The Heiress (PUBLISHED UNDER...

By AleexJin

4.7M 107K 7.6K

Two kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafe... More

Prologue
The Heiress - Introduction
Chapter 1: The Seizure
Chapter 2: Zeira, The Heiress
Chapter 3: Ms. President and The New Kids. (Part 1)
Chapter 3: Ms. President and The New Kids (Part 2)
Chapter 4: Mysterious
Chapter 5: Viex Zaffre
Chapter 6: Weird things
Chapter 7: Mind Magic
Chapter 8: A Warning or A Threat?
Chapter 9: Vampire
Chapter 10: Out of Finelry High
Chapter 11: Illusions
Chapter 12: Forbidden place in Finelry High
Chapter 13: The Other World
Chapter 14: Magical House
Chapter 15: Marks of Power
Chapter 16: Different Races
Chapter 17: Leaders
Chapter 18: Fine Line
Chapter 19: The Main Portal
Chapter 20: Unexpected Guest
Chapter 21: Werewolf Thing (Part I)
Chapter 21: Werewolf Thing (Part 2)
Chapter 22: Heiress Zeira
Chapter 23: An Alistair
Chapter 24: Vampire's Bite
Chapter 25: Compulsion
Chapter 26: Beating Heart
Chapter 27: Misery In Every Mystery
Chapter 28: Odd Dream
A special day for special readers! <3
Chapter 29: The King is back!
Chapter 30: Sem-Ender Party (Part 1)
Chapter 32: The Start of Change
Chapter 33: Vampress
Chapter 34: Love and Lies
Chapter 35: Confession
Chapter 36: Signs
Chapter 37: Awaited Answers
Chapter 38: Letting Go
Chapter 39: Mystic Palace
Chapter 40: She Rules
Chapter 41: Slayer
Chapter 42: Sorcery Class
Chapter 43: Royal Dance
Chapter 44: Total Destruction
Chapter 45: Lost Invitation
Chapter 46: Wren Wolf's Blood
Chapter 47: Grand Blood Feast Celebration
Chapter 48: Book of Death
Chapter 49: Allies
Chapter 50: Fall of the Vampires
Epilogue
FAQs and Announcement

Chapter 31: Sem-Ender Party (Part 2)

53.6K 1.4K 165
By AleexJin

Chapter 31: Sem-Ender Party (Part 2)

6:50pm na natapos mag-ayos ng stage kaya nakapatay na halos lahat ng ilaw. Tanging mga ilaw lang yata ng mga food stalls ang meron kami dito sa likod ng crowd. Dito kami pumwesto ni Viex dahil masyadong siksikan sa harap. Kanya-kanya na rin kasing pwesto ang mga students habang nag-uusap-usap. Nasa backstage na rin yung mga wolves at nagre-ready para sa concert since 10minutes nalang ang meron sa kanila. Kinakabahan ako para sa kanila.

Since ten silang lahat, mahahati sa dalawang group ang tutugtog. Hindi ko lang alam kung paanong paghahati ang gagawin nila.

“Nasaan na kaya yung iba?” I asked, nonchalantly. Tumingin-tingin ako sa paligid ko para hanapin sila but unfortunately, wala akong nakita. Wala rin naman akong nakuhang sagot mula kay Viex. Well, Viex is Viex. May mga bagay talagang makakapagpasalita sa kanya at meron ding hindi.

Napangiti ako nang dahil sa naisip ko.

“Why?” Napabaling ang tingin ko kay Viex nang bigla siyang magsalita. Parang nawala bigla ng nasa isip ko nang dahil sa tingin niya sa’kin. My heart started to beat irregularly. Just what the heaven is happening to me? Dahil ba ‘to sa coldness ng mga mata niya? I hope so. This is weird.

“H-huh?” I asked. May sinabi ba ako sa kanya?

“Why are you smiling?” he asked again. Mukhang nagtataka siya pero parang ang saya pakinggan ng boses niya. Hindi ko alam. Baliw na ba ako? Kung anu-anong iniisip ko.

“Oh.” ‘yun lang ang tanging nasabi ko at saka umiwas ng tingin sa kanya. “Am I?” I asked more to myself pero nagulat ako nang sumagot pa rin siya.

“It’s alright. I like it.” Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya kaya napatingin ako ulit sa kanya. Baliw ba ‘tong lalaking ‘to? Mukha namang nagets niyang naguguluhan ako kaya nagsalita ulit siya. “Slowpoke. Are you really the top student?” he said jokingly. At ako pa talaga ang nilait? E siya itong hindi ko magets ang mga pinagsasabi.

