Kabanata 9 Ang mga Taksil na Kapatid

13.7K 13 4
                                    

Nahuli ni Don Juan ang ibong Adarna pagkatapos ng maraming hirap at pagtitiis.

Pabalik na ang tatlo sa kahariang Berbanya nang may maisip sina Don Pedro at Don Diego. Matutunghayan natin kung ano ang nangyari.

Nagsilakad na ang tatlo

katuwaa'y nagibayo ,

datapwat si Don Pedro'y

may masama palang tungo

Nagpahuli kay Don Jua't

kay Don Diego umagapay,

ito'y kanyang binulungan

ng balak na kataksilan.

"Mabuti pang dili hamak

si Don Juan," anyang saad,

"at sa ama nating liyag

ay marangal na haharap.

"Pagkat ipaglihim nama'y

mabubunyag din ang tunay,

ang Adarna'y kay Don Jua't

ang sa ating kabiguan.

"Kaya ngayon ang magaling

si Don Juan ay patayin,

kung patay na'y iwan nati't

ang Adarna nama'y dalhin."

Si Don Diego ay nasindak

sa mungkahing kahahayag,

matagal ding nag-apuhap

ng panagot na marapat.

Kaya't kanyang pinag-isip

kung saang dako papanig,

doo't dito'y naririnig:

"Tayo ay magkakapatid!"

Nakahambing ni Don Diego

yaong si Bernadio Carpio,

nagpipilit na matalo

ang nag-uumpugang bato.

Datapwat sa dahilang

ang tao'y may kahinaan,

ayaw man sa kasamaa'y

nalihis sa kabutihan.

Dangan sa kauukilkil

ni Don Pedro'y sumagot din,

kung ang ating lilimii'y

umiiwas sa sagutin.

"Iyang iyong manukala

tila manding anung sama,

alamin ang mawawala

kapatid na ating dakila."

"Kung tunay nga,"anong saysay

"na masama ang pumatay

gawin nati'y pagtulungan

na umugin ang katawan.

"Kung siya'ymahinana't

may sala na ang mga paa,

walang daang makakasama

sa pag-uwi sa berbanya.

"Maiiwan siya ritong isang

nag-iisa't luning-luno,

walang kakanin mang ano

maliban sa mga damo.

"Sa gayon ay maligayang

ibong adarnaWhere stories live. Discover now