The Mistress

By PrincessHimaya

177K 3.4K 513

Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest. Akala... More

SYPNOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas

Kabanata 21

2.2K 52 3
By PrincessHimaya

"You what? Engagement? Sa akin?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Hindi. Sa Dadddy mo, gusto mo 'yon?" Walang hiya niyang sagot at tinawanan pa ako. Inirapan ko siya at binitawan ang kamay niya.

"Hey," sabay hawak niya ulit sa kamay ko. I glared at him pero nangingiti lang siya sa akin. Hindi man lang natitinag sa masamang tingin ko.

"Sayo nga. Kanino pa ba?" This time, he said it in a serious way.

I blinked twice, thrice before furrowing my brows. Seryoso ba siya? Engagement agad? Ni hindi pa kami umabot ng isang linggo! I laughed at tinuro ko pa ang mukha niya.

"Okay that's funny. Next," giit ko, hindi siya sineryoso.

Huminga siya nang malalim at hindi man lang natawa kaya natigil ako sa pagtawa. Bumalik ang tingin niya sa langit at malalim ang iniisip.

"It sounds funny, but I'm not getting any younger, Lana. I'm sorry kung nabigla kita. Hindi ko na uulitin," aniya at nagpakurap-kurap ako.

Hindi ko akalaing seryoso siya sa sinabi niya. But c'mon, kahit man lang paabutin niya man lang ng isang buwan bago niya sabihin sa akin 'yon. Well, he's right. Nasa tamang edad na siya para magpakasal. Actually, lagpas na nga sa kalendaryo.

"Don't ask me about that too quickly. Hindi ka pa sigurado sa akin. You only knew half of me yet," saad ko at napatingin siya sa akin sabay ngiti at tumango.

"Right. I'm sorry."

I went home alone dahil hindi na ako nagpahatid kay Mike. My mind was clouded by his sudden proposal. Why is he in a hurry? Is it because he's that really sure about me? Or he's of age to get married?

Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Pero walang halong biro nang sinabi niya iyon. I saw it how serious he was when he told me that. Maybe, he liked me that much, huh? That he couldn't wait to marry me.

Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si Veronica habang may dalang popcorn. Narito siya? Hindi man lang nagsabi.

"Hi! You're here!" masayang bati niya animo'y ako 'yong bisita. I look around and saw no one but her.

Naupo ako sa sofa at tumabi siya sa akin dala ang popcorn.

"What's wrong ba? You looked pagod. Did you two tasted each other?" She whispered. Pinandilatan ko siya agad at kinurot sabay tingin ko sa paligid at baka may makirinig sa kanya. Tawa naman siya nang tawa dahil sa ginawa ko.

"Shut up, V. Baka may makarinig sa 'yo," mariin kong sabi at hinila niya ako papunta sa taas, sa kwarto ko.

Pumasok kami at dumiretso na ako sa banyo para magbihis at gawin ang skincare routine ko habang kumakain naman ng popcorn si V sa kama ko.

I was rolling the jade roller to my jaw when she glanced at me.

"So, anong chika?" Tanong niya.

"He proposed," tanging sinabi ko at hindi siya tiningnan.

"He what?! Proposed?!" She exclaimed loudly at hindi na ako natakot dahil soundproof naman ang kwarto ko.

"Oo nga. And I declined him," sagot ko at binato niya ako ng popcorn.

"Stupid! You should've accepted his proposal! Ugh, how stupid," aniya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Was I wrong to turned him down, V? Hindi pa nga kami nag anniversary, proposal agad?"

She sighed deeply na para bang ang laki ng kasalanang nagawa ko. What I did was right. I'm not that sure of him yet. I mean, yeah, I love him but what if we're not meant to be? I'm just being realistic.

What if pinagtagpo lang kami pero hindi naman itinadhana?

"Lana, we're in a world where everything is uncertain. Everything is risky and you need to gamble for almost everything. You love him naman 'di ba? And I think, gusto na niya talagang mag settle down. Hindi pa naman kayo magpapakasal. Pwede kayong magpakasal after 3 years? I don't know." She shrugged.

She has a point, though. Pero she's talking like engagement was easy! First, sila Daddy. Baka magulat sila at isa pa, I need to know him very well before taking our relationship to the next level.

"Have you been engage to someone, huh? Para namang gano'n lang 'yon kadali. And I haven't met his parents, V. I wanted us to explore this relationship. I wanna know if we would fit in each of our differences."

Tumango naman siya at parang nag-iisip.

"You matured, Lana. Ilang buwan na ba kayong magkakilala? I love how you analyze things before deciding. Ako nga, I do things impulsively, e. Mike is good for you, Lana. I can see that." She smiled at me.

I somehow realize that I really did change. I don't know if it's because of Mike? O baka naninibago lang ako sa pagkakaroon ng mature na relationship? Not to mention that this is my first time.

I'm just being careful. I wanted to have a love that conquers all. Like the love I see from my parents. I wonder, how far Mike's love can take me. Hindi pa namin alam kung ano'ng darating sa aming dalawa.

Umuwi si V matapos niyang kainin ang popcorn at magkikita na lang daw kami sa school bukas. Since alam naman niya na ihahatid ako ni Mike. I was excited because Mike will finally meet my parents later. At the same time, sad. Dahil uuwi na siya bukas.

I wore my uniform and put some minimal make-up. Pababa na ako nang hagdanan at papunta na rin si Mike. Since hindi naman gano'n kalapit sa bahay namin ang hotel ay may oras pa ako para kumain.

"Hija, everything is ready for the dinner later. Makakapunta ba siya?" Mom asked me softly. Like I'm gonna break with her question. Dad was just reading a newspaper. Parang walang narinig.

"Yes Mom. He'll be here." I told her and I glanced at Dad.

"Dad?" I urge him to talk to tell something. He glanced at me at ibinababa na niya ang hawak niyang newspaper.

"Don't worry. I won't strangle your boyfriend's neck, Lana," aniya at sinamaan siya ng tingin ni Mommy.

Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya? Bakit parang tunog nagbabanta naman iyon!

Matapos ang breakfast ay umalis na sila Dad and Mom but this time, they knew that Mike will pick me up. Kaya hindi na sila nagtaka kung bakit hindi pa ako umaalis. Ni hindi lang man nila napansin na ilang araw nang wala sa garahe ang sasakyan ko.

I was waiting for him outside in our house. Hindi nagtagal ay dumating na siya. Wearing a dark green shirt and faded jeans with a black cap. Kung hindi lang talaga siya marunong manamit, ewan ko na lang. But gosh! Look at him, mukhang bagong shave pa.

He immediately gave me a kiss on my cheeks. Nasa isang pocket niya ang isang kamay at nakatayo sa harap ko. Tinitingnan ang mukha ko. Tumaas ang kilay niya.

"Did you sleep?" He asked and I pouted then nodded.

"I'm nervous," I told him honestly. Lahat naman siguro nang first time ganito ang mararamdaman. And Dad was a bit cold earlier. Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya.

What if he wouldn't like Mike? What if he would judge him because of his age? Ugh! This is frustrating me.

He chuckled. "Atleast, hindi lang ako ang puyat," pagbibiro niya. Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba siya o ano. Hindi naman siya mukhang puyat, e! Ang fresh nga niyang tingnan.

We were on our way to school nang napahinto kami sa traffic at may dumaan na isang vendor ng taho. Tinawag ni Mike ang lalaki at bumili siya. She offerred me at tumango naman ako. Though, I never tried eating taho my whole life. Another first time with him.

I stared at the cup and I saw small circles and something white. There's also a syrup in it and Mike gulped it in an instant. Wow. Habang ako parang ini-examine pa ang pagkain.

"Is this masarap?" I asked him. Natatakot akong hindi ko magustuhan ang lasa.

"Are you conyo?" Pambabara niya sa akin. Kainis! Hindi ko naman sinasadya na maghalo ang tagalog at english ko minsan sa isang awkward na paraan. I rolled my eyes.

"Try mo nga. Masarap 'yan. Iyan ang kinakain ko kapag hindi ako nagbe-breakfast. Lalo na noong nagte-training pa kami at maaga kami nagigising."

"You didn't eat breakfast?"Tanong ko at tumango siya sabay paandar na sa sasakyan.

"Nakakalungkot kumain mag-isa kaya umalis na lang ako," malungkot niyang sinabi.

I smiled playfully while staring at him. "Gusto mo lang ako kasabay kumain, 'no? Ikaw naman, masanay ka na muna ngayon, ha? Dahil matagal pa bago mo ako makasabay kumain."

He sighed deeply. "I got my eyes on you here, Lana. I will know kung may nakakasama kang ibang kumain."

