His Bride

By Nayakhicoshi

37.4K 1.9K 429

Thieves in Law Series ††† Everiss desperately crashed her ex-boyfriend's wed... More

Disclaimer
Prologue 1
Prologue 2
1| Version 2.0
2| Toothpaste Model
3| A day in a Vet
4| Bride candidate
5| Mufasa
6| Night Visit
7| Orchids
9| Missing Person
10| Make it Worse
11| Jorville Mansion
12| Russians
13| Whine
14| Desparate Criminal
15| Desperate Criminal II
16| Katarina
17| Hood
18| Silence
19| Meatballs
20| Engagement
21|Cuffs
22| Bodyguards

8| Numb

1K 90 8
By Nayakhicoshi

CHAPTER EIGHT
 

I couldn't enjoy the comfort of the brand new Pet Clinic. Kanina pa ako aligaga at hindi mapakali. Hindi pa tumatawag sa akin si Candice para magbigay ng update tungkol kina Uncle Pitt. Nag-aalala na ako. Sinubukan ko muli silang tawagan pero cannot be reached hanggang ngayon.

Nangangati na rin akong pumunta sa Police Station para mag-report ng missing person pero wala pang 24 hours na hindi sila makontact. At isa pa, banned na kami sa pag-file ng report sa Prisinto. Hindi ito ang unang beses na nawala si Uncle Pitt, noong high school ako madalas siyang laman ng mga missing poster dahil nawawala siya ng dalawang araw. Tapos malalaman namin na nag-camping lang pala siyang mag-isa sa gubat at pag-uwi niya may bitbit na siyang ahas. It always happened, and we always file a report every time he disappeared only to come back a few days with dirty, tattered clothes and a huge smile as if he won a lottery and we didn't almost die in worry looking for him.

"Look, sweetcheeks! I brought a friend! Meet Mr. Chicken!"

Iuuwi niya ang lahat na makita niya sa gubat. Pati mga linta at uuod ilalagay niya sa jar.

Pero iba itong nararamdaman ko ngayon. Usually, I would know if he would come back and if he was just in the wild looking for a new pet, pero kasama na niya si Nana. Hindi pa sila nawala nang magkasama. At hindi kayang umapak sa gubat si Nana. Mas gusto pa niyang maparalisa kesa madikitan ng mga linta.

Huminto ako sa pag-ikot nang mag-ring ang cellphone ko. Mabilis ko itong dinampot sa lamesa at sinagot nang makita na si Candice iyon.

"Can! Did you find them?"

Humugot siya ng malalim na hininga sa kabilang linya. I have this gut feeling telling me I would not like the result.

"Wala sila kina Tita Emily pero hahanapin ko, okay? Gaya ng sabi ko baka nasa Market sila. I'll drive to check them there then I'll call you back again," she assured me.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Can, hindi maganda ang pakiramdam ko."

"H'wag kang mag-isip ng masama, Evy. We'll find them, I promise you that."

After the call, I sat on the swivel chair and ran my fingers through my hair. Hindi ako pinapatahimik ng nararamdaman ko. Gusto kong may gawin. Ayokong naghihintay lang.

Tumayo ako at hinubad ang laboratory coat ko at sinabit ito sa rack. Dinampot ko ang bag at susi at nang masiguradong wala akong client sa loob ng isang oras, lumabas ako bago binaliktad ang close sign sa pintuan. Panandalian lang.

Ang maganda sa lugar na ito ay lahat ng pupuntahan mo ay walking distance lang. Ang malayo lang ay ang Mall kung saan aabutin ka ng isang oras kapag nilakad mo. Alas kwatro palang, hindi na masyadong tirik ang araw at mainit. Nang makarating ako sa destinasyon ko ay agad akong nagtungo sa front desk.

The officer behind the table looked up at me from the newspaper he was holding. Hindi siya nagbabasa, nagsasagot siya sa scribble. Inipit niya ang lapis sa tainga at in-uncrossed ang legs para ibigay sa akin ang buong atensyon. His name tag read Ed.

"Ms. Valentine. Anong maitutulong ko sa'yo— hulaan ko," Tinaas niya ang isang hintuturo para sabihing hindi pa siya tapos magsalita at ngumisi. "Nawawala ang Uncle mo."

Sa sinabi niya lumingon ang isang grupo ng mga Pulis sa gilid na nag-uusap. Lumapit ang isa, mayabang ang lakad nito at may ngisi rin sa mukha.

"Nawawa si Pitt? Bakit hindi na ako nagulat?" Siya naman si Kaluwag.

Binaba ko ang tingin sa mga kamay kong nakakapit sa dulo ng lamesa. "Hindi ito katulad ng dati. I swear, ma—"

Ed Pako waved his hand nonchalantly. "Masama ang kutob mo. Oo, naiintindihan kita pero—" Binuklat niya ang isang makapal na notebook at dinulas sa harapan ko. "Walong beses ka nang nagreport ng missing Uncle sa loob ng dalawang buwan."

Napangiwi ako.

"At walong beses na rin siyang umuwi na may pasalubong na daga."

Squirrel.

"Promise, iba talaga ito. I have a deep feeling he was really missing," I insist, almost pleading.

"Eight times mo na rin iyang nirason."

Tumawa si Kaluwag at pinatong ang siko sa lamesa at inuklo ang katawan sa akin. Umiwas ako kaagad.

"Please, hanapin niyo ang Uncle at Nana ko. Nawawala talaga sila."

Ngumisi si Kaluwag. "At anong kapalit?" He looked at me up and down.

A chill sent a shiver down my spine. I shifted uncomfortably and looked everywhere but him.

"Uhm, free grooming sa mga alaga niyong hayop at... haircut." Medyo mababawasan ang kita ng Clinic pero hindi na bale basta makauwi si Uncle at Nana.

"Paano kung ibang hayop ang alaga ko?" Kaluwag licked his bottom lip. Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa katawan sa uri ng ngisi at tingin niya.

Hinampas siya ni Ed Pako ng dyaryo at binugaw. "Bumalik ka na sa patrolya mo!"

Kaluwag gave me a lustful look. "Nasa kabilang kanto ako naka-istasyon kapag desidido ka nang hanapin ang Uncle mo."

Ed Pako gave me a concerned look after Kaluwag left. "Pasensiya ka na doon, Ms. Valentine. Tungkol sa paghahanap sa Uncle mo, pansensiya na rin dahil hindi ka na namin matutulungan. Meron kaming order mula sa taas na h'wag nang mag-aksaya ng oras sa mga Valentine."

Kinagat ko ang ibabang labi. "Kahit one month free supply ng dog food para kay Doggie?" Alam kong may alaga siyang aso mula sa balahibo na nakadikit sa uniform niya.

He thought about it. Nabuhayan ako ng pag-asa pero agad din iyong bumagsak nang umiling siya.

"Pero—"

Tinuro niya ang labas bago humilig sa kinauupuan at nagdekwatro. Dinampot ang dyaryo at lapis sa tainga at hindi na muli ako pinansin.

Huminga ako ng malalim at walang nagawa kundi ang umalis nang may bagsak ang mga balikat. Hindi pa ako nakakalabas ng Police Station nang huminto ang mga paa ko nang may makasalubong ako.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko samantala ay hindi naman siya mukhang nagulat na makita ako.

"Ms. Valentine, nawawala ang Uncle mo?" his gruff voice sent a shiver down my spine. He asked that nonchalantly like it was normal to happen. "Uuwi din siya."

Tumango lang ako bago nagpaalam sakanya. Officer Serio followed me with his careful eyes. Naramdaman ko iyon hanggang sa makalabas ako ng Prisinto.

Pagbalik ko sa Pet Clinic ay binagsak ko ang pang-upo sa swivel chair at hinilot ang sintido. Bakit ba ayaw nilang maniwala na masama nga ang pakiramdam ko ngayon? Hindi ito katulad dati. Hindi ko maipaliwanag but there is this deep feeling inside me that screaming for a warning. Hindi nila iyon maintindihan.

Nang mag-alas otso na ay nagpasya na akong magsara ng clinic. I'm hungry and I miss my fish already. Sana pag-uwi ko hindi nag-early dinner si Benjamin at Caroline. Those two were hot under my fish radar. Pagsukbit ko ng bag sa balikat ay dumako ang mga mata ko sa mga orchids. Napangiti ako at hinayaan ang malamyos na init na gumapang sa dibdib. They're good better here in Clinic.

Nang masiguradong wala akong naiwang gamit ay hinila ko na pababa ang trapal at kinandado sa malaking padlock.

"Everiss."

