Battle of the Past (Seule Fil...

By 4rtserenery

123K 6.6K 1.7K

SEULE FILLE SERIES #01 [ COMPLETED : UNDEDITED ] Battle of the Past - a woman who has experienced trauma and... More

Battle of the Past
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Note

Chapter 7

2.4K 143 45
By 4rtserenery

Author's Note: Sa susunod mag aaral ako kung paano mag basketball HAHAHAHAHAHAHAHAH tsaka kung pano gumawa ng action scene bwahahahaxd. Update for you'll. Sorry sa mga typo, wrong grammar and spelling kung meron man! Feel free to correct me po! Highly appreciated<3.

Happy 1k reads and 140 votes! Huhuhu, hindi ko expected na aabot sa 1k yung reads lol. Silent reader(s) or not, still thank you so muchhh serenenities!:>

FAYE

Nandito kami ni Trace at Ethan sa gymnasium kasama namin sila Amelia, Stacey at Ellaine, lunch time namin ngayon at hindi ko alam kung bakit nandito kami ngayon sa gymnasium.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanila, nagtataka.

"Hindi namin alam. Bakit nga ba tayo nandito?" Tanong ni Ethan kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Sinundan ko lang kayo e!" Inis na wika ko. Binalingan ko ng tingin yung tatlo, "Kayo? Anong ginagawa niyo dito?"

"Hindi rin namin alam. Nakita namin kayong tatlo kaya pumunta kami dito." Sagot ni Amelia.

Putangina.

Sumimangot ako at inilibot ang tingin sa kabuuan nang gymnasium, walang masyadong tao kaunti lang. Nahagip ng mga mata ko ang mga hunghang na mga nakaupo.

Napatingin ako sa mga bola ng basketball na mga nasa gilid.

Pumunta ako sa mga bola at kumuha ng isa, tiningnan ko yung bola at ang tinatayuan ko tapos napunta ang tingin ko sa ring sa hindi kalayuan.

Kung itatanong niyo kung saan ako nakatayo, sa gilid lang kung saan ko nakita yung mga bola ng basketball.

"Faye, i-shoot mo!" Sigaw ni Ellaine.

"Gaga, ang layo ng ring oh!" Sigaw sa kaniya ni Amelia.

Napatingin ako kay Stacey nang marinig kong magsalita siya, "Wala ba kayong tiwala kay Faye?" Rinig kong tanong niya at nakangising nilingon ako.

Napatingin ako kay Ethan at Trace na parehong nakatingin sa'kin.

"Fayeeeee! Kapag na-shoot mo yung bola sa ring, ililibre mo ako!" Sigaw niya habang malaki ang ngiti sa'kin.

Bakit parang baliktad?

Napunta ang tingin ko sa mga hunghang ng may sumigaw, si Ryuu, "Hindi niya masho-shoot 'yan! Nasa gilid siya at ang layo ng ring!" Sigaw niya at ngumisi sa'kin.

Hindi ko siya pinansin at tiningnan ulit ang kinatatayuan ko at ang ring, pakatapos tumingin ako sa bola na hawak ko.

Tumalikod ako.

"Hoy anong gagawin mo?! Isho-shoot mo 'yan habang nakatalikod?! Hindi mo kayang gawi-" Rinig ko sigaw ni Ryuu pero napatigil siya ng ihagis ko ang bola nang patalikod.

Kita ko ang gulat sa mukha niya at nanlalaki ang matang tumingin sa'kin.

Humarap ako at nakita ko ang bola na paikot ikot sa gilid ng ring at pumasok, narinig ko ang pag talbog ng bola.

Napangiti ako, "Bullseye."

Nakarinig ako ng singhapan, kaya nilibot ko ang paningin ko at napangiwi ng makitang madami palang nanonood sa'kin.

"Paano niya nagawa 'yon?"

"Tangina pre inlove na ako."

"Holy Mine!"

"Na-shoot niya yung bola nang nakatalikod!"

"Oh my ghad!"

Napatingin ako sa tumatakbong Ethan papunta sa'kin at malaki ang ngiti, pero nanlaki ang mata ko nung madapa siya.

Shunga.

Mabilis siyang tumayo at tumatakbong lumapit sa'kin ng nakangiti na parang walang nangyari.

"Yehey! Na-shoot niya yung bola! Ililibre niya ako!" Sigaw niya at tumalon talon.

Nalukot ang mukha ko, abuso naman ang isang 'to.

"Ililibre mo kami?" Tanong ni Ellaine pagka-lapit nila sa'kin.

"At sinong may sabi na ililibre ko kayo?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"Ay hindi ba?" Tanong ni Amelia.