Namilog ang mga mata ko. What is he talking about? Nag-hire ba siya ng bodyguard o ano para sa akin? Tumawa siya nang makita ng reaksyon ko.

"Nagbibiro lang ako. Masyado kang takot," aniya sabay tawa at kinurot ko ang gilid niya dahilan para mapaimpit siya sa sakit.

"Lana, I'm driving! Jesus," medyo galit niyang sinabi.

"You're a good driver. I'm not worried," sagot ko at pinanliitan siya ng mata. I said that purposely. And to my surprise, namula ang teynga niya. He's probably thinking a double meaning.

"Aren't you a good driver, love?" Panunuya ko pa at sinamaan na niya ng tingin sabay iling.

"You know what you're doing. Stop it," he answered in a monotone. At mas lalo lang akong natuwa sa inasta niya!

"I'm a good driver, too. Wanna see my driving skills?"

I heard him curse softly sabay tawa ko naman. Masamang masama na ang mukha niya hanggang makarating kami sa school. I took off my seat belt at napansing hindi pa siya gumagalaw sa driver's seat kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi ka ba bababa?" Takang tanong ko. Nasa malayo ang tingin niya at napabaling siya sa akin. I gasped subtly when I saw his eyes. I see what is he feeling.

"No. Dito lang ako. Kasalanan mo 'to." Masungit niyang sinabi at wala sa sarili akong napatingin sa private area niya. I bit the insides of my cheeks to stifle my myself from smiling.

Hindi ko na siya pipilitin bumaba dahil mahahalata kapag tumayo siya. Marami pa naman ng estudyante sa paligid. I leaned to kiss his cheeks pero bigla siyang napatingin sa akin kaya sa lips tuloy napunta ang labi ko!

Napaatras ako agad at nag-init ang pisngi. That wasn't my plan and his looking at me like I did something forbidden!

"I was about to kiss your cheeks," pagpapaliwanag ko. Napapikit siya huminga ng malalim na para bang mauubos na ang pasensya niya.

"Pinapalala mo lalo. Sige na, male-late ka na."

Tumango ako bumaba na habang naiwan siya sa loob ng kotse na naghihirap. Wow. I almost lost my sanity in the sudden heat on the car! Nakita ko siyang umalis na agad at tumunog ang cellphone ko.

Mike:

I love you. Take care.

Hindi na ako nag-reply dahil may braso na pumulupot sa akin.

"What did you do inside the car, ha? Halos sabay lang tayong dumating pero ang tagal mong bumaba! Did you guys MOMOL? Bakit hindi bumaba si Mike? Is he sweaty ba?"

Sunod sunod na tanong nI Veronica at pabiro kong hinablot ang buhok niya.

She looks classy but her mouth was trashy!

"Nag-usap lang kami, gaga. And we never tried that MOMOL thing just, yet. And I don't know what is that." I rolled my eyes and she laughed.

"Don't do that MOMOL, ha. Dahil nauuwi sa sex 'yon! Well, I got a box of condom in my car. Bigay ko na lang sa 'yo for safety purposes," she giggle.

"Meron ako sa sasakyan," sagot ko at nalaglag ang panga niya.

"What? Ang linis mo, ha. Tapos may handa ka na pala. Hindi na ako magtataka kung makita kong umaalog ang sasakyan mo. Base on my judgement, mukhang hardcore pa naman si Mike!"

"Shut up, V!

Hanggang sa classroom ay inaasar niya pa rin ako. Nakita naming naroon na pala si Shelly at ngumiti siya sa amin. Sa akin lang siya nakatingin at nang lumipat ang mga mata niya kay Veronica at nawala na ang ngiti niya. Wala naman kasing pake si V sa paligid at sa cellphone na nakatingin.

Wala namang masyadong ganap sa klase namin at maaga rin kaming natapos.

Sabay ulit kaming tatlo na naglalakad palabas ng skwelahan.

"Goodluck later, Lana," sabi ni V sa akin at kumindat.

Napatingin sa akin si Shelly with a puzzled face. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang tungkol doon sa dinner na gaganapin mamaya.

"Bakit? Ano'ng meron?"

I smiled. "Mike's gonna meet my parents," saad ko.

The shocked in her face didn't escape me, pero mabilis lang ding nawala at napalitan ng ngiti.

"Wow. Meeting the parents na. Ang bilis ng gagong 'yon, ah," aniya.

