The Wolf King and I

By ImHannahLucas

550K 27.7K 6.7K

[SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE] How does it feel to live inside your favorit... More

i
ii
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Epilogue
Special Chapter 1
New Story Promotion
100k Reads!🎉🎉🎉
SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE

Chapter 22

8.5K 476 61
By ImHannahLucas

The Wolf King and I
Chapter 22

"It may be hard for me to understand this type of feeling, but Chin, I've come to realize that you've become my weakness."

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatanggap ng isang love confession. Pero ang pinaka-hindi ko matanggap ay nanggaling ito sa male protagonist ng manhwa na binabasa ko.

Hindi.

Hindi pwedeng mangyari ito.

Sa sobrang gulat ko nang dahil sa mga sinabi niya ay nanatili lang akong nakatulala sa gwapo niyang mukha.

"Chin—-"

Ngunit bago pa man ako tuluyang mabaliw ay mabilis na akong napatayo mula sa tabi niya at natatarantang sumigaw.

"Hindi!" biglang sigaw ko at iniharang ko pa ang kamay ko sa kanya. "Hindi. Hindi ka pwedeng ma-inlove sa akin! This is not right!"

Nababaliw na ba siya?

Paano siya maiinlove sa character ni Chin?

He should say those words to Jia and not to the side character!

Matapos ko ngang sabihin iyon sa kanya ay unti-unti ko ng nakita ang pagkawala ng maamong emosyon sa mukha niya. Kaagad itong napalitan ng pagkakunot ng noo.

Uh-oh.

"You're my consort," he said, while there was mixed confusion and fury in his eyes. "What do you mean that I can't fall in love with you?"

Napakagat nalang ako ng daliri ko habang parang nababaliw na nagtatalon sa harapan niya.

Shit, paano ba maso-solusyonan ang eksena na ito?

Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Jia talaga ang babaing para sa kanya.

Sa tinagal ko sa loob ng manhwa ay ngayon lang ako nainis sa ideya na mas naunang dumating si Chin kaysa sa female protagonist. Bakit ba kasi hindi pa dumadating si Jia nang manahimik na ang buhay ko?

"Basta!" sigaw ko sa kanya atsaka ko siya dinuro. "Don't you dare fall in love with me! You can't do that! You can't definitely do that!"

Nakita ko naman ang pag-awang ng bibig niya na para bang hindi siya makapaniwala sa bagay na sinabi ko.

"I have two hundred concubines, Chin." He spoke. "They're all scheming against each other and fighting for my attention. And here you are, the only woman I want to be with, rejecting me in such a way."

There is a sound of mixed confusion and amusement in his voice.

Pero teka, paano siya nainlove sa akin kahit na inlove parin siya sa kababata niya?

Huwag ninyong sabihin na playboy narin ang Emperor na ito at pagsasabayin niya kami ni Jia?

Kung nasusunod ang plot sa manhwa, this is the time that he's still looking for his lost love and that is Jia. Sa pagkikita nilang muli ay maiinlove sila sa isa't-isa hanggang sa malaman niya na si Jia din ang babaing matagal na niyang hinahanap.

Nang ma-realize ko yun ay tinignan ko siya gamit ang nandidiring tingin na iyon.

"Tsk, tsk, tsk..." ang nasambit ko nalang habang umiiling. "Naku, iba na talaga kapag Emperor. Pwede niyang pagsabayin ang dalawang babae. Hay naku."

Hindi naman siya makapaniwalang napatitig sa akin nang dahil sa sinabi ko.

"What do you mean by that?" He spoke with disbelief in his silver eyes. "A wolf could only fall in love with one person all his life. You're my only consort. The only wife in my eyes."

"Yeah, yeah..." walang ganang sagot ko atsaka ko pinag-krus ang mga braso ko. "Alam ko na ito eh. Na-attract ka lang talaga sa akin dahil ako ang nagligtas ng buhay mo noon mula sa mga Han spies. Hormones lang iyan, pare. Okay lang iyan. Kapag dumating na ang babaing matagal mo ng hinahanap ay mawawala din iyan kaya enjoy the feeling while it lasts."