I rolled my eyes at him. “Jerk.”

I heard him chuckled, again pero imbis na mainis ako, napangiti nalang rin ako. Geez, Viex. What are you doing with my emotions?

“Hello guys!” parehas kaming napatingin sa stage nang may magsalita mula doon. Si Mishie. May hawak siyang mic at placards na may nakaprint na logo ng Finelry sa likod. Nasa tabi niya si Nijel at parehas silang nakangiti habang nakatingin sa audience. Sila nga pala ang mga emcee ngayong gabi.

The crowd cheered back. Napangiti ako at napasabay rin sa sigawan nila. Mukhang magiging masaya ang gabing ito. Napatingin ako kay Viex sandali, pero nakatingin siya sa stage at seryoso lang ang mukha. Napailing ako at parang kusang lumapit ang mukha ko sa tenga niya.

“I like it when you smile.” I whispered pero may kalakasan rin ang bulong na ‘yun dahil na rin sa ingay ng paligid. I felt him froze so I stepped back. Napatingin siya sa’kin na parang gulat na gulat. Gusto kong matawa dahil sa reaksyon ng mukha niya. Bihira ko lang kasi siyang makitang ganito. Do I have the same effect on him like he has on me? I just show him my billion dollar smile. “Just for this night?”

Napailing siya tapos unti-unti siyang ngumiti. And geez! It felt like my whole existence has been blown away! I quickly shifted my gaze to the stage and gulped hard. Stupid, Zy!

“Pinapaalala lang namin na iisang band lang sila pero nahati sila sa dalawa.” She chuckled. “Weird name, it is. So yeah! Now, we’re proud to present to you, the first band na magpeperform!” Mishie said cheerfully.

“The Princess’ Wolves!” She and Nijel said in chorus. Pagkatapos nun, namatay ulit ang ilaw. Ilang Segundo lang ay bumukas ulit ito kasabay ng tilian at sigawan ng mga tao. Nandun na ang mga werewolves. Sila Exl, Riley, Valter, Ean at Sade pala ang first batch. Exl was the vocalist, Valter’s the bassist, Ean for the rhythm, Kay Riley naman ang keyboard while Sade got the drums.

Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako sa magiging performance nila. I’ve seen them play, but that’s only once. At wala pang kumakanta non.

“Viex, are you sure they can do this?” tanong ko kay Viex na may halong kaba. Tumingin siya sa’kin at ngumiti ng marahan.

He shrugged. “They said they won’t let you cry.” Kalmadong sagot niya sa’kin. Tumango ako.

“I trust them.” I whispered pero sapat na para marinig niya.

Tuloy pa rin ang sigawan ng lahat ng nanonood pero pare-parehas lang ang mga sinasabi nila. Na ang ga-gwapo ng mga members. Sana makapagpapicture sila after ng concert.

“Yo Finelry people!” mas lalo yatang umingay ang crowd nang magsalita si Exl. Natawa naman ako sa way ng pag-greet niya. “Ito ang unang beses na magpeperform kami sa public so please bear with us.” Nagbow pa siya tapos ngumiti. Ang cute niya tignan! Mukha kasing nahihiya siya. Pero mas lalo yata akong kinabahan sa sinabi niya. First time nilang magpeperform? “So this song is dedicated to the top student. Miss Zeira, please don’t ever cry.” Sincere na sabi niya at tumingin sa’kin. Bigla akong nahiya dahil nagtinginan bigla sa’kin yung mga students kaya nagthumbs up naman ako sa kanya at nagwink.

Nag-umpisa na silang tumugtog at aaminin kong, ang ga-gwapo nga nilang tignan sa stage.

I’ve been beaten down, I’ve been kicked around

But she takes it all for me

And I lost my faith, in my darkest days

But she makes me want to believe

 

 

Napanganga ako nang mapakinggan ang boses ni Exl. Woah. Just woah. Napakalamig ng boses niya na parang hindi siya galing sa ibang mundo. Memorized niya ang lyrics na parang araw-araw niya ‘yung napakikinggan. Parang hindi rin ito ang unang beses na nagperform sila dito sa mortal world. Ito ba ang pinagkakabusy-han nila sa nakalipas na ilang taon na bukas ang portal?

 

They call her love, love, love, love, love

They call her love, love, love, love, love

She is love and she is all I need

She’s all I need.

 

 

Maraming sumasabay sa kanta nila kaya mas lalong ginaganahan sila Exl. Hindi ko alam kung ano’ng kanta ‘yun pero ang ganda ng meaning nya kaya nakangiti lang ako buong performance nila. Nakakatuwa pa dahil puro masasayang kanta ang mga kinanta ni Exl. 8pm na nang matapos silang magperform. So ‘yung second batch naman.

