Scarper House

By scitusnim

44.1K 2.8K 573

⚠️TW: Violence, Sexual Harassment Just the opposite of its meaning, the Scarper House won't let us run away. More

Scarper House 1: Escape Room
1•1 - Dragged to Death
1•2 - Start
1•3 - Not Just a Game
1•4 - Calculus
1•5 - The Seven Deadly Sins
1•6 - Safe in Hell
1•7 - Congratulations
1•8 - The Last Supper
1•9 - What do you know?
1•10 - Goodbye
You can never run away
Scarper House 2: The Reunion
2•1 - Called to Death
2•2 - Start
2•3 - Not Just a Reunion
2•4 - Freezer
2•5 - Scarper Maze
2•6 - The Ten Commandments
2•7 - Midnight Snacks
2•8 - Honey
2•9 - Like Daughter, Like Mother
2•10 - Goodbye
You can never run away
3•1 - Taken to Death
3•2 - Start
3•3 - Not Just a House
3•4 - Our Father
3•5 - She Comes Home
3•6 - In the Treetop
3•7 - Child's Play
3•8 - The Asylum
3•9 - All Conjured
3•10 - Goodbye
You can never run away
Scarper House 4: Carnival
4•1 - Drawn to Death
4•2 - Start
4•3 Not Just a Show
4•4 - The Magical Parade
4•5 - Bumped
4•6 - Balls of Blood
4•7 Back Home
4•8 - Popcorn
4•9 - The Drop
4•10 - Goodbye
You can never run away

Scarper House 3: Detention

606 26 6
By scitusnim

Scarper House 3: Detention



The other night was too far from a typical night. I, the top student of Ceres High, currently at my last year as a senior, just got my first ever detention.



"Catarina Lim!"



Hindi lang ako ang nagulat noong halos nayanig ang buong classroom dahil sa lakas ng sigaw ni Ma'am Carmen. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa nang makita kung gaano kasama ang tingin niya sa 'kin.



"M-Ma'am—"



"Nakailang tawag na ako sa 'yo, saan ba lumilipad 'yang utak mo?!"



Napayuko ako. Aminado akong walang naintindihan sa mga dini-discuss niya dahil masakit ang ulo ko. Kanina pang umaga, sinasabihan na ako ni mama na 'wag na lang pumasok pero ayoko kasing mahuli sa mga lectures. Ganoon din naman pala ang mangyayari. "Sorry po."



"Hindi por que alam mo na ang itinuturo, hindi ka na magbibigay ng atensyon sa klase!"



I almost buried myself in my chair when she walked towards me. It's the first time I got yelled at by a teacher. Nakakahiya. Nakakapanliit. "Sorry po talaga, ma'am—"



"You'll have detention after class, Ms. Lim."



Napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi niya. First offense ko pa lang, detention kaagad? "Ma'am—"



"I am so disappointed in you."



Those words echoed inside my mind. Ang sakit marinig. Buong buhay ko ibinibigay ko ang best ko sa pag-aaral. Kaya nga nasa school ako kahit masama ang pakiramdam ko. Tapos kulang pa rin? Nakaka-disappoint pa rin?



Mas magiging malaking usapin lang kung tatakasan ko ang detention kaya wala akong choice kung hindi ang pumunta after class. Dapat kasi talaga nakinig ako kay mama. Dapat 'di na lang ako pumasok.



Sa sobrang hiya ko, nakayuko lang akong naglakad papunta sa detention room. 'Yon lang kasi ang room na ginagamit sa left wing sa 5th floor ng main building, at pag doon ka papunta, alam na ng lahat na na-detention ka.



Hanggang noong buksan ko ang pinto sa detention room, nakayuko pa rin ako. Tumalikod din ako kaagad, nagpapanggap na isinasara nang mabagal ang pinto. Nahihiya akong ipakita ang mukha ko sa mga nandoon.



Pero maliit na bayan nga lang pala ang Ceres. Lahat nga pala ng nag-aaral dito sa Ceres High, schoolmates ko rin noon sa Ceres Elementary.



"Uy, may bago." Napahigpit ang kapit ko sa doorknob nang marinig ang boses ng pinsan kong si Joaquin na mula pa noong mga bata pa kami, sakit na sa ulo ni tita dahil laging nakikipag-away. Hindi kami close dahil sabi ni mama, baka maimpluwensiyahan niya ako.



Hindi yata alam ni mama na kaya ko namang mapariwara nang mag-isa. Heto nga ako sa detention ngayon.



"Kali?"



Napapikit ako bago lumingon noong tawagin ako ni Gia, kaklase ko mula no'ng elementary at kapitbahay namin sa apartment na tinitirahan namin ni mama. Literal na lumaki kaming magkasama—mapa-school, dahil palagi kaming magkaklase, o sa bahay. Kaya kahit yata nakabaon ang mukha ko sa lupa, kilala niya ako.



"Gia," naiilang na bati ko sa kaniya. Bakit nga ba nakalimutan ko na nauna siyang palabasin ni Ma'am Carmen dahil natutulog siya sa klase?



"Bakit—Ano'ng ginawa mo at nandito ka?" litong-lito namang tanong ni Jero. Kaklase rin namin siya ni Gia no'ng elementary pero nasa ibang section siya ngayon dito sa Ceres High. Masasabi kong isa siya sa pinaka-close kong lalaki.



Hindi pa ako nakakasagot noong may dumamba ng yakap sa 'kin. Napaawang ang mga labi ko nang mapagtantong may junior high din sa detention.



"Ate Kali!"



Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Jing at sa kuya niyang si Jero. "Magkapatid kayo na nandito?"



"At least, sabay kaming umuuwi," nakangiting sagot ni Jing. Mas bata siya ng apat na taon sa 'min, pero ka-close ko siya dahil bine-baby sit namin siya dati 'pag wala ang mga magulang nila. Hindi rin kasi puwedeng sa kuya niya lang siya maiiwan dahil wala namang ibang alam ang siraulo kung hindi mag-video games.



Ngingisi-ngising tumango si Jero sa sinabi ng kapatid niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Bad influence na kuya.



"Best friend goals din kami, Ate Kali."



Nanlumo ako nang lumingon sa nagsalita at nakita si Wynn, best friend ni Jing na palagi ring nasa bahay nila dati 'pag nagbe-baby sit kami. Parang napakasaya niya pa na nasa detention siya.



"Hindi ganito ang friendship goals, Wynn," sabi ko. Tumawa lang sila.



"Hindi naman na namin iniisip na detention 'to," sabi ni Gia. "Para na lang kaming tumatambay dito kada uwian. Kami-kami lang din lagi eh."



Napalingon ako sa iba pa na nakaupo sa dulo. Kakaway-kaway pa ang pinsan kong si Joaquin na akala mo ay nasa family reunion kami. This is also a reason why we never got close. Masiyado siyang chill sa buhay. Naiinggit ako.



"Mga pre, si Kali."



Nagulat ako no'ng bigla akong ipakilala ni Jero na para bang ako ang bagong member ng club nila. Naunang mag-angat ng tingin 'yong isang lalaking nakasuot ng lanyard na pang-Grade 11. Napaawang ang labi ko nang mamukhaan ko siya. "'D-Diba, student council officer siya—"



"Matatanggal na 'yan, lagi rin 'yang nandito," sabi lang ni Gia.



Hindi naman mukhang na-offend 'yong lalaki. Tumayo pa nga at nagpakilala sa 'kin.



"Malcolm. Maco na lang," sabi niya at nakipagkamay pa sa 'kin. Maayos naman ang pagsasalita niya. Hindi siya mukhang barumbado. Bakit—



"Nagtataka na 'yan kung bakit ka nandito," tumatawang sabi ni Jero na parang nabasa niya ang nasa isip ko. "Oposiyon si gago. Lagi siyang nakikipagtalo sa president ng council. Ayan tuloy, lagi siyang dinadala rito."



"Eh?" Mas nalito lang ako dahil sa paliwanag niya. Puwede ba 'yon? Tumawa lang din si Maco.



"Naaalala mo 'yong batang nahulog sa puno ng mangga dati ta's pinalo pa ng nanay niya?" biglang tanong ni Gia kaya napalingon ulit ako sa kaniya.



"Si Herbert?"



Tumango siya at isinenyas 'yong lalaking nakasubsob sa desk sa dulo. "Siya 'yang natutulog. Ta's 'yong singkit na transferee, si Yoel, Grade 10. Wala pa si—"



Pare-pareho kaming napalingon nang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang isang sobrang pamilyar na lalaking mukhang papatay ng tao pero, kahit kailan, hindi niya kami inaway nina Gia at Jero. Mabait siya sa 'min, sa hindi malamang dahilan. At komportable rin naman kaming tatlo sa kaniya, kahit pa marami kaming naririnig na masamang bagay na ginawa niya raw.



"'Yon, nakumpleto rin tayong apat!" sabi na kaagad ni Jero. Medyo na-guilty naman ako sa lahat ng gala o okasyon na nagpa-pass ako sa kanila para mag-aral. Palagi tuloy na silang tatlo lang. Sinong mag-aakala na sa detention pa pala nila ako makakasama?



"Ty," tawag ko sa lalaking dumating at biglang nawala ang madilim niyang awra. Para bang tuwang-tuwa siyang makita na nasa detention din ako.



"Kali!" Parang batang patalon-talon na tumakbo si Tyler palapit sa 'kin at niyakap ako. Malayong-malayo sa Tyler na iniilagan ng ibang estudyante. "Bakit—" Bigla niyang sinapo ang noo ko. "Nilalagnat ka ba?"



"Masakit lang ulo ko."



"Eh, bakit nandito ka pa?" Sinapo rin ni Gia ang noo ko. "Hindi dito ang clinic, girl."



"Ayon, sabihin natin ihahatid natin si Kali, para makauwi na tayo," suhestiyon ni Jero. Hinampas tuloy siya ni Gia.



"Manggagamit ka! Nilalagnat na nga 'yong tao."



"Okay lang ako—"



"Kayo nanaman."



I froze on the spot when I realized that there's already a teacher inside the room. Hindi ko namalayan. Masiyado akong natuwa na makita ulit ang mga kaibigan kong sa iisang school din naman nag-aaral pero hindi ko na nakakasama dahil palaging mga libro ang kaharap ko.



"May bago, sir!" Sinamaan ko ng tingin si Joaquin na para bang proud pa na itinuro ako.



"Aba, Catarina Lim." Napayuko ako nang tumingin sa 'kin si Sir Emiliano. Hindi ko siya naging teacher mula Grade 7 pero kilala ko siya dahil sikat siya bilang terror. "Talaga namang pati ang mga matatalinong estudyante nagpapa-detention na para pahirapan ako. Imbes na nakauwi na ako sa anak ko, nandito pa tayong lahat."



I felt guilty, a lot. A father couldn't be home on time. A daughter is alone in their house. I knew we were to blame.



But never in my wildest dreams did I think that that would be our ticket to Scarper House.



;





Happy halloween, Anti-scitusnims 🎃

Scarper House welcomes you back!

Continue Reading

You'll Also Like

CASTAWAY By Geka Lockser

Science Fiction

3K 159 4
After the apocalypse, Amira and her friends faced the consequence of messing with life and death. And as the gates of hell leisurely open, they found...
850K 33.5K 32
Demigoddess Trilogy - 1/3 ϟ Summary? Oh, I got the lord of the gods as my father and the gods as my half siblings. I'm a teenage demigod and the fab...
540K 17.6K 75
[Complete] Team Alpha Trilogy Finale "Team Alpha! Ahu! Ahu!" It's the last draw. It's the last card. And it's almost time to say.. goodbye, Team Alph...
691K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...