TCGM: The CEO's Glamorous Mai...

By Summer_Alli

748K 18.7K 1K

#Maid Series I #Romantic Comedy #Former Known as His Maporma Maid Si Jessica ay isang masayahin, makulit at b... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
ANNOUNCEMENT!
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34: Last Chapter
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENT!
PROMOTE!
PROMOTE!
Author's Note
ANNOUNCEMENT!

Chapter 31

15.2K 354 13
By Summer_Alli


NAALIMPUNGATAN ako ng makarinig ako ng mahinang pagtawa.  Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni sir na nakadungaw sa akin. Napansin ko na nagpipigil ito ng tawa kaya napakunot-noo ako.

"B-bakit, sir?" Paos ang boses na tanong ko dito. Bahagya pa akong  napangiwi ng maramdaman ko ang pagkirot ng ibang parte ng aking katawan.

Agad na namula ang pisngi ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. Napamulaga din ako ng mapagtanto ko na nakalantad sa harapan ni sir ang hubad kong katawan.

"Wahh! Ang bastos mo sir!" Gulat na reaksiyon ko na agad binalot ang hubad na katawan at tiningnan ng masama si sir Tristan. Natawa naman ito ng mahina.

"Tsk! Don't be shy, love. You already show me that. And I'm trying to cover your body but you always taken them off and keep muttering that you want more" Natatawa na sagot ni sir na literal na nagpanga-nga sa akin. Agad ko naman tinakpan ng kumot ang mukha ko ng maintindihan ko ang sinabi nito. Nakaramdam ako bigla ng hiya.

"T-totoo ba 'yun sir? N-niloloko mo lang yata ako e" Tanong ko pa dito habang nakatalukbong ng kumot. Narinig ko na naman ang mahinang pagtawa ni sir Tristan kaya lalo akong nakaramdam ng pag-iinit sa aking pisngi.

"I'm telling the truth, love" sagot nito. Napakagat-labi naman ako dahil sa kahihiyan. "Don't worry, love because, I won't tell others how wild you are" Dagdag pa nito na may panunukso sa boses.

"Nakakahiya!" Reaksiyon ko dahilan para matawa ng malakas si sir Tristan. Naramdaman ko pa ang paglapit nito sa akin para alisin ang kumot na nakatakip sa akin. "Wahh huwag niyong alisin sir!" Pagmamatigas ko na hindi pumayag na alisin ang kumot na nakabalot sa akin. Ayaw ko kasing makita nito ang pamumula ng aking pisngi.

"Stop, love. Don't be shy because I am yours now and-----" Natigil sa pagsasalita at paghigit ng kumot si sir ng tumunog ang cellphone nito na lihim kong ipinagpasalamat. "I'll answer the call, love. Wait me here" Dagdag pa nito bago ko naramdaman ang pag-alis nito sa ibabaw ng kama.

Nang maramdaman ko na tuluyan ng nakaalis sa harapan ko si sir ay inalis ko ang pagkakatakip ng kumot sa aking mukha. Nakahinga rin ako ng maluwag. Sinundan ko ng tingin si sir na ngayon ay nakatalikod at nakatayo sa may bintana. Bahagyang napaiwas ang tingin ko dito ng mapansin ko na boxer lang ang suot nito ngayon. Ang bastos talaga nito!

"What? She pulled out her investments?" Gulat na reaksiyon pa ni sir Tristan sa kausap nito sa kabilang linya. Napahilot ito bigla sa sentido nito at para bang bigla itong naging problemado. "Ok. I'll be there in a minutes. Bye" Putol nito sa kabilang linya. Napabuntong-hininga ito pagkatapos.

Nang bumaling sa akin si sir Tristan ay pilit itong ngumiti sa akin bago nagsimulang kumilos para sa pagpunta nito sa opisina.  Pinagmasdan ko lang ito habang kumukuha ng bussines attire. Nararamdaman ko ngayon ang sobrang panghihina nito. Tumayo na ako sa higaan para magbihis at tulungan ito sa ginagawa.

