His Loss

By clumatic

322K 9.7K 2.6K

wattys winner 2021 editor's pick nov 2021 Naloko, nasaktan, at isinumpa sa langit na siya'y magiging stronger... More

Foreword
c h a p t e r o n e
c h a p t e r t w o
c h a p t e r t h r e e
c h a p t e r f o u r
c h a p t e r f i v e
c h a p t e r s i x
c h a p t e r s e v e n
c h a p t e r e i g h t
c h a p t e r n i n e
c h a p t e r t en
c h a p t e r e l e v e n
c h a p t e r t w e l v e
c h a p t e r t h i r t e e n
c h a p t e r f o u r t e e n
c h a p t e r f i f t e e n
c h a p t e r s e v e n t e e n
c h a p t e r e i g h t e e n
c h a p t e r n i n e t e e n
c h a p t e r t w e n t y
c h a p t e r t w e n t y - o n e
c h a p t e r t w e n t y - t w o
c h a p t e r t w e n t y - t h r e e
c h a p t e r t w e n t y - f o u r
c h a p t e r t w e n t y - f i v e
Book Two: Teaser

c h a p t e r s i x t e e n

7.2K 318 54
By clumatic

         KINABUKASAN, WE WERE BACK TO BUSINESS. Parang walang diskusyon na namigitan sa amin ni Derek, at hindi rin akong nangahas na kausapin ulit si Theo na mukhang umiiwas sa akin.

Tahimik ang naging biyahe tungo sa Casa Adelia para sa taste-test ng menu sa reception. Pinagmasdan ang restaurant na napili nila Derek pagkababa namin ng sasakyan. It was a fairly new restaurant that offered catering services. Spanish cuisine ang specialty nito, but they offered Filipino and other Western dishes as well. Hindi naging madali ang paghahanap ng catering services sa San Juanito habang nasa Manila. Pero pagkatapos ng ilang tawag, nahanap ko rin ang papasa sa mag-fiancé.

The ambiance inside the restaurant was warm. Tila hinihila kami papasok ng amoy na nagmumula sa kusina. Maski si Kiana na kanina pa nakasimangot sa 'di malamang dahilan ay mukhang masaya na.

This could be the start of an amazing day... or not.

Suot ang isang malaking ngiti, at pulang dress at heels, sinalubong kami ng isang taong ayaw ko nang makita pa. "Hello, hello! Welcome to Casa Emilia. I'm assuming this is for the Lorenzo-June nuptials, scheduled by Ms. Megan Espiritu of Elixir Weddings and Events."

"Reena?" gulat na sabi ni Derek.

Renna Gallardo. My mouth dropped open in shock. Anong ginagawa niya rito?

"Ah, yes." She did a happy twirl. "I go by Ina De León now." Lumapit siya sa aming grupo at tila bumulong kahit dinig naman iyon ng lahat. "Spanish kasi napangasawa ko. Siya 'yong magiging chef niyo sa kasal."

My nails bit the skin of my palms as my hands formed into fists. Kaya pala noong nag-email ako kay Ina De León ay napaka-excited niya.

"Oh," iyon lang ang nasabi ni Derek na napalingon sa akin. Stupid move. Ngayon ay lumipad sa akin ang mga mapanuring mata ni Reena na may makapal na linya ng eyeliner.

"Megan!" Tumakbo siya papunta sa akin para bumeso but I remained stiff. "Wow. Para palang reunion 'to. I should tell our classmates in high school na nandito kayo. Imagine, after ten years ngayon ko lang kayo ulit nakita, 'tapos sa kasal pa ni Derek!" Her grin that was exclusive to me turned sly. "Aren't you excited as his coordinator and good friend?"

Biglang tumawa nang malakas si Vince at nagpunas ng pawis sa noo. "Nagugutom na ako, grabe! Ms. Ina, naka-ready na ho ba 'yong titikman kasi kukunan ko sana ng picture, kailangan sa graphic album."

Ina batted her lashes at me bago humarap muli sa grupo. "Of course, of course, please walk straight ahead. Elaine, hija, please assist our clients to the private dining room, please."

Hinawakan ko siya sa siko nang makaalis sila. She glanced down at my hand and smirked at me. "Oh, yes, Megan, can I help you, darling?"

"Huwag kang gumawa ng eksena rito, Reena—"

"It's Ina."

"Wala akong pakialam. Nakikiusap ako, para sa benepisyo ng lahat, huwag kang gumawa ng eksena."

Paisa-isa niyang inalis ang mga daliri ko sa kanyang braso at tumawa. "Parang hindi ka naman yata maayos makipag-usap, Megan." She pouted and spoke in a mocking manner. "Your hands are making me feel ouchie."

"Reena," I said, gritting my teeth.

