His Loss

By clumatic

322K 9.7K 2.6K

wattys winner 2021 editor's pick nov 2021 Naloko, nasaktan, at isinumpa sa langit na siya'y magiging stronger... More

Foreword
c h a p t e r o n e
c h a p t e r t w o
c h a p t e r t h r e e
c h a p t e r f o u r
c h a p t e r f i v e
c h a p t e r s i x
c h a p t e r s e v e n
c h a p t e r e i g h t
c h a p t e r n i n e
c h a p t e r t en
c h a p t e r e l e v e n
c h a p t e r t w e l v e
c h a p t e r t h i r t e e n
c h a p t e r f i f t e e n
c h a p t e r s i x t e e n
c h a p t e r s e v e n t e e n
c h a p t e r e i g h t e e n
c h a p t e r n i n e t e e n
c h a p t e r t w e n t y
c h a p t e r t w e n t y - o n e
c h a p t e r t w e n t y - t w o
c h a p t e r t w e n t y - t h r e e
c h a p t e r t w e n t y - f o u r
c h a p t e r t w e n t y - f i v e
Book Two: Teaser

c h a p t e r f o u r t e e n

7.6K 316 94
By clumatic

        "ATE!"

A laugh escaped my lips as I was engulfed in a big hug. Muntik pa akong matumba sa yakap ni Markus. I hugged him back kahit na dumulas na ang bag ko mula sa balikat.

I leaned away from him with a grin. "Ang tangkad mo na ha! Binata na o, nangyayakap pa na parang bata."

Markus shook his head. "Seventeen pa lang ako, Ate. Baby pa rin iyon."

Lumayo ako sa kanya ang gave him a thorough look. Ang laki na talaga ng kapatid ko. Naaalala ko pa noong panahon na naulila kami kay Papa. I was just sixteen and he was seven. Maliit pa noon at bilugan si Marcus, but now he stood tall and lean with a smile that surely can grab a young girl's heart.

"Umuwi ako kasi baka kako may girlfriend ka na para mapagsabihan kita."

He gave me a shy smile.

"Hay nako. Mukhang alam ko na kung bakit ayaw mo lumipat ng school. Aba sige, hindi pa ako sisante kaya roon ka pa ga-graduate." I wagged a finger at him. "Magpakabait ka ha? 'Wag gagawa ng kalokohan."

"Ito naman si Ate." Muli siyang yumakap sa akin. "Magpapakabait ako. Hindi pa nga natin nababayaran 'tong lupa."

"Ikaw talaga—"

"MEGAN!"

Kumakaripas ang takbo ni Mama papasok ng bahay. She's a sight. Naka-jogging pants, fuschia pink na blouse at may salakot at nakabota. Puno man ng natuyo ng putik ang damit at mga braso, maganda pa rin ang ngiti niya. Mabilis siyang yumakap sa akin at natawa nanma ako nang makita ang naluluha niyang mga mata.

"Ma," I laughed. I cupped her cheeks. "Bakit ka umiiyak?"

"Hindi ka man lang nagsabi na uuwi kang bata ka!" Suminghot siya. "Dalawang taon na kitang hindi nakikita! Maski pasko hindi umuuwi!"

"Ma, ang mahal kaya ng pamasahe. Imbes na gastusin ko sa pag-uwi, ipadala ko na lang para may panghanda kayo."

Hinampas niya ako sa braso. It stung, but it somehow comforted me. "Pasaway talaga kayong dalawa ng kapatid mo! Aba kahit wala tayong handa basta magkasama tayo, okay lang!"

Hindi ko tuloy maiwasan na maiyak na rin. I hugged her tight at pareho na kaming napahagulgol. Narinig ko rin ang pagsinghot ng Markus na yumakap na rin sa amin.

I rested my chin in the crook of her neck, the best place where I could seek comfort. Yinakap ko siya nang mahigpit. "Hayaan mo, Ma. Mas sisipagan ko pa para ngayong Pasko magkakasama tayo at may handa."

