Zombie Apocalypse✔

By DarrenChen858950

3.8K 177 8

The Zombies... Are coming! Sa gitna ng pandemyang kumakalat at pinoproblema ng mundo, Ang Zombies. Sa gitna n... More

--
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Notes

Epilogue

196 10 0
By DarrenChen858950

A/N: Thank you po sa pagbabasaaaaa!!! Muah!

••

Bella's P.O.V.

"Nakita niyo ba si Klarence?" tanong ko sa mga kasamahan ko na nakikipagyakapan na sa mga kamag-anak at kakilala nila.

"Ate Bella, Asan na si Kuya?" tanong ni Ben na akay-akay ko.


Kanina ko pa siyang hinahanap kasabay ng paghanap ko sa pamilya ko. Binabalot na ako ng kaba na baka hindi sila naging normal.

"Hindi ko pa napapansin eh." Sabi ani Zach na nagmamasid na din.

Napatingin ako kay Ben nang kalasin niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Taka ko siyang tiningnan.


"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"I need to pee." Sabi nito.

"Sige, Magpasama ka na lang sa kuya Zach mo. Hahanapin ko pa ang pamilya ko tsaka ang kuya mo." Sabi ko dito at tumango naman siya.

Pumunta siya kay Zach. Busy si Caleb sa pakikipag-usap sa mga pulis at sundalo habang nakaakbay sa isang babae.

Ang aga naman niyan Caleb...


"Tsk, Asan na ba kayo?" wala sa sarili kong tanong.

Nahagip ng mga mata ko ang mga pamilyang nag-iiyakan. Siguro ay ngangayon na lang ulit sila nagsama-sama. Tss... Gusto ko na ding makipagyakapan alam niyo ba yun?

"Ba't naman wala pa siya?" tanong ko sa sarili ko na parang baliw.

Ilang tao na ang nababangga ko dahil kanina pa akong hanap ng hanap. Hindi man lang ba siya nag-abala na hanapin ako. God! Magtatampo na ako. Biro lang.


"Bella?" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. "Bella, Anak!" sigaw ni mama saka ako niyakap.

Ganun din ang ginawa ng mga kapatid ko pati ni papa. Sa wakas ay nakita ko na silang muli. Ang tagal ko din silang na-miss. Sulit talaga ang paghihirap na naranasan ko.

"Na-miss ko kayo." saad ko habang yakap sila.

"Proud na proud kami sa'yo,nak." sabi ni papa bago kumalas sa pagkakayakap sa akin.


I gave him smile saka muling tumingin kung saan-saan. "Sino ba ang hinahanap mo, anak?" tanong ni papa nang mapansing hindi ako mapakali.

"Kasi po uhm, May hinahanap po akong ano... Kaibigan." sabi ko.


Nagtatakang tumingin sa akin si mama. "Ba't parang pansin namin... Hindi lang ito simpleng kaibigan." sabi nito sa akin habang tinataas-baba ang kilay.

"Ang totoo po kasi niyan ano... Uh-"


"Boyfriend niya po ako tita." napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Halos mabaliw ako nang mapagtanto kung sino ito. Medyo madumi pa ang damit niya at hawak-hawak sa kamay ang makulit niyang anak.


"Nice to meet you po tita, tito." sabi nito sabay lahad ng kamay sa mga magulang ko.

Bwisit talaga itong lalaking ito. Parang hindi cold magsalita minsan. Sobrang sweet niya ngayon, nakakainis. Mas lalo akong nafa-fall sa kaniya.

"At sinong may sabing boyfriend kita?" mataray kong tanong sa kaniya.

Tinawanan niya ako. "See? Napaka-unromantic po ng anak niyo, tita." sumbong niti sa mga magulang ko kaya hinampas ko na.

"Ang bayolente pa... Roar."


Nagtawanan sila habang tinitingnan ang mga tao sa paligid. Ang dami na nga namang nangyari sa mundo at mabuti na lamang ay napagtagumpayan namin ito.


"Si Dr.Wilson? Anong balita sa kaniya?" tanong ko kay Klarence na nakaakbay sa akin ngayon.

"Ayun oh..." sabay turo niya kay Dr. Wilson na inaaresto na ngayon ng mga pulis. "Kinakarma na. Umpisa pa lang 'yan." Sabi pa niya.

Napatingin kami kina Lukas at Dan na ngayon ay pinipingot ng isang matandang babae.

"Hindi niyo buburahin iyang litrato na iyan? Kapag hindi niyo iyan binura, ibabagsak ko kayo sa subject ko." Banta pa nito.

--

"Kain na kayo!" sigaw ni mama mula sa kusina.


Andito lahat ng mga kaibigan ko sa bahay namin. Mahigit ilang buwan na din simula nung mangyari ang lahat ng iyon. Hanggang sa kamatayan ko siguro ay dadalhin ko 'yun kasi once in a blue moon lang iyon ano.


Pero sana, huwag na din iyong maulit.

"Tawag na tayo ni mama." saad ni Klarence sabay akbay sa akin.

Hinampas ko ang braso niya na nakaakbay sa akin. "Mama ka diyan."

"Bakit? Diba dapat mama naman talaga yung tawag ko? Mama mo siya tapos... Mama ko din siya." sabi niya saka humalakhak.

Pati halakhak niya, gusto ko na din.


"YES! KAINAN NA!" maligayang saad ni Lukas habang hawak-hawak ang kutasara't tinidor.

Ayan, diyan kayo magaling. Sa pagkain.

"Caleb, sino nga pala 'yung kaakbayan mo nung isang araw?" tanong ko sa kaniya habang kumukuha ng kanin.