"Hindi ko alam kung anong trip niyo ng ex mo at kailangan ikaw pa mag-ayos ng kasal niya. Hindi ako magtataka kung hindi alam ni Kiana because surely no bride would want her fiancé's first love to arrange her wedding. Kung hindi ako nagkakamali, malamang itinatago niyo iyon sa kanya." Tinangnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Pero kung sabagay, sanay ka namang itinatago. Ilan lang ba sa mga kaklase natin ang may alam na naging girlfriend ka ni Derek?"

"Reena, ano bang gusto mo mangyari? Isang dekada na 'yong issue mo."

"Don't worry, Megan. 'Yong satisfaction lang na makita kang inaasikaso ang babaeng pumalit sa puwesto mong inagaw mo sa akin, that's more than enough for me."

My cheeks turned warm with anger as I watched her smirk and sashay away from me.

Mariin akong pumikit at pinigil ang mga luha. Bad trip talaga, double B silang lahat!

-

Ibinaba ni Kiana ang tinidor sa plato at huminga nang malalim. "That's so good. I've never tasted paella this good."

Isinulat ko ang ikalabing-walong dish sa notebook at pinanood ang pag-sketch ni Theo sa sariling pad. Kenny took a selfie with his infamous duck face and Tasha was silently arguing with Vince.

"Thank you, Kiana," ngiti ni Ina. "Masarap talagang magluto ang asawa ko. Without him, I won't be able to run this business. Kaya nako, importante talaga ang pagpili ng mapapangasawa. You have to know their strengths and weaknesses."

Mahinang tumawa si Derek at niluwagan ang kuwelyo ng polo. "It's great seeing you again, Reena, or Ina, rather. Hindi naman na namin kailangang bumalik 'di ba? Everything's settled?"

"No need, no need. Pero may small gathering kami ng batchmates natin this week. Bakit hindi kayo sumama ni Megan?"

No way in hell.

"No," mabilis na sabi ni Derek na ikinagulat ng lahat. "I meant, busy kasi kami sa preparation ng kasal. I'm afraid we won't have time for that."

Ngumiti si Ina at nakatingin sa akin na itinuro si Derek. "Ayaw lang siguro nito na makasama ang ex-girlfriend niya 'no?"

Nabilaukan si Vince na kumakain ng Crema Catalana sa gilid. Mabilis naman siyang inabutan ng nandidiring si Kenny ng tubig.

"Ex, huh?" tanong ni Kiana na mas lalong nagpaubo kay Vince.

Pinanlakihan ko ng mga mata si Ina na mas lalong ngumisi. "Oh no! I'm so sorry."

Kiana turned to Derek. "Ito ba 'yong ex mo noong high school na laging nababanggit ng mom mo at ng driver niyo? Sabi mo it was nothing special kaya ayaw mong sabihin kung sino pero bakit alam ni Ina? Why is this woman so important? I've been so annoyed since last night. Why do you have to keep her a secret? I—" natahimik si Kiana nang mahagip ng mata ang mga camera na nakatutok sa kanya para sa kanyang vlog.

"Babe, as I said, it wasn't anything serious," mabilis na sagot ni Derek. My head sharply turned to him but he kept his eyes on his fiancée na mukhang naluluha na. He asked Kiana's team to leave the room at agad naman silang sumunod. "Kiana, it was just a fling kaya hindi ko na kwinento kung sino siya because I thought it wasn't relevant."

"If it isn't really relevant, hindi ka matatakot na sabihin kung sino siya and why you broke up!"

"Hindi siya importante, promise! Kiana, please calm down. Pag-usapan natin 'to sa bahay. May mga tao rito."

Tila doon lang muli naalala ni Kiana na may mga kasama sila sa private dining room. Her eyes widened with surprise and she bowed down her head. Pero alam ko na hindi matutumbasan ng hiyang nararamdaman niya ang nararamdaman ko. Pinalakihan ako ng mga mata ni Tasha, asking me to do something. Nakakatawa lang. Kung alam niya lang kung gaano kalaki ang professionalism na kailangan kong lunukin para magawa ang trabahong sa tingin niya ay napakadali lang.

I smiled at them, sa babaeng pinagselosan ang taong hindi niya pa kilala at sa lalaking binura sa ilang mga salita ang halaga ng pinagsamahan namin. "May oras pa tayo," maya-maya pang sabi ni Derek. "Gusto niyo bang makita ang Mayon?"

Ina perked up in her seat and clapped her hands. "Mayon! I love it. Maganda ang view doon, Kiana. Fiery and hot. For sure makakalimutan mo 'yong irrelevant ex na 'yan. Right, Derek?"

Derek stared squarely at her, then turned to look at me. Ni walang bahid ng pagsisisi na sinabi niya ang mga salitang, "tama ka."

