Melting You Softly (Student S...

By maysique

129K 6.1K 4.7K

Student Series 1: The MaΓ±ana Habit 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 Delaying tasks is one of the constant poor practices of... More

Melting You Softly
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 46

1.6K 68 17
By maysique

Chapter 46

"Galit ka pa po?" malambing kong tanong sa kanya habang nasa loob kami ng sasakyan niya.

Kanina pa sa bahay ako naglalambing at nagpapa-cute sa kanya pero ini-snob niya lang ako. Kapag nakikipag-usap kina Mama at sa dalawang ninang ko, ang bait at panay ngiti naman siya. Palihim nga lang ang masamang tingin niya kay Dexter na wala namang ginagawang masama sa kanya.

"Mali-late ka na. Sige na po." Tumango siya at hindi pa rin ako tinitingnan.

I jutted out my lip. "You're mad."

"Hindi nga po—"

"E, nasaan ang kiss ko?!" Sumimangot ako sa kanya. "Kapag ikaw, binibigyan ko kahit galit ako, ah!"

The side of his mouth twitched like he was rather amused. "You don't deserve a kiss today, Lolly."

Uminit ang pisngi at tainga ko habang tinutusok siya ng tingin. I should have brought at least a bread knife to threaten him. I scoffed at the thought. As if he's gonna be scared of that. Feeling ko ay ginagantihan niya lang ako dahil sa nangyari kagabi.

"You sure you're not gonna kiss me today?"

Tumango siya at sumulyap sa akin. Nagtaas ako ng kilay at isinuot na ang coat na ipinatong ko kanina sa ibabaw ng dashboard.

"Okay," I said and smiled, glancing at him. "Didiretso pala ako sa hotel mamaya. Huwag mo na akong sunduin."

The delight in his eyes dispersed and his face turned ashen. Inalis niya ang hawak sa manibela at ang kamay na nakapatong sa kanyang hita ay inabot ang braso ko.

"I was just kidding, Iz. Come here..." He even leaned in my direction but I didn't move forward.

I gave him a beam that will make him feel guilty, though it was already plastered on his face. Sinadya kong bawiin ang braso sa kanya at nagpanggap na tinitingnan ang oras sa suot na relo.

"Malapit na ang—"

"Mahal naman... Lika na po. Iki-kiss na kita," aniya at matamis na ngumiti bago hinila ulit ang braso ko.

Tumawa ako at bumigay na rin sa kanya. Pinatagal niya ang dikit ng labi sa gilid ng aking noo bago ko siya pinaluguran ng halik sa pisngi at pinakawalan. Ngumisi siya at hinaplos ang ulo ko.

"I'll pick you up later. Let's have a date."

"I'm sorry. Papasok talaga ako mamaya sa hotel."

He stared at me for a moment. Ngumiti lang ako.

"I want to see if Ivy's still at the hotel. I wanna talk to her personally."

"Gabing-gabi ka na naman makakauwi niyan," aniya at bumuntong hininga. "You should take a break, Izzy. If you don't want to reach out to her through her phone number I sent, I could find and see her myself first."

"Hindi na. Ako na lang. Ako nang bahala."

"Izzy..."

"Axasiel." Tinitigan ko siya sa mata. "Sige na, sunduin mo na lang ako mamaya kung wala ka namang gagawin. Basta papasok pa rin ako sa hotel."

I squeezed his hand to let him know that it was my final decision before I climbed out of his car. Kumaway ako sa sasakyan niya kahit hindi siya nakikita sa loob. He honked his car thrice before I turned to my heels.

Nawala ang ngiti ko habang papunta sa building namin. My shoulder felt heavy even though I didn't bring much inside my bag. In fact, my body seemed depleted. Parang pumasok lang yata ako para hindi magkaroon ng absent at lalabas nang wala na namang natutuhan.

"Hoy, bakla. Para kang PWD," ani Steffy sabay siko sa akin habang nasa klase.

Kumunot ang noo ko. "Anong PWD? Physically at mentally able pa naman ako?"

"PWD—Person Without Dilig."

Sinuntok ko siya nang mahina sa braso pero tumama pa rin siya kay Seth na katabi niya. Kaming tatlo ang malas na magkakasamang bumagsak at ni-retake ang subject na ito.

Tumawa siya pero walang tunog habang sapo ang braso.

"Ano na naman 'yang ginagawa niyo?" si Seth na nakakunot ang noo at itinulak ang braso ni Steffy palayo sa kanya.

