A Kiss To Reminisce

Autorstwa marisswrites

8.2K 347 19

|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially... Wi臋cej

A Kiss To Reminisce
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Introduction

468 20 0
Autorstwa marisswrites

❝ Alam ko sa sarili ko na ikaw ang pinakaminahal ko

Sa lahat ng lalaking nagdaan sa buhay ko.

Hindi kita iniyakan dahil wala namang dahilan.

At naging pinakamasaya ako noon . . .

Noong hindi pa tayo nagkakasakitan. ❞



"Sa lahat ng ex mo, sino 'yung pinakainiyakan mo?" tanong sa akin ng pinsan ko na si Calista.

Napasandal ako kasabay ng paghalukipkip habang iniisip lahat ng mga naging ex ko noong high school ako, hanggang ngayong college na ako. Kasabay ng pag-iisip ko ang paglinaw ng mga linya ng kanta na tumutugtog sa katamtamang lakas dito sa loob ng coffee shop.

Inayos ko ang suot kong salamin bago nagsalita.

"Iniyakan ko naman lahat? Yata?" Natawa ako nang mapagtanto na kahit ako, hindi na sigurado. "Lahat naman ng ex ko, minahal ko. Kaya lahat, iniyakan ko."

Napanguso siya bago uminom sa iced coffee na nasa harap niya. Itong babaeng 'to talaga, hindi kayang mag-function nang walang kape!

"Curious lang ako kasi lahat naman ng naging boyfriend mo, pinakilala mo sa akin, eh." Ngumisi siya bago ipinatong ang magkakrus na braso sa lamesa at tumitig sa akin. "Gusto ko lang malaman, sino sa kanila 'yung pinakainiyakan mo 'yung breakup? 'Yung . . . pinakaminahal mo?"

Mabilis na napawi ang mga ngiti ko nang may isang tao akong naalala sa huling sinabi njya. Napatingin ako sa kawalan, kasabay ng pagkagat sa kuko ng daliri ko, na akala ko, naialis ko na sa akin. Napatitig ako nang ilang segundo sa halos puro puti na kulay ng pader.

Ang aliwalas talaga ng coffee shop na 'to. Halos puro puti kung tutuusin. Nakaka-relax mag-aral. Hindi mainit pero hindi rin masiyadong malamig ang pakiramdam kapag nasa loob. Tamang-tama lang. Hindi na ako magtaka kung ito ang naging paboritong coffee shop ni Calista matapos niyang g-um-raduate ng senior high.

Nagbuga ako ng buntonghininga. "Magkaibang tao naman 'yung sagot sa tanong mo, Cali." Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti. "Magkaibang tao 'yung sobrang iniyakan ko ang breakup at sobrang minahal ko."

Napakunot-noo siya. "Huh? Bakit? Paano naging magkaiba 'yon? Hindi ba, the one who makes you cry so much is the one you loved the most?"

Napanguso ako kasabay ng marahan na pagtango. "But the one who makes you cry so much sometimes mean that he hurt you more than he made you feel loved."

Sumandal siya sa upuan at kunot-noong tumingin sa kawalan.

"I don't understand."

Tumawa ako. "Alam mo, isang taon lang ang tanda ko sa 'yo pero parang ang bata-bata mo pa rin sa paningin ko! Wala ka pa talagang alam sa relasiyon!"

"Excuse me, may boyfriend ako, Sol! One year na kami!"

"Oh, fuck. Don't call me that!" I said in dismay.

Nagtawanan kaming dalawa. Ilang sandali pa, nagtanong ulit siya.

"So, kaninong breakup 'yung pinakainiyakan mo?" sabi niya kasabay ng pagpatong ng muling magkakrus na braso niya sa lamesa.

Napabuntonghininga ako kasabay ng paghigop ko mula sa iced coffee ko.

"'Yung ex-boyfriend kong umabot ng one year 'yung iniyakan ko nang sobra."

"Ohh! Was that CJ?" she asked.

I nodded. "Minahal ko naman 'yon. Sobra-sobra. Kaso hindi ko matanggap na paulit-ulit akong niloko."