Agad akong nag-iwas ng tingin at natagpuan si Theo na nakatitig sa akin. He didn't say anything but I pretended to smile kasi roon naman ako magaling—ang magtago, hindi ba?

-

Hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw nang dumating kami sa Mayon. Hindi pa man kami nakabababa ng van, nailabas na agad ni Kenny at Tasha ang selfie sticks nila at tumakbo tungo sa flower field. Tahimik naman na sumunod sa kanila si Theo na dala pa rin ang sketchpad at camera. Kiana's team got out of their separate van and began shooting Kenny who accepted the attention whole-heartedly.

Naiwan si Kiana at Derek sa loob ng sasakyan, at narinig ko ang paghikbi ni Kiana bago ako bumaba. Gusto kong magmura at hilain si Derek palabas para suntukin. Bakit ba kahit anong pilit ko na manahimik at maging professional, hindi ko matanggap na kailangan kong unawain ang taong umiiyak at magpanggap kahit ako naman ang pinaka nasaktan?

Isang akbay ang muntik nang magpaluha sa akin, pero pinigil ko iyon.

"Ang gago rin talaga ng ex mo, 'no?" bulong sa akin ni Vince at tumango sa van sa may hindi kalayuan. "Harap-harapang panggagago 'yon. Siya na nga 'tong nakasakit, siya pa 'tong makapal ang mukha."

"Ano ka ba, gano'n naman talaga 'yon 'di ba? Hindi iyon dahil sa wala silang konsensya o makapal lang talaga ang mukha nila. Simple lang dahilan, sa listahan ng mga consequence ng magiging aksyon nila, ang saktan ka ang pinakamadali para sa kanila." Tumingala ako kay Vince at ngumiti nang mapait. "Hurting you is oddly convenient for them kaya nga nila nagawa 'di ba?"

He sighed. "Ano? Sirain na lang natin kasal niya para walang masaya?"

Mahina ko siyang siniko. "E 'di wala na tayong trabaho niyan."

"Okay lang." He shrugged. "Ikaw lang naman ang tatanggalin."

Natawa ako. "Aba, mas gago ka pala, e."

Our laughter halted nang biglang bumukas ang van at lumabas si Kiana na may suot na shades. Natigilan siya at si Derek na nakaalalay sa kanya nang makita ako.

"Megan," she said, acknowledging me for the first time. "Can we talk?"

Nagkapalitan muna ng tingin si Derek at Vince bago sila parehong napatingin sa akin. Nakita ko ang paghigpit ng hawak ni Derek sa pintuan ng van at ang malalim na paghinga ni Kiana. Alam niya na kaya?

I smiled at her and gave her my brightest smile. "Yes, Ms. Kiana. Wala pong problema. Tara?"

"I just have a few questions."

Malamig ang sa balat ang hangin ng Cagsawa Ruins. Kasabay ng bawat ihip nito ay ang buhangin mula sa perpektong Mayon; minsa'y nakakaabala, madalas parang dumadaplis lang.

I kept my eyes straight ahead, nakatitig sa maingay na grupo na mga kasama namin habang kumukuha ng selfies. Their smiles brightened their tired faces and laughter made their shoulders shake. Yinakap ko ang sarili at mahinang tumango.

Ngunit sa lahat ng tanong na inaasahan ko, Kiana asked something I wasn't prepared for.

Humarap siya sa akin, her yellow dress followed her movement like water was running down her legs. "Kilala mo ba siya?"

Nagtatatakang napalingon ako sa kanya. "Siya?"

"That woman in Derek's past—his first love? Do you know her? Classmates kayo noong high school, 'di ba?"

I opened my mouth but came up with nothing to say. Sa hindi inaasahang tanong, doon ko rin napagtanto ang isang bagay: hindi ko siya kilala.

That girl with twinkling eyes, a bright smile, and cheeks that were round from laughing too much. Young, innocent, naive, and in love. Ten years ago, it would've been easy to say that she was someone who fell in love and thought that she found the one. Ngunit pagkatapos ng ilang taon at beses na sinampal ako ng katotohanan, she was now nothing but a blurry memory of regret.

Ang nakalulungkot, malabo ang mga panahon na naging masaya ako at kung bakit ko minahal si Derek. But the pain... It was bright and saturated with bold colors that marked my skin like a tattoo that I regret.

Naaalala ko kung sino ang babaeng minahal ni Derek, pero hindi ko na siya kilala. We were no longer the same person, at higit sa lahat, ibang iba na ako sa kanya.

So I told her the truth with a small smile. "Hindi ko na siya masyadong maalala. Noon siguro kilalang-kilala ko siya, pero ngayon hindi na."

Kumunot ang noo ni Kiana at sabay kaming tumingin sa van kung saan mag-isa si Derek na nakatitig sa amin.

