- Ghost ● Justin Bieber
tw // mention of torture and rape
─────
Orio's POV
─────
Andito kami ngayon sa harap ng medyo lumang bahay. Kasama ko si Cassidy, Tyco, Scarlet, Elixir, Harmonia and Stacy.
Si Void ay nasa Xeilton High. Samantalang si Neon ay nasa hospital obviously, kasama si Kisha.
"Tama ba tong pinuntahan natin? Bahay toh ni Gwen?" pabulong na tinanong sakin ni Elixir. Tiningnan ko ito at nagkibit balikat. Kaya napangiwi ito at naglakad papunta kay Stacy
Medyo kinakabahan kami pero si Stacy ay mapait na ngumiti at nagsimulang lumakad papalapit sa pinto sabay katok.
Unting katahimikan. Uulitin na sana ni Stacy ang pagkatok pero biglang tumunog ang pinto at gumalaw.
"Bakit bumalik pa kayo-" natigilan ito ng makita si Stacy.
"Apo.." sabi ng matanda at hinawakan ang dalawang kamay ni Stacy. Nagulat kami pero si Elixir na nasa likod ni Stacy ay kalmadong tiningnan si Stacy pero halatang alerto ito.
"Hello po.. Kamusta po?" tanong ni Stacy habang nakangiti.
"Ay oo nga po pala. Ito pa ang aking mga kaibigan" pagpapakilala ni Stacy at tinuro kami
"Diba sila yung pumunta rito. Sila yung-" sabi ng matanda na nanlaki ang mga mata pero hindi niya natapos ang sinasabi niya
"Ah no no, they're not the killer po" sabi ni Stacy
"Nagpunta po sila here kasi po they wanted to ask po about... Gwen" paliwanag ni Stacy at yumuko. Unting katahimikan pero nagulat kami sa sinabi ng matanda
"Ah ganon ba... sige, pasok kayo" sabi ng matanda kaya pinapasok kami nito. Nagpasalamat si Stacy at nauna siyang pumasok, kasunod si Elixir at ang iba pa.
─𔘓────
"Pasensya kung natakot kayo sakin dahil napagbintangan ko kayo. Hindi lang talaga madali mawalan ng apo. Masakit dahil hindi nabigyan ng hustisya ang apo ko" humingi ng tawad ang matanda kaya napangiti lang si Tyco
"Ano po ba talagang nangyari?" tanong ni Tyco
"Alam rin ni Stacy ang nangyari. Hindi pa ba nasabi sainyo ni Stacy?" tumingin kami kay Stacy na ngumiti at yumuko
"Pasensya na. Pero unti nalang halos ang maalala ko dahil pilit ko talagang kinalimutan yung about kay Gwen kasi kahit ako ay natakot at nasaktan rin sa nangyari" paliwanag ni Stacy. Ngumiti ito ng mapait.
"Dati kong kaibigan si Gwen.." sabi ni Stacy kaya ang iba sa amin ay gulat habang si Cassidy ay tumango nalang
"I treated her like my sister. We know each other secrets, we got each other's backs. Nalaman ko rin nga na crush pala niya dati yung boyfriend ni Kisha. Si Zayn naging crush niya HAHA" nagulat kami. Kala ko si Neon.
"Okay naman kami, but one day things changed between us. We argued. She avoided me. I was left alone, I wanted to talk to her and ask her why. One day hinanap ko siya tapos nakita ko siya malapit sa dulo ng field ng school may kasamang lalaki" Tumango kami. Sino namang kasamang lalaki ni Gwen?
"Nakahood yung lalaki ng kulay gray tapos nakatalikod ito. Medyo matangkad pero hindi ko makilala. Hindi ko alam kung madidescribe ko ito sainyo ng maayos pero..."
─────
Stacy's POV
─────
Nagkwento ako sakanila about sa past namin ni Gwen. Gwen is my bestfriend... she was the only one who's always there for me. Siya lang yung kasama ko sa mga panahong kailangan ko ng taong matatakbuhan.
"Mahirap idescribe ito. Hindi ko rin alam kung pwede ko bang sabihin sainyo ito sa harap ni lola" sabi ko at tumingin sa lola ni Gwen na tumango lang
"Hindi, okay lang sabihin mo sakanila kung talagang kailangan" ani nito at ngumiti ng mapait
"Anong nangyari kay Gwen?" tanong ni Scarlet
"Yung lalaki.. nakikipag away kay Gwen. Nagulat ako and I was about to approach them kaso may humila sakin at tinakpan ang bibig ko... I feel guilty... kasi nung mga time na yun... pinapatay na si Gwen.. and I can't even do anything to save her..." paliwanag ko at tiningnan silang nanlaki ang mga mata.
"Gwen was tortured. Nakita ko kung paano siya sinakal at tinulak. Pinagsusuntok. Nagulat ako lalo nung binulag siya ng lalaki. Tanda ko pa ang ginawa ng lalaking yun sa kaibigan ko... lahat lahat.. " sabi ko na hindi ko na maikwento ng maayos. Naalala ko lahat. Blood, boy in a gray hoodie, someone holding me back... everything... I'm guilty..
Pinatahan na ako ng lola ni Gwen at ni Elixir na katabi ko.
"Wag mo nang ikwento kung hindi mo kaya" sabi ni Harmonia kaya tumango ako
"Hindi talaga nirape si Gwen..." sabi ko kaya nalinawan na sila. Dahil may mga nagsasabing nirape si Gwen bago mamatay... well wala talagang nangyaring ganon..
"If Gwen was murdered and I guess may clue na tayo sa lalaking nakagray na yun?" tanong ni Orio
"Hindi parin sapat na information yung 'lalaking nakasuot ng gray na hoodie', Orio" sabi ni Elixir na medyo masama ang tingin kay Orio
"Bakit galit ka sakin?" tanong ni Orio kay Elixir na umiwas lang ng tingin
"Ewan ko.. tanong mo sa sarili mo" sabi nito at umirap at nagbuntong hininga
"What did I do this time?" tanong ni Orio ulet at nakatingin parin kay Elixir ng gulat
"Nevermind" sabi ni Elixir
"Anyway wala pa akong clues tungkol kay Gwen.... pero yun lang talaga alam ko. I feel guilty kasi hindi ko siya natulungan" Di ko natulungan si Gwen dahil hinila ako at pinatago, tinakpan ang bibig. Hanggang sa wala akong nagawa. Nagpumiglas ngunit nawalan ng lakas..
Hindi ko kilala kung sino ang humila sakin. Basta naalala ko nalang na may binulong siya sakin bago ako mawalanan ng malay at magising nalang sa clinic ng Xeilton High.
patawarin mo sana ako Gwen...
"Bakit nga pala nagtatanong kayo tungkol kay Gwen?" tanong ni Lola kaya napatingin kaming lahat sakanya.
"Hindi po namin alam kung maniniwala kayo pero..." Sabi ni Cassidy at nagsimula ng magpaliwanag
─────
3rd Person POV
─────
Walang magawa si Neon kundi kulitin si Kisha buong araw at sabihin na gusto nito lumibot sa hospital dahil tinatamad siyang humiga lang sa loob ng hospital room niya.
"Kisha help me just this once" sabi ni Neon na nag mamakaawa kay Kisha and Kisha just shook her head and looked at him with a blank expression
"No" Ani ni Kisha na hindi sumang ayon sa gusto ni Neon
"Please please please" pagpipilit ni Neon at nagulat si Kisha sabay tumawa
"Himala ginamit mo yung word na 'please' ha?" sabi ng dalaga at tiningnan si Neon ng ekspresyon na nagsasabing 'nasisiraan ka na ba?'
"KISHA" pagsigaw ni Neon kaya napailing ulet si Kisha at binalik ang tingin sa phone niya
"Neon di ka pa magaling" seryosong sabi ni Kisha kaya napasimangot nalang si Neon. Nakabibinging katahimikan ang pumalibot sakanila hanggang sa nagpilit tumayo si Neon kaya nagulat si Kisha at nagmadaling lumapit sa lalakeng ngayon ay nakaupo na at naghahanda ng umalis sa hinigaan nyang kama
"Neon di nga pwede ang tigas ng ulo mo-" pasermon na sabi ni Kisha pero nakitang gusto talaga ni Neon makalabas ng hospital room niya
"Just this once... please" pagmamakaawa ni Neon kaya napabuntong hininga si Kisha at tumango
"Sige" pagpayag ni Kisha at nakita ang ngiti ni Neon na pagkalawak at saya sa mga mata nito kaya napatawa nalang ito at inisip 'para siyang bata HAHA'
Tumayo si Neon at tinulungan ni Kisha.
"Patawarin mo sana ako Scarlet..." paga-alalang bulong ni Kisha. Narinig naman ni Neon kaya napairap nalang
TO BE CONTINUED
─𔘓────
A/N: sorry for slow updates atsaka hindi ulet ako nagproofread kaya sorry for the grammatical errors and wrong spellings. Love ya>3<
🖋 : [11. 2 . 21]