"Because pinapatawad mo always when the only thing that you should've done the first time is break up with him immediately! Hay nako, stressed mo ako!" She rolled her eyes at me.

"Why don't you make me finish, Cali?" I groaned.

"Okay, then. Continue," she said as she sipped from her iced coffee.

I sighed. "I was young, Cali. Duh? I was very young. I was just 16 when he became my boyfriend. Anong alam ko pa? Hindi naman siya ang first boyfriend ko no'n pero that time, pinaikot ko mundo ko sa kan'ya. Then, noong nag-break na kami officially, that's when I was in Grade 11. Final examination week no'n and all I did was review my notes as I broke down and cried. It took me more than a month bago ako natauhan na, ahh, ayaw ko na. Funny lang kasi kung kailan natauhan na ako, saka niya ako binabalikan noon. Of course, hindi na ako babalik sa 'yo, cheater! Natauhan na ako, eh. Tanga ka ba?"

Nagtawanan kaming dalawa dahil alam niya lahat ng pinagdaanan ko noon. Nakakatuwa lang na ngayon, pinagtatawanan na lang naming dalawa dahil naaalala namin.

"At least, nabasag ang helmet! Malapit na kitang patayuan ng rebulto noong mga oras na 'yon, eh," napapailing na sabi niya.

"Tss. May kan'ya-kan'ya tayo ng epiphany, Cali. 'Wag kang magmagaling d'yan at baka mag-break din kayo ng jowa mo!"

"Shut up, we won't!" She rolled her eyes at me. "Anyway, so, sino naman 'yung pinakaminahal mo?"

Every time I was asked about this, isang tao lang palagi ang pumapasok sa isip ko. Muli akong napakagat sa kuko kasabay ng pagtingin sa labas, pinanonood ang mga taong magdaan.

I really thought that his kiss has cured this damn mannerism I have. Fuck.

Ibinaba ko ang kamay na kanina'y nasa bibig bago lumingon kay Cali.

"'Yung pinakaminahal ko . . . 'yung taong hindi ko iniyakan nong naghiwalay kami."

Lalong kumunot ang noo ni Cali sa isinagot ko. "Whaaat???"

I smirked. "You really didn't know anything about love, huh?"

Bahagya siyang humampas sa lamesa habang masama ang titig sa akin. "Sino 'yan? Did you not shed a single tear when you two broke up?" I shook my head. "Why?"

I smiled as I looked down on my fidgeting fingers. "Maybe there was no reason to cry at all."

"Huh?"

Nag-angat ako sa kan'ya ng tingin bago ngumiti. "Naka-move on na kasi ako sa kan'ya bago pa man kami tuluyang maghiwalay."

"What?" Tumawa siya na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "I don't get the damn point! Paano 'yon?" kunot-noong tanong niya.

Napatingin ako sa labas at muling napaisip. Paano ko ba ipapaliwanag sa bobita kong pinsan 'tong mga nasa isip ko? Bwisit.

"It's like . . ." Ibinalik ko ang tingin sa curious-chismosa-na si Calista. "You're falling out of love pero hindi. Kasi kahit na sabihin kong naka-move on na ako sa kan'ya even before the breakup happened, the love was there. At that time, it's . . . still there. I kept it inside because . . . I want to continue loving him. I don't know. That time, all I know is that the right thing to do is to breakup with him."

"Did he cheat?"

I smiled. "Never."

Sumimangot siya sa sinagot ko. "That's sad. Sana nag-cheat na lang siya para hindi nakakapanghinayang."

Humagalpak ako ng tawa. "Gago!"

"So, is it still there?" tanong niya, hindi pinapansin ang mura ko sa kan'ya.

"Alin?" kunot-noong tanong ko.

"Your love for him. You kept it inside you, right?"

With the way that Cali stares at me as she questioned me, para siyang pusa na nag-iimbestiga. This girl, really.

"It's been almost two years na yata, sa tingin mo hindi pa ako nakaka-move on doon?"

"I know that you've moved on, sinabi mo na kanina. Pero kahit naka-move on ka na sa isang tao, it's possible na mahal mo pa rin, hindi ba? After all, if you really want to continue loving someone, you will take care of your feelings not to fall apart. Right?"