Tumuwid ang likod ko nang marinig ang boses na iyon mula sa likuran. I tensed when I heard someone approaching me. Mabilis akong umikot at tumambad sa akin si Drake. Suot pa rin ang damit kaninang umaga, pagod pa rin ang itsura pero may mga pasa siya sa mukha at gasgas sa mga braso. Bago pa ako makapagtanong ay humakbang siya papalapit sa akin.

Kusang umatras ang mga paa ko. Inangat niya ang mga kamay sa ere tanda na hindi niya ako sasakyan pero hindi ako nito mapanatag. Not when his eyes held panic and fear.

"Anong ginagawa mo dito?" I managed to ask despite my confusion.

"I told you, I'll find ways to talk to you," He took another step. "This is important. Listen, you're in danger right now." Nanginig ang boses niya, nanggilid ang luha sa mga mata.

"Diyan ka lang," I rasped, stepping back until the back of my shoe rubbed with the padlock.

"You're Un—"

Drake's eyes went wide as they looked at me in horror and panic. A lone tear escaped from his eye, slowly rolling down his cheek. He was mouthing something but I couldn't make it out.

My eyes zoned out on his mouth. The blood spurted out from his lips, down his chin to his shirt. There was a buzzed in my head, muting the noise around me until I only heard a tone similar to a flat line in a defibrillator. Then I heard a scream. A familiar one.

It was mine. The earsplitting scream came out from my lips as Drake fell on his knees, a hole in his chest, blood gushing out in a forceful stream.

"Eve..."

Tila nag-play ang lahat. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, napako ako sa kinatatayuan na tila binaril ng isang freezing gun. Drake's trembling hand touched his chest. Inangat niya ang kamay sa paningin bago inangat ang takot na mga mata sa akin.

"D...Drake..." Hinakbang ko ang naninigas na mga paa papunta sakanya. I reached out my hand to touch him but suddenly his shoulders jerked forward as another gunshot penetrated on his chest.

I screech, jumping until my back collided with the aluminum cover of the Clinic. Pinikit ko ang mga mata at tinakip ang mga kamay sa magkabilang tainga nang muling may pumutok. There was silence after that. Slowly peeling my wet eyes open, I whimpered in horror as I take in the scene in front of me.

Nakadapa si Drake sa sahig, naka-angle ang ulo sa akin. Nakamulat nang malaki ang mga mata na nakatitig sa akin. His mouth was wide open in shock as blood dripped from them. And I knew he was gone.

Nanlambot ang mga tuhod ko, nanikip ang dibdib at hindi matanggal ang tingin sakanya. I heard a car screech, my head snapped in the direction, and fear hammered in my chest when I saw a group of men. Bumaba sila sa sasakyan na may bitbit na mahahabang baril.

"Kunin siya!" Tinuro ako ng isa gamit ang tuktok ng baril.

Hindi ko magawang makapag-isip ng tama, blanko ang utak ko pero kusang gumalaw ang katawan ko. Tinukod ko ang likod ng trapal bago tinulak ang sarili. Lumapit sa akin ang mga lalaki at instinct ang nagtulak sa akin na humakbang. I gave Drake one painful look as I sprinted to the side.

"Habulin siya!"

Halos mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko. My feet were unstable but I still manage to sprint in an aimless direction. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang alam ko lang kailangan kong tumakbo at takasan sila.

I made turns, crying as I pushed myself faster. Naririnig ko sila, nakasunod sa akin. They have guns but they are not using them yet. Kung nagawa nilang patayin si Drake, magagawa rin nila sa akin. Natagpuan ko ang sarili sa madilim na eskinita. Nakakita ako ng tambak ng mga basura at karton. Hindi na ako nagdalawang isip at nagtago sa likod nito. I sat, crouching as I cover my mouth with my shaking hands. Tinikop ko ng mariin ang mga labi, natatakot na marinig nila pati paghinga ko. I heard them approaching and stopped in front of my hiding place.

Mariin kong pinikit ang mga mata. Tears rolled down my cheeks.

"Nasaan na siya?" A man asked.

I flinched at the venom in his voice. Saglit na katahimikan ang nangyari pero alam kong nandiyan pa sila. I could hear the rustling of their movements. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata, may kaonting liwanag na nanggagaling sa malalapit na establismento kaya nakikita ko pa rin ang lahat. Sumilip ako sa awang ng mga plastic at bago pa ako makakita, tumalsik sa gilid ang mga basura at karton na nagsisilbing cover ko at may marahas na kamay na humila sa buhok ko.