She cried harder pero nanatili akong nakangiti kahit may mga luha sa mga mata.

This was the only love should define me. Hindi ko kailangan maging karapat-dapat because I was loved for being who I am.

Never undeserving. Never in secret. Never replaceable.

Just pure unconditional love.

Nakabibinging katahamikan ang bumalot sa hapagkainan nang sabihin ko kay Mama ang dahilan kung bakit ako umuwi sa San Juanito.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Markus nang mapansin na bumagal ang pagnguya ni Mama. Sa bawat subo, mabagal ang pagkilos. Walang imik at diresto lang ang tingin. This was very unlike her. Kung mayroon mang trademark si Marites Espiritu, iyon ay ang pagiging maingay at may opinyon sa lahat ng bagay.

Madalas sobra pero kahit kailan ay 'di kinulang. Maliban na lang ngayong araw.

"Ma, magsalita ka naman." Inusog ko palapit sa kanya ang bandyado ng Bicol Express, nakanguso ang bibig. "Wala naman ng laman 'yang plato mo pero ginagalaw mo pa rin."

Nag-angat siya ng tingin at agad akong natahimik. Maski si Markus na madalas makinig sa usapan, mabilis na tumayo bitbit ang pinggan.

"Una na ako, Ate ha? May gagawin pa pala akong project."

I glared at his retreating back. Taksil. Iniwan akong mag-isa. With a sigh, nagsalin ako ng tubig sa baso at inabot iyon kay Mama. "Alam ko naman na ayaw mo na makita ko pa ang mga Lorenzo pero kailangan ko kasi sa trabaho, Ma."

Binagsak ni Mama ang tinidor sa pinggan na nagpangiwi sa akin. "Iyon na nga ang ikinaiinis ko. Hindi man lang ba nag-iisip 'yang si Erning at kailangan pa na ikaw ang mag‐asikaso ng kasal ng Derek na iyan? Hindi ka man lang niya binigyan ng respeto. Niloko at iniwan ka ng lalaking iyon 'tapos ngayon ikaw ang gagawin ni Erning na utusan para sa kasal nila?" Biglang tumayo si Mama. Galit na galit. "Asaan na ba ang telepono ko at kakausapin ko siya!"

"Ma," awat ko at hinila siya paupo. "Ma, 'wag kang padalos-dalos. Hindi naman kasalanan ni Tito Erning. Dahil sa akin nawalan kami ng kliyente kaya kailangan may kapalit. Nagkataon na interesado si 'yong mapapangasawa ni Derek. Kinuha ko lang 'yong pagkakataon."

Tumingin sa akin si Mama na para bang nasasaktan siya para sa akin. "Aki ko. Alam mo kung anong nangyari noong sampung taon na ang nakalipas. Walang magandang naidulot ang Derek na iyan sa 'yo." Worry creased her forehead. Wala na bang ibang paraan? Gusto mo ba talagang gawin ito o ginagawa mo lang 'to kasi pakiramdam mo kasi hanggang ngayon pakiramdam mo kasalanan mo pa rin?"

I bowed my head, pinipigilan na bumagsak ang luha. Tinitigan ko ang lamesa naming nakabalot ng plastik na linoleum at ang simpleng mga plato na kupas na.

Gusto kong sabihin na ayaw ko, na nasasaktan ako tuwing nakikita ko si Derek at si Kiana; na hanggang ngayon, minumulto pa rin ako ng nakaraan. Pero tuwing makikita ko ang dingding ng bahay namin na hollow blocks pa din at ang sahig na kalahati lang ang may tiles, para akong sinasakal. Kung nandito pa si Papa, hindi ganito ang sitwasyon ng bahay na 'to. If he were still alive, Markus would've been living a different life.

