His Loss

By clumatic

322K 9.7K 2.6K

wattys winner 2021 editor's pick nov 2021 Naloko, nasaktan, at isinumpa sa langit na siya'y magiging stronger... More

Foreword
c h a p t e r o n e
c h a p t e r t w o
c h a p t e r t h r e e
c h a p t e r f o u r
c h a p t e r f i v e
c h a p t e r s i x
c h a p t e r s e v e n
c h a p t e r e i g h t
c h a p t e r n i n e
c h a p t e r t en
c h a p t e r e l e v e n
c h a p t e r t w e l v e
c h a p t e r t h i r t e e n
c h a p t e r f o u r t e e n
c h a p t e r f i f t e e n
c h a p t e r s i x t e e n
c h a p t e r s e v e n t e e n
c h a p t e r e i g h t e e n
c h a p t e r n i n e t e e n
c h a p t e r t w e n t y - o n e
c h a p t e r t w e n t y - t w o
c h a p t e r t w e n t y - t h r e e
c h a p t e r t w e n t y - f o u r
c h a p t e r t w e n t y - f i v e
Book Two: Teaser

c h a p t e r t w e n t y

7.3K 277 54
By clumatic

       MALAMIG. BASA. DOUBLE B. ANG LAMIG TALAGA! TEKA LANG NAMAN!

Hindi ko na nagawang makailag pa nang hawakan niya ako sa kamay at hilain pababa; diretso ang hulog ko at kasabay ng pagkumpas ng tubig ay ang aking matinis na tili.

It was the most exhilarating blur I experienced. My ears rang and my eyes stung, but I didn't mind. Lahat yata ng sakit magmula ng tumakbo ako paalis ng mansyon ng mga Lorenzo hanggang sa pagkahulog ko sa pool nawala.

"Double B!" sigaw ko at hinampas si Theo sa braso habang natatawa. He shook his head and splattered water all over my face.

Tiningnan kami ng staff na dumaan at hinampas ko siya ulit. Mukha kaming tanga habang nakalublob sa malamig na tubig at nakadamit.

"Gago, wala akong pamalit na dala," sabi ko sa kanya at nagpunas ng mukha.

"Ako rin naman. Matulog ka na lang na hubad."

"Hoy!" Tinakpan ko ang dibdib ko at tumingin sa paligid. "Mas okay talaga kapag 'di ka talaga nagsasalita e. Bawas din stress ko."

Natawa siya at umiling bago lumangoy at umahon sa pool. My eyes followed him with a glare. Tinitigan ko siya nang maigi, iniisip na baka kapag mas nagmukha akong galit, maapektuhan siya. I kept staring and staring and—

Double B with infinite Bs.

Hapit 'yong basa niyang t-shirt sa katawan niya. Napanganga na muna ako bago mabilis na nag-iwas ng tingin.

Lord, anong pagkakasala ito? Katatapos ko pa lang mag-emote pero heto ako't nakakaramdam ng paglukso ng puso dahil sa... abs? Ano ako, cliche? Ano ako, bida sa isang nobela online? Ano ako, isinulat ng isang writer para maging isang makalat na karakter at walang sariling kaisipan?

"Tara." He offered me his hand and after a brief hesitation, I swam toward him and placed my hand in his.

Para namang esksena sa pelikula, nakaka-tense. Bakit parang uminit yata? Tumaas ang dalawang kilay niya pag-ahon ko at tinitigan ako sa mukha. "Bakit namumula ka?"

"Ha?" My hands flew to my cheeks. "Weh, 'di nga? Oo ba?"

Mas lumapit pa siya. I took a step back but he came even closer. Agad akong napahawak sa dibdib niya. "Hoy, kuya, ang lapit mo na."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Theo, kung may epekto ba 'yong tubig ng pool o ang Mayon, o baka naman ay ang sinag ng buwan. But he walked closer to me until I was on the edge of the pool and had no choice but to wrap my fingers on the sleeves of his shirt.