"Ako na diyan, love" Malambing na wika ko dito na sinimulan ng ayusin ang kurbata nito. Gusto kong maramdaman nito na malalampasan din nito ang problema na meron ito ngayon.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga bisig ni sir sa baywang ko habang inaayos ko ang kurbata nito at alam ko rin na nakatitig ito sa akin ngayon.

"I'm sorry, love. Sa tingin ko magiging busy ako ngayon" wika nito sa akin. Tumingala ako dito para ngumiti.

"Ayos lang, sir. Huwag po kayo mag-alala" wika ko naman dito para hindi na ako nito masyadong isipin. Ngumiti ito sa akin bago ako mabilis na hinalikan sa labi. Napangiti ako ng makita ko na maayos ang pagkakalagay ko ng kurbata nito. "Tapos na!" wika ko pa dahil sa tuwa.

"Thanks. I'll back home early" wika naman nito bago ginulo ng bahagya ang aking buhok at nagsimula nang maglakad palabas ng kwarto nito. Sinundan ko nalang ito ng tingin at napabuntong-hininga no'ng hindi manlang ako nito nagawang lingunin katulad ng madalas nitong ginagawa.

––

"Sunod ka sa probinsiya, Jess huh? Hihintayin ka namin do'n nina tita" Paalam nina Ella at Ele na halos maluha pa. Pabalik na kasi ang mga ito sa probinsiya. Natawa naman ako ng mahina dahil nagmukhang ewan ang dalawa kong kaibigan. Tumango-tango naman ako sa mga ito pagkatapos.

"Uuwi din ako do'n. Huwag kayong mag-alala" wika ko sa mga ito na niyakap pa ang ito.

"Sunod ka huh?" Paniniguro pa ni Ele habang yakap-yakap ko. Tumango-tango ako.

Nang bitiwan ko ang mga ito ay nagsimula nang maglakad ang mga ito palabas ng gate. Napatingin ako kay Gregorio at ngumiti dito. Nginitian din ako nito pabalik.

"Hangad ko ang kaligayahan mo, binibini" sabi pa nito sa akin bago kumaway.

Nang makaalis ang mga kaibigan ko at si Gregorio ay nagsimula na akong maglakad papasok ng bahay. Napabuntong-hininga ako ng sumalubong sa akin ang tahimik na paligid. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at pilit na ngumiti. Sinimulan ko na rin ang mga dapat kong gawin.

Ngayon ay nandito na ako sa may sala habang nanonood ng english movie. Natapos ko na lahat ng dapat kong gawin kaya naman naisipan kong manood habang naghihintay sa pagdating ni sir Tristan. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa orasan na nakasabit sa may dingding. Napakunot-noo ako ng mapagtanto ko na malapit na ang hating-gabi.

"Ang sabi ni sir ay uuwi siya ng maagap pero bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?" Naitanong ko pa sa aking sarili habang napapasimangot.

Napatingin pa ako sa may kusina kung saan nakahain ang mga pagkain na niluto ko para kay sir Tristan. Lumalamig na! Napabuntong-hininga nalang ulit ako at muling ibinalik ang paningin sa pinapanood. Nagulat pa ako ng bigla nalang tumunog ang cellphone na nasa tabi ko. Mabilis ko iyong kinuha at sinagot ang tumatawag.

"Hello, sir?" Sabik na sagot ko sa tumatawag. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa mula sa kabilang linya dahilan para mawala ang ngiti ko.

"It's me. Sebastian" Natatawa na bungad pa sa akin ni Sebastian sa kabilang linya. Tumikhim pa muna ako para mawala ang pagkapahiya ko. Ngumiti ako kahit hindi ako nito nakikita.

"Bakit ka napatawag? May balita na ba?" Tanong ko naman dito.

"I have good news and bad news for you, JM. Ano ang gusto mong unahin ko?"

"Good news"

"Ok. The good news is, I found his dad but the bad news is, he doesn't want to mingle with his son's business so that means, we failed in finding investor. I'm sorry, JM" wika ni Sebastian na napabuntong-hininga pa pagkatapos.

Napabuntong-hininga din ako sa nalaman. Lahat ginawa namin ni Sebastian para mahanap at makausap ang dad ni sir Tristan dahil alam ko na ito lang ang makakatulong sa kompanya ni sir. Nalaman ko kasi na isa ring kilalang businessman si Timothy Guttierez na siyang dad ni sir Tristan. Ano na ang dapat kong gawin? 