But I guess I just pushed him too far.

Nagulantang nalang ako nang marahas niyang hilain ang braso ko dahilan para mapalapit ang mukha ko sa mukha niya. At ngayon ay tuluyan ng napalitan ng galit at sakit ang buong mukha niya.

Oh shit, I just made him mad.

"You have no right to question my feelings for you..." he said through gritted teeth. "I have conquered lands and made emperors bow down to their knees. Don't wait for me to use any means to make you mine. You're my wife, and don't even think for a second that you can escape from me. Do you understand?"

There is something I've noticed about this evil Emperor.

If he wants something, he will do whatever it takes for him to get it. Whether it'll be by force or by killing someone.

But he can't do that to me. Not on my watch.

Marahas kong iwinaksi ang kamay niya na nakahawak sa braso ko bago ko siya hinarap.

"Alam mo ikaw..." simula ko bago ko pinag-krus ang mga braso ko. "...hindi ganyan ang dapat na panliligaw mo sa babaing gusto mo eh. Not everything can be taken by force. Kung ang mga lupa at mga kaharian na sinakop mo ay nakuha mo by dispatching your soldiers ay iba naman kapag sa feelings ng babae."

Tinignan niya lang ako gamit ang seryosong mukhang iyon habang hindi parin natatanggal ang pagkakunot ng noo niya.

Kung sa bagay, hindi niya naranasan ang manligaw nang dahil sa mga babae na mismo ang naghahabol sa kanya.

He have two hundred beautiful concubines and I'm sure all of them are madly inlove with him.

"Paano nalang kapag nakaharap mo na si Jia? Baka ganyan din ang gawin mo sa kanya. Hay naku." Wika ko pa habang naka-krus parin ng mga braso.

But I've made a huge mistake.

Na-realize ko lang kung ano ang nasabi ko nang makita ko ang mas lalong pagkakunot ng noo niya.

"Who is Jia?" He asked.

Oh shit, spoiler alert.

I can't believe I just mentioned Jia to him.

Napatutop naman ako ng bibig at hindi alam kung ano ang sasabihin sa kanya.

Pero bago pa man siya makapagtanong ulit ay isang sundalo ang biglang lumitaw sa tabi naming dalawa.

"You majesty, there is an urgent report that was sent from the palace." The soldier bows down to him.

Nilingon naman niya ito bago nagsalita.

"Speak."

"The Xing empire Princess tribute has finally arrived." He reported it. "She came with her ambassadors to speak about the alliance."

Xing empire princess tribute?

Hindi ba iyon ang kaharian ni Jia?

So this could only mean that...

"We will meet them first thing in the morning. Send the message to all of my ministers to meet me at the courtroom together with the visitors." Zhang Wei spoke.

Jia, the female protagonist has finally arrived in Qin?!

At nang ma-realize ko iyon ay bigla nalang akong napalingon sa sundalong nagdala ng balita.

"Teka!" Excited na sigaw ko atsaka siya hinawakan sa magkabilang braso. "Jia ba ang pangalan ng Princess tribute mula sa Xing?!"

Napakurap siya pero kaagad din siyang napatango.

"Yes, your highness." He spoke.

I was right.

The manhwa is now finally following the original plot.

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

280K 7.2K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
50.3K 813 13
Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student that transmigrated to the body of a weakest daughter of a powerful and a heartless Duke. She didn't...
1.8K 790 22
"...who am I?" ☆☆☆ The Last Warrior Killer, an historical action fantasy adventure story of Jaiyana who was known as the great grand daughter of Gret...
8.3K 327 48
Isang babaeng walang ginawa kung hindi ang magbasa nang magbasa. Sabi nila ang pagbabasa ay isang mabuting gawain. Pero sa sitwasyon niya, isang dal...