'Son-in Law who surpasses the...

Від NonockMejino

4.1K 975 68

Biyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang... Більше

TINITINGALA NG LHAT
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII
CHAPTER XXXIX
CHAPTER XL
CHAPTER XLI
CHAPTER XLII
CHAPTER XLIII
CHAPTER XLIV
CHAPTER XLV
CHAPTER XLVI
CHAPTER XLVII
CHAPTER XLVIII
CHAPTER XLIX
CHAPTER L
CHAPTER LI
CHAPTER LII
CHAPTER LIII
CHAPTER LIV
CHAPTER LV
CHAPTER LVI
CHAPTER LVII
CHAPTER LVIII
CHAPTER LIX
CHAPTER LX
CHAPTER LXI
CHAPTER LXII
CHAPTER LXIII
CHAPTER LXIV
CHAPTER LXV
CHAPTER LXVI
CHAPTER LXVII

CHAPTER 10

70 14 0
Від NonockMejino

KABANATA 10

"Haha, nakalimutan mong dalhin ang iyong bank card? Napakagandang rason!" Malakas na tumawa si James at tumingin kay Samantha, "Nakalimutan mo rin bang dalhin yung iyo, tita Samantha?"

"Oo..."

"Hahaha!" Hindi na mapigilan pa ng lahat ang kanilang pagtawa. Isang dalaga ang biglang napasabi ng "Siguradong nakalimutan din ni Nonack yung card niya, nagpunta lang dito ang pamilyang iyan para makikain nang libre!"

Napakagat nang husto si Chen sa kaniyang labi dahil wala na siyang magawa pa sa pagkakataong ito. Dito na rin kumilos si Nonack."

"Dala ko ang aking card, kaya lang..."

Bago pa matapos ni Nonack ang kaniyang sinasabi, mabilis na inagaw ni James ang kaniyang card at ipinasa ito sa waiter. "Halika rito, tingnan natin kung aabot ba sa 300,000 dollars ang laman ng card na ito!"

Hindi mapakaling napapadyak na lang sa sahig si Chen habang iniisip kung paano magkakaroon ng 300,000 dollars ang card ng kaniyang asawa kung nasa 200 dollars lang ang allowance na ibinibigay niya rito araw araw.

Siguradong lolokohin lang ni Nonack ang kaniyang sarili.

Nakita ni Chen ang pagpipigil ng lahat sa kanilang pagtawa habang hinihintay ang napakagandang joke na mangyayari kay Nonack.

Sa mga sandaling ito, walang kahit na sinong nakapansin na dahan dahang pagtayo ni Wency. Napuno ng pagkagulat ang napakaganda nitong mukha!

"Hindi naman ako nagkakamali hindi ba? Isa ba itong black card ng Amethyst Bank? sabi ni Wency.

Agad na naging kasing tahimik ng sementeryo ang kaninang maingay sa tawanang dining hall.

Mukhang naging bato ang lahat sa mga salitang binitawan ni Wency!

Napakaganda nga ng bank card na ito, isa itong kulay itim na may kulay gintong guhit na parang isang ribbon at isang diyamante na nakaukit dito. Dalawang nagagandahang mga salita ang napakagandang nakasulat sa bottom right na bahagi ng bank card na nagsasabing: Nonack Wayne.

Isang black card ng Amethyst Bank!

Paano ito naging possible? Maging ang Platinum Card ni James ay nangangailangan ng hindi baba sa 10 million dollars magkaroon nito.

Sa taas nito ay ang diamond card na nangangailangan ng saving na hindi bababa sa isang daang milyon.

Sa itaaa naman nito ay ang VIP card na mayroong laman na hindi bababa sa limang daang milyon!

At ang pinakamataas sa lahat ng mga card ay ang black card na nangangailangan ng lamang hindi bababa sa isang bilyong dolyar!

Mukhang hindi tataas sa tatlo ang bilang ng mga card na ito sa buong Donghai City! Walang sinuman sa loob ng hotel na ito maging ang boss na si Norman ang may black card!