"Ok. Salamat, Sebastian. Ako na ang bahala" sagot ko nalang dito bago pinatay ang linya. Muli na naman akong napabuntong-hininga at napasandal sa sofa.

Nagising ako ng maramdaman ko na para akong nakalutang. Nang imulat ko ang aking mata ay bahagya pa akong nagulat dahil buhat-buhat na ako ni sir papunta sa kwarto. Hindi ko manlang namalayan ang pagdating nito.

"S-sir? K-kanina pa po ba kayo?" Tanong ko dito. Inilapag ako nito sa higaan ko at nilagyan pa ako ng kumot. Ngumiti ito sa akin bago ginulo ang aking buhok.

"Kararating ko lang. Take your rest. I have to go" wika nito na tumayo na ulit. Napakunot-noo naman ako.

"Huh? Kararating mo lang a tapos aalis ka na naman?" Naguguluhan na tanong ko dito. Bumuntong-hininga ito.

"I'm sorry, love. I'll be more busy because of business matter. I really have to go" wika nito bago ako hinalikan sa noo at nagsimula nang maglakad palabas ng aking kwarto.

"Ok. Ingat ka sa trabaho at huwag magpapalipas gutom" Pahabol ko dito na ikinalingon nito sa akin. Napangiti ako ng ngumiti ito. "I love you, love" Dagdag ko pa pero mukang hindi na nito iyon narinig dahil nagpatuloy na ito sa paglabas ng aking kwarto. Sinundan ko nalang ito ng tingin. Napabuntong-hininga ako pagkatapos.

Simula ng araw na iyon, lumipas ang dalawang linggo na gano'n lang ang naging buhay namin ni sir Tristan. Maghihintay ako sa pag-uwi nito at ito naman ay uuwi lang para tingnan ako at magpalit ng damit at pagkatapos ay muli na namang aalis. Madalas din kaming magkasalisi ng oras dahil may mga beses na wala ako sa bahay sa tuwing uuwi ito dahil sa aking learning session at dahil din sa ginagawa kong pagkumbinsi sa daddy nito na maging investor sa kompanya ng anak nito.

Napangiti ako ng marinig ko ang pagbukas ng kwarto ni sir Tristan. Dito ko na ito hinintay para hindi kami magkasalisi at pinilit ko rin na hindi makatulog para magka-usap naman kami nito. I miss him!

"Love?" Bungad ko dito pero mukang hindi ako nito narinig dahil basta nalang ito humiga sa kama nito na para bang hindi ako napansin. Ipinikit nito ang mga mata bago nagpakawala ng isang marahas na buntong-hininga. Halata din sa itsura nito ngayon na sobrang pagod ito. Bumalot ang katahimikan sa loob ng kwarto.

Nagsimula ako ditong lumapit para alamin kung tulog na ba ito. Napabuntong-hininga nalang ako ng mapagtanto ko na tulog na nga ito. Nakaramdam man ng kaunting hinanakit para dito ay sinimulan kong alisin ang suot nitong sapatos at medyas. Inayos ko rin ito sa pagkakahiga.

Kinabukasan ay inasahan ko na magigising ako na katabi ko pa sa kama si sir Tristan pero nagkamali ako dahil wala na ito at basta nalang umalis pabalik sa trabaho na wala manlang paalam sa akin. Hindi ko na napigilan na mapaluha. Hindi ko lang maiwasan na hindi malungkot sa nangyayari. Lalo pa akong nasaktan ng mapagtanto ko na tama ang sinabi noon ni Bianca sa akin. I'm useless for Tristan!


🌻 Thank you for reading! Approximately 3 chapters left before epilogue 😌 Malapit na magpaalam sina Tristan at Jessica 😁 Marami pong salamat sa mga patuloy na nagbabasa. Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ keep safe everyone! 

Continue Reading

You'll Also Like

90K 2.4K 52
Si Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging a...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
121K 2.9K 52
What will you do if you end up in someone else body?
82.4K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...