"Ma." Inabot ko ang kamay ni Mama at hinawakan nang mahigpit. I smiled at her and her eyes instantly softened. "Hindi ako magtitiis kung hindi ko kaya. Para namang hindi mo kilala ang anak mo! Noong high school, kapag Math na ang subject, tumatakas ako kasi mahirap. Ano pa kaya ngayon? Kaya ko 'to kaya 'wag ka mag-alala. Si Derek lang 'yon, 'no! Dati nga, hinabol mo 'yon ng ting-ting!"

Tumawa siya nang saglit. Humigpit ang hawak ni Mama sa akin. "Hindi ka naman ba inaaway n'ong Kiana? Bakit ba kasi siya pumayag na ikaw mag-asikaso? Hindi ba niya alam—" napahinto si Mama nang makita ang reaksyon ko. Her eyes widened. "Diyos Mio, hindi niya alam?"

"Ma..."

She pulled her hand away. "Aki ko, baka mapahamak ka riyan! Baka awayin ka n'ong Kiana 'pag malaman niya!"

"Ma—"

"Ay hindi! Tigilan mo na ang kalokohan na 'to. Kahit magdildil tayo ng asin 'wag ka lang tratuhin nang hindi maayos. Mag-resign ka na."

Resign?! "Ma, hindi pa nga tayo bayad sa utang natin. Si Markus nasa senior high pa. Paano naman 'yon?"

"Maninilbihan na lang ako," galit na sabi niya. "Baka mamaya kung ano pang gawin sa 'yo n'ong mapapangasawa ni Derek kapag nalaman niya kung sino ka."

"Masaya na sila ngayon, Ma. Hindi naman niya kailangan malaman e."

"Kakausapin ko si Erning! Nasaan 'yong telepono ko! Akin na!"

May bumagsak. Napalingon kami pareho ni Mama sa may pintuan kung saan nakanganga pareho sina Vince at Theo.

Pinulot ni Vince ang folders na nahulog at ngumiti. He awkwardly laughed and scratched his head. "Uh... hello po."

Napasimangot ako. "Ano ginagawa niyo dito?"

-

"'Yon na nga, so pinadala dito lahat ni Tasha 'yong mga finalized na designs ng gowns ng bride at tux ng groom para matawagan mo si Weng at ma-order 'yong materyales na kailangan, saka kung pwede na nila masimulan 'yong iba doon sa— ay, thank you po. Thank you po, Tita."

Natawa ako nang mag-bow si Vince kay Mama kahit nakaupo. Sa sobrang bilis ng naging reaksyon niya ay muntik pa siyang mauntog sa lamesa. Tumango lang si Mama, inirapan ako at umalis para manood ng T.V. Nang maiwan kami, malaki ang ngiti ni Vince na kinuha ang mga plato at nagsimulang sumandok ng kanin. Walang kagatol-gatol na sumandok siya nang marami. Then, as if remembering something, he paused. 'Tapos ay lumingon siya kay Theo na tahimik lang sa tabi namin. Inabutan niya ito ng plato. "O, kain ka na. Masarap daw Bicol Express ni Tita Marites. Wala nang mas authenic diyan. A Bicol dish made in Bicol by a Bicolana."

Kaloka.

Theo rolled his eyes but took a plate and started to serve himself. Hindi gaya ni Vince, ay mukhang nakaramdam si Theo ng hiya at tama lang ang kinuha. Pinagmasdan ko siya saglit, noting how he'd always control his smiles na para bang hindi niya hinahayaan na maging buo ito. Laging kalahati, laging reserved. The only sign would be the dimples in his cheeks. Ang cute. My eyes widened and I shook my head. Binalikan ko si Vince. "Gaano ka kumplikado 'yong designs?"

He handed me a folder and I flipped through them. Sa bawat pahina, lalo akong nanghihina. Wala pa nga kaming tulog—halos anim na oras pa lang mula nang dumating kami—pero ang dami na agad ang gustong ipagawa ni Kiana. "Alam ba ni Tasha na apat na buwan na lang bago 'yong kasal? Bakit literal na parang fashion show 'tong mga designs?"

