To Love Again

By MelancholyofMaryey

51.7K 1.9K 258

This is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap... More

Disclaimer
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54 Final Chapter

Chapter 50

1.2K 45 18
By MelancholyofMaryey

Alex Pov

Monday ngayon ngunit napilitan akong magpaalam kay jeff na hindi ako makakapasok. Parang pinupukpok sa sakit ang ulo ko ng magising ako.

Ayoko pa sana bumangon pero napabalikwas ako ng maalala ko ang nangyari, hindi yun isang panaginip sigurado ako. Nagmamadaling tinungo ko ang cr at saka ko inayos ang sarili.

Kumuha ako ng damit at nagbihis. Parang biglang nawala sakit ng ulo ko at napalitan ng kaba. Nasaan kaya si kelsey? Tanong ko sa sarili. Ngayon pa lang iniisip ko na kung paano ako haharap sa kanya o kung anong sasabihin ko.

Bumalik muna ulit akong cr at humarap sa salamin. Pagkatapos ay lumabas at naupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung lalabas ba ako. Nasa ganoong pagiiisip ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa noon ang babaeng nasa isip ko.

She's wearing my tshirt right now.  Naka pony ng mataas ang  kanyang mahabang buhok.

"Breakfast is ready can you walk downstairs?" tanong ni kelsey sa akin.

Tinitigan ko syang mabuti, parang normal lang naman siya at walang nangyari. Nakangiti siya sa akin ngayon.

"Alex are you okay ?" she asked 

Hindi ko alam kung paano mag re-react sa kanya ngayon. How stupid i am. Masyado akong nagiging mapusok kapag nakakainum.

"Alex hey!" tawag nya ulit para maagaw ang atensyon ko.

" yeah masakit lang ang ulo ko let's go" sagot ko sa kanya at tumayo na din.

Pinauna ko na syang bumaba ng hagdan. Pinapanood ko lang ang kanyang pagkilos.

Nang makababa kami ay nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Madaming nakahain. Did she cooked all of this?

She also prepares a coffee for me. Sobrang maasikaso nya talaga. Bigla ko tuloy naalala ang mga nangyari kagabi. Mag sosorry ba ako?

"Here's your coffee" abot niya sa akin pagkatapos ay naupo na siya. At nagsimulang kumuha ng pagkain.

Nang mapansin hindi pa ako kumikilos ay muling nagsalita si kelsey.

"Don't you like the food?"

Umiling naman ako.

" Kelsey ah ano kasi about what happened.."

" Let's not talk about it now. Kumaen muna tayo alex" pagputol nya sa sasabihin ko.

Kaya naman wala na din akong nagawa kundi tahimik na kumaen habang pinagmamasdan siya.

She's eating so slowly. At walang imik. Parang walang tumatakbo sa isip niya unlike me na kung ano ano ang naiisip. What should i do now?

Mabilis kong tinapos ang pagkaen dahil hindi ko na makayanan na manahimik lamang habang kaharap siya.

"Are you done?"

" Ah oo mabilis lang naman talaga ako kumaen diba?"

"o okay". Maikling pag sangayon niya. Hinihintay ko siyang magsalita ngunit wala na siyang ibang sinabi.

Ng matapos siyang kumain ay siya na din ang naghugas ng mga plato. Kaya naman umakyat na rin ako sa kwarto para makapagpahinga dahil sa hangover na nararanasan ko ngayon.

Mabilis lumipas ang oras at namalayan kong tanghali na pala. Medyo gumagaan na din ang bigat ng ulo ko. Hindi ko malaman kung bakit saglit lang ako uminum ay ang lakas na ng tama sa akin. Or baka dahil din to sa aksidente ay hindi ako sigurado. Hindi na rin naman kasi ako umiinum ng gamot.

Naisipan kong bumaba at nakita kong nagluluto na si Louise ang aking kasambahay.

"hello po ma'am" bati niya sa akin

Nginitian ko lang ito at lumabas na ako. Parang gusto kong magpahangin ng maalala kong wala nga pala si kelsey . Nasaan na naman kaya iyon? Kaya bumalik ulit ako sa kitchen at tinanong si louise kung nasaan si kels. Nagpaalam daw itong may pupuntahan saglit at babalik din daw kaagad.

Lumabas na lang ako at tumambay sa terrace habang nagiisip. Paano ko kaya sisimulang ligawan si kelsey? Ito ang nasa aking utak. Paano ko sasabihin sa kanya yan. Pero fiancée ko na siya ano ba ang dapat kong gawin?

Dahil sa pagkabagot ay naisipan kong tawagan si raine. Tutal wala naman akong gagawin at bukas ay holiday na naman ay makikipagkita na lang muna ako sa kanya.