I thought of that, too. Parang kailan lang magka text lang kami sa Leyte pero ngayon ipapakilala ko na siya sa mga magulang ko. But there's no perfect time in introducing your boyfriend to your parents, right? Feeling ko kasi, mas magtitiwala sila sa akin kung mas maaga ko ipapakilala si Mike.

We're no highschool to hide it to my parents at alam kong gano'n din naman siya. Baka nga siguro ipakilala na niya rin ako sa susunod.

Dinner time came too fast at papasok na kami ngayon sa bahay pero nasa loob pa kami ng sasakyan. We were outside the gate, inhaling all positive energy bago pumasok.

"Magugustuhan kaya nila ako? Maayos ba ang damit ko?" Nag-aalala niyang tanong at bahagya akong natawa.

Everything in him is lovable lalo na ang itsura niya. He was wearing black button down shirt at gray slacks. His hair was pushed to the back kaya maayos itong tingnan. Ang pormal niyang tingnan.

Hinawakan ko ang pisngi niya at bahagya siyang nagulat sa ginawa ko.

"You look dashing. Magugustuhan ka nila," sabi ko at napahinga siya ng malalim sabay igtad namin sa gulat dahil biglang may bumusina sa likuran.

Pareho kaming napatingin sa likuran at nakita ang sasakyang nakasunod sa amin.

What the hell is he doing here? Did Mommy called him? Imbis na panatag ako kanina, ngayon, ewan ko na lang. Bakit ba nandito si Tito Marky?

Pumasok na kami sa loob ng gate at halos sabay pa kami sa pagbaba. Tinaasan pa ako ng kilay ni Tito Marky sabay tingin niya kay Mike at tumango. Nauna na rin siyang pumasok sa loob.

I wouldn't be surprise anymore na pinapunta siya dahil pormal din ang ayos ni Tito Marky. I just don't know why is he even invited? Not that I don't like him around, pero alam ko naman kasing hindi siya boto kay Mike.

"Ready?" Tanong niya sa akin na para bang parents niya ang nasa loob.

"Sira. I should be the one asking you that. Anyways, ready or not, lets go," sabay hatak ko sa kanya papasok.

As we both stepped inside the house my knees felt weak because of the intensity of my Dad's gaze to Mike. Pati pa si Tito Marky! While Mom was smiling from ear to ear.

"Hello, hija. Come on in, get inside," bati ni Mommy sa akin at yumakap sabay halik sa pisngi ko.

"Good evening, Ma'am," Mike greeted my Mom and he said it without a hint of nervousness in his voice! It even sounded confident and low.

Mom smiled at her widely. "Good evening, hijo."

"Good evening, sir," bati niya naman kay Daddy. Mike offered his hands to Dad and I almost choke noong matagal iyong tinanggap ni Daddy!

"Good evening," si Dad bago nakipagkamayan kay Mike.

I exhaled a lot of air from my lungs dahil sa bigat ng paligid. Buti na lang talaga at nandito si Mommy. On the other hand, Tito Marky offered his hand to Mike, too.

Nasa dining table na kami at ready na rin ang pagkain. Mom really did what I told her. Simple lang ang mga handa at hindi masyadong sosyal tingnan at baka mailang si Mike. I don't want him to feel uneasy because of a lavish dinner.

"So, what is your name hijo?" Panimula ni Mommy at nagsimula na akong kabahan. Para akong nakaharap sa diyos at naghihintay mahahatulan kung saan ako babagsak.

"Mike po, ma'am," magalang na sagot ni Mike.

Tumango si Mommy at naroon pa rin ang ngiti. Pakiramdam ko tuloy boto siya kay Mike.

"Kailan pa kayo?"

I almost choke by the wine I was drinking when Dad suddenly asked. God, he sounded mad or something. Maybe I'm just too nervous! He wasn't looking at Mike, though. He was busy slicing his steak.

"A week or so, sir," si Mike. Napaangat ng tingin si Dad at parehong napainom ng tubig si Mommy at Tito Marky.

Kumunot ang noo niya. " A week?" Sabay tingin niya sa akin na parang tinatanong niya kung totoo ba 'yon kaya tumango ako.

The side of Dad's lips rose. He looks amused.

"Kung isang linggo pa naman pala, ibig sabihin, hindi ka pa gano'n ka seryoso sa anak ko," aniya at hindi iyon tanong. It was more of a conclusion.

"Or maybe he is," biglang sabat ni Tito Marky na ikinagulat ko. He smirked at me and winked. What is he doing now?