Ruffles, laces, beads, feathers... lahat yata ng pwedeng mabiling materyales ay nakalagay sa bawat design na sa tantya ko ay buwan para matapos ang isa. And that was me being ambitious with a four-month deadline, dahil kung iisipin, dapat tatlong buwan gawin ang ganitong damit at may assistance pa ito ng isang team.

Vince looked offended. "Hindi si Tasha My Love ang may kasalanan! Iyang fiancé ng ex mo ang may problema. Parang bridezilla."

Hinampas ko siya gamit ang designs at nailuwa niya ang Bicol Express. "May makarinig sa 'yo! Kakalat hanggang Centro 'yang mga salita na 'yan, may add-ons pa."

"Sinasabi ko lang naman 'yong totoo." Uminom si Vince at itinuro si Theo gamit ang baso. "Tingnan mo nga 'tong si Theo, na-overwhelm agad kay Kiana kaya noong nagpresinta ako kay Tasha My Love na ako na magdadala sa 'yo noong designs kasi wala na siyang oras para mag e-mail, sumama agad sa akin."

Tumaas ang kilay ko doon. "Sumama ka agad para pumunta dito?"

Hindi kaya—

Theo gave me a flat look. "Masarap daw Bicol Express ni Tita Marites."

I frowned.

Nahihiyang ngumiti si Vince. "Kailangan ko kasi ng kasama magbuhat saka mukhang bagot din naman siya." Inusog niya ang kanin palapit kay Theo. "Sige na, Theo, kain lang."

Bicol Express lang pala pinunta. akala ko pa naman concerned sa akin 'tong dalawang 'to dahil sa eksena kasama sila Kiana kanina. Iyon pala, mas mahalaga pa ang pagkain. Bakit pa ba ako umasa?

Iyong isa mukhang miyembro nga ng isang kakaibang grupo, 'yong isa naman, may gusto sa isang kakaibang babae. I crossed my arms at inismiran sila. "Kumain ka ng sobrang dami ha? Ubusin mo. Ikaw din, Vince, kumain ka lang diyan. Pakabusog kayo."

"Ito naman," sabi ni Vince. "Galit agad. Ayaw mo 'yon? Masarap ulam niyo."

Hindi ako umimik.

Umayos ng upo si Theo. "Gusto rin namin tingnan kung okay ka lang."

Double B pero hindi galit. Teka, na-excite ata ako.

Vince did a double take. "Gusto natin?"

Tiningnan siya nang masama ni Theo at bigla itong naliwanagan. "Ah. Oo. Ano... okay ka lang?"

Gusto kong ngumiti. "Bakit naman ako hindi magiging okay? Busog nga ako."

"E kasi 'di ba kanina, 'yong ex mo saka si Kiana."

Hindi ko sinagot si Vince. Instead, I took Tasha's designs and began making changes to it. Ramdam ko ang titig ni Theo, but with a bow of my head, I managed to hide the growing smile on my face.

-

Naging abala kami kinabukasan sa pre-nup ni Kiana at Derek sa ilalim ng tirik na araw. Pagkatapos ng ilang oras na paghahanda at pag-aayos, sa wakas ay nagsimula na ring kumuha si Vince ng pictures.

"Bale, magbibigay po siya ng illusion na bumabagsak 'yong stars sa lupa." Tumayo si Vince sa harap nila Kiana at ginaya ang pagbagsak ng stars.

Tinitigan ko siya nang masama habang pinapaliwanag niya kay Kiana at Derek ang mangyayari para sa kanilang mala-fairytale na pre-nup. Sa dinami-rami talaga ng concept, falling stars pa talaga?

Akala ko ba fantasy ang theme na napag-usapan?

Buong umaga kaming nag set-up sa bakuran ng mansyon nila Derek pagkatapos naming mag-meeting tungkol sa iba pang mga kailangan at gusto ng bride and groom. At dahil kaunti lang, kahit pa tinulungan kami ng mga tauhan nila Derek, inabot pa rin kami ng magdamag.