Kaagad kong hinanap sa cellphone ko  yun number nya at dinial ito. Nakaka tatlong ring na ay hindi niya pa ito sinasagot siguro ay busy siya mamaya ko na lang ulit tatawagan. Itatago ko na sana yun phone ko ng biglang nag ring ito.

"Hello?" sagot ko agad

" hey rie sorry hindi ko agad nasagot napatawag ka?" si raine.

" Ah pasensya na busy ka ba?" tanong ko dito

" haha hindi naman may bisita kasi ako pero umalis na." napaka masayahin talaga niya kahit kailan.

" Pwede ba tayong magkita? May itatanong sana ako eh" alanganin kong tanong dito.

" Nako rie sorry ha pwede ako ngayon pero ikaw hindi ka pwede e"

Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Hindi ako pwede?

" Ha? Teka anong hindi ako pwede?"

" Haha basta alam ko hindi pa pwede eh. Sige tawagan mo na lang ako ulit kapag sure ka na na pwede kana ha"

Minsan talaga parang nakakalokong kausap si raine. Binaba ko na ang tawag dahil baka busy talaga siya at nahihiya lang.

Umakyat na ulit ako sa kwarto at nagpasyang maligo total wala naman akong magawa at wala din makausap ngayon.

Magbibihis na sana ako ng may kumatok sa pintuan. Naka tapis lang ako ng tuwalya kaya nagbihis muna ako at hindi pinansin ang kumakatok. Hinayaan ko lang ito. Isusuot ko na sana ang tshirt ko ng bigla itong bumukas. Napalingon ako bigla dito sa gulat.

"Oh sorry i thought you're not here." sambit ni kelsey na hinahagod ako ng tingin.

Nakalimutan kong bra nga lang pala ang suot ko at denim short. Kaya naman tumalikod ako kaagad sa kanya. Narinig ko naman ang mahinhin niyang pagtawa.

" Let's lunch out I'll wait for you outside" pagkasabi noon ay sinara na niya ang pinto at lumabas na. Hindi man lang tinanong kung sasama ako.

Hindi na ako nagabalang magpalit ng damit dahil casual naman ang suot ko at ang sabi naman niya ay kakain lang kami sa labas. Nagsuot na lang ako ng puting sapatos at lumabas na din agad.

Inabutan ko siyang kausap si louise, ng makita niyang nakaready na ako ay nagpaalam na din ito.

" Let's go?" aya niya sa akin. Kaya lumabas na din ako. Dala niya ang kanyang sasakyan at siya na din ang nag drive nito.

Pumasok ako sa loob ng kanyang kotse. Hindi ko maiwasan mamangha dahil ngayon lang ako nakasakay sa ganitong sasakyan. Ang ganda ng interior nito at sobrang linis parang hindi man lang nadudumihan.

"San tayo kakain?" tanong ko sa kanya.

" Anywhere" maikling sagot niya sa akin.

Napa kunot na lang ako ng noo. At hindi na nagusisa pa.

Nagumpisa na din siyang magdrive kaya pinili ko na lang na tumahimik.  Mukhang good mood talaga ang diyosa dahil lagi siyang nakangiti ngayon at hindi nagsusungit.

Naglaro na lang ako sa aking phone habang nasa biyahe para hindi mainip. At hindi ko nga namalayan na huminto na pala kami sa isang mamahaling restaurant na puro salamin.

" Dito ba tayo kakain?"

" Yeah why?" sagot niya habang nagaalis ng seat belt niya.

Hindi na lang ako nagsalita. Kung alam ko lang na sa fine dining restaurant kami kakain ay nagbihis sana ako ng mas maayos. Sumunod na lang ako sa kanya ng pumasok siya sa loob.

" Do you have reservation ma'am?" tanong ng waitress kay Kesley.

" Yeah it's for Kelsey Henderson" sagot naman niya.

" This way ma'am".

Sumunod kami sa waitress papasok sa vip room ng restaurant. Sobrang ganda ng loob nito. Kung hindi lang sa magandang mukha ko ay talagang mag mumuka akong kawawa dito.

Huminto si Kelsey sa isang malaking table at may binating isang magandang ginang. Siguro ay nasa late 40s na ito at makikitaan mong may sinasabi sa lipunan. Mukha din siyang foreigner. Hinalikan niya ito sa pisngi saka niyakap.

" Mom i miss you so much" sabi niya sa babae na mother niya pala. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

Pagkatapos ng kanilang moment ay napunta na sa akin ang atensyon nila. Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ng mommy ni kelsey na parang maiiyak pa na makita ako.

" Alexandra I'm so happy to see you." biglang yakap niya sa akin.

Hindi naman ako bastos kaya bumati na lang din ako.

