Chapter 13

698 37 8
                                    

It's monday morning, wala akong pasok dahil holiday today. Hindi ko alam kung anong meron basta walang pasok ngayon at masaya ako.

Napagkasunduan namin ni jeff na sasamahan nya ako today para kunin na yung bagong sasakyan ko sa casa. Im so excited dahil sa wakas ah magkaka service na ako, hindi ko na need magcommute at magbook sa grab.

It's one of my dream come true.

Sinundo ako ni jeff dito sa labas ng gate namin, hindi ko pala nasabi last time na may pinopormahan na si Jeff at masaya ako for him. Mukhang seryoso siya this time dahil madami akong changes na nakikita sa kanya. Madalang na siyang malate sa trabaho, hindi na siya tambay sa bar at mukha siyang inspired. Ang nagagawa nga naman ng pag ibig.

Kadadating lang namin sa dito sa Ford at nauna na akong bumaba ng sasakyan.

"Tol super excited ah" sigaw nya sa akin.

"Haha oo naman first time eh." sagot ko naman sa kanya.

Pagdating namin sa loob ay sinalubong ulit kami ni ate girl na maganda upang iassist kame papasok sa kanilang bodega. Andon kasi yun sasakyan ko. Last time kasi ay hindi pa ako sure at wala din stock nun kulay sakto naman na dumating na ito. Isang color black na Ford Raptor. Sobrang ganda nya sa mga mata ko. May bago na akong tatawaging baby 🖤.

Pagkatapos kong magfillup ng forms at magbayad ay agad akong sumakay upang idrive test ito. Ang ganda sarap iporma neto. Sobrang saya ko talaga.

Pagkatapos kong icheck lahat ay pwede ko na itong iuwe, siyempre pwede ko na itong idrive dahil marunong naman na akong magmaneho. Medyo nakakapanibago lang yun taas niya pero overall, smooth.

Nagpasalamat muna ako kay tol jeff bago kami maghiwalay dahil pupuntahan pa nya ang kanyang irog.

Ako naman ay dumiretso na sa apartment. Kahit naman excited na ako ay hindi naman ako sabik na sabik umalis. May kailangan pa din kasi akong asikasuhin para naman sa bago kong lilipatan na bahay.

Pagdating ko sa bahay ay inayos ko lang ang parada ng aking sasakyan at pumasok na. Ala una na pala ng tanghali kaya pala inaantok na ako at nakaramdam na ng gutom. Magoorder na lang siguro ako ng lunch ko. Hindi na kasi kami nakakaen kanina dahil sa pagmamadali.

Pagpasok ko ng bahay ay may tumatawag sa phone ko kaya naman sinagot ko agad ito. Tungkol pala sa kontrata ng bahay at mga documents din na kailangan kong ipasa. Once daw kasi na makumpleto ko na yon ay pwedeng pwede na ako lumipat. Kaso madami pa din akong kailangan bilhin at ipagawa. Kailangan ko pa din humanap kung saan ako makakabili ng mga furniture na babagay sa design ng bahay ko kasama na din ang mga appliances. Sana ay may matira pa sa ipon ko kung sakali.

Willing naman si jeff na pahiramin muna ako kaso ay tinangihan ko na ito dahil sobrang laki na ng naitulong niya sa akin, pwede ko naman sigurong unti untiin ang pagbili ng mga gamit para don. Ang mahalaga naman ay matutulugan at magagamit ko lang sa araw araw.

Habang kumakaen ay bigla ko naalalang tignan kung nag seen na ba si kelsey sa msg ko sa kanya kagabi. Binuksan ko ang fb ko at nagpunta sa msgs. Hinanap ko ang kanyang pangalan saka ko ito binuksan. Hindi pa niya sini-seen. Baka busy siya pero wala naman pasok today. Kausap ko ang sarili ko.

Tapos na akong kumaen at nakapag wash na din ako ng plates. Balak kong matulog muna at magpahinga. Kaya naman nahiga na ako sa aking kama. Nakatitig lang ako sa kisame at nagiisip. Na mimiss ko na si Cath, kamusta na kaya sya? Ang tagal na din pala ng nakalipas. Dinama ko ang aking puso, feeling ko naman ay naka moveon na ako sa kanya at  mukhang handa na din naman ako kung sakaling muli kaming magkikita.

Kinuha ko ulit ang phone ko at binuksan ang messenger, balak kong kulitin si kelsey ngayon haha. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero masaya akong makausap at makita  siya siguro ay saka ko na lang aalamin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon