The Replacement Wife

By Indiegoxx

8.1K 357 24

Elaine Satana Palma-Alcante, married her first and only love, Zeiger Drake Alcante. Zeiger needs her, and tha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31

Chapter 30

333 15 5
By Indiegoxx

Chapter 30

"Oh my Goodness, Elaine! Ang tagal mo! Kanina pang ala una lumapag ang eroplano mo pero ngayon ka lang nakauwi? Anong oras na ha!" bungad ni Belle pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pintuan.

Napaatras pa ako nang kaunti dahil ang matinis niyang boses ang sumalubong sa akin. I expected her to be here but I didn't expect her to nagged me right after I opened the door! Hindi man niya lang ako hinayaang makapasok at maupo bago bungangaan.

"Belinda, are you my mom?" I rolled my eyes at her as I pushed the door to open it wide before I entered the house.

Sa pagkasara ko ng pinto, agad itinapon ni Belle ang sarili sa akin para yakapin ako.

"Oh my gosh! I missed you so much, Elina! For almost 5 years, hindi ka man bumisita dito kahit isang beses man lang!"

"You kept on visiting me in States, ano'ng nginangawa-ngawa mo ngayon?" I slightly laughed at her as I embraced my arms around her.

"Tss. Hindi mo tuloy nakita ang baby ni Lily," she mumbled.

Napabitiw ako sa yakap niya sa gulat. My mouth dropped and I could feel my eyes widened in surprise.

"What? L-Lily got pregnant?" I uttered agog.

"I didn't tell you?"

"Magugulat ba ako kung sinabi mo na sa akin? Sa ilang beses mong pabalik-balik doon, wala kang sinabi maski isa, Belinda!"

"Oh sarrey, okay? Sarrey," she said imitating the accent of the female lead (which I have forgotten the name) from a Korean novela; My Love From the Star.

"Where's the baby? And who's the father? Did she got married? Nabinyagan na ba? Bakit hindi ako inimbita?!" I said a bit hysterically.

Belled looked at me from head to toe before she grimaced.

"Baka kasi mukha kang hampas lupa." Without hmany second thought, I slapped her arm with my Louis Vuitton bag.

"Bwesit ka!"

"Kidding! The baby's 2 months old pa. Hinintay ka talaga ni Lily na makauwi bago magpabinyag. And then the father..." Her brows furrowed before she looked away as if she's trying to remember something. "Ayy tanga! Hindi din namin kilala. She didn't tell us. Kahit first name man lang noong lalaki," huminga ang boses niya.

I was left stunned. I blinked my eyes a couple of times unbelievably as I tried to process what she just said.

"D-Does that mean the child doesn't have any father?"

Tumango siya. "Parang ganoon na nga."

Napasinghap ako. Parang bigla akong nakaramdam ng jetlag at sumakit ang ulo ko sa nalaman.

"How's Lily, then?"

"She looks happy." Tumango-tango pa si Belle na parang pilit pinapaniwala ang sarili. "I just hope she's not pretending to be."

I let out a breathe. Just then at that moment, I saw my mom went out from the kitchen, holding a container of foods. Didiretso na sana siya patungo sa pool area nang mahagip kami ng kaniyang mata.

Her mouth formed an "o" before her lips stretched for a warm smile.

"Elaine! You're here," she said as she started to walked towards our direction.

"Mama." Sinalubong ko siya at hinalikan siya sa pisngi.

"How's your flight earlier?"

"Fine." I shrugged.

"That's good. Oh, by the way, nasa pool area na ang mga bisita mo. Kanina pa sila dito. Ang tagal mo kasi."

"Sorry po. Bumisita pa kasi ako kay Athena, Ma," I said as Mama nodded understandingly.

"Oh, siya. Let's go to the pool area. Everyone's there," pag-aaya ni Mama.

"Sure, Ma. Magbibihis-"

"Sus, huwag na, Elina! Let's go!"

I didn't have the chance to say no because Belle already pulled me by the arm as she walked towards the pool area. Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan siyang hatakin ako. Mama tailed behind us.

"Welcome back, Elaine!"

Nanlaki ang mata ko at natawa nang biglang pumutok ang isang part popper kasabay nang pagkahulog mula sa loob nito ang mga confetti sa aking katawan. Just what the hell?