" Ah good afternoon po". Alanganin ko pang pagbati sa magandang ginang.

"Let's seat first." aya ni kelsey sa ina at sa akin.

Nakaupo ako sa harap ng mommy niya at katabi ko naman si kelsey. Ang awkward lang at sobrang nakakahiya ito unang una ay nakapang bahay lang ako at pangalawa ay siya ang mommy ni Kelsey baka kung ano ang isipin niya sa akin.

Dumating na din ang mga pagkain at sobrang dami nito. Parang fiesta. Nagsimula ng silang kumaen kaya sumunod na din ako.

" Iha how are you? I'm happy that you and my daughter is okay now."

Medyo nagulat naman ako sa tinuran nito kaya naubo ako. Kaagad naman akong binigyan ni kelsey ng tubig.

" Mom can we talk about it later?" sambit ni Kelsey sa kanyang ina. Hindi ko sila maintindihan at hindi ko din alam kung anong ginagawa namin dito ngayon.

" Alright let's talk about it later sa mansyon."

Napatingin na lang ako kay kelsey ngunit hindi naman ako nito pinansin at patuloy lang sa pagkain.

Madaming katanungan naglalaro sa akin ngayon pero pinili ko na lang ulit na manahimik.

Nang matapos kumaen ay tumayo na ang matandang Henderson at tinawag ang kanyang driver.

" Magkita na lang tayo sa bahay. " paalam nito sa amin ni kelsey.

" I'll pay for the bills." pag open ko ng conversation kay kelsey dahil mukhang wala siyang balak magsalita.

"Do not bother alex it's already paid." yun lang ang sagot niya.

" So, tara na?" aya ko sa kanya.

" I'll just go to powder room."

"Antayin na lang kita sa labas." paalam ko dito.

Lumabas na nga ako ng mamahaling restaurant na yun at naghintay na lang sa kung nasan yung kanyang car.

I don't know pero parang kinakabahan ako, nakakaintimidate ang mommy ni Kelsey. Hindi ko alam kung anong paguusapan namin mamaya.

" Hey are you ready?" hindi ko na napansing nasa harap ko na pala si kelsey.

Binuksan niya ang sasakyan at pumasok na sa loob.

She start to drive at katahimikan na naman ang bumalot sa amin.

" Ahh kelsey?" tawag ko dito

" What?" sinulyapan lang ako nito at bumalik na ulit sa kalsada ang mga mata. Kung hindi ka sanay ay iisipin mong napaka suplada niya.

" Saan nga tayo papunta?"

" To our home. Sa alabang."

" Anong paguusapan nyo ng mommy mo? Saka bakit kasama ako?"

She didn't answer me.

" Kelsey." tawag ko ulit dito

" Just speak alex."

" Nagsumbong ka ba sa mommy mo?"

" What are you talking about!? " ayan galit na siya.

" Anong paguusapan nyo?" kulit ko sa kanya.

" Why are you scared? "

" Should I? "

Nagkibit balikat lang siya at hindi na ako sinagot.

Saglit na lang kami bumiyahe mula makati to alabang. Pumasok kami sa isang private village na may malaking gate. Halos puro nag lalakihang bahay ang nandito. Mga mansyon. Para itong bahay ng mga pulitiko at negosyante.

Ilang sandali pa ay huminto na rin kami sa isang malaking gate. Binaba ni kesley ang bintana ng sasakyan ng makita siya ng guard ay kaagad itong bumati at kusang bumukas ang automatic na gate nito.

Pagpasok namin ay malawak na pathway at driveway. Madaming puno at halaman sa paligid.

Mamamangha ka sa laki ng kanilang bahay. Isa itong puting american house. Tatlong palapag ang kabuuan ng bahay. Hindi pa ako nakakababa ng kotse ay ito na agad ang napansin ko.

Nang makapark kami sa garahe ay bumaba na si kelsey ay inaya na ako sa loob.

" Welcome to my home my love." bulong sa akin ni Kelsey. Nahihiyang tumingin na lang ako sa paligid para itago ang pamumula ng pisngi ko.

Pumasok kami sa isang malaking pintuan at sumalubong sa akin ang malaking chandelier at magagarbong sofa at naglalakihang vase. May mga portrait din ng painting na nakasabit sa malawak na wall.

" Let's go to my room first para makapag pahinga ka muna" saad ni kelsey sa akin.

Sumunod na lang ako dito at umakyat kami papuntang second floor kung nasaan ang kanyang kwarto. Tatlo ang kwarto na nandito, yung nasa left corner kami nagpunta.

Pumasok kami sa kwarto niya. What can i say is napaka neutral ng kulay ng nasa loob.