Umirap ako, "Sige na nga. Libre ko na kayo, tig pi-piso kayo ha, bili kayong candy."

Tiningnan ako ng masama ng tatlo, si Amelia, Ellaine at Ethan na sobrang sama ng tingin kaya natawa ako, "Joke lang. Oo, ililibre ko na kayo."

Napa 'Yes' naman yung dalawa, at si Ethan naman nagsimula na ulit tumalon habang may malaking ngiti sa kaniyang labi.

Napatingin ako sa mga hunghang na lumapit sa'min kaya tumaas ang kilay ko.

Pumunta sa harap ko si Sebastian at Kleon habang nakangiti, "Hi Faye." Sabay silang bumating dalawa.

Mukhang alam ko na.

"Pangit niyong dalawa gumanap. Bakit? Papalibre rin kayo?" Tanong ko.

Lumaki ang ngiti nilang dalawa, "Pwede ba?" Si Sebastian.

"Hindi." Wika ko.

Narinig ko ang tawa ni Ethan, "Bawal daw! HAHAHAHAHAHAHA alis!" Aniya habang tawa ng tawa.

"Joke lang, pwede." Sambit ko na nakapag patigil sa kasiyahan ni Ethan, lumiwanag naman mukha nung dalawa.

Bumaling si Sebastian kay Ethan na nakasimangot, "Pwede daw! HAHAHAHAHAHAHA tangina mo!" Wika ni Sebastian habang tawa sila ng tawa ni Kleon.

Akala ko pa naman matino ang dalawang gagong 'to.

"Ano 'yon chamba?" Nakangising tanong ni Kai sa'kin.

Ngumisi din ako pabalik, "Hindi. Aminin mo nalang kasing humanga ka sa'kin."

Yabang.

Nalukot ang mukha niya pero dahil pinaglihi siya sa sama ng loob, hindi siya magpapatalo, "Why should I admire you? If there is nothing wonderful to admire you," Walang emosyong aniya, "To someone like you? Nah, never. You're nothing but a piece of shit."

Kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya, "What did you say?"

Matiim niya akong tiningnan bago natawa ng bahagya, "Are you deaf? Ang sabi ko-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang sinapak ko siya na kina-atras niya at muntik na niyang kinatumba.

"Hala Kai, dumudugo ilong mo!" Nanlalaking matang sambit ni Ryuu.

Nakarinig ako ng singhapan dahil sa ginawa ko. Tiningnan ko si Kai na hawak ang ilong niyang dumudugo.

"Fuck!" Sambit ni Kai.

Sayang yung ilong niya,matangos pa naman.

Naka alalay sa kaniya si Chase at ang ibang hunghang, napatingin ako kay Chase na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

Tumingin ako sa paligid napalibutan na kami ng ibang mga chismosa at chismoso, napatingin ako kay Ethan at Trace na parehong nakaawang ang bibig.

Ngumuso ako at tumingin kila Stacey na pailing iling.

Bumalik ang tingin ko sa harapan, kay Kairus. Sobrang sama ng tingin niya sa'kin kaya sinamaan ko din siya ng tingin.

"Oh? Ano?!" Sabi ko sa kaniya.

"We are not done yet." Seryosong aniya habang nakatingin sa'kin.

Boring ko siyang tiningnan, "We really aren't done yet." Sambit ko at naunang umalis sa loob ng gymnasium.

Ano akala niya sa'kin? Hindi ko siya papatulan?!

Mapango sana siya!

***

"Faye..."

"Bakit?" Takang tanong ko kay Ethan.

Papauwi na kasi kaming dalawa galing mall dahil nga nag palibre at doon ako dinala. Hindi na nakasama yung pito dahil may gagawin daw pala sila na pabor naman sa'kin.

"May sumusunod sa'tin." Wika niya at kumapit sa kanang braso ko.

"Alam ko." Humigpit ang pagkakapit niya sa'kin dahil sa sinabi ko.

"Paano kung kidnappin tayo? Tapos ibebente nila yung kidney natin? Yung lamang loob? Hala Faye, gusto ko pang mabuhay! Hindi ko pa nahahanap ang babaeng papakasalan ko! Yung makakasama ko pagtanda, yung magiging ina ng mga anak ko. Tsaka wala pa akong first kiss!" Pagiinarte niya.

"Shunga, para kang bakla," Nakasimangot na sambit ko, "And if we are kidnapped, I will give you. I will give you to them wholeheartedly and without hesitation." I smiled sweetly at him.

Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko, "Grabe ka ha! Bata pa po ako! At tsaka hindi ako bakla, si Kio 'yon-ay Kia pala!" Pagma-maktol niya.