Napatingin siya sa akin saka nagsalita. "Huh? P-Pinsan ko lang yun!" sabi niya saka sumubo ng pagkain.

"Pinsan tapos may paakbay?" si Dan.

"Oo nga naman." si Aiden habang pinaglalagay ng tubig sa baso si Fiona.

"Thank You." nakangiting saad ni Fiona sa kaniya.

"Syempre, sweet ako eh." saad ni Caleb.


Ow?


"Kayo? Kailan kayo magkakajowa?" mapanlarong tiningnan ni mama ang mga kaibigan ko.

"Ikaw Zach?" tanong ni mama sa kumakaing si Zach.

"Uh... Siguro po kapag naging doctor na ako?" sambit nito.


Sa tingin ko, kapag naging doktor itong si Zach, siguradong wala itong pahinga. Sobrang daming tao ang magpapagamot dito. Sino nga namang hindi magpapagamot dito eh ang gwapo gwapo nito.


"Ang sarap po ng afritada tita!" masayang saad ni Lukas.

Tinawanan siya ni mama. "Menudo iyan iho." sabi niya.

"M-Menudo po ito?"

"Oo, menudo iyan."

"Ayan kasi, ang takaw." parinig ni Aiden kay Lukas.


Masaya kaming kumain. Unti-unti na ding nakakabangon ang bansa sa ngayon. Sobrang dami na ding pagbabago. Madalas na wala si Caleb dahil masyado siyang busy sa pakikipag-ugnayan sa gobyerno.


Magiging successful itong isang ito, i swear.

"Paano ba iyan, uuwi na kayo." sabi ko kay Klarence.

Lahat ng kasamahan niya ay nasa loob na ng sasakyan niya. Sasakyan pa lang niya, nakakapanghina na. Siya ang magmamaneho nito.

"Bakit? Mami-miss mo ako?" mapanuya nitong tanong sa akin.


Oo.

"Hindi," pagtanggi ko.

"Talaga?"

Hinarap ko siya. "Oo, hindi kita mami-miss."

Charot.

"Okay lang, hindi din naman kita mami-miss."


Aba!at talaga nga namang hinahamon ako ng isang ito ah. Akala niya ata ay magpapatalo ako.

"Niloloko mo ba ako?" tanong ko sa kaniya.

Nginisian naman niya ako. "Ako nga ata itong niloloko mo." sabi pa nito.

What the heck?

"H-hindi noh!"


"Eh bakit ka nauutal?" diretso at mapanuri niyang tiningnan ang mga mata ko.

Shit! Mga titig pa lang niya ay gumuguho na ang buong sistema ko. Hayop Klarence. Ang sarap mong iuwi!

Sasagutin ko sana siya nang bigla na lang may narinig kaming kantsyawan mula sa sasakyan niya.

"Hoy! Ano? Aalis pa ba tayo?" si Lukas.


"Jusko, baka abutin tayo ng hatinggabi dito." si Dan.

"Magde-date la kami ni bebe lalabs Fiona ko--ARAY!" daing ni Aiden nang hampasin siya ni Fiona.

"Anong date? Sapakin kaya kita?"


"Bilisan niyo, gagabi na." si Zach.


Napatingin ako kay Klarence na seryoso ang tingin sa mga kaibigan niya pero hindi siyapinapansin ng mga ito. Halatang gusto na niyang sugurin ang mga ito pero hinawakan ko ang kamay niya.


"Sige na, gagabihin kayo sa daan." sabi ko sa kaniya.

Hinalikan niya ang noo ko. "Sa Maynila ka na lang din kasi mag-aral." sabi niya pero tinawanan ko lang siya.

"Gago, dito muna." sabi ko.

Napahinga siya ng malalim sa sinabi ko. "Hindi pa ako nakakaalis, pakiramdam ko ulilang-ulila ako."

Tinawanan ko siya. Tsk, ako din HAHAHAHA.


"Baliw."

"Seryoso ako, Bella."

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Umuwi na kayo, gagabihin kayo sa daan, sige ka."

"Zombie nga nalabanan ko, tapos tatakutin mo ako sa dilim? Ano ako, ulol?"

Gago lang, gago. Joke!


"Sige na, uuwi na kami. Sigurado ka bang gusto mo na kaming pauwiin? Sabihin mo lang, bukas na kami uuwi."

Hinampas ko siya. "May Ben pang naghihintay sa'yo! Yung anak mo, asikasuhin mo at... Ibibigay mo sa kaniya yung regalo ko huh!"

Ibinili ko siya ng laruang robot. Sana, magustuhan niya.

"Tss.. Oo na, Aalis na ako. Asan ang goodbye kiss ko?" sabi nito saka ngumuso.

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Bakit sa pisngi?!" reklamo niya.

"Kiss din naman yun." inirapan niya ako.

Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko. Naisahan ako ng gago.

"I love you. Uuwi na kami."

"Bye. I love you too."


Pinanood ko ang kotse niyang umalis hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Sa wakas, wala nang zombie, nakakulong na si Dr. Wilson at okay na ang lahat. I have the best gem in earth,


Si Klarence at ang pamilya ko.


Sino nga namang mag-iimagine na sa isang zombie apocalypse mabubuo ang pagmamahalan namin ni Klarence. Well, wala tayong magagawa. That's Love, walang pinipili.

-The End-

Continue Reading

You'll Also Like

110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
7.9K 386 48
Shana Leigh Herondale is a typical 17- year old girl living with her Aunt. But her normal life will change after meeting the transferees and receivi...
471K 29.9K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
2.8K 199 8
#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all y...