" This is my room. You can change clothes there sa closet may mga damit kapa dyan alex." sabay turo niya sa malaking walkin closet sa right side.

Naupo muna ako sa L shape na sofa at iginala ang aking mga mata sa kabuuan ng kwarto niya.

Napako ang tingin ko sa isang malaking portrait na nakasabit doon. Picture namin ito ni kelsey hindi ako pamilyar kung anong lugar ito pero feeling ko ay sa ibang bansa iyon.

Mukhang napansin naman niya ang tinitignan ko kaya lumapit din siya sa akin.

" It's our first picture together abroad, it's my birthday." pagkkwento niya.

" San yan?" curious kong tanong. Base sa picture ay patapos na ang snow. Mukhang nasa city kami.

" Tokyo."

"Japan?" kompirma ko pa.

" Uhmmm."

"Wow dream country ko yan ah. Sayang hindi ko maalala." parang bigla akong nalungkot .

" It's okay we can go there again if you want."

" Kailan nga pala yung birthday mo?" hindi ko naman talaga maalala kaya walang masama if itatanong ko.

"Next month."

" What next month na?"

" Yeah why?"

" Anong date?" tanong ko ulit.

" 8th."

" So april 8 pala birthday mo?" balik ko ulit sa kanya.

Naputol ang pagkkwwentuhan namin ng may kumatok sa pintuan. Pinuntahan naman ito ni kelsey at pinagbuksan.

" Hello po ma'am pinapatawag napo kayo ng mommy nyo sa library." sambit ng matandang babae.

" Pakisabi nana na susunod na kami." sagot naman ni kelsey dito.

Hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil sa kwentuhan namin. Hindi ko na din naitanong kay kels kung ano ang paguusapan nila. Lumabas na kami ng kwarto at dumiretso sa library na nasa ikatlong palapag ng kanilang mansyon.

Kumatok muna si kelsey bago pumasok sa malaking pintuan. Para kang nasa national library sa dami ng librong nasa loob nito. May mga antigong gamit din sa loob na nakabalot sa glass. Mga pandisplay at paintings na halatang luma na.

Nakita ko naman ang mommy niya na nakapagpalit na din ng damit. Parang lalo tuloy itong bumatang tignan sa suot nito ngayon. Pinaupo niya kami sa upuan sa harap ng bilog na lamesa.

" How's your head Alexandra hindi na ba kumikirot?" tanong niya sa akin.

" Ah hindi napo gaano."

" Gaano? So its still aching sometimes? Did you visit your doctor regarding diyan?" bakas ang concerned sa boses niya.

" Hindi napo siya masakit, hindi na din ako nakabisita sa doktor. Magaling napo ako".

" Still you should see Isabelle regularly." may pinagmanahan nga si kelsey.

" Ah opo" sagot ko na lang para hindi na humaba pa ang usapan. Habang si kelsey sa tabi ko ay tahimik na nakaupo lamang.

" Do you have any idea why you're here iha?"

" Wala po akong idea." diretso kong sagot.

Napataas naman ang kilay niya sa sagot ko.

" Okay I'm going direct to the point here iha, i want to know if you still have the plans for my daughter."

Hindi ko inaasahan ganito ang paguusapan namin. Shock ako.

" I asked raine about you two. Sabi niya okay naman na kayo and you're dating my daughter again. So, i thought this is the right time to talk this matter again." straightforward na  sambit ni Mrs. Henderson

I don't know what to say. Oo inaya ko si kelsey makipagdate but still were not together. Ayoko din naman magmadali. Gusto ko ulit makilala siya ng buo at maranasan muli yun mga nawalang alaala ko.

" Do you have any plans for my daughter iha?" she asked me again

Napalunok muna ako at tumingin sa magandang mukha ni kelsey bago sumagot.

" Sa ngayon po honestly gusto ko munang ienjoy kung anong meron kami ma'am. Gusto ko sana makilala pa siya at gumawa ng mga bagong memories. "

" I just want to know your decision before we finally cancel your supposedly wedding this coming may.

" I understand po. And pasensya na sa abalang nangyari."

" You should not be sorry alex, i will ask you when i come back again on December. Hoping you have decision that time. You two can go now."

























































































Continue Reading

You'll Also Like

Teased Of Us By .

Teen Fiction

317K 14.4K 42
Highest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving the student life she...
177K 8.5K 46
Kaya pa bang magpatawad ng pusong paulit-ulit na winawasak? Kaya pa bang magtiwalang muli ni Ramcel kahit paulit- ulit syang binibigo ni Victoria? T...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
138K 6.3K 44
SHE likes HIM. HIM likes HER. HER likes... What would happen if SHE accidentally cast the spell on someone else instead of HIM? And that someone else...