Teka, hahalikan niya ba ako? Lumaki ang mga mata ko pero agad din akong pumikit. Mukhang tama nga si Weng. Crush talaga ako ni Theo. Hindi ako dapat makipaghalikan sa resort lalo na't may hindi ako magandang record sa mga lalaki at—

I felt a palm over my forehead.

Dumilat ako agad. Nakakunot ang noo niya.

"Wala ka namang lagnat."

"Ha?"

Tumango siya na para bang may kausap sa sariling isip. "Kakaiyak mo siguro." Lumayo siya sa akin at kinolekta ang camera, cellphone at iba pang gamit na naiwan sa gilid ng pool. Then, he turned to face and nodded toward the rooms. "Tara, tulog na tayo. Patuyuin mo na lang 'yong damit mo sa loob. Gamitin mo muna 'yong robe na bigay nila."

"Ha?"

Nagbuntong-hininga siya pero sa totoo lang wala pa ring pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagkapahiya iyon o sadyang binalot lang ng lamig ang utak ko.

"'Lika na," he said and grabbed my arm. Lutang ako habang hila-hila niya papunta sa harap ng magkatabing kuwarto namin.

Tumigil kami sa harap ng dalawang pinto na gawa sa bamboo. We stood there for a second too long with nothing but silence between us, then he turned to me with a smile.

Bakit parang sumisikip ang dibdib ko? My hypertension na ba ako?

"Pasok na," sabi ni Theo. Walang salita na sinunod ko siya at binuksan agad ang pinto ko. Just when I was about to shut my door, he called my name; isa sa mga bihirang pagkakataon na nababanggit niya ang pangalan ko.

Pero heto ako at natanga ulit. "Ha?"

Natawa siya at umiling. Ang basa niyang buhok ay nakadikit na sa kanyang pisngi. "Huwag kang pipikit basta sa harap ng kung sinu-sino. Kapag hindi ako, suntukin mo agad. Okay?"

This time, my confusion was at its peak. "Ha?"

"Wala," nakasimangot na sabi niya. "Pasok ka na para gumanda 'yong view ng resort kapag wala na 'yong baga mong mukha. Goodnight."

Tumalikod na siya at kagaya ng inaasahan ay padabog na isinara ang pinto ng kuwarto niya. Napailing na lang ako at pumasok na rin. But as soon as I shut the door and rested my back on it, I couldn't help but remember what he said.

Napahawak ako sa noo ko at parang tangang napapikit. Ramdam ko pa rin ang marka ng kamay niya roon. I giggled.

Ganito pala feeling na matutulog nang nakangiti.

-

Kinabukasan, nagising ako ng malakas na mga katok sa pinto. Umunat ako sa malambot na kama at tinitigan nang masama ang pinanggalingan ng tunog. Bubuksan ko kaya o hindi? Parang mas okay kung huwag na lang muna. Ang sakit ng katawan ko at naubos ang energy ko kahapon kakaiyak. Mas okay siguro—

Limang sunod-sunod na malalakas na katok ang pumutol sa iniisip ko. Okay, fine! Groaning, I forced myself out of bed and dragged my feet to the door. Nakasimangot ang mukha at nagkakamot pa ng gilid nang buksan ko iyon. Ang aga pa.

"Alas onse na."

Binuklat ko ang isang mata at nakita si Theo na bagong ligo pero suot pa rin ang damit kahapon. Ano kaya 'yon, naligo tapos hindi naman nagpalit?

Teka.

My eyes widened and I immediately glanced down at what I was wearing. Double B.

Isang manipis na puting bathrobe na medyo maluwag ang pagkakabukas sa harap at walang bra sa ilalim. Nag-angat ako ng tingin pero nakatitig lang siya sa mukha ko.

I blinked. He blinked. Pagkatapos ay agad kong isinara ang pinto at dumausdos pababa habang pinipigil ang sarili na sumigaw.

Tanga! Tanga sa lahat ng pinakatanga sa mundo ng mga tanga! Tinakpan ko ang bibig ko at nagsisipa. Gusto ko ng magpalamon sa lupa. Wala na akong kahihiyan na natira sa sa katawan. Bakit ba ang kuripot ng suwerte sa akin ngayon? Kulang na ba ang naihuhulog ko tuwing misa?