Siguro nag-aalala pa rin siya kung sasabihin ko kay Kiana ang totoo. Ngumiti ako nang mapait. Ganito pala siya mag-alala para sa taong totoong mahal niya. Ganito pala.

"To be honest, I was really upset with you since the other day. Hindi lang ako nagsasalita kasi I feel like I shouldn't be this upset. Mataas ang expectations ko sa Elixir kaya nga kayo ang kinuha ko. But lately, you haven't been delivering. You and Tasha even fought like kids in front of me," sabi niya.

Humigpit ang yakap ko sarili at napayuko. "Wala pong excuse sa ginawa ko, Ms. Kiana. I should be the leader of the team but I've been incompetent."

Lumambot naman agad ang mukha niya at inabot niya ang mga kamay ko. I saw from behind her how Derek perked up. "Alam kong hindi magandang pakinggan, pero..." she bit her lip. "Can you show me how sincere you are with your apology by telling me something? I know, kahit 'di mo sabihin na sinabihan ka ni Derek, but can you please be honest with me?"

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin. Her knuckles were white and the tightness of her fingers' grip spoke of despair. Sampung taon na rin ang nakalipas noong naramdaman ko ang parehong pakiramdam. As I looked at her, the younger version of me in my high school uniform—the nostalgic yet unfamiliar teenaged girl—flashed before my eyes.

I gripped her hand back and cleared my throat. "Ano pong gusto niyong malaman?"

Ngumiti siya nang malaki at tumalon para yakapin ako. I did the only thing I was good at: I smiled.

"I know he's watching us right now, at ayaw niya talagang sabihin kung sinong 'yong ex niya, pero I told him that I'll ask you. He said he can't stop me if I want to. Kaya Megan, can you tell me who she is? "

Ngumiti ako at hinawi ang bangs, looking away from her. "Bakit naman po ako ang tinatanong niyo Ms. Kiana? Mailalagay ako sa alanganin nito kapag may pa-reveal," biro ko. "Saka bakit po gusto niyong malaman kung sino siya?"

Doubt filled her round eyes. The sun kissed her smooth cheeks but its picturesque beauty couldn't hide the sadness in her smile. "I just know she mattered to him a lot," pag-amin niya na ikinagulat ko. "He kept her a secret, yet even without a name, her ghost often visits our relationship. Kilala siya ni Manoy Robert na driver ni Derek, his parents knew her. But they won't mention anything as if saying her name will ruin everything. She's a sore topic to Derek and it scares me. Lately... he doesn't want me to show his phone. I'm worried that she's back in his life." Nag-aalala siyang tumitig sa akin, nakikiusap. "All my life, I've strived for perfection, Megan. My relationship with Derek is as close to perfect as it can be as well, including this wedding. The last thing I need is a girl from high school to ruin it." Her chin trembled along with her voice. "I can't have that. No one should ruin my fairytale. So please, kung hindi mo masabi kung sino siya at kung anong meron sa kanya, can you at least tell me if she's a threat? Will she come back? Do you have contact with her?"

Nanatili akong nakatingala hanggang sa naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. "Don't worry, Ms. Kiana," I finally managed to say. "Maniwala ka sakin, nakaraan na siya kay Sir. Para sa kanya his first love is nothing but regret. Isang alaala na hindi na kailanman babalikan. Sabi mo nga, this is your fairytale kaya maniwala po kayo sa akin kapag sinabi ko na kahit kailan hindi siya magiging bida. She's nothing compared to you."

A shy smile appeared on her face, but when she looked up to meet my eyes, it was gone. In its wake were pursed lips that told me more of her worries than she let on. "Megan, one last thing. I know it's a stupid question pero I really need to ask..."

Nagpigil ako ng hininga.

"Hindi naman ikaw ang ex ni Derek, 'di ba?"

I released my breath with a forced laugh. Umiiling na pinunsan ko ang namuong luha sa mga mata. "Ano ka ba naman, Miss Kiana. Ang type ni Sir Derek e 'yong mga diyosa—parang ikaw!"

Kiana's face brightened. At last, matching the heavenly scenery. "This is why I really like you, Megan. Not only do I trust you, but you're also very sweet."

What she didn't know was that I was also a fraud.

Continue Reading

You'll Also Like

Maybe Someday By rie

Teen Fiction

6.5K 949 105
a stand alone novel completed "Maybe Someday we'll meet again, just not in this lifetime." Shrynae Avery Vizcaino finally decided to leave the hospit...
21.8K 275 44
Irene is a simple girl and a senior high student full of hope, she's living with her single mom named Gracey. Nakatira sila sa likod ng mansion ng ka...
13.9M 234K 91
Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017]
742K 52.7K 72
Growing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecuri...