya ng nangyari tatlong taon ang nakakaraan. Binago nito ang pagtingin niya sa mundo. Pati ang mga paniniwala niya ay bigla ring nagbago.

Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. Nang hindi pa rin  siya kumalma, kinuha niya ang gamot na nasa bed side table at ininom iyon kahit walang tubig. Gamot iyon para sa anxiety attack niya. She had been taking this medicine ever since her parents died. Hindi niya kinaya ang nasaksihan niya. It was horrifying.

Nang kumalma na siya, naglakad siya palapit sa telepono at tinawagan ang kaniyang Tito Leo.

She can’t stay like this. Hindi siya puwedeng manatiling nakakulong sa bahay na ito. Sa tingin niya ay makakatulong sa kanya kung magta-trabaho siya.

"Hello, Tito Leo." Aniya nang sagutin nito ang tawag.

"Hello, hija." Anito sa kabilang linya. "Anong maipaglilingkod ko? Binisita ka na ba ni Lea riyan?"

Tumango siya na parang naroon ang kausap sa harapan niya. "Opo. May hihilingin lang sana akong pabor sa inyo.”

"Sige, ano 'yon hija?" Mabilis na tanong ng kaniyang butihing tiyuhin.

Virgo took a deep breath. "Puwede niyo ba akong tulungan makahanap ng trabaho?"

"Absolutely, my niece." Awtomatikong sagot nito. Napakasaya ng boses nito. "Salamat sa diyos at naisipan mo ring lumabas diyan sa bahay mo. Anyway, hindi ka mahihirapan maghanap ng trabaho. I am in need of a secretary. Payag ka ba, hija? Kung sa akin ka magta-trabaho, hindi mo na kailangan pang magbago ng pananamit."

Napangiti siya sa huling tinuran nito. "Salamat, Tito."

"You're welcome, hija. Pumasok ka bukas nang maaga para ma-orient kita sa kung ano ang trabaho mo rito sa Kallean Firm."

"Opo."

"Good. Now, please call my daughter. Talagang nag-aalala siya para sayo, Vienna. Sasaya 'yon kapag binalitaan mong magta-trabaho ka na."

"Sige po, tito." Aniya at nagpaalam na. "Paalam na po, tito. Salamat sa tulong."

"Walamg anuman, hija. This is the least i could do." Anito at nagpaalam na rin. "Mag-ingat ka palagi, okay? Mag-isa ka lang diyan sa bahay mo at ayaw mo nang katulong."

"Okay lang po ako. Paalam na po."

"Okay. Bye, hija."

Binaba niya ang telepono at guminga ng malalim. Kakayanin niya ito. Kailangan niyang magtrabaho kung hindi, wala siyang kakainin.

Virgo took a very deep breath then call Lea.

KINABUKASAN, hindi pa nag aalas-otso, nasa labas na siya ng opisina ng CEO ng Kallean financial firm. Hinihintay niyang dumating ang tiyuhin niya.

Virgo is wearing baggy clothes again and thick eye glasses. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at hanggang bukong-bukungan niya yata ang haba ng palda na suot.

Pinagtitinginan siya ng mga emplyado na nakakakita sa kanya. Virgo just pretend na wala siyang pakialam. Ganito na siya manamit ngayon dahil sa isang personal na kadahilanan. Kung kagandahan niya ang rason kung bakit namatay ang mga magulang niya, mas makabubuting itago iyon para hindi na makapanakit ng iba.

Nang dumating ang tito niya, kaagad siya nitong pinapasok sa loob ng opisina.

Nang makaupo ito sa swivel chair, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Ahm, Virgo, alam kong sinabihan kitang hindi kailangan magbago ang pananamit mo pero puwedeng sa halip na isang mahabang saya ay slacks nalang ang gamitin mo?"

Napatingin siya sa suot na saya. It really is a manang attire. "Sige po, slacks ang susuotin ko sa susunod."

Her uncle smiled. "Thank you, Virgo."

Then he started explaining what will be her functions in the firm. Pagkatapos ay ipinakilala siya sa mga head nang bawat department. Mukhang mababait naman kaya napalagay ang loob niya.

Pagkatapos siyang ipakilala, pinauwi muna siya nang kaniyang tito para magpahinga at maghanda para bukas. For the first time in her life, she felt a little happy. She felt … normal.

NAPATIGIL siya sa pagpasok sa opisina ng CEO ng Kallean Financial Firm nang maamoy niya ang mabangong halimuyak nang hangin. That woman really has a sweetest blood.  At narito siya.

"Mr. Guano." Tawag pansin niya sa lalaking naka-upo sa swivel chair. "Kumusta?"

Mabilis itong tumayo at lumapit sa kanya. "Sir." Nakipagkamay ito sa kanya. "Kumusta ho?"

"I’m good." Umupo siya sa visitor's chair pagkatapos ay ininat ang mga paa. "Nakahanap ka na ba nang kapalit ni Gerrie? You need a secretary pronto. Alam kong maraming Gawain dito."

"Nakahanap na po ako, Sir." Anito at bumalik sa swivel chair nito. "Ang pamangkin ko po, si Virgo Guano."

Virgo. Inulit niya ang pangalan ng babae sa isip niya. "May pamangkin ka pala. Care to tell me about her?" Aniya at nagpanggap na walang alam.

"Ahm, napaka-personal po nang pinapa-kuwento niyo sa’kin—" tumigil ito sa pagsasalita ng mapansing nakatitig siya sa mga mata nito.

Lucien filled Mr. Guano heart with thrust and comfort to talk to him. Kailangan niyang iparamdam dito na mapagkakatiwalaan siya sa kahit na anong iku-kuwento nito.

"Mabuting bata si Virgo." Walang kislap ng buhay ang mga mata nito. It’s blank and that's his doing para makuha ang gusto niya. "Masaya nga ako at kahit papaano ay magta-trabaho na siya. Mula nang mamatay ang mga magulang niya sa isang car accident, ikinulong na niya ang sarili sa bahay nila. Wala pa naman siyang kasama sa bahay niya mag-isa lang siya roon. Nuong buhay pa ang mga magulang niya, nag-aalala ang ama niya nab aka mapariwara si Virgo. May kasintahan siya noon at naghinala kami nab aka may nangyari na sa kanila—"

"That’s enough." Pigil niya sa iba pa nitong sasabihin.

Napakurap-kurap ang kausap at nagulat nang makita siya. "Sir, kanina pa ba kayo riyan?"

Nginitian niya ito. "Nah. Kararating ko lang."

Ipinikit niya ang mga mata at sininghot ang mabangong aroma na lumulutang sa hangin. Damn that woman!

A/N: Waaaahhhh! Sana talaga magustuhan niyo 'to. Haha.

Continue Reading

You'll Also Like

544K 17.6K 75
[Complete] Team Alpha Trilogy Finale "Team Alpha! Ahu! Ahu!" It's the last draw. It's the last card. And it's almost time to say.. goodbye, Team Alph...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
8.5M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...