Napangisi ako nang makita kung sinu-sino lang ang nandoon. Si Lily, Reina Kenji, Papa at Mama, Belle, and a guy who I didn't know.

"Welcome back, Elina!" Kenji pulled me and embraced his arms around me.

"Kenji! Na-miss kita sobra!"

"I don't feel the same," sabi niya. Hinampas ko ang likuran niya at tumawa lang siya habang mas hinihigpitan ang yakap sa akin.

After hugging him, I ran towards Reina and Lily and hugged them too.

"I missed you both."

"We missed you too, Laine," they said in unison. Tumili naman kaming tatlo at nagtatawanan.

Nilingon ko ang lalaking kasama nila at ningitian ito. The guy smiled back as he lend his hand for a shake hand.

"I'm Ashton Dixon," pagpakilala nito.

Tinanggap ko ang kamay niya at magalang na ngumiti. "Elaine Palma. By the way, who are you?" Bimitiw ako sa pagkahawak sa kaniya.

"Boba ka. Kakasabi lang ng pangalan. Tanga'ng 'to," sabat ni Kenji kasabay ng tawanan nila.

Sinipat ko sila at umirap. "I mean, kaninong boylet 'to?" Tinuro ko si Ashton.

I looked back again at Ashton when I heard him let out a low chuckle. He then grabbed Reina's waist. Sinandal ni Reina ang ulo niya sa balikat noong Ashton and they both smiled at me, making my lips part in perplexity.

Inangat ni Reina ang kamay niya at doon ko lang napansin ang silver diamond ring sa ring finger niya. Mas lalo akong napanganga at napakurap-kurap.

"I'm her fiance," Ashton declared.

"Ha?" parang tanga'ng usal ko na tinawanan lang nila.

"Teka! Gosh! Ang daming revelations! Pwede bang mag-mura? Wait. Tangina. Kailan pa? Ba't outdated ako?!" Nagpahilamos ako sa palad ko at hindi pa din makapaniwala.

"Last month lang, babe," Reina said and chuckled.

"Last month lang naging kayo?!" Nanlalaki ang mata'ng ani ko.

Sinipat ko si Belle dahil sa ilang beses niyang pagbisita sa akin ay di man lang siya nagkwento. Ngumisi lang siya at umatras at nagpunta malapit sa lamesang may mga inumin.

"'Yan ba ang resulta sa pagpunta mo sa States? Na-bobo ka na," sabi ni Kenji. I reached out to him at kinurot siya sa tagiliran.

"Ah! Aray ko, Elaine!" Binitiwan ko siya at agad lumayo sa akin si Kenji.

"Last month kasi nag-propose," si Belle na may hawak ng kopita na may lamang wine.

"Oh." I looked at Reina and Ashton. Reina wiggled her eyebrows at me habang nakangisi nang nakakaloko.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya nang mahigpit. Nagkatinginan kami at sabay na tumili habang tumatalon.

"Jusko! Kakagulat 'tong mga babaeng 'to," sambit ni Lily na may hawak nang plato'ng may pagkain.

"Congrats, Rein!" I said and hugged her tightly.

"Thank you, Laine. Kwento ko sa'yo mamaya lahat ng kalandian ko. Malay mo magagamit mo in the future." Humalakhak siya.

"Gaga!"

"Kumain na kayo, mga anak. Mamaya na kwentohan," si Mama na nasa table at nag-aayos.

Nagsitangoan kami at naglakad na palapit sa gawi nila. Napansin ko si Lily kaya lumapit ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi matapos kumuha ng pagkain.

"Lily..." masuyong tawag ko.

"Bruha ka. Kinikilabotan ako sa'yo." Humalakhak ako.

"How... How are you? How's the baby?" I asked, a bit hesitant.

Natigilan siya at binaba ang kutsarang hawak bago ako nilingon. "You already knew?"

Napanguso ako at umirap. "Kanina lang pagkapasok ko. Bruha ka."

Lily chuckled. I cleared my throat at umayos ako ng upo.

"Ba't hindi mo sinabi sa akin?" dahan-dahan at nag-aalalang tanong ko.

Ngumiti siya nang mapait at tinitigan ang pagkain sa harap niya. "Because I was worried about you. I was worried because I might be a burden to you. You know, I knew that you're still in the process of healing that time, when shits happened. If I have told you about it, I know I'd hurt you. And telling you what happened to me, would only open a new wound inside you. You've been hurting a lot, dadagdag pa ba ako?"