Pareho ring natigilan dito sina Chen at Samantha, hindi sila makapagbanggit ng kahit isang salita!

"Isa...isa lang itong sticker na para sa mga bank card hindi ba?" Biglang sinabi ng isa sa mga bisitang malapit nang matawa.

Nakahinga na rin ang lahat sa mga sandaling ito. Mukhang isa lang itong uri ng sticker! Imposibleng magkaroon ng black card ang isang napakadungis na tao.

"Haha, nakakadiri ka talaga Nonack." Malakas na tawa ni James. "Kahit na hindi namin pansinin ang pagiging mahirap mo, nagawa mo pa ring umarte na parang isang mayaman."

Hindi na nagsalita ng kahit na ano si Nonack at nagpakita na lang ng isang ngiti.

Lumapit si Chen at nakita ang waiter na kumuha ng card para bayaran ang kanilang bill. "Nonack, alisin mo nga ang sticker na iyan pag-uwi natin, hindi ka na na nahiya? At...at... sapat ba ang laman ng card mo para mabayaran ang bill natin?" Hindi maiwasang maitanong ni Chen nang pabulong.

"Sapat na yung laman nito, inipon ko ang lahat ng allowance na ibinibigay mo sa akin araw-araw. Kaya kung isasama yung naipon ko noon, sapat na ito para mabayaran ang bill natin." Sabi ni Nonack.

Hahahaha!

Kahit na naging mahina ang boses ni Nonack, narinig pa rin ng lahat ang kaniyang sinabi at nagsimula muli sa pagtawa.

Matapos bayaran ang kanikanilang mga bill, nagsialis na ang mga miyembro ng pamilya Perez.
Dito na patagong hinawakan ni Norman ang braso ni Nonack at agad na isinakay sa kaniyang sasakyan

"Sa wakas, nakita na kitang muli, ikalawang young master..." sabik na sinabi ni Norman habang nagdadrive ng kaniyang sasakyan.

"Saan mo ako dadalhin?

"Ipapakilala kita sa ilang mga tao, siguradong gustong gusto ka na rin nilang makita!" nanginig ang mga kamay ni Norman sa mga sandaling ito. "Kaya kailangan mong sumama sa akin..."

"Sige, sige, sige. Sasama na ako sa iyo basta mag-ingat ka lang sa pagdadrive." Sabi ni Nonack.

Buwisit, bakit ba sabik na sabik ang lalaking ito? Hindi na niya mahawakan nang maayos ang manibela ng kaniyang sasakyan.

Mabilis na umandar ang sasakyan at agad na nakarating sa entrance ng isang bar.

Ang Moonlit River Bar, ang pinakamarangyang bar sa buong Donghai City!

Masasabing hindi bababa sa 10,000 dollars ang pinakamaliit na magagastos ng kahit na sino para sa dalawang tao na iinom sa bar na ito!

Maraming mga magagarang sasakyan ang makikitang nakapark sa entrance ng Moonlit River Bar, kaya siguradong may kaya kahit papaano ang mga parokyanong nagpupunta sa bar na ito.

"Ano bang ginagawa natin sa lugar na ito?" tanong ni Nonack habang bumababa sa sasakyan.

Ayaw niya sa mga ganitong klase ng lugar dahil sa matinding ingay ng mga ito.

"Para bigyan ka ng isang surpesa." Nakangiting sinabi ni Norman. "Ikalawang young master, matagal niyo na ring kakilala ang boss ng Moonlit River Bar, ito ay si Samson Facey."

Si Samson Facey?

Oh, naalala na ito ni Nonack.
Noong una, isa lang itong all around na trabahador sa angkan ng mga Wayne. Naisip ni Nonack na mayroon itong utak kaya pinromote niya ito sa isang managerial na posisyon. Matapos magtrabaho ng dalawang taon at makaipon ng malaki, umalis na siya sa angkan ng mga Wayne para magsimula ng sarili niyang negosyo.

