THE REAL HEIRESS #Wattys2015

By Whroxie

15M 326K 20.3K

More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
Dear Readers
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
Final Chapter- 04-02-15
SPECIAL CHAPTER
Author's note
Special Chapter 2
Honeymoon

Epilogue

224K 4.1K 385
By Whroxie


Mag-dadalawang taon na simula ng mag kabalikan sila ni Khielve. Pagkatapos nilang mag kabalikan ni Khielve, naging maayos naman ang lahat sa naging relasyon nila, maayos na maayos actually. Sinadya pala talaga ng mga taga San Sebastian ang pag kikita nila sa probinsya, alam nila ang nangyari sa kanila ni Khielve dahil kay Ben, nalaman ni Ben mula kay Berting na nasa San Sebastian si Khielve, kaya sinabi nito kay Donya Clara. Kaya sinekreto nila Berting kay Khielve na kukunin nilang ninang si Kyrene, para masurpresa ang dalawa. And finally, after ng tagpo sa San Sebastian, lumingon na rin sa wakas ang lalaki sa panaginip niya, at si Khielve nga talaga ang lalaki sa panaginip niya.

Mahimbing na natutulog si Kyrene, pero bigla siyang napadilat ng marinig ang boses ni Khielve.

"Happy birthday Señorita ko." Agad siyang napabalikwas at inikot ang paningin sa kwarto, pero wala siyang Khielve na nakita.

"I'm sorry if I can'be there with you on your special day." Nahagip ng mata niya ang isang recorder sa side table na may nakadikit na pink sticker paper, agad niya itong kinuha at pinakinggan ang voice recorded ni Khielve.

"I'm busy right now, but I promise, I'll make it up to you. Wag mag tampo señorita ko huh? I love you, I love you, I love you... just enjoy your day." End..

"Tss. Sweet, but this is not enough." Binasa niya ang sticker paper na nakadikit sa recorder.

[Kyrene honey, Khielve sent it to me last night, gawin ko daw alarm clock mo today. Gusto niya siya ang unang babati sa 'yo. Happy birthday baby. -mommy]

Binitawan niya ang recorder at humiga uli, nag talukbong siya ng comforter. She is now celebrating her 23th birthday.

"Nag-promise siyang uuwi ngayon eh, tapos voice recorded lang ipapadala.. kainis naman eh. One week na siyang hindi tumatawag." Pagmamaktol niya, isang buwan na kasing nasa states si Khielve, kasama nito ang mommy at daddy niya. Ayaw man nitong sumama hindi naman pwede dahil kailangan daw nitong um-attend ng business conference.

"Gising na birthday girl." Napa-aah! Siya ng bigla siyang daganan ni Bella, tinanggal niya ang comforter.

"Bella naman eh, ang bigat mo." Dito na rin naka-tira si Bella, pinag-aaral niya ito sa kursong tourism.

"Hey, hey, lazy birthday girl." Pumasok naman si Tricia at Jelian at katulad ng ginawa ni Bella, dinaganan din siya ng mga ito.

"Grabe ang bibigat niyo, mag-diet nga kayo." Nag-sitawanan lang ang tatlo.

"C'mon Kyrene, get up! Let's go out." Sabi ni Tricia sabay hatak sa comforter.

"Ayokong lumabas, tinatamad ako."

"Get up! Treat mo kami, birthday mo eh." Hinatak siya ni Jelian sa isang kamay, si Bella naman sa kabilang kamay.

"Ayoko ko nga, wala talaga ako sa mood."

"Lagi ka na lang wala sa mood ah." Hinawakan naman siya ni Tricia sa dalawang paa at binuhat siya ng tatlo.

"Pambihira naman kayo eh." Tawa ng tawa ang tatlo, binaba siya ng mga ito sa sahig sa tapat ng banyo.

"Take a bath na, gusto mo hubaran ka pa namin." Tumayo nalang siya.

"Oo na, kayo talaga, ang aga-aga pa kasi eh." Pumasok na lang siya sa banyo kahit ayaw niya.

"Maaga ka d'yan, 10 o'clock na." Sigaw ni Tricia.