Bakit kami umabot sa ganitong punto ni Cali??? Parang kanina lang, sinasabihan ko siya na walang alam sa relationships, tapos ngayon, bigla siyang magpi-preach nang ganoon and it sucks because it makes sense???

"Uhh . . ." I looked away. "Hindi ko alam. Nagkikita naman kami but there's no urge to want him back anymore, eh."

"Did you miss him?"

Nag-init ang mukha ko sa tanong niya. "Calista, why are you asking me that?"

Inirap-irapan niya ulit ako. Sarap dukutin ng mga mata. "I just want to know. Kasi if you still miss him, maybe, there's a possibility that you still love him."

I scoffed. "Maybe it's the memories that you missed, not the person, Cali."

"So you missed." She smirked, which caught me off-guard. "I mean, the memories that are associated with him. And, since you missed the memories you had with him, you can always do things that you did with him pero with another person naman kaso hindi mo ginawa. I, therefore, conclude that you missed, both, the memories and the person."

Sa tawa niya ngayon, para siyang isang lawyer na napatunayang guilty ang isang tao. Ni hindi ko namalayan na kagat-kagat ko na naman ang mga kuko sa daliri kung hindi pa niya tinampal ang kamay ko.

"Hay, Solari! Kailan ka ba titigil sa pagkutkot at pagkagat d'yan sa kuko mo?" dagdag na sermon niya. "Anyway, paano kung balikan ka niya?"

I scoffed. "It's not going to happen." I sipped from my iced coffee.

"Why, though?"

I shrugged. "It's been almost two years. He may have already fallen out of love with me long ago. Who knows how many girlfriends she had after me, right?" I scoffed again.

Akala ko may rebut pa si Calista doon kaya sumandal na lang ako para maghintay sa mga sasabihin niya. Pero ilang minuto na ang nagdaan, nakatingin lang siya sa labas na parang ang lalim ng iniisip niya.

Nang hindi na ako nakatiis pa, nagsalita na ulit ako.

"Problema mo?"

Bumalik ang atensiyon niya sa akin bago umiling saka ngumiti. "Love can really be frightening, 'no?"

Napakunot-noo ako. "Why?"

She shrugged. "One moment, you're both super in love with each other. The next few months or years, someone might fall out of love with another one. It's scary." She sighed. "But . . ."

Calista looked so bothered about this falling out of love topic that I kept on talking about. Parang takot na takot siya mangyari s kan'ya. It's impossible for her and Fierro to fall out of love with each other. They are too in love to be bothered about that.

"Ano?" I asked, raising my eyebrows.

Pumangalumbaba siya bago nagsalita. "Can you really fall out of love with someone you deeply love in your whole life?"

I chuckled. "Of course! Duh? Pero may mga internal and external factors naman 'yon. Hindi naman palaging biglaan."

Inubos ko na ang natitira sa iced coffee ko bago dinugtungan ang sinasabi.

"You can even fall out of love with the person at the exact place that you realized that you've fallen in love with him. It's scary but realistically speaking, only a sincere heart can make a love constant."


This is the introduction for the second installment of habit series. ❤️ I can't stop myself from sharing this to you. That's the exact way of me debating with myself, whenever I thought of a concept. I'm glad to share it with you. 😁

Regular updates will start when Cigarettes And Regrets is already completed. It only has few chapters left so what are you waiting fooor??? Head on to Caleb and Mona's story and read it now! 😆 Char.

Thank you for the warm support that this new series of mine received from you. Love you! ❤️

Edit: Made an edit. I changed the protagonist's name from Solene to Solari. So, if you happen to see a "Solene" along the story, please don't hesitate to flag it and correct me. Thank you so much. 🥰

-mari 🌻

Czytaj Dalej

To Te偶 Polubisz

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
6.2M 97.4K 49
Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa ka rin ba kapag naririnig mo ang boses ni...
14K 392 23
You'll never get what you truly deserve if you remain attached to what you're supposed to let go of. Maybe it is not always about trying to fix somet...
20.7K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...