"Bastos 'tong isang 'to. Pagsabihan mo nga 'yan. 'Di magandang biro." Sabay turo kay Steffy.

"Bakit? PWD rin naman ako. Person With Dilig nga lang," sagot niya, tumatawa na may tunog na pero mahina.

Maagang natapos ang klase namin sa araw na 'yon kaya hinintay ko pa si Axe sa labas na ng UdLAT. I waited not too long since he always picks me up half an hour before my class ends.

My handkerchief was damp with my sweat. Binuka ko iyon at pinaypayan ang sarili hanggang sa tumigil sa harapan ko ang kotse ni Axasiel. He quickly went out of his car to open the door for me. Nakakunot nga lang ang noo niya hanggang sa pareho na kaming nasa loob.

"Bakit hindi ka sa waiting shed naghintay?"

"Para hindi ka na lumayo," simpleng sagot ko habang tinatanggal ang coat bago itinutok sa akin ang aircon.

He clicked his tongue and pushed my shoulder back into my seat when he saw what I was doing. Inalis niya rin ang pagkakatutok ng aircon sa akin.

"Mainit!"

"Kasi sa initan ka naghintay habang naka-coat pa. Mamaya mo na itutok 'yang aircon sa 'yo kung gusto mo pang magtrabaho mamaya."

I stuck out my tongue at him. I opened the first two buttons of my top and redid my hair bun. Itinupi ko na rin hanggang siko ang uniform dahil sobrang init at medyo makapal din ang tela nito.

"Kumain muna tayo," aniya habang nagmamaneho.

"Okay. Drive thru na lang po para mabilis." Nilingon ko siya nang may natanto. "Wait... 'di ka pa ba kumakain ng lunch?"

"Kumain na. Pakakainin lang kita."

"But I'm still full. Akala ko ay hindi ka pa kumain. Diretso na lang tayo sa hotel."

"Alright, Lolly." Ngumisi siya.

I frowned. "Stop it. I don't like you calling me that nickname."

"I know. Kaya nga po kita tinatawag niyan."

I swatted his arm lightly and shifted in my seat. I glanced at the back to check on Baba before I pulled out my phone from my bag to check for any message.

"On Monday pala-" Natigilan ako sa sinasabi at napatingin ulit sa likuran nang may napansin ako sa tabi ni Baba. "Bakit may dala kang bag? May pupuntahan ka?"

I focused my confused eyes on him. Ngumiti siya at ipinatong ang isang kamay sa kaliwa kong tuhod. He tipped his head to the side, taking sight of me but did not provide me an answer.

Kinulit ko pa siya habang nasa biyahe dahil baka may pupuntahan pala siyang importante. Like meeting up with his blockmates or something. Lagi kasi siyang may dalang gamit kapag may meeting sila sa labas ng eskuwela. At kung busy pala siya, bakit nag-aaya pa siya ng date kanina?

"I'll see you later."

Naningkit ang mata ko sa kanya. "You don't have to pick me up later, okay?"

Umangat lang ang sulok ng labi niya.

Perks of working at the back of the house is we don't have to always put on a smile while doing our work unless we are talking with our guest. Ang interaction lang naman namin madalas sa mga guest ay tuwing room service o maglilinis na ng guestroom at nasa loob pa ang guest.

Kung hindi naman doon, kapag nakakasalubong namin ang guest ay kailangang bumati. As someone who had previously worked in the front of the house in a restaurant, it isn't that hard for me to offer a genuine and polite smile to the guests.

It's almost a habit... a good habit. At dahil nakasanayan, madali na lang gawin. Sa sobrang daling gawin, mahirap na namang tigilan. Mahirap tigilan pero madali ring pekein.

After checking my assignment sheet and the supplies in my housekeeping cart, I proceeded to the last room in my checklist. Mabigat iyon at mataas dahil sa mga gamit na nasa ibabaw kaya kailangang mag-ingat sa pagtulak dahil baka hindi mapansin ang dumaraan sa harap.

Nakakatakot maulit 'yong isang beses na nasagasaan ng cart ko ang batang tumatakbo dahil hindi ko nakita sa liit niya. Siyempre, ako 'yong pinagalitan ng nanay ng bata na hinayaang mag-isa ang anak na tumatakbo sa hallway.

I blocked the cart in front of the room assigned to me. Lumapit ako sa pintuan bago kumatok ng tatlong beses.

"Housekeeping," I announced loud and clear.