Parang kinurot ang puso ko sa sinabi ni Lily. Ibinuka ko ang bibig ko pero agad ding naitikom dahil walang salitang gustong lumabas at wala akong masabi.

"But it's not like wala akong planong sabihin sa'yo. Hindi ko pa pinabinyagan si Lilienne kasi wala ka pa." She chuckled.

"Lily..." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Nilagay niya ang kaniyang baba sa aking balikat at niyakap din ako.

"Are you okay now?" She asked softly.

"Gaga. I should be the one asking that. Are you okay now?"

She chuckled and I felt her nod her head. "Much better." Bumitiw siya sa akin at tinignan ako.

"The baby, hindi ko sinama kasi alam kung gagabihin ako. I let her nanny take care of her for the mean time. Punta ka nalang sa bahay sa free time mo." Ngumisi siya at tumango naman ako.

"Ano'ng drama niyo?"

Sabay kaming napalingon kay Kenji na naupo sa harap namin. Nakatingin siya sa amin nang kuryoso at naka-kunot pa ang noo.

"MMK," I said as I started eating.

Nagsiupo na din sila Mama sa tabi namin. Puro kamustahan lang habang kumakain. At nang naginoman ay puro kwentohan tungkol sa mga buhay ng mga gagang 'to kasi tapos na akong magkwento habang kumakain pa lang. Mama at Papa went inside early at hindi na uminom pa kasama namin kasi matatanda na daw sila.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil plano kong bisitahin ang cafe ngayon. Namiss ko kasi ang magtrabaho doon. Mama also told me that the cafe changed a lot since pina-renovate niya iyon nang siya muna ang pinapa-manage ko doon.

Kasalukuyan akong sumisimsim ng kape habang kagat-kagat ang isang slice ng loaf bread sa bibig ko habang nagi-scroll sa aking cellphone.

"Where are you going, Laine?" tanong ni Mama nang madatnan ako sa kusina.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumiti.

"Good morning, Ma."

"Mornin'. Saan ang punta mo?" tanong niya ulit habang pinapasadahan ng tingin ang damit ko.

I was wearing a beige high waisted fit pants and a white blouse, partnered it with a beige peep toe heels. I tied my hair into a messy braid too. It was just a casual work attire for me.

"Cafe, Ma."

"Oh..." Nakita ko ang pagalinlangan sa kaniyang mukha bago siya tumango. "Sige. If there's something wrong, don't hesitate to give me a call."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit magkakaroon ng mali?"

"If , Elaine. Whatever. Sa flower shop mo ako didiretso mamaya"

I took my mug and took a sip on it. I nodded my head as I watched my mother doubtfully.

Mahinang tumawa si Mama at naglakad patungo sa stove. "Stop looking at me like that. Kakain ka ba ng kanin?"

"Nope." I drained my mug and put it on the table as I ate the last peace of my bread.

"Where's my car keys, Ma?" tanong ko habang naglalakad palabas ng kusina at patungo na sa sala.

"Sa tabi ng susi ng kotse ng Papa mo!" medyo mas kalakasan na sagot ni Mama. Narinig ko din ang pagpihit niya sa stove.

I immediately found my keys beside my father's. I took my hand bag and put my phone on it before I looked back at the kitchen.

"Aalis na ako, Ma!" pagpaalam ko.

"Alright. Take care!"

Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover. Around 2:00 in the morning when we finished drinking last night, at medyo naparami yata ang inom ko.

Nang makarating at maiparke ko ang kotse ko sa harap ng cafe ay napabuka ang aking bibig habang tinitignan ang dalawang palapag na na cafe nang namamangha. The stairs going up to the second floor ay nakapwesto sa labas, sa gilid ng cafe. My Mama did really do well. I chuckled before I went out of the car.

Mas naging malawak at malaki ang cafe ko kumpara noon. Like what my Mama said, the first floor's where the various refreshments like coffee where served, while upstairs was where the heavy meals and such are served.

The walls were made of glass, kagaya ng unang palapag. That's why I can see the waiters and waitresses serving, and some costumers sitting next to the window from the second floor habang tinitingala ko ito. The colors didn't change too. Black, white, brown, and yellow are still the colors seen in the cafe. Except the fact na may mga halamang nilagay si Mama at kung ano pa.