Ang dating malawak na hardin na puno ng bulaklak at malalaking kahoy ay parang set na ng pelikula ngayon. Bigla kong naalala 'yong panahon na kami pa ni Derek. This garden used to be our safe space. Dahil na rin sa lawak nito na umaabot hanggang sa kabilang kalsada at ilang daan na metro, madali lang ang naging pagtago sa amin.

It even had access to a private beach.

No one would look for Derek in their backyard and garden. Ang pagkakaalam nila, masyadong maarte si Derek para magtago sa mga puno.

This was the very same place where we had our first kiss. Katatapos lang ng exam noon at maaga ang uwian. Hindi pa man nakararating ang sasakyan na sundo niya ay nag-tricycle na kami papunta sa bahay nila. Nakasalubong namin ang ilang bantay at kasamahan nila sa bahay na suportado ang relasyon namin. They happily let us hide and escape. Siguro kasi, noon pa lang, alam na nila na wala namang patutunguhan ang relasyon namin kaya hinayaan na lang nila kami.

Nagpahila ako kay Derek na nililipad ng hangin ang suot na mamahaling cardigan. Young, naive, and hopelessly in love, I followed him with a huge grin on my face. Tumatawa kaming tumakbo papunta sa puno ng mangga na itinuring na naming sariling lugar.

The memory was still so crisp that I could remember how the wind felt cold against my smiling cheeks, and how warm his hand felt in mine. Nakarating kami sa bandang dulo ng property nila kung nasaan ang puno ng mangga na hinihingal pero masaya.

"Grabe!" tawa ko habang hinahabol ang hininga. "Ang bilis mo tumakbo. Hindi ako makahinga."

He turned to me with a beam. "CPR, gusto mo?" Tumawa ako pero hinampas siya sa balikat. Young Derek back then would use humor to tease me, but present Derek now used it to hurt me.

Hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot.

"Ikaw, kung anu-ano 'yang nasa utak mo."

"Seryoso nga," I remembered him saying. I looked up at him and he brushed the stray strands off my face. Natatandaan ko kung paano bumilis ang tibok ng puso ko, kung paano nanlamig ang mga kamay ko as he leaned down to brush his nose against mine.

"Padangat ta 'ka, Megan." Then, he finally kissed me.

I love you too, paulit-ulit na bulong ko noon sa aking isipan. My stomach fluttered with exhilaration and my heart was filled with love.

Akala ko noon, constant ang pagmamahal—na once you love a person, hindi na iyon magbabago. Pero ang tunay pala kasing nagtatagal ay hindi pag-ibig kundi paninindigan.

Sadly, that was what our relationship lacked.

Napakurap ako sa tunog ng camera at nag-angat ng tingin kay Theo na nakatapat pa rin ang lens sa akin. His camera covered half of his face, but it wasn't able to hide the teasing smile on his lips.

Bumilis ang tibok ng puso ko at nag-iwas ako ng tingin.

Sa sobrang bihira ngumiti ni Theo, hindi pa rin ako masanay-sanay. "Alam mo ba na hindi magandang kumuha ng picture na walang paalam?"

He simply shrugged. Ibinaba niya ang camera at nagsimulang tingan ang mga larawan na kinuha. "Technically," he said, his eyes still on his photos. "Lahat ng bagay at tao rito, puwede kong kuhanan. Kailangan ko para sa graphic album 'yong material para may pagbasehan ako."

"Dapat 'yong bride at groom ang focus mo." Lumayo ako sa kanya at naglagay ng lecheng stars sa sahig.

Kinuhanan niya ako ulit ng litrato at sumimangot ako. "Tigilan mo na nga 'yan. Bakit ka ba kuha nang kuha ng picture ko? Crush mo 'ko, 'no?"

"Puwede ka maging kontrabida sa isang page ng artwork ko."

Aba! "Hoy—"

"Megan!"

Mabilis ako tumayo at nilingon si Tasha na galit at nakasimangot sa akin. She was at one of the garden tables with Kenny, finishing the details of some of her designs for Kiana's gowns. I gingerly took steps toward her, pinapakiramdaman kung ano ang ikinaiinis niya.

"Ano 'to?" Itinapon niya ang isang kumpol ng designs niya sa lamesa. Nag-angat ng tingin si Kenny na nagta-type sa cellphone niya pero hindi umimik.

"Uh, designs mo?"

Pinaghalong tunog ng pagkainis at pagka-amused ang tawa ni Tasha. "'Yon naman pala, e. Alam mo pa lang designs ko pero ba't mo pinakialaman? Akala mo ba hindi ko mapapansin kung ginalaw ng iba ang design ko? Kahit pa isang daan 'yang design ko, I'd notice if there's a new scribble! Asaan ang work ethics mo? Pinahiram ko lang sa 'yo ang mga 'to para i-send kay Weng hindi para galawin mo."

"In-adjust ko lang naman 'yong iba na sa tingin ko may problema. Hindi ko naman binago nang sobra, Tasha. Napansin ko lang kasi na masyadong mabigat 'yong ibang materyales na napili mo kung ikakabit sa bodice—"

Inihampas niya ang kamay sa marmol na lamesa at napatingin ang lahat maging si Kiana at Derek na nasa gitna ng kanilang photoshoot. But Vince was quick to divert their attention back to the camera.

"Who fucking cares?! Design ko 'to at sino ba ang designer sa ating dalawa? Ano bang alam mo?"

"Tasha, please, pag-usapan na lang natin 'to mamaya pag tayong dalawa na lang. Naririnig tayo ng kliyente," pakiusap ko sa kanya but she only rolled her eyes. "Gusto ko lang naman makatulong at alam kong busy ka kaya hindi na ako nag-consult sa 'yo, pero may alam naman ako. Nagtatahi at nagdedesign din ako sa patahian ni Lola Dally."

"Oh, wow," she scoffed and looked at me from head to foot. "Sa tingin mo ba porke't nagtatahi-tahian ka sa bulok at pang-ipis na tahian na 'yon, may karapatan ka nang i-correct ang designs ko, gano'n ba? Don't you forget that you're nothing but an incompetent assistant. 'Wag kang masyadong ambisyosa."

Natawa ako nang mapakla. I shook my head and glared at her. Pinili kong huwag maging bastos pero sumusobra na siya. "Mali ang ginawa ko, oo. Kahit pa hindi naman ako ang makakakuha ng credit kapag naging maayos 'yong mga dresses—sige, sure, mali pa rin ako. Pero 'yong pagsalitaan mo ako ng ganyan lalo na si Lola Dally, parang sobra naman yata 'yon."

Kita mula sa kinatatayuan nila Kiana at Derek ang pagtataka at pagkabahala sa mga mukha nila. Napaka-unprofessional ng ginagawa naming pag-aaway, at alam ko na ako nanaman ang tatanggap ng sisi pag nalaman ito ni Tito Erning, pero hindi ko masikmura ang pang-iinsulto kay Lola Dally.

Sanay na ako na insultuhin at masabihan ng masasakit na mga salita, pero ibang usapan kapag kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Hindi pa pinapanganak si Tasha, may patahian na si Lola Dally. At kahit pa na nalugi ito at lumiit sa paglipas ng panahon, mahal ito ng matanda.

I couldn't let her insult someone's treasure just like that.

Huminga ako nang malalim. "Wala kang karapatan—"

"Gusto ko ng ibang view."

Nakakunot ang noo na napalingon ako kay Theo. Nakatayo na siya sa tabi ko pero nakatitig pa rin sa camera na hawak.

"Ha?"

"Sabi ko, dalhin mo ako sa ibang parts ng hacienda nung lalaki." Tumango siya sa direksyon ni Derek na nakatingin sa amin. "Kailangan kong kuhanan pang-inspiration."

"Ngayon na? As in, now na?"