***

Pagkatapos ng pamimilit sa kanya ng tatlo ito sila ngayon sa isang beauty salon. Mag-kakahilerang nakaupo, pag-katapos nilang kumain, inaya siya ng tatlo dito, kailangan daw kasi niyang mag-paganda dahil mukha na daw siyang haggard.

"Kyrene what's wrong ba? Kanina ka pa wala sa mood?" Tanong ni Tricia na nakatabi niya.

"Nakakainis kasi si Khielve, alam mo bang one week na siyang hindi tumatawag."

"Baka naman busy lang." Sagot naman ni Bella na katabi niya sa kabila.

"Busy!? Kahit isang tawag hindi niya magawa, gan'on ka-busy? Hindi rin siya nag rereply sa mga text ko. Hindi ko rin s'ya makontak?" Napabuga siya ng hangin.

"Di kaya...." Sabi niya at binitin ang sasabihin, nag-tinginan ang tatlo sa kanya.

"Di kaya..." ulit ng tatlo.

"Di kaya, pinag-palit na niya ako. Di kaya bigla na lang niyang na realize na hindi na niya ako mahal."

"PRANING!!" Sabay-sabay uli ng tatlo.

Pagkatapos nilang gumala sa mall, umuwi sila at ngayon nakahiga lang siya sa kama niya habang hawak ang cellphone. Inaasahan niyang tatawagan siya ni Khielve, pero natapos ang mag-hapon na hindi man lang siya nakatanggap ng tawag mula dito. Gusto na nga niyang maiyak eh, gusto mag handa ng parents niya pero siya na ang tumanggi, hindi niya magagawang maging masaya kung ganitong iniisip niya si Khielve.

Biglang nag-ring ang cellphone niya, mabilis niyang tinignan ito, pero dismayado siya ng makitang si Yasmine ang tumatawag at walang ganang sinagot niya ito.

"Hello Yas." She answers lazily.

"Happy birthday twin sis." Napangiti siya, twin sis na din ang tawagan nila nito after nang mga nangyari sa kanila.

Talagang okay na sila nito, kahit si Dianna humingi na rin ng tawad sa kanya at maayos na sila nito.

"Thanks my evil twin sis." Narinig niya itong tumawa ng malakas, tuwing tatawagin niya ito ng gan'on tatawanan siya ng malakas nito.

"Happy birthday din."

"Tss. It's not my birthday." Napangiti siya, last week pa kasi ang birthday talaga nito, at yon na ang sini-celebrate nito.

"How's your day?"

"Not so good."

"Let's go out."

"I'm not in mood Yas. Next time."

"C'mon, makipag-date tayo, wala naman si Khielve eh."

"Jowk ba yan?"

"Ahaha! Mukha ba akong nag-bibiro?"

"Tss. Wag mong sabihin may evil plan ka na naman, akala ko ba love mo na ako."

"Ahaha! Of course I do love you, kaya nga kita inaaya kasi sabi ni mom, nag mumuk-mok ka daw. C'mon makipag-date tayo, don't worry hindi malalaman ni Khielve."

"Haist! Ayoko, faithful ako kay Khielve."

"Grabe! Santa talaga, ayaw mo ba talaga?! Gwapo yon promise."

"Tigilan mo ako Yasmine." Narinig lang niya itong tumawa ng malakas.

"Samahan mo na lang ako, kilatisin mo ang ka-date ko. Please! Wag ka ng mag-mukmok lang d'yan." Napaisip si Kyrene.

Bakit ba ako nagmumuk-mok dito? Samantalang siya, mukhang hindi naman ako naaalala..

"Hello twin sis, still there?"

"Okay, I'll go out with you."

"Good! I'll pick you up in 10 minutes."

"10 minutes?" Ulit niya.

"Yeah, I'm on my way actually, ahaha!" Nailing na lang siya dito.

"Sige na mag-bibihis na ako."

"Oopps! Just wait for me, I have something for you. May ginawa akong damit for you, ito ang isuot mo." Napangiti naman siya sa sinabi nito.

"How thoughtful of you to do that." She says with a smirk.

"I know right."

***

Papasok si Yasmine at Kyrene sa isang restaurant. Suot niya ang isang peach mini dress na gawa ni Yasmine. Very classy ang design nito.

"Saglit lang tayo Yas ah."

"Ano ba yan, kakarating pa nga lang natin eh." Inikot ni Yasmine ang paningin sa loob ng restaurant.

"Oh there they are. C'mon." Hinila siya nito palapit sa dalawang lalaking nakaupo, tumayo naman agad ang lalaki pag kakita sa dalawa.

"Hi" Bati ng dalawang lalaki.

"Hello, this is Kyrene, my twin sister." Nakipag-kamay at nagpakilala ang dalawa.

"Um.. let's go there, doon talaga kami nag-pa-reserve ng table." Tinuro ng lalaki ang open area at nag-punta sila sa labas.

"Wow, this is nice place, parang paradise. Alam mo Kyrene, dito mo ayain si Khielve pag balik niya, ang romantic ng place." Sabi ni Yasmine habang iniikot ang paningin sa paligid, may mga puno dito, maraming ilaw sa paligid.

"May boyfriend na siya? Di kaya ma-trouble ako nito." Sabi ng isang lalaki.

"It's okay date lang naman eh, wala kasi yung boyfriend niya, birthday niya pa ngayon, plus hindi man lang siya maalalang tawagan ng lalaking 'yon, kaya loner yan ngayon." Lalong nasasaktan si Kyrene sa mga sinabi ni Yasmine dahil alam niyang totoo 'yon. Kahit gusto niyang sabihin sa lalaki na wala siyang balak makipag-date dito hindi na lang niya sinabi.

"Doon tayo sa baba." Turo ng lalaki. Tumingin sila sa may hagdan, may baba pa pala ang lugar na 'to.

"Ladies first." Nauna ng bumababa si Kyrene, kasunod naman niya si Yasmine.

Malapit na siya sa may baba ng biglang sumulpot si Simon at Zion sa baba ng hagdan na kumakanta. Naka-suit and tie ito.

"There are times................... When I just want to look at your face....................................... When the stars and the night"

Hindi makapag salita si Kyrene sa sobrang pagtataka, umakyat ng hagdan ang dalawa para salubingin siya. Lumingon si Kyrene kay Yasmine, nakangiti lang ito, hinawakan ni Zion at Simon ang magkabila niyang kamay at giniya siya pababa habang kumakanta parin.

"There are times................. When I just want to feel your embrace........................................ And the cold of the night.....
I just can't believe that you're mine now." Dinala siya ng dalawa papunta sa kung saan.

Bigla namang sumulpot si Bella, Jelian, Tricia at maging si Janilin nandoon din, sa suot ng mga ito mukhang may party at ang mga ito ang nagpatuloy ng kanta.

"You were just a dream that I once knew................................. I never thought I would be right for you............................"
Napapaawang na lang ang mga labi ni Kyrene, naisip niya na naghanda ang mga ito ng party para sa kanya. Sinenyasan siya ng apat na maglalakad lang, sumunod lang siya. Naglalakad siya sa parang aisle na may mga halaman sa magkabilang gilid na punong-puno ng ilaw.

Sumulpot naman si Bubwit at Kuya Javier niya lalo siyang nagulat, ito naman ang nagpatuloy ng kanta, tulad nila Simon naka suit din ang kapatid niya.

" I just can't compare you with anything in this world.......... You're all I need to be with you forever more." Nilahad ng kuya niya ang kamay niya, na parang sinasabing lakad lang, sumulpot naman si Donya Solidad at Donya Clara na kumakanta din, natawa talaga siya pag-kakita dito.

"All those years, I've longed to hold you in my arms................ I've been dreaming of you.." Naglalakad lang siya, lumingon siya sa likod niya, nakahelira ang mga naunang kumanta, binaling uli niya ang tingin niya sa harap ng may narinig uli siyang kumanta. Ang mommy at daddy ni Khielve naman ang nand'on, ngiting-ngiti ito habang kumakanta.

"Every night, I've watching all the stars that fall down........ wishing would you be mine..... I just can't believe that you were mine now."
Ang nanay at tatay naman niya ang biglang sumulpot. Gusto na talaga niyang maiyak pag-kakita dito. Dress well din ang mga ito.

"You were just a dream that I once knew................................. I never thought I would be right for you............................" Nilahad din ng dalawa ang mga kamay nila at naglakad uli siya, ang mommy at daddy naman niya ang biglang lumabas.

" I just can't compare you with anything in this world.......... You're all I need to be with you forever more." Malapit na siya sa likuan ng aisle, doon siya sobrang nagulat ng sumulpot ang taong hindi niya inaasahan na nand'on, hindi na niya napigilan ang luha niya.

"Kenneth" Anas niya. Nakatayo ito sa dulo ng aisle habang kumakanta.

"Time and again... there are these changes that we cannot end..." Lumapit ito sa kanya at agad niya itong niyakap. Mula ng mag-hiwalay sila nito, hindi na sila nagkita pa. Mas pinili nitong lumayo para mas madali daw siyang makalimutan.

"As sure as time keeps going on and on.." Kumalas ito ng yakap at marahang pinahid ang luha niya.

"My love for you will be forever more." Pag katapos ni Kenneth kumanta, hinawakan nito ang kamay niya, may narinig niyang parang tumutugtog na orchestra at forever more ang tinutugtog. Giniya siya ni Kenneth at lumiko sila.

Napahawak siya sa bibig niya ng makita si Khielve na nakatayo sa may malaking tarpaulin banner sa likod nito na may nakalagay na 'Happy Birthday Kyrene'. Naka-white and black suit ito, white ang coat with black bow tie and black slack pants, may apat na lalaking tumutugtog ng violin. Si Khielve naman ang nag patuloy ng kanta.

"I just can't believe that you're mine now................................ You were just a dream that I once knew................................. I never thought I would be right for you............................" Hinawakan siya ni Kenneth sa mag kabilang balikat at pinalapit siya kay Khielve. Agad siyang nilapitan ni Khielve at agad na hinapit ang bewang niya, hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya.

"I just can't compare you with anything in this world............ As endless as forever............ Our love will stay forever You're all I need to be with you forever more....." Dinikit ni Khielve ang noo niya sa noo ni Kyrene.

"You're all I need to be with you forever more." Niyakap niya si Khielve ng sobrang higpit.

"Happy birthday. Namiss mo ako?" Kumalas ng yakap si Kyrene at pinalo niya ito sa dibdib, pero nanatiling nakapulot ang mga braso ni Khielve sa bewang niya.

"Bakit?" Tanong ni Khielve pero ngiting-ngiti ito.

"Kainis ka eh. Akala ko nakalimutan mo na ako."

"Pwede ba 'yon? Makalimutan ko na lahat, pero hindi ang pinaka mamahal ko." Napangiti na si Kyrene.

"Kelan ka pa dumating?"

"Hmm! Last week."

"LASTWEEK!" Bulalas niya, natawa si Khielve sa reaksyon niya.

"Lastweek ka na dito, pero hindi ka nag pakita sa 'kin." Bibitaw sana si Kyrene sa pagkakayakap nito dahil sa inis pero lalo siyang niyakap ni Khielve.

"Wag ka na mag tampo, lagi naman kitang pinag mamasdan sa malayo eh." Hindi naman siya makapaniwala sa narinig mula dito.

"Kung alam mo lang kung gaano ko ka-gustong lapitan, yakapin at halikan ka. Pero binantayan ako nila Simon eh, bawal daw masisira daw ang surprise." Napangiti na si Kyrene.

"Alam din nila Tricia?"

"Alam ng lahat." Tumingin si Kyrene sa lahat na nand'on na, nakatingin sa kanila na akala mo na nonood ng isang palabas at lahat naka-ngiti. Napangiti na ng husto si Kyrene at muling tumingin kay Khielve.

"This is the best birthday ever!" Masigla niyang sabi at yumakap uli kay Khielve, pero bigla naman nag brownout.

"Ano ba yan, kakasabi lang na the best birthday na nga tsaka naman mag ba-brown out." Narinig niyang tumawa ang lahat, bumitaw ng yakap si Khielve sa kanya.

Narinig na lang niya na tumutugtog uli ang violinists ng forevermore. Nagulat siya ng biglang may umilaw banda sa kung saan nakatayo ang lahat kanina. "SEÑORITA KO" ang salitang makikita sa dilim. Sumunod na umilaw ang salitang, "WILL" Napahawak si Kyrene sa dibdib niya, parang alam na niya kung ano 'to. Sumunod na umilaw ang "YOU" "BE" at "MY".