Bakit ba parang pang sexy model ang outfit ko ngayon o 'di kaya isang bagong kasal sa honeymoon? I pulled at my hair and fought the urge to scream. Sa sobrang kahihiyan ay para akong bulate sa sahig na nilagyan ng asin.

Ayaw kong lumabas! Gusto kong ibaon ang sarili sa buhangin o tumalon sa crater ng Mayon.

Kumatok ulit si Theo at mas lalo ako sumubsob sa sahig. Please, huwag. Umalis ka na. Nakita mo na lahat ng meron at wala ako. Lalo na 'yong wala.

"Megan, halika na. Nag-text sa 'kin si Vince, hinahanap ka na raw ng mama mo."

I swallowed. "Puwede bang mauna ka na lang pauwi tapos sunod na lang ako?"

Natahimik siya nang saglit at sumilip ako sa ilalim ng pinto. Nakita ko ang itim na rubber shoes niya at sinabunutan ko ang sarili. Ano ba? Bakit ba nandiyan pa rin siya?

"Sabi ko sa mama mo magkasama tayo. Ihahatid na kita."

Nanlaki ang mga mata ko. I stood up and tightened the robe on my body. Without wasting any second, I pulled the door wide open. "Sinabi mo na magkasama tayo?"

He simply nodded as if it wasn't a big deal habang nilalamon naman ako ng kaba. "Nagtanong kasi kung nasaan ka at ba't ko alam kaya sinabi ko sa mama na magkasama tayo sa resort."

Napasapo ako sa noo. "Seryoso ka ba?! Bakit mo naman sinabi 'yon?! Baka iba ang isipin ng nanay ko—actually, hindi. IBA TALAGA ANG IISIPIN NO'N!"

Nakikita ko na sa utak ko kung paano ako sasalubungin ni Mama pag-uwi ko ng bahay. Kakatok pa lang ako sa pinto, nakahanda na ang walis tambo niya, at kakaladkarin niya ako papasok ng bahay. Magmamakaawa ako at makikiusap si Markus. Pilit kong ipapaliwanag na walang nangyaring lagim sa pagitan naming dalawa ni Theo habang nasa resort kami na may magandang view ng Mayon at walang baong pamalit.

Napalunok ulit ako.

Sasabihin ko kay Mama na ang tanging dahilan lang kung bakit ako nasa resort ay dahil...

Double B.

Dahil din sa isang lalaki.

Mabilis ang naging paglingon ko kay Theo. "Theo." Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kuwelyo. I stared deeply into his confused eyes. "Kapag sinabi ng nanay ko na panagutan mo ako, anong sasabihin mo?"

"Ha?"

Hinampas ko siya sa balikat. "Sumagot ka, please!"

"Na hindi kita type?" he offered and I frowned. Padabog ko siyang binitawan at inayos niya naman ang nalukot niyang damit.

"Hindi ba puwedeng magpanggap ka man lang? Kahit mga thirty minutes lang?"

"E totoo naman na hindi kita type. Saka bakit tayo magsisinungaling? Sasabihin ko sa mama mo na ang gusto ko sa babae 'yong elegante, tahimik, at mahinhin."

"Aba aba." E si Kiana June pala ang gusto nito. "E bakit hindi ka na lang din nag-propose kay Kiana June para masaya ka?"

He sighed and pressed his temples with his thumb. "Magbihis ka na. Hinahanap ka na ng mama mo. Saka na tayo mag-usap."

My nostrils flared.

Nakita ko pa lang ang pag-atras ng paa niya, inunahan ko na siyang pumasok at padabog na isinara ang pinto. I heard surprised yelp and I smirked. Akala niya siya lang ang marunong magdabog?

Natuto na ako.

-

Habang nakatitig sa kupas na pinto ng bahay namin na gawa sa kahoy at nagtatago sa likod ng halaman ni Mama, napaisip ako kung ganito ang pakiramdam ng mga mister tuwing uuwi ng bahay na may kasalanan.

