Zombie Apocalypse✔

By DarrenChen858950

4.5K 192 8

The Zombies... Are coming! Sa gitna ng pandemyang kumakalat at pinoproblema ng mundo, Ang Zombies. Sa gitna n... More

--
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Epilogue
Notes

Chapter 19

132 7 0
By DarrenChen858950

••

Bella's POV

"Ang mga armas!" sigaw ni Klarence sa mga kasamahan niya.

"Klarence, Ang sugat mo." Sabi ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako.

"Maayos na ako." Sabi niya bago ako halikan sa noo. "Dito lang kayo sa loob, Huwag kayong lalabas." Sabi nito sa amin.


Pipigilan ko pa sana siya nang harangin ako nina Lukas at Fiona. "Huwag ka nang sumunod dun Bella. Mapapahamak ka lang!" sabi ni Lukas sa akin.

"P-Pero si Klarence." Sabi ko.


Kinakabahan na ako sa mga nangyayari. Hindi basta-bastang kalaban si Dr. Wilson. Baka kung mapaano sila. Iba ang pakiramdam ko ngayon. Ganito din ang pakiramdam ko nung huli kaming nagkita ng pamilya ko.


"Hayaan mo na sila, Bella. Kaya na nila yun." Sabi ni Fiona.

"Kuya!" umiiyak na sambit ni Ben kaya agad ko siyang binuhat at umupo kami sa sala.

"Shh..." pagpapatahan ko kay Ben.

"Ate Bella, Si Kuya..."


Kinuha ni Lukas at Fiona ang mga armas nila kaya ganun din ako. Naiwan kami ni Ben na nakaupo sa sofa at silang dalawa ay nakabantay sa may pintuan, Hawak-hawak ang mga armas nila.


"Walanghiya ka talaga Wilson!" pakinig naming sigaw ni Zach mula sa labas.

Narinig na naman namin ang mala-dimonyong tawa ni Dr. Wilson. Hindi talaga siya napapagod sa kagagawa ng masama. Napakawalang puso naman talaga niyang si Dr. Rewil Wilson.

"C'mon Zach, Bakit ba hindi niyo na lang ibigay sa akin ang formula para tapos na ang usapin nating ito?" saad nito.


Ini-imagine ko ang itsura ngayon ni Klarence. Siguradong namumula na ito sa galit dahil sa mga sinasabi ni Dr. Wilson sa kanila.

"At bakit naman namin ibibigay sa'yo? At ano? Gagamitin mo na naman sa masama? Napaka-walang puso mo talaga. Tao ka pa ba?" si Aiden.

Ilang putok ng baril pa ang narinig namin kaya napaiyak na din ako.

"AIDEN!" sigaw ni Fiona.


Akmang susugod siya sa labas pero pinigilan siya ni Lukas.

"Fiona! Delikado." Madiin nitong saad.

Sinilip namin si Aiden at may tama ito sa kabilang binti.

"Hinding-hindi namin ibibigay sa'yo ang formula Wilson! Mamamatay muna kami!" saad ni Dan dahilan para ikahalakhak ni Dr. Rewil.


"Oh sige, Sabi niyo eh." Akmang magpapaputok na naman ito nang maunahan siya ni Klarence.

Napatilapon sa kung saan ang baril ni Dr. Wilson. Natamaan ni Klarence ang baril kaya medyo ininda niya ang pagkakabaril ni Klarence sa kaniya.


"Ha. Ha! Akala niyo ba ay nag-iisa ako? Tandaan niyo, Halos buong mundo ay kakampi ko, Remember?"

Binalot ako ng kaba sa sinabi ni Dr. Wilson. Hindi kaya?

Napatingin kami sa paparating na mga zombies. Sobrang dami! As in, Napakadami nila. Baka hindi nila kayanin.

"Klarence!" sigaw ko nang hampasin siya ni Dr. Wilson ng dospordos sa binti.


Nabitawan niya ang baril kaya kinuha ni Dr. Wilson ang pagkakataon para agawin ito sa kaniya. Lahat ng baril ng kasamahan namin ay nakatutok kay Dr. Wilson pero ang baril na hawak ni Dr. Wilson ay nakatutok kay...


"BEN!" sabay-sabay naming sigaw.

Ang dali niyang nawala sa mga mata ko. Ni hindi ko napansing umalis siya. Pati si Lukas ay hindi makapaniwala na nandun na si Ben.

"Sige, Iputok niyo sa akin yan, Hindi ko hahayaang mabuhay itong batang ito!." Mas idiniin pa niya ang baril sa ulo ni Ben.


Umiiyak na ang bata pero parang wala lang sa kaniya yun. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko dahil naging pabaya ako. Hindi ko namalayan na wala na pala sa tabi ko si Ben.

"Subukan mo lang dahil baka makaharap mo si Kamatayan ngayon." Malamig na saad ni Klarence at tumayo na hindi man lang iniinda ang pagkakahampas sa kaniya ni Dr. Wilson.


Para na siyang sinaniban ng dimonyo dahil sa itsura niya. Ang mapupungay at nag-aalab na mga mata niya ay nakatingin kay Dr. Wilson. Ngayon ko lamang siya nakitang ganun. Nakakapanindig-balahibo.


"Oh! Finally Klarence. Lumabas din ang tunay na kulay mo." Natatawang saad ni Dr. Wilson.

Halatang tuwang-tuwa pa siya na makita si Klarence na ganun. Pero kung ako, Ayokong makitang magkaganiyan si Klarence.