Tumingin ako kay Viex at magaan pa rin ang expression ng mukha niya pero hindi na siya nakangiti katulad kanina. Tumitingin tingin ako sa kanya kanina habang nagpeperform sila Exl para alamin kung nag-eenjoy ba siya at natutuwa ako tuwing nakikita ko siyang nakangiti. I don’t know but I feel so happy when he is.

“So guys, have you enjoyed the first batch’s performance?” abot tenga rin ang ngiti ni Mishie nang tanungin niya ang crowd. And we all said yes, well except siguro sa katabi ko.

Mukha ring nagkaroon ng instant fans ang The Princess’ Wolves dahil sa mini concert na ‘to. Lalo na ang mga babae. The Princess’ Wolves. Napailing ako habang natatawa. Ngayon ko lang narealize na ‘yun pala ang ipinangalan nila sa banda nila.

“Why are you laughing?” Viex asked.

“Weird band name.” sagot ko kay Viex habang tumatawa. He chuckled. “‘Yun ba talaga pangalan ng band nila?”

“Yeah. They’ve never met you before when you were still in the palace. And when the war ended, they were so eager to meet you.” He explained. Napatango ako. Sa pagkakasabi sa’kin nila Yana dati, ang wolves ang pinakamasikreto sa lahat ng race sa Otherworld. Wala silang pinapanigan dati at hindi rin sila nakikihalubilo sa ibang welsh. They want to stay uninvolved as possible as they can. Pero inatake rin sila ng Vampires nang hindi sila pumayag na makisali sa war between Lairhart and Arunafeltz. Tanging silang ten lang ang nakaligtas sa mga werewolves sa otherworld.

They were so eager to meet me. Siguro, bukod kay Wren. He seems to hate me since the day we met.

Napatingin ako kay Viex nang may maisip ako bigla. Kumunot naman ang noo niya. “What is it?”

“Have we met before in the otherworld?” I asked him. Sa lahat ng nalaman ko tungkol sa mga kakaibang bagay na nakapaligid sa’kin, tungkol samin ni Viex ang wala akong idea. When he saved me from that tree at the back of the dormitories, he said something. He said that I was so stubborn as always. Does that mean na magkakilala na kami dati pa? Hindi ko alam kung sino sa mga kaibigan ko ngayon ang kaibigan ko na dati pa. I really have no idea about my days in the palace. “Magkaibigan ba tayo dati? What, Viex?” I asked again. So eager to hear the answer.

Mukhang nagulat siya sa biglang pagtatanong ko pero agad rin namang nakarecover. “Yes. We’ve met before. But we’re not friends.” He said then shifted his gaze from me to the stage.

Dahil ba ‘yun anak siya ng hari ng Arunafeltz? We’re not friends. I’m sure we’re more than enemies. Pero bakit ganito niya ako pakitunguhan ngayon? Bakit parang hindi magkaaway ang mga kingdom na pinanggalingan namin?

Magtatanong pa sana ako nang biglang may magsalita sa mic. Kusang nabaling ang atensyon ko sa taong ‘yun. Wren.

Nanlamig ang buong katawan ko nang makita kong nakatingin siya sa’kin. Pakiramdam ko rin, biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko ng ilang Segundo. Pero hindi gaya ng mga tingin na ibinibigay niya sa’in dati na parang punong-puno ng galit, iba ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya. And that is pain.

Naalala ko bigla yung panaginip ko tungkol sa kanya. Hindi na ‘yun nasundan dahil gaya nga ng sabi nila Viex, epekto lang yun ng sugat at dugo ni Roanna sa’kin. Pero hindi ko pa rin magets kung bakit siya nandun. Hindi ko alam at hindi ko gustong malaman. Pakiramdam ko, kapag nalaman ko ang ibig sabihin ng bagay na ‘yun, guguho nalang bigla ang mundo ko. At ayokong mafeel ang bagay na ‘yun. Ayoko.

Akala ko, iiwas siya ng tingin sa’kin sa oras na tumugtog siya pero hindi. Nakapako lang ang tingin niya sa’kin na parang mawawala ako kapag umiwas siya. Why are you like that, Wren? We’ve never met before. We don’t have a past. Bakit galit ka sa’kin? Bakit ang labo mo?

Nag-umpisa na siyang magstrum sa gitara at parang bigla akong nagising mula sa isang panaginip. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil na-a-awkward-an na ako. Ano bang nasa isip ko? Geez!