Teenager pa lang ako noong nawala si Papa, at dahil madalas ay nasa abroad siya noon, bihira lang ang pagkakataon na makita namin ni Markus na mag-away silang mag-asawa.

Ilang linggo lang kasi ang uwi niya—tuwing Pasko at may pasalubong na maraming chocolates at bagong sapatos na may nakaipit pang papel na may drawing ng paa namin. Pagkatapos namin siyang sunduin sa airport, kakain kami sa Maynila, magmo-mall, makikitulog sa kamag-anak na bibigyan din ni Papa ng pasalubong. Pagkatapos, uuwi na kami sa San Juanito, at doon na siya madalas makipag-inuman sa mga kaklase noong high school.

Pero dahil sa bihira lang ang pangyayaring iyon, dalawang beses ko palang nakita si Mama na masigawan si Papa. Noong una, dahil sa nakalimutan ni Papa na sunduin kami ni Markus noong elementary palang kami at sumakay kami ng tricyle na walang kasamang matanda. At pangalawa, noong hindi nakauwi si Papa dahil sa kalasingan at kinaumagahan ay umuwi na may dalang pandesal.

Iyon yata ang umaga na galit na galit si Mama.

Pero bakit pakiramdam ko, masusundan iyon ngayong araw?

"Bakit ka ba nagtatago rito?"

"Ay bastos!" Napatalon ako nang marinig ang bulong ni Theo. I glared at him and stood straight. Pinagpag ko na rin ang dumikit na dahon sa blouse ko. "Bakit ka ba nanggugulat?"

He shrugged. Uminit naman ang mukha ko nang mapansin na tumatagal na ang pagtitig niya sa akin. "Ano 'yan?" I blurted then wiped at my face. "Bakit mo ako tinititigan?"

Sumimangot siya at inangat ang kamay. Flustered, I quickly stepped away from his touch but he grabbed me by my arm and kept me still.

Hoy.

Ano 'to, kiss?

Inangat niya ulit ang kamay niya at pumikit ako. Walang hinga-hinga, walang kahit anong galaw. Pumikit ako nang mariin at hinayaan ang puso na tumibok nang mabilis. Then I felt a feather-like touch on the tip my nose.

I-ito na ba 'yon?

Muli kong naramdaman ang kiliti sa aking balat and I smiled. Teka, ano ba, nakakakiliti naman. Patuloy lang ang akong pagngiti hanggang sa naramdaman ko ang simula ng sakuna.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

"Achoo!"

"Yuck! Kadiri!"

I opened my eyes at nakita si Theo na nagpapahid ng mukha at may hawak na... dahon?

"Hoy!" itinuro ko siya. "'Yan ba 'yong inilalagay mo sa ilong ko kanina?!"

Tinitigan niya ako nang masama. "Bakit ka kasi nakapikit?! Ilalagay ko sana sa butas ng ilong mo 'yong stem!"

Ano?! "Hoy, Theo! Hindi porket malaki ang butas ng ilong ko puwede mo ng gawing basurahan o pag-eksperimentuhan!"

"Bakit ka kasi nakapikit?! Akala ko nakatulog ka nang nakatayo e!"

"Hindi ako nakatulog!" sigaw ko pabalik at tinitigan siya nang masama. Nakakahiya talaga!

"E 'di ano?" he challenged at natameme ako.

"Ano... ano..."

"Ano?"

Biglang bumukas ang pinto ng bahay namin at lumabas si Mama na suot ang orange na duster at may bitbit na walis. "Kayong dalawa! Bakit kayo sigaw nang sigaw? At ano 'yang kaka-ano ng ano niyo riyan? Pumasok kayong dalawa rito sa loob bago ko kayo hambalusin! Pasok!"

Napamura na lang ako.

Continue Reading

You'll Also Like

21.8K 275 44
Irene is a simple girl and a senior high student full of hope, she's living with her single mom named Gracey. Nakatira sila sa likod ng mansion ng ka...
13.9M 234K 91
Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017]
1M 32.7K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
34.8K 1K 34
#Wattys2023 Winner: Best Characters Award ❝This was probably what people meant when they said they disappeared into a moment.❞ ***** College exes Lau...