CHAPTER 5 - Rogue

623K 16K 995
                                    

CHAPTER 5 – Rogue

WALANG imik si Lucien habang naka-upo sa hapag-kainan at kasalo ang mga magulang niya na kumakain. Kakauwi lang ng ama niya galing sa Istanbul. May inasikaso ito roon tungkol sa mga rouge na nakakabahala ang patuloy na paglaki ng bilang.

Nababahala sila na baka sa pag-dami ng bilang ng mga rouge ay ipa-walang bisa ng mga nakakataas ang treaty nila.

“So,” his father looked at each and every one of them in the dinner table. “I heard that there was a brawl in the office. Who started it?”

Magtatas na sana siya ng kamay ng maunahan siya ni Limar.

“Ako.” Anito.

Matiim na tinitigan ng ama niya si Limar. His father’s eyes turn black. “Anong ginawa mo?”

Alam niyang galit ang ama niya at mapaparusahan si Limar, sigurado siya roon. Kaya naman itinaas niya ang kamay. “I started it.”

Bumaling sa kaniya ang Daddy niya. “Lucien…” His father sighed. “Ilan ulit ko bang dapat sabihin sa’yo na palagi mong rerendahan iyang tinatago mong halimaw sa loob mo?”

“I touched Virgo.” Limar interject.

Ikinuyom niya ang kamao na nasa ibabaw ng mesa at sinusubukang pakalmahin ang sarili. He can still remember when Limar touched Virgo and kissed her hand. Napakurap-kurap siya ng maramdamang niyang nag-iiba na naman ng kulay ang mga mata niya.

He knew that his eyes are now blood shot red because his mother gasped and hurriedly left the table. Takot ito sa kanya lalo na kapag nag-iiba ang kulay ng mga mata niya.

 “Calm down, Lucien.” Narinig niyang sabi ng kaniyang ama. “Gusto mo bang ikadena kita ulit tulad ng ginawa ko sa’yo tatlong taon na ang nakakaraan?”

Umiling siya habang mariing nakapikit pa rin. “I’m calm, dad. I’m calm.”

“Good.” Kinuha ng ama niya ang isang bote ng dugo na naroon at nagsalin ito sa kopita na katabi ng pinggan nito. “Anyway, how’s our deal going?”

Tumingin siya sa kaniyang ama. “Not good.”

His father, Lentien, chuckled. “Move fast, boy.” Sinimsim nito ang laman ng kopita. “The clock is ticking.”

“Alam ko ‘yon, Daddy.” Bumuga siya ng hangin. “Pero ang hirap e.”

“Mahihirapan ka talaga.” Tumawa ang ama niya. “Kaya nga nakipag-deal ako sa’yo ‘di’ba?”

Lucien sighed. “Ewan ko sa’yo, dad.”

His father just smiled and walks towards him and tapped his shoulder. “Kaya mo ‘yan, anak. Either kayanin mo o ipapadala kita sa Russia. Mamili ka.”

Nag-taas siya ng tingin sa daddy niya. “Tatlong buwan lang ang ibinigay mo sa’kin. How can I possibly make her accept me in that short time? Dad naman e. Give me six months. Please.”

“Nope.” Umiling ito. “Just three months.”

Bumuntong-hininga siya. “She’s afraid of our kind, dad.”

“Sino ba ang hindi matatakot kung nakita niyang namatay ang mga magulang niya sa kamay ng ka-uri na’tin?” Pity is written in his father’s eyes. “I pity that child. She’s all alone in this scary world. And the one who’s obsessed with her,” matiim siyang tinitigan ng ama, “is a freaking rogue.”

Anger rushed through him. “I am not a rogue!” Napatiim-bagang siya.

“Oh, yeah?” His father smirked. “Look in the mirror and your red blood shot eyes that only rogue vampire possess will be staring back at you.”

Favorite Obsession Where stories live. Discover now