I let out a scream, thrashing as I was being pulled from my position.

"Hello, brat." The voice I heard from earlier whispered in my ear.

Tumingin ako sakanya, sunod-sunod na luha ang lumabas sa mga mata ko nang makita ang pangit niyang mukha. Humiyaw ako nang higitin niya lalo ang buhok ko, halos maramdaman ko silang mabunot mula sa anit ko.

"Pakawalan mo ako!" sigaw ko at pinaghahampas siya gamit ang mga kamay pero hindi man lang siya natibag. Instead, he flashed me his gold front teeth.

Hinila niya ako mula sa buhok at kinaladkad sa direksyon na gusto niya. Halos masira ang lalamunan ko sa kakasigaw. But my cries and begs were neglected.

"Dalhin niyo ang sasakyan dito. Kailangan magmadali bago ito makarating kay Papa," utos niya sa mga kasama.

"Anong kinalaman ko sa Papa niyo?!"

The man chuckled darkly and pulled my hair even harder. I cried out in pain, tugging his metal-like hands.

"Not the Papa. But to the Capo di tutti Capi."

Wala akong naintindihan pero isa lang ang alam ko, they are Mafias. The one Uncle Pitt was talking about. Mula bata binalaan na niya kami tungkol sa mga katulad nila. Mapanganib, marahas at walang sinasanto. They rule the dark in the City. Dapat nakinig ako sa mga bilin ni Uncle na bago magdilim ay nasa bahay na ako. Hindi ko dapat sinantabi ang pangunahing rule sa bayan na ito.

But it still doesn't make sense. Anong kailangan sa akin ng mga Mafia? Why would they kill Drake?

The golden teeth man dragged me forcefully towards the black van waiting at the end of the alley. Nagpumiglas ako, sumigaw at pinagsisipa siya. Ngayon lang ako naging bayolente pero hindi pa iyon tumalab.

Biglang nagmura ang may hawak sa akin. I heard gunshots but before I could comprehend what was happening, I was thrown to the side like a sack of garbage. Nagpagulong-gulong ako hanggang sa maramdaman ang malakas na pagtama ng likod ng ulo ko sa bato. Dark spots covered my eyes. My body went numb as darkness consumed me.

Kumislot ang katawan ko nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Minulat ko ang mga mata. Madilim. My head turned to the side and saw bodies lying on the ground. Golden teeth man was swimming with blood in the corner, his long gun in his side.

Bumigat ang talukap ng mga mata ko at bago ako muling lamunin ng kadiliman naaninag ko ang isang bulto na papalapit sa akin.

"She just lost consciousness."

Naalimpungatan ako nang marinig iyon. The voice was close, like really close. I opened my eyes slowly and saw a rocking sky. Napagtanto ko na may bumubuhat sa akin. Lumingon ako dito, malabo pa rin ang mga mata ko pero sapat na para makilala kung sino ang may dala sa akin.

"Dashiel...?"

He looked down at me, smiling brightly. "You're safe now. Just close your eyes and rest. Kami na ang bahala sa lahat."

For some reason, I wasn't panicking when I realized I was in his arms. For some reason, I feel...safe.

"Anong..."

Mas lumapad lang ang ngiti niya. Effective talaga ang brand ng toothbrush niya. I remind myself to change brand as well.

"Saka na ang question and answer portion. Close your eyes," he commanded gently. Like a spell, my eyes rolled back as they close. Before I was drifted to oblivion again, I felt myself being transferred to another set of arms and heard a few exchanges of conversation. "Iyan, mas bagay sa'yo!"

"Shut up. You might wake her."

"Are we whipped?"

"Shut. Up."

Dashiel laughed. "This is interesting. Sleep tight," A beat. "Mrs. Rozanov."

   
.

Continue Reading

You'll Also Like

14.4K 2.4K 60
Isang retiradong sundalo na nais mag bago, Gamit ang larong babago sa buhay na kanyang nakasanayan. (Chapter 1-4 Training) (Chapter 5-28 Member Story...
90.4K 5.6K 64
Akala ko noong una,puro emahinasyon lang o gawa gawa ng tao pag naririnig ko iyong mga kwentong bayan,.. Minsan iniisip ko ,nako panakot lang y...
468K 20.5K 79
She's heartless person, She can kill you without blinking her eyes. Beg for your life she didn't care, and surely she make ur life living hell..... ...
25.4K 902 46
Esme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the book and falls asleep, she found out that s...