"Sinong Kio?" Tanong ko.

Tumgil siya sa pagma-maktol at tumingin sa'kin, "Classmate natin. H'wag mong tatawagin Kio 'yon, baka sampalin at sabunutan ka." Ngumuso siya.

Cute.

Napatigil kami sa paglalakad nang may nagtutok sa'min ng baril, nagkatinginan kaming dalawa.

Napasimangot ako at tiningnan ang sampong mga jejemon na pinalibutan kaming dalawa, nagkatinginan ulit kaming dalawa ni Ethan.

"Ano ba dapat ang itawag kay Kio?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa lalaking nasa harap ko at may hawak na baril.

"Kia." Humagikgik siya kaya napahagikgik din ako.

"Ethan, ang pangit ng nasa harap ko." Nakangusong wika ko.

"Sa'kin din, ang pangit. Mukhang unyango." Humagikgik siya.

Tumawa kaming dalawa ni Ethan at rinig ko ang tawanan ng sampong lalaking nakapalibot sa'min. Nakita ko kung paano magsalubong ang kilay ng dalawang nasa harap namin na may hawak ng baril, na hanggang ngayon nakatutok pa rin sa'min.

"Tumahimik kayo!" Galit sambit nung nasa harap ko kaya natahimik sila at napatigil din kami sa tawanan namin ni Ethan.

Kj naman ng dalawang 'to.

"Ay Faye, may naririnig ka?" Inosenteng tanong ni Ethan sa'kin.

Inosente ko rin siyang tiningnan, "Huh? Naririnig? Wala naman. Bakit?"

"May narinig ako, ang sabi 'Tumahimik kayo' baka may multo dito!" Nanlalaking matang aniya kaya nanlaki din ang mga mata ko.

Pagsasa-salita sana ako kaso nagpaputok ng baril yung dalawang nasa harapan namin kaya natikom ang bibig naming dalawa ni Ethan at bahagyang humagikgik.

"Tapos na ba kayong mag usap?" Gigil na tanong sa'min nung kaharap ni Ethan na unyango.

Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay, "Ay hindi pa. Kaya h'wag muna kayong sumabat at sumingit sa usapan naming dalawa, pwede?"

Sumang ayon si Ethan, "Oo nga! Bastos, kita niyong nagu-usap kaming dalawa ng ate ko tapos sisingit kayong mga unyango kayo?!" Kunwaring galit na sabi ni Ethan.

"Tama. Tama." Tumango tango ako.

Aktong sasapakin nung lalaking unyango si Ethan nang sapuhin ko ang kamao niya.

Matiim ko siyang tiningnan, "Subukan mong saktan ang kapatid ko, sisiguradin kong mang hihiram ka ng mukha sa mga kalahi mong unyango." Banta ko.

"Sugod!" Sigaw nung lalaking nasa harapan ko kanina, yung pangit na maitim.

Nagtinginan kami ni Ethan at nagtanguan.

Binitawan ko ang kamao nung lalaking unyango at sinapak siya sa mukha, at sinipa na kinatumba niya.

Inilagan ko ang suntok nung isang sumugod sa'kin. Aktong sisipain niya ako nang mahawakan ko ang paa niya na kinalaki nang mga mata niya, ngumisi ako at hinala ang paa niya na mas lalong kinalaki ng mata niya.

Ramdam ko ang presensya ng tao sa likod ko, paniguradong may ipapalo sa'kin 'to. Tumingin ako sa lalaking hawak ko ang paa, nakangisi siya sa'kin kaya ngumisi ako ng pabalik.

"Faye!" Rinig ko ang sigaw ni Ethan.

Umikot ako at pumunta sa kaliwa para hindi mapalo, kaya imbis na ako ang mapalo ng hawak nung lalaki na tubo, yung lalaking hawak ko sa paa ang napalo.

Tangina mo ha.

Binitawan ko yung paa ng lalaki, nakatulog na. Napahagikgik ako.

Nahawakan ko yung tubo na ipapalo sa'kin, sinipa ko yung lalaking may hawak kaya nabitawan niya. Umikot ako papuntang likod niya at siya ang hinampas ko ng tubo.

Bagsak.

Sunod sunod kong pinatumba ang mga sumusugod sa'kin.

Nang wala na akong naramdaman at nakitang sumusugod sa'kin, tumingin ako kay Ethan na kakatapos lang patumbahin yung isang kaharap niya.

Tumingin siya sa'kin at tumakbo papunta sa'kin, muntik pa siyang madapa.

Shunga talaga.

"Dumudugo yung leeg at balikat mo, pati yung noo mo oh." Nag aalalang wika niya pero sinabi ko okay lang ako.