Should've kissed you there 
I should've held your face 
I should've watched those eyes 
Instead of run in place 

Ngayon lang yata nagprocess ng maayos ang utak ko kaya ngayon ko lang napansin na naggigitara rin siya. Kasama niya sila Eight na nagdu-drums, Winston as bassist, Oliah as the pianist and Leifer for the rhythm guitar.

I should’ve called you out,

I should’ve said your name,

I should’ve turned around,

I should’ve looked again.

 

 

Napatingin ulit ako sa kanya. Bakit ganito? Pakiramdam ko, nasasaktan ako sa kinakanta niya? Ganun ba siya kagaling at ganito ako kaapektado?

But oh, I’m staring at the mess I made,

I’m staring at the mess I made,

I’m staring at the mess I made,

As you turn, you take my heart and walk away.

 

 

Hindi ko alam kung bakit ganito at parang gusto ko nalang umiyak at magwalk out. Pero gusto ko siyang lapitan sa stage at yakapin. At bakit ko naman gagawin ‘yun? Baliw ba ako? I shook my head in my mind. No, Zy. Bakit ka naman mababaliw? Unless ginagamitan ka niya ng spell na pwedeng makapagpabaliw sa’yo diba?

Should’ve held my ground

I could’ve been redeemed

For every second chance

That changed its mine on me

I should’ve spoken up

I should’ve proudly claimed

That oh my head’s to blame

For all my heart’s mistake

 

 

Nagulat nalang ako nang biglang may kumawalang luha sa mata ko pero mabilis ko rin iyong pinunasan. Normal lang to, Zy. Napatingin ako sa crowd. Tahimik lang rin silang lahat at parang dinadama rin nila yung bawat lines sa kanta ni Wren. So baka dahil nga sa kanta kaya ako nagkakaganito. Tama, Zy. Hwag kang umiyak! I wiped my tears away, again. I’m so stupid for crying over a song.

But oh, I’m staring at the mess I made,

I’m staring at the mess I made,

I’m staring at the mess I made,

As you turn, you take my heart and walk away.

“Hey. Are you crying?” napatingala ako nang biglang magtanong si Viex. Umiling ako.

“It’s nothing. I’m just overreacting.” I said then faked a laugh. Great, Zeira. Kay Viex ka pa nagsinungaling. Kumunot lang lalo ang noo niya. “I’m fine. Okay? It’s just my emotions are… overwhelming.” Naguguluhan ko ring sabi.

“I’ll get you water.” He said at akmang aalis na siya pero nagulat ako nang bigla ko siyang pigilan.

Ano bang ginagawa ko? Pakiramdam ko, hindi na ako ang kumokontrol sa katawan ko.

“No. I-I need air. Aalis muna ako dito.” Sabi ko at nagsimula nang maglakad paalis pero pinigilan niya ako.

“Sasamahan na kita.” Sabi niya pero umiling ako.

“I need to think, Viex. Hindi ko alam kung ano’ng nararamdaman ko. At kung bakit ako nagkakaganito ngayon. I need to be alone.” Naiiyak na sabi ko sa kanya. But no. Puro na ako iyak these past few days. Hindi ko na kailangang ipakitang sobrang hina ko.

Unti-unti niyang binitawan ang wrist ko pero nagulat ako nang bago pa man niya tuluyan niya itong mabitawan ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at saka niya ako unti-unting inilapit sa kanya.

“V-viex—“ natigil ako sa pagsasalita nang lumapat bigla ang labi niya sa labi ko. I was so shocked that I don’t even know what to do. Tatakbo ba ako? Itutulak ko ba siya? Ang daming tumatakbo sa isip ko pero kahit isa sa kanila hindi ko ginawa, instead, I closed my eyes and feel his breath in mine. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko, walang concert na nagaganap sa paligid ko. Parang—parang kaming dalawa lang ang tao dito.

----------------------------------------------------xx---------------------------------------------------------

A/N:

Hi guys! Thanks for supporting TH! <3 Hahahaha. Shems. Nahihiya ako sa UD na to sa totoo lang. LOL. Di kasi yan ang balak ko kaso yan ang tinype ng keyboard! Nako nako! Hahahaha. So yun enjoy reading.

Yung sa song, She is Love at The Mess I made yun by Parachute. ;)

Lovelots!

-Alee

Continue Reading

You'll Also Like

25.5K 1.6K 34
[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tat...
23.7K 2.8K 93
A kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that g...
191K 6.4K 38
What we thought was the end, is just about to begin. (Book 2)
27.6K 1.4K 38
She's a college girl who dream to be a successful journalist, and she can do everything for her dreams that lead her to find out her past life She di...