Ipinilig ko ang ulo ko at naisipan nang pumasok dahil masyado na akong naiinitan mula sa kinatatayuan ko. The moment I pushed the glass door and the wind chime rings, agad kong narinig ang masiglang bati ng isang pamilyar na tao.

"Good morning, ma'am! Welcome to E— Ma'am Elaine!" gulantang na saad ni Jessie nang makilala ako.

Tumawa ako at kumaway sa kaniya. Dali-dali naman siyang lumapit sa akin nang nanlalaki pa din ang mata at nakaukit sa kaniyang labi ang isang malaking ngiti.

"Ma'am! Hala gagi! Na-miss po kita. Pwede pa yakap po?" Mas lalo akong humalakhak at tumango bilang pagpayag.

"Sure, why not, Jessie?"

Walang pagda-dalawang isip na tinapon niya sa akin ang kaniyang sarili at impit na tumili. We gained some attention from the costumers but I just shrugged it off.

"Ma'am! Buti bumalik ka na po. Nakakatakot po ang Mama niyo."

Humagalpak ulit ako sa sinabi niya. Niyakap ko siya pabalik at marahang tinapik ang kaniyang likod. Agad din naman siyang bumitiw at inayos ang kaniyang sarili.

"Sorry po. Masyado lang akong na-excite."

"It's okay, Jes. How are you?"

"Ayos lang po. Iyong iba nasa taas po naka-duty. Lima lang kami dito sa baba. Tapos may mga bago din pong mga trabahanteng hinire si Madame."

Tumango-tango ako at nilibot ang tingin sa buong cafe. I saw other 3 employees eyeing us from a far and I gave them a warm smile. They smiled back at me and bowed their heads a bit. Pamilyar sa akin ang isa habang ang dalawa naman ay mukhang isa sa mga bagong tauhan. Medyo kaunti lang din ang tao dahil kaka-alas siyete pa lang ng umaga at hula ko'y kakabukas lang ng tindahan.

Binalingan ko agad ng tingin si Jessie nang may maalala. "Jessie, you have extra aprons, right?"

"Madami, Ma'am. Bakit po?"

"Tutulong ako sa pagse-serve." Ngumisi ako.

"Ho?"

"Tutulong ako. Na-miss ko kasi ang pagta-trabaho dito," pag-uulit ako.

"Ayy opo! Teka po, ma'am." Agad na umalis sa harap ko si Jessie para kumuha ng bagong apron.

Naglakad naman ako patungo sa mini office dito sa loob ng cafe. Napansin ko ang ibang costumers na napapalingon sa akin kaya marahan ko silang binigyan ng kaunting ngiti bago dumiretso sa aking patutungohan.

I put down my bag the moment I entered the office and thanked Jessie when she handed me an apron. I rolled the sleeves of my blouse till my forearms before I wore the apron and tied a ribbon on my back. Lumabas din naman ako kaagad matapos mag-ayos at agad kumuha ng menu sa counter para daluhan ang mga costumers.

Hinatid ko ang kapeng inorder ng costumer nang tumunog ang chime, tanda na may pumasok. Agad naman akong nag-angat ng tingin sa pumasok at nakahanda nang ngumiti pero agad natigilan nang makilala ko kung sino iyon.

My smile slowly faded and my eyes widened when I saw who's the one walking gracefully inside my cafe. In his business suit, hair a bit messy and wet, Zeiger Drake Alcante made his way towards the table near me, while scrolling on his phone. His thick brows met as if he read something unpleasant on his phone and his lips set in a grim line.

He looks more manlier. His bone structures were more defined, and he got darker than the last time I saw him.

Napakurap-kurap ako. Napaayos ako ng tayo at inayos din ang sarili ko bago dahan-dahang lumapit sa gawi niya nang makaupo na siya. I was about to ask for his order when he spoke up without even throwing a glance on me and still busy with his phone.

"The usual, please," he said in a familiar cold baritone voice. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"The usual?" I uttered unconsciously.

And in just a snap, Zeiger tore his gaze from his phone as he looked up at me with eyes a bit wide. His lips then parted in shock when realization dawned on him when our eyes met.

"Elaine..."

________

Continue Reading

You'll Also Like

960K 16.1K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
236K 3.5K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...