"Pakawalan mo ang bata at tayo ang magharap!" hamon ni Klarence kay Dr. Wilson pero tinawanan lang siya nito kaya mas nainis siya dito.


Mabilis na nakuha ni Klarence ang baril ni Dan at pinatamaan ang hita ni Dr. Wilson kasunod ay ang braso nito kaya nabitawan na naman niya ang baril.

Nagtatakbo papunta sa akin si Ben kaya agad ko na siyang niyakap.

"Andiyan na ang mga zombies!" sigaw ko kaya agad silang nagtinginan sa paparating na mga zombies.

Napakadami. Sobra.


Tumawa na naman si Dr. Wilson na parang siya na ang nanalo.

"Hindi ako magpapatalo ng ganun ganun lang." Sinuntok siya ni Klarence pero naposasan niya agad ito. Parehas silang nakaposas. Hindi makakaalis dun si Klarence.

"Anong—"

"Kung mamamatay ako, Pwes mamamatay ka din!" sabi nito.

Binugbog ni Klarence si Dr. Wilson gamit ang kaliwang kamay niya pero hindi na iyon iniinda ni Dr. Wilson.


"Pumasok na kayo sa loob!" sigaw ni Klarence sa mga kasamahan niya.

Patuloy pa din sa pagbugbog si Klarence. Una nilang pinapasok si Aiden na may tama.

"Pero Klarence papano ka?" tanong ni Zach.

"Hayaan niyo na ako, Pumasok na kayo sa loob!" saad niya at saka hinila papalayo si Dr. Wilson.

"Klarence! Saan ka pupunta?" sigaw ko.


Pilit na isinasarado ni Caleb at Zach ang pinto pero nasira ang doorknob nito. Siguro ay dahil sa pagkakabaril dito ni Dr. Wilson kanina.


"Shit! Papunta dito sa atin ang zombies!" saad ni Lukas kaya napatingin kami don.


Nalaglag ang panga ko nang mapagtantong paparito nga sila sa amin. Pero sira ang doorknob! Papaano na ito. Hindi pa din kami ligtas. Pilit na nilalagay ng iba ang mga lamesa, upuan at kung ano-ano pa para harangan ang pintuan.


"Sobrang dami nun, Baka hindi kayanin." Si Lukas.

"Papaano si Klarence?!" tanong ko.


Walang nagsalita sa kanila hanggang sa mapahagulhol na lamang ako. Delikado siya. Mas delikado sjya kumpara sa amin dahil nasa labas siya.

Ngunit napatigil ang pag-iyak ko nang marinig ko ang boses ni Klarence sa mikropono.

Klarence...


"Protect them no matter what." Sabi nito.


Hindi! Kinukuha niya ang atensyon ng mga zombies para hindi dumiretso ang mga ito sa amin.

"KLARENCE!" sigaw ko.

Nakita niya ako at saka ako nginitian. Hindi, Sabihin niyong hindi. Umiiyak siya.

"Gawin niyo ang lahat para mahanap ang formula. Protektahan niyo sila dahil babalikan ko pa sila. Kayo ang mananagot sa akin kapag may nangyaring masama sa kanila." Paalala nito.

"Klarence..."


Napatungo ito at pinunasan ang mga takas na butil ng luha sa mga mata niya.

"Please, I'm begging you. Protektahan niyo sila. Protect her and..." tumingin siya sa direksiyon namin.

"My son..."


Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Anak niya si Ben? Kaya pala ganun na lang niya ituring ito. Anak pala niya ito.

"I love you both. Papayag na akong i-test niyo si Ben para sa formula." Sabi nito.

Napatingin ako sa direksyon ng mga zombies. Malapit na sila.

Kinuha ni Klarence ang gitara sa tabi niya at saka nakangiting tumingin sa akin. Sinimulan niyang i-strum ito na siyang nagpatayo ng balahibo ko.


Isang ngiti mo pa lang

Ako ay para bang nahihibang

Sa mga yakap mong walang kasing tamis

Hinding-hindi pagpapalit


He's singing my favorite song...


Napaibig mo akong napakabilis

Kahit kailan naman, 'di kita matitiis

Unang kita ko pa lang sa'yo ohhh

Nabihag mo agad itong puso ko


Shit! Papalapit na sila.

"KLARENCE NO!" sigaw ko.


Sa iyong mga halik

Sa iyong mga pisngi

Dumadampi ang labi na walang kasing tamis

Sa init ng yakap mo

Natutunaw ang puso ko

'Di ba Halata na ako'y adik na sa'yo? Ohhh


Patagal ng patagal ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako. Sabihin niyong mali ang iniisip ko! Na ipapain niya ang sarili niya para mailigtas kami!


Daig mo pa ang buwan,

Sa pag-ilaw sa gabi

Daig mo pa si Darna,

Sa lakas ng iyong dating

Daig mo pa ang hanging dulot ng bagyo

At ang pana ni kupido

Sa sobrang lakas

Ng tama ko sa'yo


"I Love You." He whispered before closing his eyes.

Nangyari na ang isa sa mga kinatatakutan ko...

Nakuha na ng mga zombies ang isa sa taong mahal ko. 

••

Continue Reading

You'll Also Like

6.4M 275K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
11K 441 52
For once, we all thought that life was given to us because of one reason, to reproduce. We reproduce. Almost all country has millions of people and i...
43.2K 1.7K 56
-time skip- After 5 years, the sinners are back. Book cover: Pinterest (ctto)
23.2K 995 55
Zenaya Smith is the daughter of the high - end people, Dr. Alexia Smith and Dr. Leon Smith. Her parents owned lots of business around the world, and...