Walang sumagot kaya kumatok muli ako ng tatlong beses. This time, the door opened from the inside, revealing Axasiel in his gray shirt and a pair of jeans. Ngumiti siya at humalukipkip pagkatapos buksan nang malawak ang pinto. Para siyang anghel na may hindi magandang iniisip sa ngiting iyon.

"Why are you here?" Hininaan ko ang boses.

Tumaas ang kilay niya. "Is that what you should say to your guest, Miss Room Attendant?"

I pursed my lips and smiled. "Good evening, Sir Axasiel-"

"Good evening, Sir Axasiel," he mimicked in a teasing tone.

My arms hung to my sides sickly. "Axe naman, e. Anong ginagawa mo rito?"

Halos mawala ang mata niya sa pagkakangiti. He unfolded his arms from his chest and took my arm gently.

So, dito pala ang pupuntahan niya kanina kaya siya may dalang bag?

"I'm here to check on you. You were so busy that you didn't even notice I've been following you."

My eyes narrowed. "Sinusundan mo 'ko? At talagang nag-check in ka pa rito para gawin 'yon?"

"Yes," he replied quickly, tugging me inside. "Come in, Miss Room Attendant..."

"W-wait," pigil ko at inalis ang hawak niya sa akin. "I still have to clean your room-"

"Malinis na. Naglinis ako. At hindi ko naman halos ginalaw ang mga gamit dito."

I laughed at him mockingly. Napawi ang ngiti niya at humaba na lang nang kaunti ang nguso.

"Okay po... maglinis ka na." Gumilid pa siya.

"Doon ka muna sa labas. Hindi kami puwedeng maglinis nang may tao sa loob."

Nagdikit ang kilay niya. "Bakit bawal? Puwede naman sa ibang hotel iyon, ah?"

"Sa ibang hotel iyon. May policy kami rito na hindi puwedeng nasa loob ang guest kapag maglilinis. You can stay in the-"

"I'll stay here."

"Axasiel, hindi nga po puwede."

Tinitigan niya ako na para bang nagmamakaawa pa. I straightened my stance and lifted my chin to show him I'm not gonna be swayed by his pleading look. Hindi kalaunan, mariin siyang pumikit at napayuko na tila ba sumusuko na.

"Sinigurado ko pang ikaw ang naka-assign dito tapos hindi pala puwedeng..." huminto siya sa sinasabi at napasulyap sa akin. "Gaano katagal ka po maglilinis?"

"One hour."

Mas lalong lumumbay ang mukha niya. I smiled at his ignorance and ruffled his hair. Standard room lang naman ito at nasisiguro kong wala nga siyang masyadong ginalaw sa mga gamit kaya baka matapos pa ako in less than 20 minutes.

"I was just kidding. I'll be done in less than thirty minutes, so you can stay in the lounge while waiting for me to be done."

His eyes twinkled, and his shoulders squared back.

"Kumain ka na po ba?"

"Kanina pa. Ikaw?"

"Yeah. But let's still eat after your shift."

I nodded and smiled a little. "Let's do that."

Pumasok muna siya sa loob mismo para kunin ang phone at wallet bago tuluyang lumabas. I'm glad he didn't insist on anything just to be with me while I'm on duty.

Following our standard operating procedure or SOP, I propped the door open and pushed the heavy trolley inside the guestroom. Ch-in-eck ko muna ang buong kuwarto at halos wala ngang nagalaw roon. Even the duvet is still properly and tightly tucked under the mattress. Ni walang lukot ang mga bedsheet at ang mga unan, ganoon pa rin ang puwesto.

Nagpamaywang ako at pinagmasdan ang kabuuhan pagkatapos maglinis. Ni hindi man lang ako pinagpawisan. I even finished it in less than ten minutes! Ito na ang pinakamabilis kong natapos na kuwartong nalinisan. Dahil dito, medyo maaga ko ring natapos ang nakatoka sa akin ngayong araw.

In-update ko lang si Axasiel nang natapos na mismo ang shift ko at nakapagpalit na ako ng damit. Lagpas alas dies na at ngayong wala nang ginagawa ay mas nararamdaman ko na ang ngalay sa buong katawan.

Napahinga ako nang malalim habang nasa elevator at napatingin sa mga kamay. They looked so ugly with these visible veins and the skin felt rough. Ang mga kukong hindi ko kailanman pinahaba nang sobra at pinakulayan ng kahit anong nail polish ay halos pudpod na sa pagkutkot ko rito.

And I dare holding Axe's beautiful hands with mine? Natawa ako sa naisip at biglang nakaramdam ng hiya kahit hindi naman dapat. Why am I even thinking of this?

"Excuse me, Miss," someone popped into my bubble of thoughts.

Napatingin ako sa kumalabit sa akin at ngumiti nang maliit. "Uh, yes? How can I help you, Ma'am?"

Namilog ang mga mata ko nang matitigan ang kanyang mata. Matingkad na kulay asul ang kanang mata at ang kaliwa ay kulay lupa. She granted me a beautiful smile when she probably noticed that I was stupefied and amazed upon seeing her eyes.

My face heated. Tumikhim ako at ipinaskil muli ang ngiti sa labi pero nagtataka pa rin kung bakit tinawag.

"You dropped this," aniya sa malalim na boses at inilahad ang kanyang kamay na hawak ang kulay lila kong panyo.

"Oh! Thank you." Marahan kong kinuha iyon sa kanya.

"You're welcome." Hindi pa rin naaalis ang magandang ngiti niya nang ang kamay niya na mismo ang inilahad sa akin. "I'm Seah, by the way. You're so pretty. I like your smile."

I extended my hand and shook it with hers, cheeks still warmed. She's just so gorgeous.

"You can call me Izzy. I like your eyes. They are beautiful. You're beautiful, too..."

She chuckled, which was as deep as her voice, but it was pleasing to hear.

"Many people find them weird and ugly, though. Thank you." She then jabbed a thumb in the hallway behind her. "I'll go first now. It's nice meeting you, Izzy."

Kumaway ako sa kanya at tinanaw siyang patungo sa direksyon ng elevator. Napatingin ako sa panyo at napangiti habang naglalakad.

"Seah..." banggit ko at itinagilid ang ulo. "That name sounds familiar."

"Who's Seah?"

Nasapo ko ang dibdib at napaatras nang marinig ang nagsalita. Axasiel was frowning at me with his hands in his pants' pockets.

I grinned and clung my arm to his, looking up at him. "Kain tayo? Drive thru na lang, ha? Gabi na rin kasi."

"Sino po si Seah?"

Hinila ko na siya para makapaglakad kami. I answered his queries while we were on our way out of the hotel. He dropped the subject and changed it about Ivy, whom I didn't meet during my shift. When I asked him what he was doing at the hotel aside from following me, he answered he just stayed in his guestroom and did his schoolwork. What do I expect from him, anyway?

"Mahal, matulog ka na po muna," ani Axe nang natapos naming kainin sa daan ang binili namin sa McDo.

I reclined my chair to be more comfortable. Iniabot niya naman sa akin si Baba kaya niyakap ko iyon.

"I'll stay awake. Just drive," sabi ko sa napapaos nang boses.

"You're tired, Izzy. Just take a nap. It's okay."

"Nasaan na pala 'yong condom? You should keep it. Baka magamit natin." Tumawa ako nang kaunti at papikit na. "Kidding."

"Tinapon ko na. Hindi ako gagamit no'n sa 'yo."

Tumawa ako. I didn't comprehend it at first, but when it sank into me, my eyes went wide, and my head swiveled in his direction.

"Anong sabi mo?"

"I said I already threw it away."

"Hindi 'yon. May sinabi ka pa after that."

His lips pressed together, and his eyes remained on the road. "Pagod ka na nga po. I didn't say anything after that."

Bumalik ako sa pagkakahilig sa upuan. Tinanggal ko na ang suot na hair tie at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri para walang tumatamang bukol sa uluhan ko. Kumunot ang noo ko at hinawakan ang maraming hibla ng buhok na kumapit sa pagitan ng mga daliri ko at sa panali ng buhok.

Inalis ko na lang iyon at hinayaang mahulog sa carpet ng sasakyan.

"What's that?" Palingon-lingon siya sa ginagawa ko.

"Buhok. Sorry. Lilinisan mo naman 'to," sagot ko at humalakhak. "By the way, hanggang gabi ang klase mo sa Monday, hindi ba? Does that mean we can't date on that day?"

"Hanggang alas siete lang naman po. We can have at least a dinner date after that?" he suggested. "I'm sorry. Balak ko sanang-"

"Uh, actually... naisip kong pumasok na lang din ng panggabi sa hotel."

"Ah..." Matagal bago niya iyon sinundan. "You are still going to work even on... Monday?"

His voice was low and I could detect the dismay in his tone. Natahimik din ako para mag-isip.

"We can celebrate in advance if you want. Like... tomorrow? Sunday?"

He took a glimpse at his iPad. "You mean later?"

Napahawak ako sa tainga at napapikit. My temple's ticking like any time by now it would explode.

"Mas mabuti po yatang magpahinga ka na lang ngayong araw-"

"Ayaw mo? E 'di huwag na lang tayong mag-date." Kusang lumabas iyon sa bibig ko. "Let's just skip this year's Valentine's Day. We're both busy, anyway."

I heard nothing from him after that. If he agrees with my suggestion or not, it doesn't matter. Kung gusto niyang mag-dinner date sa Monday, e 'di mag-dinner date siya kasama ang sarili niya.

I told him and myself that I wouldn't sleep on him this time, but I ended up the next day in my bed with the same clothes I had worn when I left the hotel. When I checked the time, it was already 2 o'clock in the afternoon.

I groaned and scratched my head, grimacing at how tousled my hair was. Nagpalit muna ako ng pambahay at bumaba na para kumain. Naabutan ko ang tatlo na nasa sala, nanonood. Ral's reading a comic book, though. Tumalon si Poppy mula sa tabi niya at tumakbo sa akin.

"Nagising na ang mahal na reyna," si Papa. "Sarap tulog natin, ah. Kumain ka na."

"Oh, Pa? Akala ko ay hanggang Lunes ka raw wala? Ba't nandito ka?"

"Akala niyo lang 'yon. Pero aalis din ako ulit mamaya."

"Psh." Kinusot ko ang mata at binuhat si Poppy. "Good afternoon, Poppy. Did I put myself in bed last night?"

"Baka magulat ka kapag sumagot 'yan."

"Si Axe ang naghatid sa 'yo sa kuwarto. Nakatulog ka raw sa pagod kaya hindi ka na ginising," sagot ni Mama.

"Bigat bigat mo na nagpapabuhat ka pa."

Umangil ako sa sinabi ni Papa. "Miss mo lang ako buhatin noong bata ako, Pa, e. 'Di ba? Kapag nakakatulog ako sa sofa, magigising na lang ako na nasa kama ko na."

"Bata ka pa no'n. Matanda ka na ngayon."

I tasted bitter in my taste buds. If only I could be a kid again...

"Yeah. Pero hindi ko naman kayo sinabihan noon na buhatin niyo ako. Tulad ng ginawa ni Axe. Hindi ko naman po sinabing buhatin niya ako papunta sa kuwarto. Puwede namang gisingin ako. May mga paa naman ako."

"Pagod na pagod ka nga raw kaya hindi ka na ginising. Humihilik at tumutulo pa nga ang laway mo-"

"Will you two stop bickering? My goodness. Kagigising mo lang, Izzy. Kumain ka na nga muna roon!" saway ni Mama.

Palihim kong sinamaan ng tingin si Papa bago ako dumiretso sa kusina dala si Poppy. I gave him food and watched him while I was also having my lunch.

"Should we go for a walk, baby?" Nagpangalumbaba ako sa mesa. "Yes, we should."

Tumingala siya sa akin pero kumain din ulit.

"Pero parang tinatamad ako. Next time na lang? Sorry..."

Baka magulat na lang talaga ako na magsalita siya tulad ng tao. Mabuti na lang at medyo nagkakaintindihan na kami kahit pa puro tahol lang naman ang ginagawa niya.

Naisip ko tuloy kung paano niya naririnig ang mga sinasabi ng tao? Does it sound like how human words are said and perceived by other human to them? O baka kusang nagko-convert ang salita namin sa lengguwahe nila na puro "arf arf" lang pero gets na nila 'yon?

Napakamot ako sa ulo sa mga iniisip. Napaka-substantial naman, Izzy.

"Ate..."

Napaangat ang tingin ko sa entrada ng kusina. Nginisian ko si Ral nang namataan siya roon, nakasandal sa pader at nasa gilid ang mga braso pero hawak pa rin ang libro.

Bigla kong naalala ang mga sinabi niya noong nakaraang gabi. Even if he lowkey offered his help, I have no plan yet to seek his aid.

"Hmm?"

"I'm just wondering..." He cocked his head to the side. "When's the last time you cleaned up your room?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 73 14
time series #3 Reighn Siena, Arron Loren, and Jett Plane grew together being each other's shoulder to lean on. Not until Reighn's biological father...
2.4K 81 4
An Epistolary πŸ’­β˜€οΈ | Summer Romance In We're Falling Back (the third book in Calgary's Lovestruck Series), Amber and Luke were one of Solana and Bren...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...