Hindi inasahan ni Nonack na si Samson ang nagtayo ng Moonlit River Bar. Mukhang hindi nga nito binigo si Nonack.

"Ikalawang young master, mauna ka na po sa loob, hintayin mo ako sa loob ng 777," sabi ng nakayukong si Norman. "Ihahanda lang naming ni Samson ang surpesa naming sa iyo na siguradong magugustuhan mo!"

Umalis na si Norman bago pa man makasagot si Nonack.

Napabuntong hininga na lang si Nonack na pumasok sa Moonlit River Bar.

Kaya pala naging ganito kasikat ang bar na ito, maging ang mga usher nito sa entrance ay mga nagagandahang mga binibini.

Nakangiting pumasok si Nonack nang marinig niya ang nakabibinging tugtog sa loob ng bar.

Napakasigla ng eksena na masasaksihan ng kahit na sino sa loob ng bar na ito, makikita ang nagkukumpulang mga lalaki at babae sa dance floor na iniindak ang kanikanilang mga katawan sa malakas na tugtog ng bar...

Naramdaman na ni Nonack ang pagtanda niya kaya hindi na para sa kaniya ang mga ganitong klase ng lugar...

"Oh? Hindi ba ako namamalikmata, hindi ba iyon ang walang kuwentang si Nonack?" Biglang sinabi ng isang tao mula sa likuran ni Nonack. Dahil dito ay agad na napalingon si Nonack at nagulantang sa kaniyang nakita.

Nakatayo sa likuran niya ang isang napakagandang babae na nakasuot ng skinny jeans na nakapagpasexy nang husto sa kaniyang katawan. Ito ay walang iba kundi si kate.

"Ano ba ang dapat mong itawag sa akin? Hindi ba't dapat mo na akong tawagin na daddy?" Nakangiting sinabi ni Nonack.

"Ikaw!" Napakagat sa kaniyang labi si Kate, tuwang tuwa siyang nagpunta sa bar ngayong araw para makipagnegosasyon at gumawa ng isang deal kasama ng isang napakalaking kliyente! Siguradong kikita siya ng hindi bababa sa isang milyon dolyar na kumisyon sa sandaling pumirma siya at ang kliyente niyang ito ng kontrata!

Kaya inimbitahan niya ang kliyente niyang ito rito, para uminom nang kaunti at mapirmahan ang kontrata.

Pero hindi niya inssahang makikita niya si Nonack sa lugar na ito!

"Kahit na ang isang madungis na kagaya mo ay nakakapunta sa lugar na ito?" sabi ni Kate habang tinitingnan si Nonack mula ulo hanggang paa. "Nagawa mong mag-ipon ng 200 dollars araw-araw sa loob ng isang taon para lang gastusin itong lahat sa lugar na ito? Sulit na ba ito para sa iyo?"

"Hindi," tawa ni Nonack. "Gusto ko lang malaman kung kailan mo ako tatawaging daddy?"

Sa mga sandaling ito, isang matipunong lalaki ang tumayo, naglakad sa tabi ni kate at nagtanong ng "Sino siya, Miss Kate? Bakit parang tanga siyang magsalita? Gusto mo bang turuan ko siya ng leksyon?"

Tumawa si Kate at sinabing, "kilala mo ba kung sino ang lalaking nasa tabi ko, Nonack? Siya lang naman ang head of security ng Moonlit River Bar. Iiyak ka kaya kung sasabihin ko sa kaniyang itapon ka sa labas?"

Hindi ako nagkakamali, ang matipunong lalaki na ito ang kaniyang kliyente na si Arnold Salvo!

Titulo lang nito ang head of security, pero bouncer lang talaga ang tingin dito ng mga taong marunong makaintindi.

Sabagay, marami nga namang nagsisimula ng gulo sa isang lugar na kagaya nito. Sikat si Arnold sa buong Donghai City na mayroong 20 hanggang 30 na tauhang nagbabantay sa buong lugar na ito.

