Chapter 19

649 31 2
                                    

Saturday.

Ang ganda ng gising ko ngayon. Tapos na akong mag breakfast at on the way na ako para mag gym. Ilang araw na din kasi akong nagskip dito at hinahanap na ito ng katawan ko.

Wala ako masyadong gagawin ngayon araw kaya plano kong dumalaw sa condo ni kelsey mamayang hapon. Sana ay nandoon siya sa kanila.

Andito ako sa gym ngayon, regular na ako dito kaya naman kilala ko na ang ibang tao dito. Binati nila ako at kinamusta. Ang iba naman ay nag tatanong ng chismis. Ginawa ko lang ang routines ko at nag exercise. Pawisan akong tumigil para magpahinga.

Umiinum ako ng tubig sa tumbler ko ng may lumapit na babae sa akin. Sexy siya at maganda. Nagpakilala siya sa akin, bago lang daw siya dito sa area. Kaya pala kako now ko lang siya nakita. Sanay na ako sa mga ganitong tipo ng babae lalapit para makipag usap after non ay magaaya kung saan. Kung hindi sa bar ay dito sa gym ko madalas ma experience yun ganito. Dati kapag trip ko pinapatulan ko  sila pero dati yun at hindi na ngayon. Nagbago na ako dahil seryoso akong manligaw kay kesley at kahit wala pang kami ay dapat maging tapat na ako sa kanya. Kailangan kong umiwas sa mga tukso ngayon pa lang.

After ko sa gym ay nagpalit lang ako ng damit at dumiretso sa grocery store para bumili ng gamit at stocks. Namili ako ng mga sabon at kung ano pang gamit sa bahay. Pagkatapos doon ay umuwe na ako  at nagluto ng lunch.

Mabilis natapos lahat ng dapat kong gawin kaya ngayon ay namamahinga na lang ako. Binuksan ko ang phone ko at nagcheck ng msgs wala naman gaanong important sa mga iyon.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa kung pupuntahan ko na lang ba si kelsey or aayain ko na lang siyang lumabas or magbar. Ano kaya ang magugustuhan nya? Sana lang ay mapapayag ko siya.

Natulog lang ako hanggang sa mag alarm na ang phone ko. 4pm na. Bumangon na ako, dumiretso sa cr at naligo. Ang tagal ko nagbabad sa banyo, after nito ay namili na ako ng damit na aking susuotin inabot na ako ng taon sa pamimili  ganito pala talaga kapag nanliligaw. Hahaha, para akong bumalik sa pagdadalaga kakaiba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao.

Nang masatisfied ako sa porma ko ay madaling lumabas na ako ng bahay at nagdrive na papunta sa condo ni kelsey. Hindi ko siya chinat ngayon araw at wala din akong sinabi sa kanya na pupuntahan ko siya ngayon. Bahala na si batman.

Hindi ako mahilig sa bulaklak pero naisipan kong dumaan sa flowershop, nagstalk ako sa fb nya kung ano nag paborito nyang flowers dahil swerte ako ay may nakita akong post don.

Pinakita ko iyon  sa flowershop at nagbayad. Ipinadaliver ko na lang ito sa kanyang address dahil ayokong magbitbit non at hindi rin ako sanay tiyak na pagtitinginan ako ng mga tao.

Inabot na ako ng dilim sa daan kahit malapit na lang ang naging biyahe ko from pasig to qc ay natagalan din ako sa biyahe, almost 6pm na ngayon. Parang ang alanganin ng dating ko ah sabi ko sa sarili. Bagal ko kasi magbihis hay.

Nang makapag park ako ay bumaba na ako ng sasakyan. Papasok na ako sa elevator ng makasakay ko si karla, oo nga pala naalala ko dito nga pala siya pansamantalang tumutuloy. Nagulat siya ng makita ako.

Ang mas nakakagulat ay ang pagsakay ni kelsey sa elevator na mukhang galit na naman sa mundo.

" Hey rie it's so unusual to see you here. Are you here for someone ? Tanong ni karla sa akin.

Sasagot palang ako ay hinatak na ako ni kelsey sa kanyang tabi.

" Yes, she's here because of me" sagot ni kelsey dito.

I can sense ang namumuong pwersa sa kanilang dalawa kaya naman sumabat na ako agad.

"Kelsey she's karla, cousin of my boss." pakilala ko dito

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon