CHAPTER 2

121 13 0
                                    


KABANATA 2

"Wala na bang ibibilis pa ito? Siguradong lagot ako pag nalate ako sa meeting namin." Hindi mapakaling sinabi ni Chen matapos mapansin ang mabagal na pagtakbo ng bike ni Nonack.

Nang lumabas ang mga salitang ito sa kaniyang bibig, agad itong pinagsisihan ni Chen dahil agad na sinagad ni Nonack ang bilis ng kaniyang luma at sirasirang bike!

Masyadong itong naging mabilis para kay Chen kaya wala na itong nagawa kundi mapayakap nang husto sa baiwang ni Nonack.

Agad na nanginig ang buong katawan ni Nonack sa pagyakap na ito ni Chen. Sa tatlong taon ng kanilang pagsasama, ito ang unang beses na nagkaroon sila na physical contact sa isa't isa. Agad siyang nakaramdam ng matinding pagkasabik sa kaniyang dibdib mula sa pressure na ibinibigay ni Chen sa kaniyang likuran at lalopang pinabilis ang talbo ng kaniyang bike.

Kinalaunan ay nakarating na rin ang mag-asawa sa main entrance ng office building na pinagtatrabahuhan ng kaniyang asawa, nakahinga na rin nang maluwag si Chen nang huminto ang sinasakyan nilang bike sa tapat ng pinagtatrabahuhan niyang building. Habang pababa sa bike, agad niyang narinig ang napakalakas na tunog mula sa isang sasakyan. Isang Audi Q5 ang huminto at nagpark sa tabi ng bike, isang lalaki ang bumaba mula rito.

Nilock ni Donald Dinindo ang kaniyang sasakyan at inayos ang kaniyang suit. Naglakad siya papunta kay Chen at tinuro si Nonack "Chen, sino ang lalaking ito?"

"Siya si Nonack." Mahinhing sagot ni Chen habang bumababa sa bike.

Nagulat ang buong Donghai City sa kasal nina Nonack at Chen tatlong taon na ang makalilipas. Hindi inakala ng kahit na sinong nakatira sa Donghai City na ang mahinhin at ang napakaganda si Perez ay nagpakasal sa isang basura.

"Oh, siya pala ang basurang iyon." Walang awang singhal ni Donald. Hinubad niya ang kaniyang coat at ipinahiram kay Chen. "Kawawang Chen, mukhang nilamig ka papunta rito, isuot mo ito. May regalo rin pala ako sa iyo.'

Bumalik si Donald sa kaniyang sasakyan para kunin anh ang isang karton na may marangyang itsura.

Naglalaman ito ng isang napakagandang pares ng high heeled shoes na gawa sa kristal. Siguradong magiging elegante magkakaroon ng class ang sinumang magsusuot nito.

Ilang taon na ang makalilipas nang pasukin din ng angkan ni Nonack ang Fashion Industry kaya nagawa niyang makakilala nh ilang mga kilalang Fashion Designers. Kung hindi siya nagkakamali, ang pares ng heels na ito ay dinisenyo ng isang British Designer na nagngangalang Minah, pinangalanan niya itong "The Worship of Crystal". 99 na pares lamang nito ang ginawa noong taong iyon at ang bawat isa ay agad na nabili sa mismong sandali na irelease ito. Mga kilalang pamilya ang bumili sa karamihan ng mga ito, kaya kahit magkaroon man ng malaking pera ang kahit na sino sa mga sandaling ito, magiging imposible pa rin para sa kanya na makakuha ng isang pares nito.

Mukhang totoo ang mga sapatos na hawak ni Donald sa mga sandaling ito, pero makikita rin sa mausisang pagtingin ang matatalas na dulo nito, kaya sigurado na isa lang itong replica.

"Alam ko namang matagal mo nang gusto ang heels na ito, kaya nalungkot ako para sa iyo. Tumingin ako kung saan saan pero hindi ako makahanap ng orihinal nito." sabi ni Donald habang ibinibigay ang pares ng heels kay Chen. "Kaya gumastos ako ng 300,000 para sa replicang ito. Suotin mo na ito ngayon at bigyan ako ng isang buwan para makabili ng isa sa mga orihinal nito."

"Ok lang," mahinang sinabi ni chen habang tinatanggap ang pares ng heels "mukhang imposible nang makahanap ka ng orihinal nito. Kahit na makahanap ka man, masyado nang mahal ang magiging presyo ng mga iyon. Ang isang pares nito ay nagkahalaga ng 30 million sa isang auction last year. Kaya hindi mo na kailangan pang magsayang ng panahon para rito. Mukhang ok na rin naman ang mga replica na ito."

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now