ibong adarna

Від RaiProject

223K 361 114

this is not my book a just copy it Більше

ibong adarna
MGA TAUHAN
Kabanata 1 Panalangin ng May-akda
Kabanata 2 Ang Kaanak ni Haring Fernando
Kabanata 3 Ang Panaginip
Kabanata 4 Ang Paglalakbay ni Don Pedro
Kabanata 5 Ang Paghahanap ni Don Diego
Kabanata 6 Ang Paglalakbay ni Don Juan
Kabanata 8 Puno ng Piedras Platas
Kabanata 9 Ang mga Taksil na Kapatid
Kabanata 10 Ang Hinagpis ni Don Juan
Kabanata 11 Ang Pagtulong ng Ermitanyo
Kabanata 12 Ang Salaysay ng Ibong Adarna
Kabanata 13 Ang Pagbabantay sa Ibong Adarna
Kabanata 14 Sa Bundok ng Armenya
Kabanata 15 Ang Mahiwagang Balon
Kabanata 16
Kabanata 17 Si Princesa Leonora
Ibong Adarna 18 Tagumpay at Pagtaksil
Kabanata 19 Ang Maunawaing Ama
Kabanata 20 Ang Muling Pagkikita
Kabanata 21 Ang Paghihinagpis ni Leonora

Kabanata 7 Ang Ermitanyo

8.5K 8 0
Від RaiProject

Humingi ng pahintulutan si Don Juan sa ama na payagan siyang hanapin ang dalawang kapatid at ang ibong adarna.

Ano ang napag-usapan nina Don Juan at ang ermitanyo?

Tinulinan ang paglakad

parang ibong lumipad,

kaya’t ang malayong agwat

narating din niya agad.

Natambad sa kanyang mata

ang tahanan ang adarna,

punong pagkaganda-ganda

sa mundo’y siya nang una.

Mga daho’y malalabay

pati usbong, kumikinang

maging sanga’y gintong lantay

yamang dapat pagtakhan.

Sa paghangang di masukat

Para siyang natiyanak,

Gising nama’y nangangarap

Pagkatao’y di mahagap.

Marahil sa awa na rin

Ng inang mahal na birhen

Nagliwanag ang paningin

Pati diwang nangulimlim.

Saka pa lang nagunita

Ang bilin niyong matanda,

Tumanaw na sa ibaba’t

Nakita ang isang dampa.

Humayo na si don juan

sa dampang kanyang natanaw

pagtao ay dinungaw

ng ermitanyong may bahay.

Inanyayahang pumanhik,

Sa itaas na magniig,

Ermitanyo ay mabait

Kay Don Jua’y may pag-ibig.

Mga payo at parangal

Ng ama sa bunsong mahal

Ang aliw ng gahain

Tila sa langit nanggaling.

Ngunit higit sa lahat sa lahat nang

Sa prinsipeng pagtataka,

Tinapay na bigay niya

Ano’t doon ay nakita?

Kayo nga ba at nawika

Sa kanyang buong paghanga:

“Ito’y isang talinghagang

Kay hirap na maunawa!

“Yaong aking nilumusa’y

Isang matandang sugatan,

Saka dito’y iba nama’t

Ermitanyo ang may-alay.

“Hindi kaya baga ito

Ay sa Diyos na sekreto?

Anaki’y si Jesucristo

Ang banal na Ermitanyo!”

At nang sila’y makakain

Ermitanyo ay nagturing:

“Don Juan, iyong sabihin

Ang layon mo’t malining.”

“Marangal na Ermitanyo,

Ituring nang anak ako

Na ngayon po’y naririto

Nagsasabi ng totoo.

“Matagal na pong di-hamak

Ang aking paglalagalag,

Walang bundok, mga gubat

Na di ko yata nalakad.

“Dumanas ang kahirapan

Pagod, puyat, gutom, uhaw,

sa hirap ng mga daan

palad ko ang di namatay.

“Lahat na po ay binata

Nang dahilan sa Adarna

Ibong matamis kakanta

Na lunas sa aking ama.

“Ama ko po ay may sakit

Katawa’y datay sa banig

Siya kong itinatagis

Mula nang ako’y umalis.

“Malabis akong alaalang

Baka ipanaw ni ama

Kung hindi ko madadala

Ibong dito makukuha.”

“Don Juan, iyang hanap mo’y

paghihirapan mong totoo

ang Adarna’y may engkanto

na wala pang tumatalo.”

“Kung tunay po ang pahayag,

Titiisin ko ang lahat,

Maging hangga man ng palad

Tutupdin ko yaong hangad.

“Sa diyos dapat manawagan

Ang lahat ng nilalang,

Ang sa mundo ay pumanaw,

Tadhana ng kapalaran.”

“Don Jua’y nasusubok ko

Katibayan ng loob mo,

Kung talaga ngang totoo

Ako’y tutulong sa iyo.”

“Punong kahoy na makinang

Na iyo nang naraan,

Ay doon nga namamahay

Ang adarna iyong pakay.”

“Ibong ito kung dumating

Hatinggabi ng malalim

Ang pagkantang malambing

Katahimikan kung gawin.

“Pitong awit na na maganda

Pito rin at iba’t iba

Sa balahibong itsurang

Ilalabas ng adarna.

“Upang iyong matagalan

Pitong kanta maiinam,

Kita ngayon ay bibigyan

Ng sa antok ay panlaban.

“Naririto ang labaha’t

Pitong dayap na hinog na,

Iyong dalhi’t at huwag kang

Taluhin ng engkantada.

“Bawat kantang pakikinggan

Ang palad mo ay sugatan,

Saka agad mong pigaan

Ng dayap ang hiwang laman.

“Matapos ang pitong kanta

Magbabawas ang adarna

Ilagang mapatakan ka

Nang doon ay di mapara.

“At kung kung hindi, sa aba mo!

Ikaw ay magiging bato,

Matulad kang totoo

Kay Don Pedro kay Don Diego.

“Dalhin mo rin itong sintas

Pagkaginto at matingkad,

Itali mo pagkahawak

Sa adarnang mag-aalapas.

“Kaya bunso,hayo ka na’t

Sa gabi’y lalalimin ka,

Ito’y oras na talaga

Ng pagdating ng adarna.”

Yumao na si Don Juan

sa tabor na kabundukan,

nang maagang maabangan

yaong ibong kanyang pakay.

Продовжити читання

Вам також сподобається

Whatever: The Full Story (Taglish) Від Louisse

Підліткова література

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...