Biglang nagliwanag uli ang paligid at nagulat siya ng makita ang may hawak ng mga salita ay ang mga mag-sasaka sa San Sebastian, ngiting-ngiting ang mga ito. Nandoon na rin ang mga college friend niya, Jacob is also there, Lynne Doll and Calleb na mag-asawa na at malaking-malaki na ang tiyan ni Lynne Doll

Hinahanap niya ang kasunod na salita pero hindi niya makita. Nilingon niya si Khielve pero wala na ito sa tabi niya, kaya tumingin siya sa likod niya. Nasalikop niya ang dalawang palad niya ng makita niya ito na nakatayo sa likod niya at hawak ang salitang hinahanap niya. "WIFE" Ang hawak nito, lumapit uli sa kanya si Khielve.

"Kyrene don't hesitate to say yes ah. Remember nandito ang bruhang peke mong kambal, baka may gawin na naman to. " Sigaw ni Tricia, kaya nagtawanan ang lahat.

"Si Zion ang agawin ko sa 'yo makita mo." Sagot naman ni Yasmine.

"Subukan mo lang, kung si Kyrene walang ginawa sa 'yo. Ako ipapa-salvage kita at ipapatapon sa bermuda triangle." Sumenyas si Khielve kay Zion na patahimikin ang dalawa, agad na inakbayan ni Zion ang dalawa at tinakpan ang bibig.

"Hindi ito ang tamang oras para mag talo." Sabi ni Zion sa dalawa habang natatakpan ng mga kamay nito ang bibig ng dalawa. Naging hobby na kasi ng dalawa ang pag tatalo sa tuwing magkikita.

Muling humarap si Kyrene kay Khielve ng hawakan nito ang kamay niya, muling binitawan at may dinukot mula sa bulsa ng pantalon, isang maliit na pulang box.

Lumuhod si Khielve sa harap niya gamit ang isag tuhod at binuksan ang maliit na box.

"Kyrene, you're all I need to be with you forever more."

"Señorita ko, will you be my wife?" Hindi agad nakasagot si Kyrene, talagang naiiyak na siya, hindi niya 'to inaasahan.

"Will you marry me?" Tanong uli ni Khielve, tumango si Kyrene.

"Yes, I want to be your wife. I want to be with you forever more. I will marry you." Tumayo si Khielve at kinuha ang kamay niya, marahan nitong sinuot ang singsing sa daliri niya, kasama ng promise ring niya. Niyakap siya ni Khielve pagkatapos maisuot ang singsing.

"I love you"

"I love you too." Bumitaw uli sila ng yakap, at tumingin sila sa mata ng bawat isa.

"I promise that I'll be a good husband. A good best friend and everything that you want me to be."

"Just love me, 'yon lang." Hinawak ni Khielve ang kabila niyang pisngi at dahan-dahan na nilapit ang mukha sa mukha niya hanggang sa maglapat ang labi nila. Dampi at simpleng halik, pero punong-puno ng pag mamahal.

Niyakap uli siya nito at pagkway tumingin siya sa pamilya niya at mga kaibigan at makikita sa mga mukha ng mga ito ang saya.

Magkayap sila ni Khielve habang nakalapat ang labi ni Khielve sa gilid ng ulo niya. Parehas na parehas ang nararamdamn nila, walang pag sidlan ang nag-uumapaw na kaligayan.

They deserve to be happy after all the pain that they've got. Siguro kung lahat ng pag-ibig ay ganito ang proseso, masakit, mahirap at halos ikamatay mo, pero sa bandang huli, sobrang kaligayahan naman ang matatamasa mo, ayos na rin. Agree? Ang hindi um-agree panget?

The Wakas

LynneDoll buntis ka na.. haha! Mommy Aina update ko na agad para Sa'yo.... waaah! I will miss Kyrene and Khielve. Gagawa nalang ako ng special chapter nito...
I love you guys!!!


  Join naman kayo sa fb group: Whroxie's Army... maraming salamat!!
And palike na rin po ang page please: Wattpad Stories by Whroxie



Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
11.9M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
3M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
30.1M 466K 54
│PUBLISHED│ Tigers #5 Luke Palermo