"Naririnig mo ba palito? Umalis ka na sa lugar na ito." Gigil na sinabi ni Arnold habang umaaabante palapit kay Nonack

Ano bang problema ng mga usher na iyon para magpapasok ng isang madungis na tao sa bar na ito. Siguradong hindi man lang aabot sa dalawang libong dolyar ang sinasahod ng ganitong klase ng lalaki na nakasuot ng mumurahing mga damit, pero nagawa pa rin niyang magpunta sa lugar na ito?

Ngumiti lang dito si Nonack, hindi na niya pinansin ang mga sinabi ni Arnold at dumiretso na lamang papunta sa room 777.

Gawa sa salamin ang lahat ng mga rooms dito. At ang room 777 ay ang room na nakapuwesto sa gitna ng bar, kung titingnan mula sa labas, mukhang isang palasyo ang room 777 na parang pinakaespesyal na room sa buong bar.

"Tumigil ka!"

Sigaw ni Arnold nang makita niyang naglalakad si Nonack papunta sa room 777. Naisip nitong pumunta sa bar na ito si Nonack para magsimula ng gulo!

Gawa sa ginto ang lahat ng gamit sa loob ng room 777 kaya umaabot sa 700,000 dollars kada oras ang presyo ng pagpapareserve at paggamit nito.

Nakaupo na sa loob ng Room 777 si Nonack habang hawak hawak ang isang tasa ng tsaang pinaghahandaan na niyang inumin.

Hahaha! Siguradong ito na ang katapusan ni Nonack!

Nakaramdam ng matindi ng tuwa sa dibdib si Kate. Nasisiraan na ba bait si Nonack? Ang isang private room na kagaya ng room 777 ay isang lugat na hindi para upuan ng isang walang kuwentang manugang na kagaya niya.

Nag-usap na kanina sina Kate at Arnold at nasabi ni Arnold na kalahating taon na ang nakalilipas mula noong may huling gumamit ng room na ito!

Parang naging maginoong ang naging pagtrato nina Arnold at ang boss ng bar na ito, pero hindi pa rin nagawang pumasok ni Arnold sa loob ng Room 777.

"Bingi ka ba? Hindi mo ba ako naririnig?" Sigaw ni Arnold habang mabilis na lumalapit kay Nonack na kaniya ring kinuwelyuhan.

"Haha, nandito ang diyosang si kate, kaya siguradong maipakikita ko kung gaano ako kalakas sa sandaling bugbugin ko ang hayop na ito tama?" isip ni Arnold habang tinatawag si Nonack. Agad na nagsisugod ang nasa higit 20 mga matitipunong lalaki papasok sa room 777. Silang lahat ay mga bouncer sa Moonlit River Bar.

"Anong problema, Arnold?" sagot ng matitipunong mga lalaki.

Lumingon si Arnold kay Kate at tumawa, "Ms. Kate, anong gusto mong gawin ko sa lalaking ito?"

Tumingin si Kate kay Nonack na tila wala pa ring pakialam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Ito ang mismong gumalit kay Kate!

Ipanadyak ni Kate ang kaniyang mga paang nakasuot ng heels at sinabing. "Pilitin ninyo siya na tawagin akong mommy at saka niyo siya itapon sa labas."

Time:     7:35 am
Date:      10-0421
Note:     Vote and follow

Продовжити читання

Вам також сподобається

253K 1.4K 33
This is a mix of different animes that have smut in them
32.6K 2.2K 55
𝐭𝐡𝐞 𝟐𝐧𝐝 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐨𝐟 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐨𝐥𝐢𝐯𝐢𝐚 𝐫𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐝 𝐲/𝐧'𝐬 𝐦𝐞𝐞𝐭-𝐜𝐮𝐭𝐞𝐬/𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢�...
225K 469 21
just some of my horny thoughts;) men dni