Tinutok nga pala sa'kin nung isang lalaki yung kutsilyo niya sa leeg ko at sinagutan, nakapulupot nga pala ang braso niya sa leeg ko kanina. At yung tungkol naman sa balikat ko, hinagis ako kanina at napalo sa balikat. At yung noo ko naman, tinulak ako at nauntog sa pader.

May pader kasi dito, buti na nga lang walang masyadong dumadaan na tao dito.

"May sugat ka sa braso." Sabi ko kay Ethan at tinuro ang braso niya.

Napasimangot siya, "Nadaplisan lang naman ako."

"Babalikan namin kayo, lalo kana babae." Napalingon kaming dalawa ni Ethan sa dalawang lalaking nanutok ng baril sa'ming dalawa kanina.

"Hintayin ko kayo." Nakangiting sabi ko.

Ngumisi sila at tumalikod pero bago sila tuluyang umalis nagsalita ako.

"Hoy! H'wag niyong sabihin na iiwan niyo ang mga 'to?" Natatawang tanong ko.

Humarap sila at tiningnan ako ng masama bago lumapit sa mga tauhan nila at pagsi-sipain para magising.

Nagising agad ah. Yung iba tiningnan muna kaming dalawa ni Ethan nang masama, kaya nagtinginan kami at bahagyang humagikgik.

Napa aray ako dahil kumirot ang balikat ko. May sugat na naman ako.

Aktong aalis na sila nang magsalita ulit ako.

"Ano na naman?!" Sigaw sa'kin nung lalaking unyango na kaharap ni Ethan kanina, yung may baril.

"Kailangang sigawan ako? Grabe ka ha!" Tiningnan ko siya ng masama.

"Ayan lang ang sasabihin mo?" Inis na tanong sa'kin nung lalaking lapastangan na sumugat sa leeg ko.

"Hoy hindi pa tayo tapos!" Sigaw naman sa'kin nung nag hagis sa'kin.

"Aba, talagang hindi pa gagong 'to. Sa susunod ikaw naman ihahagis ko, putangina mo!" Sigaw ko pabalik sa kaniya.

"Sinasayang mo oras namin." Sambit nung lalaking kaharap ko kanina, yung pangit na maitim.

Grabe talaga mang lait Faye Katherine.

"Ay kami rin, sinayang niyo oras namin." Tiningnan ko sila ng masama. "Sino leader niyo?"

"Bakit namin sasabihin sayo?" Nakangising tanong pabalik sa'kin nung lalaking unyango.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Kasi tinanong ko?"

Humalakhak si Ethan, "Tanga! Malamang tinanong kasi niya!" Tawa siya nang tawa.

"Sino leader niyo?" Inulit ko ang tanong ko.

"Paano kung hindi namin sabihin?" Sabat nung isa.

Binigyan ko sila nang boring na tingin, "Edi h'wag niyo sabihin, problema ba 'yon?"

Tiningnan nila ako ng masama at tumalikod. Bago sila tuluyang umalis nag salita ulit ako sa pangatlong pagkakataon.

"Sa susunod na babalikan niyo ako, at kung mag sasama kayong mga tauhan, yung malalakas ha? Paki sabi sa leader niyo, request ko."

Continue Reading

You'll Also Like

133K 260 17
Wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report One more thing you clicked on it girlypop this a SMUT book there's g...
170K 15.5K 30
"α€žα€°α€€ α€žα€°α€…α€­α€™α€Ία€Έα€™α€Ύ α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€α€¬..." "..............." "α€‘α€Ÿα€„α€Ία€Έ..α€„α€šα€Ία€žα€°α€„α€šα€Ία€α€»α€„α€Ία€Έα€œα€­α€―α€·α€•α€Όα€±α€¬α€›α€™α€œα€¬α€Έ..ထတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ α€‘α€α€”α€Ία€Έα€–α€±α€¬α€Ία€œα€­α€―α€· α€•α€Όα€±α€¬α€›α€™α€œα€¬α€Έ...α€’α€«α€™α€Ύα€™α€Ÿα€―α€α€Ί..α€›α€”α€Ία€žα€°α€α€½α€±α€œα€­α€―...
958K 11.8K 138
highest ranking: #7 in 'Dustin' & #1 in 'Duffer Brothers' Imagines ranging from the high end of the spectrum to the low :) REQUESTS: over NO SMUT...
157K 10K 40
WANNAN LABARI NE DA WASU BANGARE YA FARU A GASKE. BAN CANJA SHEKARUN YARINYAR BA KO ALAKA BA,AMMA NA CANJA SUNA, SANNAN BABU SUNAN GARI DA KUMA ANGU...