STASG (Rewritten)

Galing kay faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... Higit pa

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XIX

7.3K 238 28
Galing kay faithrufo

"I keep myself busy with things to do, but everytime I pause, I still think of you."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Ano bang gagawin ko?" Ibinagsak ko 'yung ulo ko sa braso kong nakapatong sa arm chair ko at nag pout kay Jared na nagtatakang nilingon ako.

"What's wrong?"

"Gustong gusto ko siya.." sabi ko. "parang gusto niya din daw ako."

"And?"

"Anong gagawin ko?"

Nangunot ang noo ni Jared, "What do you mean?"

Bumuntong hininga ako, "Gusto nga namin 'yung isa't-isa!"

"Okay?" tumaas ang kilay niya. "Nasabi mo na 'yan."

Umupo ako ng diretso, "Bakit pala nagtatanong ka pa kung anong ibig kong sabihin?"

"Gusto niyo isa't-isa.. bakit mo tinatanong kung anong gagawin mo?" Binuksan ko ang bibig ko para sumagot pero naunahan na niya ako. "You don't need to do anything, Adrian."

"Pano magiging kami kung wala akong gagawin?"

Itinagilid niya ang ulo niya habang pinagmamasdan ako. Binasa niya 'yung ibabang labi niya at kinagat ito bago niya binuksan 'yung bibig niya para magsalita.

Lumapit siya ng kaunti, "Is that really how it is now?" tanong niya. "If he really really likes you, wala ka ng kailangan gawin. He will do all the work to get you, make you his." Bahagya siyang tumawa kaya naman napasulyap ako sa dimple niya. "Magpapa-hard to get ka. 'Cause Adrianna, girls are worth so.. so much. Kaya hindi ko maintindihan when you asked me kung anong gagawin mo. Shouldn't he be the one asking that question, and not you?"

"So dapat siya lang mag e-effort?"

"No..?" sagot niya. "Mag-effort ka kapag kayo na."

"Ayoko naman ng ganun," sabi ko sakanya habang sumasandal sa upuan ko. "pano nalang kapag napagod na siya? Edi nganga."

Umiling iling siya habang nilalaro 'yung ballpen niya. Binasa niya ulit 'yung ibabang labi niya, "He doesn't deserve you then." Tinignan niya ako. "Simple as that."

"Eh gusto ko nga siyaー"

"Does he like you as much as you like him?"

"Malay koー"

"Then why are you in such a rush kung hindi ka pa pala sigurado?"

"Ayokong mawala siya sakin!"

Naitikom ni Jared 'yung bibig niya dahil sa sinabi ko. Nabigla din ako at medyo napalakas ang boses ko kaya naman may ilan kaming mga kaklaseng napalingon. Mabuti nalang at lumabas ang teacher namin kaya naman hindi ako mapapahamak. Napabuntong hininga na lamang ako at nag-iwas ng tingin sakanila. Hindi ko na din tinignan si Jared pero ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sakin.

"Hindi siya mawawala kung gusto ka talaga niya.." mahina niyang sabi. "kaya wala kang dapat ipag alala."

Napayuko ako, "Pero kasi sabi niya parang lang."

Nagkibit balikat si Jared, "Better than nothing."

Hindi na ako sumagot kaya naman natahimik na kaming dalawa. Nakipag daldalan nalang ako kay Kei na naka upo sa harapan ko. Pero kahit ganun, iniisip ko paring mabuti ang mga sinabi ni Jared.

Ayokong sundin 'yung advice niya. Gusto kong mag-effort din. Hindi ako isa sa mga babaeng umaasa lamang sa lalaki at walang ginagawa. Susundin ko ang sinisigaw ng puso ko. At ayon ay ang iparamdam kay Asher na gusto ko siya hanggang sa tuluyan na siyang mahulog sakin at maging kami.

• • • • • • • • • •

Pagka-uwian ay nadatnan ko si Asher sa labas ng classroom ko. Naka sandal siya sa railing at nagti-text habang kinakagat kagat 'yung ibabang labi niya.

Tumigil ako sa harapan niya at tinusok 'yung tyan niya. Agad siyang napa atras dahil sa kiliti kaya naman tumama 'yung likod niya sa bakal na sinasandalan niya.

"Aray ko," mahinang daing niya bago ako tignan. Nagtama ang tingin namin at hindi ko napigilan ang pag ngisi.

Sinapok niya ako.

"Aray naman!"

"Tukmol ka, 'yung likod ko tumama sa bakal."

Inirapan ko siya, "Arte." Tapos tumalikod na ako at naglakad papunta sa tapat ng classroom nina Troy. "Asaan si James at Enrico?" tanong ko bago umupo sa sahig.

Tumabi siya sa sakin at halos napahawak na ako sa dibdib ko dahil sa pagsikip nito. Sobrang lakas kasi ng tibok ng puso ko medyo kumirot na. Kapag kinikilig ka nga naman.

"Naiwan ni Enrico susi niya sa computer room," sagot niya. "kaya nagpunta silang faculty para tawagin si Sir."

"Susi ng ano? Bahay? Ba't niya naman naiwan 'yun?"

Ngumisi si Asher, "Isa't kalahating tanga 'yun e."

Nakita kong paparating si Ethel, kasama niya sina Angelo, Tris at Kei. May inilabas si Ethel na crackling sa bag niya tapos binuksan 'to.

"Pahingi ako!" malakas na sabi ko kaya naman napatingin siya sakin.

Lumapit siya at in-offer sakin 'yung chichirya kaya naman mabilis akong kumuha ng marami. "Sugapa talaga oh." Kumento ni Ethel habang ngumunguya. Nginisian ko lamang siya at nagsimula nang kainin 'yung nasa kamay ko.

Nag-offer din si Ethel kay Asher pero tinanggihan siya nito. Tapos naramdaman ko si Asher na gumalaw hanggang sa nakasandal na 'yung likod niya sa gilid ko at 'yung ulo niya ay nasa balikat ko. Napalingon ako sakanya pero hindi ko makita 'yung mukha niya dahil nga nakatalikod siya.

"Oy Asher, may malisya ba 'yan?" natatawang ani Tris kaya naman napa awang ang bibig ko sa gulat.

"Triー"

"Meron," sagot ni Asher.

Iginalaw ko 'yung balikat ko at itinulak si Asher palayo sakin. "Anong may malisya ka jan?!" Pakunwaring galit ko kahit sa loob loob ay sasabog na ako sa kilig.

"Oh bakit? Wala ba?" maang-maangan niyang sagot.

Sinapak ko siya sa braso, "Wala ah!"

"Meron e."

Pinigilan kong hindi ngumisi pero in the end napatawa ako. Itinulak ko 'yung mukha niya palayo, "Wala nga!"

Kinuha niya 'yung kamay ko kaya naman hinila ko 'to para mabitawan niya bago humigpit lang ang kapit niya dito. Inilagay niya 'to sa mukha niya hanggang sa parang hinahaplos ko na 'yung pisngi niya. Tumingin siya sakin sa ilalim ng mahahaba niyang pilik mata, "Para sakin meron."

At ayan ang kwento ng pagkamatay ko.

Charot.

Napanguso ako at rinig na rinig ko ang iritan ng mga kaibigan ko. Nalimutan ko na yatang huminga. Teka, teka lang.

Itinulak ko nanaman 'yung mukha niya at mabilis na binawi 'yung kamay ko. Ngunit kahit ganun, ramdam na ramdam ko parin 'yung init ng balat niya sa palad ko.

"Wag mo nga akong hawakan," ani ko sakanya bago tumingin sa pinto nina Troy. Sakto at bumukas ito kaya naman tumayo na ako at pinagpagan 'yung palda ko. "Andyan na si Troy, tumayo ka na dyan."

Kinapitan pa ni Asher 'yung palda ko para makatayo siya. Muntik pa akong ma-out of balance kaya naman napahawak ako sa braso ni Kei na nakatayo sa harapan ko.

Nilingon ko si Asher at sinapak nanaman siya sa braso, "Ano ba!" nangigigil na sabi ko.

Sumimangot si Asher at hinaplos haplos 'yung braso niyang kanina ko pa sinusuntok. "Eto kamo..." mabilis niyang inilagay 'yung hintuturo niya sa ilalim ng ilong ko tapos itinaas ito.

Napa atras ako at hinawi 'yung kamay niya palayo sa mukha ko bago siya tinadyakan. Tinampal niya ako sa noo kaya naman tinadyakan ko ulit siya.

"Oh oh, ayan nanaman kayo," Ani Kei.

"Eto kala mo kabayo e," ani Asher habang pinapagpagan 'yung pantalon niyang nadumihan.

Umabante ako para saktan nanaman siya pero mabilis siyang nakatakbo palayo habang tumatawa tawa.

"Oh tignan mo, kabayo talaga oh ang bilis tumakbo!"

"Kingina ka Martinez!"

"Adi 'yung mga bag niyo!" rinig kong sigaw ni Ethel noong medyo nakalayo na kami. "Ay okay na pala! Na kay Troy ha!"

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na hinabol si Asher hanggang sa dulo ng hallway. Tumigil siya at sinubukan akong lagpasan pero nahablot ko 'yung dulo ng polo shirt niya.

"AAAAH BITAW!" natatawang sigaw niya.

"Halika dito!" nang gigigil na sabi ko bago hablutin 'yung buhok niya.

"Ano? Halikan na tayo? Hahahaーaray! Hahaha!"

"Sinong kabayo?! Ha?!"

"Tinatanong pa ba yan? Hahaha!"

"Bwisit ka talagaaaaa!!!"

Nagawang alisin ni Asher 'yung kamay ko sakanya at nang aasar na binelatan ako bago tumakbo pabalik doon sa direksyon kung saan kami nang galing kanina.

"Ganyan ka ba talaga sa crush mo?!" nang aasar na sigaw niya.

"Hindi kita crush!" sigaw ko naman pabalik nung maka abot ako sa pwesto nina Tris na may hawak na payong. Kinuha ko 'to sakanya at hinabol ulit si Asher.

"HOY! Masakit 'yan ah!"

"Ihahampas ko talaga sa'yo 'to!"

Tumigil sa pagtakbo si Asher kaya naman naabutan ko siya. Ini amba ko kaagad 'yung payong pero naka iwas siya tapos hinablot niya 'to gamit ang isang kamay ta's 'yung isa naman ay ipinulupot niya sa baywang ko.

Agad akong napa sigaw nung medyo iniangat niya ako kaya naman naipit 'yung tyan ko.

"Aray ko, Asher!"

Mabilis niya akong binaba at naramdaman ko 'yung medyo pag sandal niya sa likod ko. Lumingon ako at napansing parehas pala kaming hinihingal.

Napalunok ako dahil nanuyo ang lalaluman ko sabay malamyang sinipa siya. "Hindi... mo ako kayang buhatin, tanga."

"Oo.." hinga. "nga e."

Lumapit ako sa pader at sumandal dito bago umupo. Mabilis na sumunod si Asher at umupo din sa tabi ko.

"Woo, kapagod."

"Ang bigat mo," aniya.

Nilingon ko siya, "Mahina ka kamo."

Hinihingal niya ako tinitigan bago siya pumikit. Itinaas ko 'yung kamay ko at pinunasan 'yung pawis niya sa sentido.

"Kabayo ka parin."

At dahil doon, nagamit ko din 'yung payong.


Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.9M 88K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
2M 72.2K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
636 14 3
tambakan ng mga salita, isusulat sa bawat pahina. naglalaman ng ligaya't pagluha, pagtakas man o paghinga. merakiyahh Language: Tagalog Genre: Poet...