"Or not," tugon naman ni Dad. "Do you see my daughter with you in the future? Or is she included in your plans? What's your future plans, by the way?"

Oh God. Please help me, God!

Mike remained calm and composed beside me. Hindi mo talaga makikita sa kanya ang kaba. Pero sa ilalim ng mesa ay parang nakawak ako sa kamay ng isang bangkay.

"Yes, sir. Lana is included to my plans. Hindi po ako narito para paglaruan lang si Lana."

Mike told Dad calmly. Dad stared at him for a moment before sipping on his wine. Not taking off his gazed to Mike.

"Uuwi ka na bukas 'di ba, hijo? Kailan ka babalik para bumisita?" Si Mommy na nagpahugot sa hininga ko. Buti na lang siya na ang nagsalita. It feels like Dad was choking me everytime he speaks! And he's making Mike literally cold like corpse!

"Yes, ma'am at babalik po ako kapag nagka passes ulit."

"Yes, Reonn. Sa tuwing may passes lang nakakapagpahinga ang mga police at hindi naman lahat ng passes niya at diretso siya kay Lana. He has a family, though."

Tito Marky was right. Hindi lahat ng passes ni Mike ay magkikita kami. He would probably spend some time with his family, of course at naiintindihan ko naman 'yon.

Pagkatapos ng mga tanungan ay nag-usap na sila ng kahit na ano at takang-taka ako sa inaasal ni Tito Marky. Parang pinagtatanggol niya pa si Mike! Taliwas sa inaasal niya dati sa Leyte.

Umiinom na kami lahat ng wine nang magsalita ulit si Dad. It was the moment I felt cold, literally.

"Hindi ko hinihigpitan si Lana sa mga gusto niya. I'm just a father that is doing what I think was right for my daughter. I wanted her to be happy and she's happy with you. Ayoko lang na dumating ang panahon na umuwi sa amin ang anak ko na umiiyak dahil sa 'yo. I'm not threatening you, but I just want you to know that I don't bluff. Take good care of her."

We went silent for a moment at walang nangahas magsalita, not even Mom! Dad sound very serious yet calm. Pero nakakatakot siya pakinggan!

Natapos naman nang maayos ang dinner at naiwan na kami sa sala. Nasa study room ang parents ko kasama si Tito Marky. This would be our last meeting since bukas ng maaga ang uwi niya at ayaw niya akong makita sa airport.

"Mas nakakatakot kaysa sa head namin," sabay tawa niya habang nakaupo kami, magkatabi.

I smiled. "Mabait si Dad. Hindi lang siguro siya sanay na may lalaki akong ipinakilala sa kanila."

Tinaasan ako ng kilay ni Mike na para bang hindi siya naniniwala. Kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Ako pa lang ang napakilala mo?"

I nodded. "Yup." Napangiti siya na parang nagmamayabang.

"Sa province ka lang pala mahuhulog, huh?" Panunuya niya pa at inirapan ko siya. Well, totoo naman kasi iyon.

"Manong probinsyano guy," pang-aasar ko at sinamaan niya ako ng tingin.

He suddenly cupped my chin and gave me a light kiss. A quick one. Parang isang segundo lang yata 'yon pero nag-init agad ang pisngi ko. Hindi ko inaasahan 'yon. Humahalakhak na siya ngayon habang nakatingin sa itsura ko.

"Marinig ko pang tawagin mo akong manong, hahalikan kita sa harap ng mga magulang mo," pagbabanta niya sa akin at agad akong kinabahan.

Siraulo. Siyempre, titigil na ako!

Continue Reading

You'll Also Like

58.4K 2K 24
"B-binuo kita... dinurog mo naman ako," Hindi lahat ng pinapakasalan ay happy ending na. Minsan sa loob ng pagsasama, maraming hadlang, maraming pags...
13.6K 677 46
[Hasuela's Patrimony #1] 'Phelli Andra Valderama Hasuela' is the only daughter of a well-known doctor and a lawyer. She is an intelligent, humble an...
11.7K 1.1K 35
Vanessa Alvarez, the spoiled brat and the black sheep of her clan. She loves playing and teasing her college instructor, Gian. Bunga sa maitim niyang...
110K 3.7K 29
Profession or love? Ano nga ba ang matimbang sa dalawang iyan? Kapag ba pinili mo ang propesyon, magiging masaya ba ang puso mo? O, kapag pinili ang...