He just nodded at bumagsak ang mga balikat ko sa pinaghalong relief at pagod. Doon ko napagtanto na ayaw ko palang makipag-away kay Tasha. Sparing the designer one last glance where she scoffed at me, I walked away with Theo.

Walang imik na naglakad kami papunta sa likuran kung saan madalas magsama-sama ang mga nagtatrabaho sa hacienda ng mga Lorenzo. Malapit banda sa imbakan ng nga feeds ay ang ang hawla ng mga kabayo.

We stopped there to check on the horses. Lumapit si Theo sa kanila at iniwan ang camera sa akin. He pulled out a sketchbook from his messenger bag and started to draw.

Umupo ako sa malaking bato na katabi ng isang puno at pinanood siya. Parang bigla akong napagod. 'Yong pakiramdan na gusto ko na lang mabura dahil wala ng linaw kung may direksyon pa ba ang daan na tinatahak ko.

Mali na hindi ako nagpaalam kay Tasha. Pero hindi naman masama ang intensyon ko. Palagi ko namang sinusubukan, pinipilit ko naman maging mabuti sa lahat dahil alam ko na may mga pagkukulang ako, pero bakit parang hindi naman nila makita man lang ang effort ko?

Palagi na lang ba akong incompetent para sa kanilang lahat?

"Sa pamilya ba nung lalaki 'tong mga kabayo?"

Natatawang umiling ako kay Theo. "Si Derek ba? Alam mo naman pangalan niya pero hindi mo mabanggit."

He simply shrugged and stroked the head of the horse who seemed to enjoy his touch. "Hindi naman kami magkakilala. Hindi rin naman pangalan ko ang tawag niya sa akin."

"Paano ka nagkakakliyente kung ganyan ka sa kanila?"

Tumingin siya sa akin, matagal na hindi umimik. Then, he tilted his head and said, "sa tingin mo bakit?"

Ang puso ko. "Napakayabang," I scoffed. Nag-iwas ako ng tingin at bumunot ng ilang damo mula sa lupa. Oo na. Siya na ang guwapo at magaling.

Tumawa siya. "Ano bang iniisip mo? Wala naman akong sinabi."

I rolled my eyes and turned to look at him with glaring eyes. "Alam ko naman ang sasabihin mo, e. Guwapo kasi ako at talented, yadda yadda. Duh?"

Saglit na nagulat siya sa sinabi ko at bigla akong nakaramdam ng hiya nang tumawa siya. His eyes crinkled in the corners and sparkled with amusement. Naglakad siya palapit sa akin at kusa akong sumiksik sa puno.

Lord, ito na ba 'yon? Aamin na kaya siyang miyembro siya ng mafia at bet niya ako? Teka, parang hindi pa ata ako ready.

"So," simula niya at yumuko sa akin. Naglakbay ang mga mata na mahahaba ang pilik sa kabuuan ng mukha ko. "Sa tingin mo, guwapo ako at talented?"

Hindi ako nakasagot.

He smirked. "Ikaw yata 'tong may crush sa akin."

Tumayo siya nang tuwid, naglakad pabalik sa mga kabayo at nag-sketch ulit. Kinapa ko ang puso kong parang nasa karera ang takbo at nakangangang pinagmasdan siya.

Teka, ba't hindi naman ganito ang na-imagine ko?

Bad trip!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 109 22
Flora Grace Bautista came from a poor family, yet she's still grateful about it. She has loving parents that every child asked for. But, the world be...
78.4K 2.7K 6
Paano nga ba tayo makaka-move on kung may isang taong nag paramdam sa'yo ng lahat lahat ng hinahanap mo sa isang relasyon, pero biglang... Author's...
215K 1.1K 7
Victoria is pretty and intelligent, but a bit ignorant. Strikto kasi ang tatay niya sa kanya. So she never really experienced anything outside her co...
17.1K 968 7
Life Cycle ng mga Puso. Hearts fall in love. Hearts fall. Hearts ache. Hearts hope.